Kabanata 33
Kabanata 33
Elevator
Tumigil ang sasakyan sa gate ng village. Orsovius rolled off his window and when the guards saw me, they opened the gate and salute to him.
Nakasandal lamang ako doon at nang makita ang mansion namin ay tila nabunutan ako ng tinik at agad na inatake ng pagod. Infront of our gate are my parents and brother. Nang makita ang paparating na sasakyan ay nakitaan ko ng gulat ang mga mata nila Mommy.
"Thanks..." I muttered without glancing on him. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng mabilis na lumabas at umikot si Orsovius para buksan iyon para sa akin.
I saw how curious my parents' stare are. Humarap ako kila Mommy at ngumiti pero mas nalibang sila sa pagtingin sa kung sino ang nasa likuran. Heat enveloped me from behind at halos lamunin na ako ng lupa ng gumapang ang matitipuno niyang kamay sa aking bewang.
"Hyrum!" gulat at nakangiti na saad ni Dad. Narinig ko ang baritonong pagbati niya sa mga magulang ko.
"Y-You're here! With... our daughter." ngayon ay parang hindi makapaniwala ang tono ni Mommy.
Lutang at hindi alam kung ano ang gagawin, nilingon ko ang nasa likuran at pagod na tiningnan. "I'm tired."
Tumango si Orsovius at binasa ang kaniyang labi bago lingunin ang aking mga magulang.
"Good evening Tita, Tito. Sorry for the sudden visit, inihatid ko lang si Hanes. She's tired and she should rest."
A hollow space took on my stomach as I looked at him talking to my parents. Tumango ang mga magulang ko at tiningnan ako. Parang ngayon lang napansin.
"Ija! Hindi ba't ang usapan ay hindi ka muna maglala-labas?" pagod akong tumango. I kissed their cheek including Kuya who's looking at me with displeased eyes. Muli kong tiningnan si Orsovius na hindi man lang tinatanggal ang mga mata sa akin.
"You should go now. Salamat ulit,"
Hindi ko na inantay pa na may idugtong ang mga magulang ko at umalis na doon. Mabilisan akong naligo at nagpalit ng pantulog. I looked at myself while combing my hair. Napatitig ako sa aking nakaawang na labi at bahagyang hinaplos ito.
"You are my girlfriend even after you left me... on our engagement."
My lips rose mimicking what Orsovius said. Does that mean he's still my boyfriend? Kumunot ang noo ko sa naisip at bahagyang natawa. Damn it! Akala ko ba ay pagod na ako? Bakit mayroon pa akong oras para isipin ito? Napailing ako at bumaling sa cellphone na ngayon ay tumunog.
I sighed and looked at it.
Unknown number:
Rest well, Hanes. We'll talk tomorrow, I'll pick you up.
Confused, I was about to text a reply and asked who it is but another message came.
Unknown number:
Save my number, baby. - your boyfriend
Napangiti ako at hinampas ang unan ng ilang ulit. Conflicted on should I reply or ignore him but I chose the latter one. Pinatay ko ang cellphone at humiga na ng ayos sa kama.
Pagod dahil sa mga nangyari o sabik para bukas hindi ko alam pero mabilis akong nakatulog. Napamulat ako kinaumagahan at halos saktan ang sarili sa taas na ng sinag ng araw. I quickly fixed myself at didiretso na sana sa banyo ng may kumatok sa pintuan.
"Anak! Gumising ka na at kanina pa narito si Hyrum!" I heard mommy's excited tone kaya halos hindi ako magkandaugaga sa pag-aayos ng sarili. Napahawak ako sa ilalim ng baba habang namimili kung ano ang susuotin. Should I wear a tube? Formal dress? O office attire?
Pinili ko iyong dress na maroon na mayroong mahabang zipper sa likuran. I partnered it with a black pumps bago ayusan ng kaunti ang mukha. I looked at myself and my body looks like a mature one. Curvy. Kung mayroon man akong nagustuhan sa aking mga pinagbago sa nagdaang taon, iyon ay ang pagbulaklak ng aking katawan.
Lumabas ako ng kwarto at nasa grand staircase pa lamang ay dinig na ang mga halakhakan. Huminga muna ako ng malalim. You need to act like a mature girl you are, Hanes. Hindi tulad kahapon na umiyak ka, face him with a strong facade. Tumango ako, kumbinsido sa sarili.
Somehow, the talk yesterday made me feel a bit light. Kahit na sinabi kong ayaw ko munang marinig ang eksplenasyon niya ay nagpatuloy pa din siya.
"You went there, huh? Dapat ay pinatpos mo ang usapan, Hanes." Tila galit siya at iritado. "Jewel is mentally unstable; she was diagnosed with a mental illness and she was obsessing about me. Her hallucinations got worst and thought that I was staying with her the whole time... which I will never do because I am busy learning the company and taking care of my baby,"
The sound of my pumps echoed on the sala and the laughter stopped when I enter the dining area. Napatingin sa akin ang mga magulang ko at si Orsovius na bahagya kong nilingon, nakataas ang kilay habang walang hiya na hinahagod ako ng tingin. I blushed but remained stoic.
