Kabanata 34
Kabanata 34
Duties
Tahimik ako nang makapasok sa lift. Ito na yata ang pinakamatagal na biyahe ko sa loob nito. I can't help but glance at Jewel who's wearing a furious and controlled face. Nakasulyap siya sa amin ni Orsovius sa salamin ng elevator.
And the brute, Orsovius, didn't bother taking off his arms on my waist!
Tumikhim ako at bahagyang gumalaw papalayo sa kaniya ngunit mabilis niya akong pinirmi sa kaniyang tabihan. Nilingon niya ako at marahang bumulong sa aking tenga.
"Stay still, baby." his minty breath fanned my cheeks at mabilis akong pinamulahan.
Umirap ako at saktong bumukas ang elevator. Mga singhap ang narinig ko sa mga bagong pumasok. Kumpol iyon ng mga empleyado na galing yata sa ground floor.
"Goodmorning Sir!" matapos ng mga bati nila ay kulang na lang marinig ko ang boses ni Eco na ginagaya ang tunog ng mga kuliglig.
Tahimik sila pero pakiramdam ko ay isang kalabit ko lang ay agad babaha ang mga tanong nila. Nang marating ang kanilang floor ay bumaba agad sila at nagpaalam. Naiilang pa sila ng tingnan ako at si Jewel.
Of course! Malay ko bang ang alam nilang partner talaga ay si Jewel at Orsovius. And now, bigla akong sisingit? Bumukas ang lift at narinig ko na ang pagbati ng iilang empleyado maging ng sekretarya niya sa amin at wala pa ding pakealam si Orsovius.
Nakatitig lang siya sa akin sa gilid ng mata habang nilalakbay namin ang daan sa aking opisina. Agad na nag-init ang ulo ko nang maalala na iyon ang dating opisina ni Jewel!
I stopped and faced Orsovius. His forehead knotted and he quickly surveyed my face, finding my annoyance.
"What's the problem?" marahan niyang tanong. Ang kaniyang mata ay puno ng pag-iingat.
"Dito na ako. Just go to your office." saad ko at mabilis siyang tinalikuran. Pabagsak kong sinara ang pinto bago umupo sa aking swivel chair. I heard his knock at agad kong narinig ang pagbukas ng pintuan.
"You're annoyed." litanya niya at pumunta sa aking harapan. Kalas na ang tatlong butones ng kaniyang puting long-sleeved at maluwag na din ang neck tie. "Please tell me..."
Nang-aakit ang kaniyang boses at halos sumabog ako sa iritasyon nang makita ang pag-ikot niya patungo sa aking kinauupuan. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa gilid ko bago ilebel ang kaniyang mukha sa aking tenga.
His nose touched my ear and I heard his deep sigh. Pinatakan niya ng isang halik ang aking pisngi. Kumalabog ang puso ko.
Great! Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang pinagmulan ng aking iritasyon. Napapikit ako ng muli niyang ulitin ang halik palapit sa aking labi.
"Please..." he kissed the skin near my lips. "Tell me..." he planted a fast kiss on my lips. "Your thoughts..." ngayon naman ay matagal ang halik niya ngunit mababaw. Inangat niya ang baba ko para mabalik ang tingin ko sa kaniyang mata.
His dark eyes glistened while looking at me. Malalim niya akong tiningnan na parang hinahalukay niya ang buo kong pagkatao. I feel naked in front of him.
"Orsovius..."
"Baby, I want to know what's going inside of your beautiful mind. I'll go crazy thinking about your thoughts." madamdamin niyang sabi bago muli akong halikan.
Napaliyad ako at agad na lumipad ang kamay sa kaniyang malapad na balikat patungo sa kaniyang batok para mapigilan ang mapangahas niyang pag-atras.
He deepens the kiss and quickly lifted my body, pushing it to his. Nag-init ako nang maramdaman ang pagsalo niya sa aking pang-upo. He muttered a soft curse before walking to the couch.
"Damn. I should have placed a bed here." his low baritone voice boomed while chuckling.
"Orsovius!" nahiya ako dahil imbes na maging reklamo ay naging tunog pagsusumamo iyon. He groaned and sat on the couch.
