Kabanata 29
Kabanata 29
Embarrassment
Bitbit ang laptop at aking Gucci bag, malakas na ibinagsak ko ang pintuan ng kotse ni Aiden. Ibinaba niya ang bintana at inirapan ako.
"I love you baby cous, pero kapag ipinagpatuloy mo iyang pagbagsak mo sa aking ranger ay baka ikaw ang gawin kong pangharang di'yan." he sighed and motioned me to come closer to him. Mabilis niya akong pinatakan ng halik sa pisngi bago pinaharurot paalis ang sasakyan.
I deeply sighed before walking on the pavement of the Zallejos Forgencio Real Estate building. Kung kahapon ay nag-uumapaw ang confidence ko, ngayon na naman ay para akong inilugmok sa lupa. Wearing a white tube dress na humapit sa katawan ko na pinatungan ng isang black corporate blazer at isang black pumps, mabilis kong tinahak ang papunta sa lift. I'm so damn embarrass to even look at my new co- employees' eyes. Nang makarating sa office na dating kay Jewel, mapait akong napangiti. Pinaghandaan pala, Hanes?
I drowned myself to work. Ni hindi ko namalayan na ala-una na kung hindi lang kumalam ang tiyan ko. I already finished ten designs at sinigurado kong maari kong isampal sa mukha niya ang sinasabi niyang tema para sa mga teens at bachelors.
Hinilot ko ang batok at sentido nang biglang bumukas ang pintuan. I throw him cold stares as he strides towards me.
Ano ngayon ang ginagawa niya dito? Pero kahit ganoon ay hindi ko maiwasang purihin siya. His white long-sleeved polo perfectly hugged his arms. Napalunok ako nang bumaba ang mata sa kaniyang black slacks at bukol sa gitna ng kaniyang mga hita. Tumikhim ako at iniangat ang tingin sa madilim niyang mata na nakatuon sa aking kasuotan. Bahagya akong namula ng pasadahan niya ako ng tingin.
"What are you doing here, Sir?" I sarcastically said. His jaw clenched as he crossed his arms on his chest. "What can I do for you?"
"My secretary told me you didn't eat lunch." he trailed off and swallowed harshly. "Let's eat."
Tinapunan ko ng tingin ang laptop bago umiling. "Sorry to decline but I'm currently busy doing the eighty designs for the condominium tower, Sir." saad ko at muling tiningnan ang laptop.
Marahas siyang bumuntong hininga at napapaos na nagsalita.
"We'll eat here, then." nanlaki ang mata ko at aapila pa sana ng mabilis siyang lumapit sa aking table at halos matumba ako ng bahagya niyang ilapit ang mukha sa akin at pinindot ang intercom.
"Bring a lunch for two person and add a... lasagna." pinatay niya ang intercom at pinagkatitigan ang aking mukha. His eyes dropped on my bare shoulders. "Next time, don't wear just a piece of clothes. Nakukulangan ka na ba sa tela?" his minty breath touched my cheek at para na akong naduling sa lapit niya.
I quickly kicked under the table at mabilis na lumayo ang swivel chair sa kaniya. Pinakalma ko ang sarili but my stupid heart won't just stop hammering inside my chest. Tumayo ako at isinara ang laptop bago maupo sa couch. I crossed my legs and sighed before getting the magazine under the coffee table.
Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga at ang paglapit niya sa single sitter couch na katapat lang ng inuupuan ko.
"Paki-bilisan na lang Sir noong pagkain. I have things to do, many things." saad ko habang paulit-ulit na binabasa ang isang article na hindi naman rumerehistro sa aking isipan dahil sa nakaka-istorbo niyang presensya.
"Ganan ba ang suot mo araw-araw?" napa-angat ang tingin ko sa kaniya bago umismid at muling ibinalik ang tingin sa magazine.
"May dress code ba, Sir?" I asked sarcastically before peeking at him. Mabilis kong ibinaba ang tingin nang makita ang mariin niyang titig sa akin.
"Can you stop addressing me that way?" mariin niyang tanong. Kumunot ang noo ko at sasagutin na sana siya nang maramdaman ko ang paglubog ng gilid ko at ang pag-agaw niya sa magazine. He put it on the table and looked at me firmly. "Eyes on me, Hanes."
Napalunok ako. Nagkakasundo pa naman kami ng katawan ko nitong mga nakaraang araw pero ngayon ay parang iba na ang nagmamay-ari dito. Kusang umangat ang mukha ko at tumitig iyon sa itim niyang mga mata.
His dark soulful eyes bore onto me and I almost gasped when my heart beams louder. Oh no! Kung dati ay gusto kong marinig niya ang tibok ng puso ko para sa kaniya, hindi na ngayon dahil alam kong ako lang ang muling mapapahiya.
"What?" I asked with a bored tone kahit na nangangatog na ang mga kalamnan ko sa nerbyos.
Gumuhit ang iritasyon sa mukha niya at nag-umigting ang kaniyang panga. "You can just pass at least twenty designs on friday." namamaos niyang saad.
Gusto ko siyang panlakihan ng mata ngunit nangibabaw ang iritasyon at panliliit sa akin. Tingin niya ba ay hindi ko kaya ang pinapagawa niya? Back then, he doesn't want me doing hard things, he treated me like a vulnerable little sister. At hanggang ngayon ay ganoon pa din ang tingin niya sa akin, isang nakababatang kapatid.
