Kabanata 35
Kabanata 35
Palawan
Ngumiti ako bago kamayan si Mr. Olivar. He smiled and nodded his head. Siya ang may-ari ng OC Furniture Company na kinuhanan ko ng mga gamit. Sikat siya at ang makaharap siya ngayon ay isang karangalan dahil sa hindi lang itong Furniture company ang hinahawakan, mayroon din silang mga firms and businesses.
"Thank you so much, Sir!"
"Too formal Miss Hanes." aniya at sumalyap sa katabing table sa malapit. I glanced sideways too and saw Orsovius' eyes narrowing at our hands. Bahagyang natawa si Mr. Olivar at inalis ang pagkakahawak sa aking kamay.
"So damn possessive." umiling pa siya at nginisian ako. "Anyways, just email me for some additional requests."
Tumango ako at ngumisi na din. Humilig siya ng kaunte at narinig ko na agad ang pag-isod ng upuan mula sa kabilang table.
"And you know... some favor if ever that ass hurt you."
"I'm certain business meetings doesn't need much physical contact." matigas at baritono ang kaniyang tinig. Lumayo na si Mr. Olivar at tinapik ang balikat ni Orsovius.
"Yeah. Got to go man, bye!" sumulyap pa siya at hantarang kumindat sa akin na mas nagpaigting sa panga ni Orsovius.
He possessively seat beside me and snake his arms on my waist after throwing the man's back a death glare.
"That jerk." may galit sa kaniyang boses at nang tingnan ako ay puno ng pagseselos ang mukha.
Natawa ako at sinara ang laptop bago sumipsip sa aking frappe. I looked at him and saw his pouting lips while watching me.
"What?" I asked almost chuckling. He leaned in and kissed my lips. I blushed and quickly surveyed the whole cafe.
Buti na lang at kakaunti ang tao sa parte namin!
"Hmm. I think caramel will soon be my favorite flavor here." umirap ako at tinampal ang matigas niyang dibdib.
"Shut up. Ang dami daming tao!" singhal ko. Mas lumapad ang kaniyang ngisi at bahagyang natawa.
"Kapag maunti pwede?"
"Orsovius!" natawa na din ako sa kaniya. We spend the day with him following all my meetings with the supplier and flirting with me after it. Suminghap ako ng bumalik kami sa office.
Nandoon pa din ang mga titig pero binalewala ko na lamang iyon. Sabagay, it's no big deal for him. Pupunta pa sana ako sa aking opisina pero pinilit ako ni Orsovius na doon na dumiretso sa kaniya habang siya ay may sinasabi pa sa sekretarya.
I pouted my lips and opened his office door. Pinigilan ko ang pagsinghap nang makita si Jewel doon na nakaupo sa malaki niyang couch set at namumula ang mga mata.
Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumakbo at nagpalipad ng sampal sa akin.
"You mistress!" she shouted at top of her lungs. Namula ako hindi dahil sa sampal niya kundi dahil sa iritasyon at galit.
I looked at her swollen eyes. Ngayon ko na lang muli siya natingnan ng mataman. Her face matured enough. Ang kaniyang mga ilong ay namumula katulad ng kaniyang mga mata. Taas baba din ang kaniyang dibdib sa galit.
"Kabit ka! Palagi ka na lang talagang sumisingit sa amin ano? You pathetic child! Wala kang pinagbago. Akala ko ba iiwan mo kami? Bakit bumalik ka pa!" sigaw niya. Hindi masakit ang sampal kundi yung mga salita niya.
Nangilid ang luha sa aking mata. Hindi ko alam kung guilty ako kaya hindi ako makaimik o ayaw ko umimik dahil hindi ko na alam ang totoo sa mga naririnig na salita. But one thing's for sure, guilty man ako o totoo ang mga sinabi niya, I'm going to speak out for myself.
Ang kaninang tulala kong ekspresyon ay pinalitan ko ng malamig na tingin. I eyed her while fixing my posture and caressing my cheeks.
"Is that it?" I asked mockingly. "Kung sasampal ka, lakasan mo na, hmm?"
Huminga ako ng malalim at pinutol ang tangka niyang pagsasalita. I would fire words without any knowledge that it is true or not just to protect my last string of ego.
"First, Jewel, you are the mistress here. Kita mo kanina sa lift? He didn't even look at you!" pagak akong natawa. "And what are you doing in his office? Naglalako ng puri? I wonder kung gaano ka na kaluwag kakaintay sa kaniya na gamitin ka but in the end, he'll still wait for me and you... syempre maghahanap ng pupuno sa uhaw. At hindi ako sumisingit sa inyo dahil una pa lang wala nang kayo, so wake up from your dream's girl. Nakakamatay sa sakit yan! At mas lalong nakakamatay iyan kapag hindi mo pa ipinagamot!"
Tinalikuran ko na siya at mabilisan ng lumabas sa lintek na opisinang iyon. Fuck. Heto na naman ako, tatakbo na naman. Pero ngayon, I won't run away with tears.
