Kabanata 39

Kabanata 39

White Dress

"Happy 70th birthday Lolo!" humiyaw ako kasabay ng pagbubukas ng napakaraming ilaw at pagputok ng mga party poppers. I saw my Lolo's teary eyes when he took of the blindfold.

Mangiyak-ngiyak na niyakap siya ng mga anak. They laughed and share some jokes before we are called.

Naiiyak na den kami ng nilapitan at niyakap si Lolo. Agad ding tinawag ang nurse ni Lolo dahil sa pag-iyak nito. Nagkakagulo na ang buong Frontalio dahil sa nagaganap na party. Panay ang bati namin kay Lolo at halik sa kaniyang pisngi.

"I wish to have a long and healthy life like Papa." humalakhak kami sa litanya ni Tito Almardo.

"Papa, I know I've been so bitter and selfish to leave you here..." humikbi si Tita Alessandra, tinutukoy ang pag-alis niya noong mga panahon na nawala si Eco. "But I'm glad you're not angry."

"Lolo, I don't have anything to say but this... you are old enough, I'm not saying you're getting weak, But I want you to let go of the politics and live the rest of your life relaxing and enjoying it." napahikbi ako at pumalakpak sa sinabi ni Kuya.

Lahat kami ay nagbigay mensahe kay Lolo. Madilim at lubog na ang araw ng magdinner kami. Nilibot ko ang paningin at mas tumingkad ang mga ilaw na isinabit at isinaboy sa bawat sanga ng puno na narito, dagdag mo pa na malapit at kaharap nito ang baybayin kaya mas maganda at relaxing an ambiance.

Panay na ang daldalan at uyuhan nila Aldrey sa pag-iinom na pinayagan naman nila Tito. Samantalang ako ay pilit na nililibot ang tingin sa paligid.

Matapos naming maligo sa beach at mag try ng ibang activity ay bumalik na kami sa Pristine Hotel. At doon nga nangyari ang surprise kay Lolo. At ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan si Orsovius! He disappeared!

"Looking for him?" tanong ni Eco sa aking gilid. Tumango ako at kinuha ang kopitang may laman na alak. Nilagok ko iyon bago nilingon siya.

Basa ang kaniyang labi at namumula na ang pisngi. "I'll just go to the shore..." he nodded and a ghost of smile appeared on his lips matapos niyo'n ay may nilingon siya sa malayo bago umiling at tumawa.

Nawirdohan ako sa inakto niya ngunit nagkibit balikat na lamang. Malamang ay ganyan siya dahil sa napadami na din ang inom.

Humampas sa akin ang malamig na hangin. Damang-dama ko din ang pinong-pinong buhangin na dumidikit sa aking mga paa. Hinubad ko ang tsinelas na suot. I giggled when I felt the tickling fine sands of this beach. Humakbang ako palapit sa baybayin at ng humampas ang alon ay nabasa agad ng tubig ang aking paa. The peace and calmness spread on my system.

Suminghap ako at tumingala sa langit. Wala ang buwan at mga bituin, malamang ay uulan. Hindi ko matanaw ang kalatuan ng dagat kaya naman ay naglakad-lakad na lamang ako sa dalampasigan.

Natatakot ako. Orsovius is probably not here because he's calling Tita Leana, arranging our meeting. Kinakabahan dahil baka hindi na siya iyong ina na nakilala ko dati. Pumikit ako at bumuntong hininga.

"What are you doing here, Miss?" napatili ako ng may mag-angat s akin sa buhanginan. Napahawak ako sa matitipunong braso ng nag-angat sa akin at kumawag.

"You're scaring me!" tili ko at agad na hinampas ang braso niyang nakapulupot sa akin.

I heard him smirking before walking away from the shore, sa isang kamay ay bitbit niya ako at walang hirap niya namang hawak ang hinubad kong tsinelas sa kabila.

"You're scaring me too. Walking on the shore knowing it's dark and dangerous." umirap ako sa litanya niya at suminghap ng hinawakan niya ang aking hita at dahan-dahan siyang umupo sa ilalim ng niyog kung saan may mga nakasabit na pailaw.