"Why the sudden change of mind?" nanunuya kong tanong habang matapang na nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Because you'll be killing yourself! Kung hindi pa ako pumunta rito ay baka hindi ka pa kumain!" napapikit ako at bahagyang napalayo sa pagtataas niya ng boses. His dark face softened when he saw me arching my brows and stepping away.
"I'm sorry." tila pagod niyang saad at akmang hahawakan ang kamay ko nang mabilis akong lumayo.
I calmed myself and my heart before looking at him again, this time with anger in my eyes. "Why do you have to care?"
Dumaan ang sakit sa mata niya bago siya marahas na lumunok at nag-iwas ng tingin.
"Isn't it obvious? Or you're still the same old Hanes?" tila sarili niya ang kausap habang bumubulong sa hangin.
I gritted my teeth and ready myself for another blow nang may kumatok sa pintuan at pumasok ang sekretarya niyang may dalang mga tray ng pagkain. Para akong nawala sa sarili ng malanghap ang amoy ng lasagna. Nanubig ang bagang ko habang hinahain ni Mikaela ang mga pagkain.
Nakalimutan ko na ang mga gustong sabihin at mabilis na nilantakan ang mga pagkain. Saka ko lamang napansin na nakain na din pala si Orsovius nang magtama ang mata namin. I rolled my eyes on him and eat a spoonful of lasagna.
Hmmm. My favorite! Wala na akong pakealam sa paligid ko dahil sa gutom na ngayon lang umatake sa aking tiyan. In fairness with their cafeteria, they have good quality of foods. I sighed in satisfaction nang matapos ko ang pagkain. Uminom ako ng tubig at pagkuwan ay inihiga ang likod sa sofa.
Just now, naramdaman ko ang pagod sa buong maghapon pero kailangan ko pang gumawa ng kahit limang designs at bukas ay ang mga natitira o pag hindi natapos ay baka hapitin ko sa huwebes ang pag-contact sa mga products and brands na gagamitin sa bawat unit! I should have focus myself into Architecturing buildings pero gusto ko din naman sumubok ng interior designing dahil saying ang pinag-aralan ko doon.
So, tiring but this is where my heart belongs. Sumulyap ako kay Orsovius na ngayon ay umiinom ng juice. He licked his lower lips and looked at me with a ghost of smile.
"Satisfied now?" gusto ko siyang irapan at tarayan pero tumango na lang ako sa kaniyang tanong.
"Ipaligpit mo na lang ito sa secretary mo tapos ay magtatrabaho pa ako." saad ko at nakita ko kung paano nawala ang multo ng ngiti sa labi niya. His jaw clenched continuously and his face darkened.
"I told you-"
"Oh c'mon! Let's be professional gagawin ko ang napag-usapan." pinal kong saad at tumayo na. "Unless you treat me the same way like before. Like a vulnerable little sister." mapait kong saad at umupo na bago buksan ang laptop.
Nag-iintay akong bawiin o kaya naman ay itama niya ang sinabi ko pero walang dumating. He just sat there darkly. Tumayo siya at napatingala ako sa kaniyang bulto, marahas ang kaniyang hakbang at halos matumba ako sa nasaksihang galit na nasa mata niya. Napaigtad ako sa kinauupuan lalo nan ang ibagsak niya ang dalawang kamay sa aking lamesa at dukwangin ang aking mukha.
Napakapit ako sa gilid ng lamesa dahil sa kabang nararamdaman. Oh Jesus! No! You're not going there Hanes! Hindi mo na ulit ipapahiya ang sarili mo. I should just shut my mouth! Nagkakagulo na ang Sistema ko.
"Manhid ka pa din. You're still my pure innocent baby, Hanes." napalunok ako at pinagkatitigan ang kaniyang nakakalaglag panty na mukha. He licked his lips again and his eyes settled on mine. He held my chin and looked at me with soft eyes. "Mali ka na naman ng iniisip."
Lumapit ang mukha niya at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kusa ng pumikit ang aking mga mata habang inaantay ang paglapat ng labi niya sa akin.
"Sir! Si Ma'am Oane po nahimatay-" napamulat ako at mabilis na lumayo sa kaniya. I looked at his secretary at hindi alam kung papasalamatan ba o kagagalitan sa biglaang pagpasok nito.
"I'm coming." he said and glanced at me before storming out of the room. Tiningnan ko si Mikaela at tipid na ngitian.
"Next time, knock first." malumanay kong saad bago siya tumango at nahihiyang lumabas ng aking opisina.
Nang masigurado kong ako na lang ang tao ay sinapo ko ang mukha at umalpas ang kanina ko pang pinipigilan na hikbi. Tears rolled down my cheeks as I sobbed louder.
Muntik na! At napahiya na naman ako. Patuloy ang paglandas ng luha sa aking mata at wala na akong pakealam kung ano ang magiging itsura ko kapag natunaw ang make up. Awang-awa ako sa sarili ko, at halos pagsisihan ko ang pagtanggap sa trabaho ko ngayon.
If I'm going to work here longer then it's a damn torture. Baka hindi ko na kayanin ang nararamdaman at bumalik na naman ako sa dating Hanes, ang batang Hanes na laging napapahiya dahil sa maling iniisip at nararamdaman.
Ipinilig ko ang ulo bago bitbitin ang bag at laptop. I shouldn't stay here, sa bahay ko na lang tatapusin ang gawain.
I can't stay here knowing my feelings are now coming back for Orsovius. No. Not going to happen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top