Binati ako ng magulang at hinalikan ko sila sa pisngi. Masigla ang mukha nila Daddy at Mommy habang si Kuya naman ay matamang kumakain.
"Yes! Pakibati din ako sa Mommy mo. Mukhang nalilibang sila sa pagbabakasyon, saan ba sila ngayon?"
"Switzerland, Tita." magalang na sagot ni Orsovius habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato. Inabot niya ang plato kung saan mayroong mga bacon at nilagyan ako noon.
"Oh! Nakapunta na din kami roon noong isang taon. Si Cassius ay hindi pa, si Hanes naman ay noong nagkaroon siya ng project roon." kwento ni Mommy.
I saw how his lips twitched and amusement sparks on his eyes habang nakatingin sa akin.
Yes Orsovius, I soar higher when I left. Naging kilala din ako, tulad mo, I build my own name on my own industry katulad kung paano mo binuo ang iyo mula sa lapag.
"That's good to hear, Tita."
Nagpatuloy ang kwentuhan at halos hindi makasubo si Orsovius dahil sa mga tanong nila Dad lalo na sa parteng negosyo.
The breakfast ended at bago kami umalis ay kinausap siya ni Kuya. I don't know what they talked about but for sure it's pure business lalo na at mas tumayog ang imperyo namin at ang kanila. Their real estate widens its connection dahil maging sa ibang bansa ay nakikipag ugnayan na ito!
Napaubo ako ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. The scent immediately invaded my system making my heart flip many times. Nag-iwas ako ng tingin ng makita ang pagpasok niya at ang maskulado niyang braso na humawak sa manibela. Ngayon ko lang din napagtanto na this is the newest version of Aston Martin, nakakalito lang dahil sa gayang-gaya noong sa dati niya.
He sighed and looked at me. I cleared my throat and looked at him with an arching brow.
"What? Just drive me to your company."
Tumango siya at kinagat ang labi na parang pinipigilan ang sarili na ngumisi. I saw how his Adams apple bobbed before roaring the engine.
Masyadong tahimik ang biyahe kaya naman ay nilingon ko ang kaniyang radyo. Napalingon din siya sa akin. Nagulat ako ng iminuwestra niya sa akin ang iPhone na nakakabit doon.
Tatanggihan ko sana kaya lang ay nakakabagot ang biyahe lalo na at traffic. Isa pa ay kuryuso din ako kung nagbago na ba ang mga kantang gusto niya. Oh, shut up! You just want to invade his phone, Hanes!
I hissed and take the phone. Nang buksan ko iyon ay wala ng password na kailangan. Hmm. Seems like he's allowing everyone to use his phone, huh? Nag-alab sa iritasyon ang aking sistema. Galit ang tingin sa phone, mas lalo akong nag-apoy ng makita ang kaniyang wallpaper!
"Sino 'to?" hindi ko na napigilan ang pagtatanong. My voice sounded so mad. Agad kong tinikom ang bibig at tiningnang mabuti ang litrato.
It's a girl's back facing the cam. Sa harap niya ay ang madaming city lights na nahaharangan ng isang glass wall. Bahagyang kinurot ang aking puso at madaliang pumili ng kanta at padabog na ipinatong ang cellphone sa ibabaw ng radio.
Sa gitna ng kanta ay nagsalita siya.
"Nakalimutan mo na?" his playful voice echoed.
Mas lalo akong nairita. Sino ba sa mga babae niya? Jewel? Si Jewel lang ang kilala ko! But, meron pa bago ko siya nakilala. O baka naman ay nung umalis ako ay hindi sila nagtagal ni Jewel at nakahanap siya ng iba? Oh God! I sound so pathetic.
Hindi ako umimik at mariing pinaglapat ang aking mga labi.
Narating namin ang parking ng Real Estate at mabilis kong kinalabit at tinanggal ang seat belt. Nagbukas ang pinto sa tabi ko at namangha sa bilis ng kilos ni Orsovius! He looked at me with his menacing eyes and bite his lips. Nang makalabas ay napatalon ako ng hawakan niya ang aking bewang at igiya sa elevator.
I closed my eyes. Damn. Ayoko na. Akala ko ayaw ko na makipaglaro sa kaniya pero heto ako at nakalapit sa apoy. Mula sa kahihiyaan noong nagdaang taon, ang kapal pa din ng mukha ko na makasingit sa relasyon nila ni...
Ang papasara ng elevator ay nagbukas dahil sa pagpindot ni Orsovius sa arrow. Nakita ko kung papaanong nalaglag ang panga ng babaeng nasa loob ng lift.
Dinamba ako ng nerbyos at kahihiyan. Ang makita si Jewel na nakanganga at namumulang nakatingin sa mga kamay ni Orsovius na nakapirmi sa aking bewang ay parang isang sampal sa akin.
Isa pa din akong batang nakikihati sa atensyon. Pinilit kong umalpas sa kapit ni Orsovius ngunit ng hapitin niya ako mas papalapit sa kaniya bago maglakad paloob sa elevator ay hindi na ako nakaangal pa.
"H-Hyrum... Hanes..." her voice broke with anger and pain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top