He carefully placed me between his thighs. Itinaas niya ang tuhod at kinulong ako gamit ang mga brasong nakayakap mula sa likuran. Naramdaman ko ang matigas niyang dibdib ng sumandal ako dito. His hot breath and aristocratic nose sticking on to my cheek. I sighed, contented at our position.

"Saan ka galing kanina?" I asked interrupting the silence of the night.

"I talked to Mom..." kinabahan ako at lumunok sa sinabi niya.

"And?" pinaglaro niya ang ilong sa aking pisngi at ang kamay niya ay umakyat pataas.

"They're coming here..." parang wala lang sa kaniya ang sinabi dahil abala ito sa pagtatanim ng halik sa aking pisngi samantalang ako ay nagulantang at agad siyang nilingon.

"I thought you'll set a date?!"

"She decided it with Dad." malalim ang titig niya sa akin at seryoso ang tono. Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Muli akong sumandal sa kaniyang dibdib at siya naman ay bumalik sa ginagawa.

"Fine... but if that happens, baka maabutan pa nila dito sila Lolo." pang-iimporma ko. Tumango lamang siya at muling humalik sa akin. I giggled at his action.

Nagising ako ng umaga dahil sa pagbukas ng pinto mula sa banyo. Kinusot ko ang mata at nakita ang nanlalaking mata nila Ryza. I looked at them and was about to stand up pero umiling siya sinbing maaga pa at pinahiga muli ako. Still sleepy, I nodded before drifting to sleep again.

Siguro dahil pagod sa mga activities noong araw na iyon ay matagal-tagal ang aking itinulog. I woke up smiling, walang pakealam sa oras. I stared at the ceiling and directed my eyes on the balcony. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pag-aagaw ng liwanag at dilim.

Napabalikwas ako ng bangon at nagulantang ng makita ang pigura ng isang babaeng nakaupo sa sofa at matamang nakatingin sa akin.

"Tita..." pinilig ko ang ulo at kinapa ang mukha. "Madame Zallejos!"

Tumayo ako at agad bumaba ng kama. Wala na roon ang dalawa kong pinsan! Muli kong binalingan ang Mommy ni Orsovius habang inaayos ang damit at buhok. Nag-init ang pisngi ko ng mapansin ang pagiging pormal ng kaniyang suot samantalang ako ay kakabangon pa lang mula sa tulog!

"Hanes..." I shivered hearing her cold voice. Lumagapak ang tingin ko ng makita ang pagtayo niya. I clenched my clothe. Damn it.

"I didn't know y-you're coming po, Madame." umangat ang tingin ko ng makita ang pag-upo niya sa kama. I gasped and sat next to her dahil tinapik niya ang tabihan.

"You didn't inform me that you're already at the country, too."

Nangilabot ako at natakot sa maaaring patunguhan ng usapan. Baka pabalikin niya ako sa Europe dahil ayaw niya ako dito. My heart aches.

"O-opo... I'm still t-thinking if I'm staying here for g-good..." napapikit ako ng maalala si Orsovius. He proposed to me.

"Decide now, ija. You're not planning to leave my son again, right?" lumambot ang tinig niya sanhi ng pag-aangat ko ng tingin. I saw how pain passed her eyes at nanubig din ito.

"Tita..." my voice cracked. Habang nakatingin sa kaniya ay naalala ko ang mata ni Orsovius.

"When you left years ago, hindi ko kailanman nakitaan ng galit ang anak ko dahil sa pag-alis mo. He became workaholic. He conquered the business world and erase the Oane in it..." napalunok ako sa bagong impormasyon. "Nalaman kong hindi siya nagalit sa'yo kundi sa dahilan ng naging desisyon mo. Walang-awa niyang binura ang lahat ng kayamanan ng Oane at pinagtrabaho niya ang nag-iisang anak nito para maipamukha niya kung gaano niya hindi nagustuhan ang ibinalik nito sa kabila ng pagtulong niya."

I gulped. That's why Jewel is working for him... imbes na patakbuhin nito ang firm nila!