Nanghina ako ng humiwalay siya sa halik at mataman akong tiningnan gamit ang namumungay na mata. His eyes drifted to my lips. Lumunok siya at nahihirapang nagmulat bago tingnan muli ako sa mata.
I still remember how he looked at me back in those days. The way his eyes will twinkle every time he is looking at me. At ngayon nakikita ko ulit ito sa kaniya.
"Tell me... why did you leave me?" madilim at puno ng sakit ang kaniyang boses. Kumislap din ang mata niya ng dahil sa pamumuo ng luha. Nag-iwas ako ng tingin ngunit agad niyang hinawakan ang aking baba at pinirmi ang tingin ko sa kaniya.
"Baby..." he called me. Para iyong gatilyo sa aking dibdib. Mabilis itong tumambol kasama ang pinong mga kurot. Namuo ang luha sa aking mata hanggang sa tumulo ito isa-isa.
Alam ko, kahit na umalis ako dati, hindi noon natanggal ang bigat sa dibdib ko. I carried all the pain all by myself. I never dared tell my friends about it. Not even my cousins. Brother and parents. Sa loob ng mahigit ilang taon, sa kabila ng mga nakamtan ko, I never felt the happiness I want to feel. I never felt the contentment to myself because of that. At ang maisip na ilalabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kaniya ay nakakatakot.
Humikbi ako ng maalala ang nangyari mula ng araw na iyon.
"I-I saw you..." pumiyok ako at agad na nagsilaglagan ang mga bagong maiinit na luha. Kinagat ko ang labi ng maramdaman ang magaspang at malaki niyang daliri na humaplos sa aking pisngi, pinupunasan ang mga basa.
"You saw me where, baby?" malambing niyang tanong.
Pumikit ako. "I saw you taking out Jewel things out from your condominium unit. I did mean to eavesdrop. Narinig ko na matagal kayong nagsama. You let her in. Without informing me." kumawala muli and isang hikbi at naramdaman ko ang pangangatal ng aking mga kamay.
I opened my eyes revealing Orsovius' bloodshot eyes. "I felt cheated. I thought we're..." umiling ako. "But I guess it's Jewel you wanted. Kaya minabuti ko na lamang na umalis. Para makapagsimula kayo."
Nakita ko ang pagpikit niya at ang pagkagat niya sa labi. "Damn. I don't know I'll fall over and over again to you..."
Kumunot ang noo ko ng magmulat siya. Kinusot ko ang mata at tinakpan ang mukha. I probably looked like a mess! Nakakahiya.
He chuckled and caressed my cheeks. "I want to get mad at you for leaving me, baby. Pero hindi ko kaya... you've grown so much even before you left me."
"I love your principles, woman. Can you please catch me?" nangingiti siya samantalang ako ay nakanganga lamang sa kaniya.
May biglang kumatok sa pintuan kaya mabilis akong umalis sa kaniyang hita at inayos ang tumaas na dress.
"Come in!" sigaw ko at dumiretso sa aking swivel chair. Si Orsovius ay nakangisi lamang doon sa may couch at nakahilig ang kaniyang ulo at nakapikit.
"Miss Hanes, I already arranged the meeting you want to the furniture company." tumango ako at pinasadahan ng tingin ang mga folder na nasa table ko.
Nakalimutan kong ngayon ko nga pala pupuntahan ang mga kompanya na kukuhanan ko ng mga gamit na ilalagay sa bawat unit! Kasalanan to ng lalaking yo'n masyado niyang kinukuha ang atensyon ko. Inilapat ko ang tingin kay Orsovius.
He's smirking while playing with his lips and looking at me. Nakaupo pa siya ng pandekwatro. Umirap ako at tumayo na.
"Doon ka na sa opisina mo! I'll be meeting with my supplier." saad ko.
Imbes na pumunta sa office niya ay nilingon niya ang kaniyang sekretarya na ngayon ay naguguluhan sa aming sitwasyon at inutusan.
"Cancel all my appointments and meetings for today." saad niya at tumayo na din.
"Yes sir."
"What?"
"I'm going to join you for today."
Nalaglag ang panga ko at natigil sa paglilikom ng mga gamit.
"Come again?"
"I'm your boyfriend and I must fulfill my duties to my girlfriend." then he smiled sweetly, making my crazy heart went crazy all over again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top