Nakasalubong ko si Orsovius na agad akong binigyan ng isang nakakatunaw pusong ngiti. Agad kong naramdaman ang pagtarak ng milyon-milyong kutsilyo sa aking dibdib. How can I run away? How?
Imbes na makaramdam ng galit ay sakit na lang ang natira sa akin. I've always knew he's a man of his words. Man, of honor. He can't lie to me. And he didn't lie to me years ago dahil hindi naman ako nagtanong tungkol sa kanya at kay Jewel. I never ask. All I do is conclude and decide and that resulted to my stupid decisions years ago.
Tiningnan ko ang mga mata niyang punong-puno ng kislap at sa saglit na pagkakataon ay para akong ibinalik sa araw ng aking debut. Noong panahong isinayaw niya ako at pinatakan ng halik. My heart pounded hard.
I realized it wasn't him. I am the problem here. Ako at ang mga pagdududa ko, because no matter how much you wanted a perfect relationship, it would always end up getting fucked by you, your partner or the people around you.
Na hindi si Orsovius and natukso ni Jewel kung hindi ako. Nagpadala ako sa mga kasinungalingan niya, na hindi ko naisip kung gaanong masasaktan ang lalaking dapat ay siya kong mas pinaniwalaan.
"You okay? I told you to wait for me there." he smiled naughtily. I rolled my eyes heavenward and can't help the smirk on my lips.
Hindi ako tatakbo at hindi ko ipapaubaya si Orsovius kay Jewel hindi tulad dati, mas napag-isipan ko na ang dapat kong gawin ngayon.
"May kliyente ka roon sa loob. Sa office ko na lang ikaw iintayin." I smiled sweetly before kissing his cheeks and giving him a hug. I immediately felt his arms encircling on my waist.
Nagulat pa siya roon pero ngumisi din na tila nanalo sa kung ano at hindi nakontento ay sa labi ko na humalik.
"Alright, wait for me baby." I shivered at his husky bedroom voice.
Pinakawalan na niya ako at pinagmasdan ko siyang pumasok ng opisina. Lumingon pa siya at tinaasan pa ako ng kilay, I cutely waved at him before he closed the door.
Nang masarado na niya ang pinto ay saka lang nahulog ang aking puso. I heaved a sigh and walk towards the lift.
I've decided to let them talk and clear the things between them first. Pagkababa pa lang ng lift sa ground floor ay gusto ko ng tawagan ang nga pinsan ko pero nakita ko na agad ang van nila Aldrey sa harapan.
Nakasandal doon si Nikolai at Aldrey habang parehas nakasuot ng wayfarer, abala sa mga dumadaang babae. Sila Aiden at Nikolas naman ay abala sa pagkausap sa cellphone. Kuya is also present standing beside Eco, Nikaison and Cifran. Napangisi si Ryza at Franz, ang tanging nag-aabang lang sa akin sa may entrance, nang makita ang gulat sa aking mukha.
"What the hell?" I muttered when I reached them. Natawa si Ryza.
"Let me guess, hindi ka na-inform?"
I nodded and looked at my complete cousins. Agad akong niyakap nila Aldrey. They even kissed my cheeks at sinamaan ng tingin ang mga nakitang lalaki na nakatingin sa akin.
"Ang sarap talaga manuntok." bulong niya na iniirap ko na lang. Mabilis lang ang batian dahil agad na nila akong pinasakay sa dalang van.
"Kuya! What's this?" tanong ko nang makaupo sa dulong pwesto sa likuran. Dumungaw pa ako sa upuan nila Cifran.
"I forgot to tell you. Masyado kang busy sa boyfriend mo." masungit niyang saad at mabilis na nagsipaling sa akin ang masasamang tingin nila Nikolai.
"What?"
"Ano baby cous!"
Napairap ako at nakangusong umupo ulit. I heard Ryza's chuckle and Franz' sighed.
"My new make-up set!" Ryza squeled beside me.
"Oo na!"
"Ano 'yan?" usisa ko.
"We just made a bet about you and Orsovius getting back together." tamad na saad si Franz. Napairap ako.
"I feel betrayed!" simangot ko at tumingin sa unahan. Si Aiden ang nasa unahan at nagdadrive na katabi ni Kuya. Sumunod naman ay si Nikolas, Aldrey at Nikaison. Sunod ay si Eco, Cifran at Nikolai bago kaming tatlo.
"Hindi ba makakapunta sila Tita Alessandra, Eco?" tanong ni Nikaison.
"Nah. I think they'll attend."
"Mabuti naman at makokompleto tayo!" napatawa pa si Kuya.
"Ano ba yo'n?" iritado kong tanong. Naghagikhikan sila.
"Really baby cous?" nang-aasar na tanong ni Nikolas.
"We're going to have a surprise party for Lolo! Remember his birthday? We'll be celebrating it in Palawan!"
Napanganga ako at agad na nataranta. It only means one thing... mawawala ako ng ilang araw! Sa sobrang gimbal sa mga nangyayari ay saka ko lang napag-alaman na wala akong dala ni cellphone dahil naiwan ko iyon sa sasakyan ni Orsovius!
"Palawan here we go!" pakanta pang sabi ni Cifran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top