"He would always, always go abroad. I know my son, isa lang ang pinupuntahan niya... Europa lamang, ija. Ikaw ang pinupuntahan niya." tumambol ang puso ko at ngayon pa lamang ay gusto ng lundagin ng yakap at halik ang kaniyang anak.

"As much as I want to loathe you for leaving him on your engagement party years ago, I can't. You're just a teen fraud by love. Now Hanes, please don't leave my son. He loves you so much. He spend his life watching you grow."

Naantig ako at sunod-sunod na tumango habang naglalaglagan ang mga luha.

"Call me anything not just Madame..." aniya at pinalis ang mga luha sa kaniyang pisngi. Kumirot ang puso ko hindi dahil sa sakot kundi sa saya. Sobra ang kasiyahan ko dahil akala ko ay hindi na niya muli ako matatanggap dahil sa ginawa ko sa kanila.

Nagpaalam siya at niyakap ako bago lisanin ang kwarto. Tulala at hindi pa napoproseso ang nangyari ay pumasok si Ryza at Franz. They smirked at me.

"Congratulations!" niyakap din nila ako kasunod noon ay nagpakita si Mommy at mangiyak-ngiyak na lumapit sa akin.

"I love you, anak." kumunot ang noo ko at natatawang ibinalik ang kaniyang maiinit na yakap. Pinaligo nila ako at sinabing mayroong intimate dinner kaya magbihis ako ng maayos. I rolled my eyes at Ryza and Franz when they put a white long dress on my bed.

"Can't I wear shorts? Puro na ako dress this past few days!" umismid sila sa reklamo ko.

"Dinner not party, Hanes. Bilisan mo at magbibihis na din kami!"

Nakaligo na kase sila at ako ay maliligo pa lamang. I scoffed and take a quick bath. Nadatnan ko sila doon sa may harapan ng vanity na tinatapos na ang make up. Compared to my white dress, ang suot nila ay kulay light blue na beach dress din. Ngumuso ako at nagpatulong sa kanila na isuot iyong akin.

"Bakit parehas kayo? I also want blue!" they laughed at me.

"Ubos na iyong nabilhan namen! Hayaan mo na." saad ni Franz at isinaksak iyong blower.

"Kami muna ang mag-ayos sa mukha mo, just like the old times." ngumiti ako sa sinabi ni Ryza.

Nalibang ako sa mga kwento at pagbabalik tanaw namin noon habang inaayusan nila ako. They curled my hair and put some light make ups. Kagaya ng sabi nila, ay ginawa na naman nila akong eksperimento dahil sa OA ng paglalagay nila ng palamuti sa aking buhok.

"Ang dami ko namang accesories!" singhal ko. Ngumiti lang sila at pinasuot sa akin ang isang white sandals. Iniharap muli nila ako sa salamin at pinagkatitigan.

"You changed a lot." bulong ni Franz at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"I will always miss you, baby cous. We love you forever." naluluha si Ryza at agad na akong niyakap ng dalawa. Confused, sinabayan ko na lamang ang trip nila.

We headed on the elevator at kataka-taka na imbes sa restaurant ay doon kami sa beach nagtungo. Saka ko lamang napagtanto ang mga nangyayari ng makita ang mga pamilyar na mukha roon na nakangiti habang nakatingin sa akin.

I gasped and my hands fly to my mouth. Nanubig ang mga mata ko at sumikip ang dibdib. My heart pounded ruthlessly as I roamed my eyes on the place. Isa-isa ng bumagsak ang mga masaganang luha ko ng makita ang ayos ng venue.

"Ryza! What's this?" pumiyok ako ng nalingunan sila na tumatawa habang nagpupunas ng luha.

"Glad that's a water proof make up."

"Mommy! Daddy! Kuya! Ano ito?" tanong ko ng lapitan nila ako. Niyakap ako ni Kuya at hinalikan sa noo ganoon din si Dad.

Naluha muli ako ng igiya nila ako sa isng isle na puno ng petals ng red rose. Sa dulo noon ay ang papalubog na araw at ang lalaking nakasuot ng puti at manipis na polo. Nililipad ng hangin ang kaniyang buhok at damit. I gulped and heard my heart shouting his name.

"Orsovius..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top