Kabanata 28


Kabanata 28

Favorite

Halos kalmutin ko si Franz at Ryza nang makita sila sa aming sala. Madali akong tumakbo pababa at dumiretso sa kanilang pwesto.

"Wicked bitches!" sigaw ko at inambahan ang kanilang buhok ng sabunot ngunit maagap sila at tatawa-tawang lumayo sa akin. "It's your plan!"

I watched them in anger as they laugh like a wicked witch. "Not ours! Isa pa ay oportunidad ang ibinigay namin sa'yo. Look at the bright side of it!"

"It's both dark!" sigaw ko na mas nagpahaglpak sa kanilang mga tawa. I sighed and sat on the comfy couch. "What am I going to do now?"

"Do your work. Para namang may balak ka pang akitin muli siya." umirap ako sa sagot ni Ryza.

"Isa pa ay katrabaho mo din doon si Jewel. She's also an architect." muli kong inalala ang kaniyang mukha. Elegante. That's her. I pressed my lips on a grim line and heaved a sigh.

"Hindi kase madali!" reklamo ko. Napatitig sila sa akin at bumuntong hininga.

"Dahil hindi ka pa nakaka-move on." malumanay na saad ni Franz. Nanlamig ako at nag-iwas ng tingin. Nagdaan man ang taon pero hindi sila makakalimot. Alam nila ang buong pagkatao ko. There's no point on lying.

"Look, Hanes, we want this work for you. Not the boss. The work, Hanes."

Tumatak sa isipan ko ang sinabi nila. I deeply breathed before jumping out of my car. Pinagmasdan ko ang repleksyon sa salamin ng kotse. This is my first day on work. I need to propose my plan to the board.

I looked more matured now, fiercer and sexier. Light ang make up ko at nakababa ang alon-alon na buhok. I'm wearing a white sweetheart top at isang pulang high waist skirt na humubog sa aking makurbang bewang. Five-inch ang taas ng kulay puti kong pumps. I quickly entered the lift at pumunta sa ground floor para magpunta sa lobby.

Halos mabali ang leeg ng mga naroon ng maglakad ako papunta sa receptionist. The man flushed a crimson red nang balingan ko ito ng tingin.

"I'm here for an appointment with Mr. Zallejos." bahagya pa akong nautal ng banggitin ang apelyido niya.

"Y-your name... Miss?"

"I'm architect Hanes Frontalio." confident kong lahad at nakita ang paglaki ng mata ng lalaki.

"O-opo! Ibinilin sa akin ni Mr. Zallejos na paakyatin na kayo sa office niya."

Nagkibit ako ng balikat at mabilis na tumalikod. I grace the hallway to his office at nagtaka nang hindi na hinarangan pa ng sekretarya.

Unlike my first visit, mas napansin at napuna ko ang interior ng kaniyang opisina. Minimalist ang tema at maganda sa paningin ang berdeng mga halaman na humahalo sa kulay ng itim, puti at abo. In fairness he's got a good taste. I wonder kung sino ang nagdesign ng interior nito?

It's a good design actually pero nakukulangan ako sa laman. Isang set lang ng couch at ang kaniyang black humongous table and some cabinets for files lang ang naroon. There are only two frames, isa sa kaniyang table na hindi ko alam kung ano ang nakalagay at isang certificate of recognition from who knows.

Napatikhim ako ng biglang bumukas ang pintuan. Muli na namang nagwala ang mga kulisap sa aking tiyan nang makita ang malaki niyang bulto. He's not even shock to see me inside his office sitting and waiting for him. It's as if he already expected me to be here.

Dumiretso siya sa kaniyang table at nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan ang kaniyang malapad na balikat. Kung dati ay akala ko hindi na siya magiging maskulado pa, nagkamali ako. Swabe niyang tinanggal ang kaniyang itim na coat at isinabit ito sa kaniyang swivel chair bago luwagan ang kaniyang tie.

His jaw tightened and I almost gasped when he looked at me with his dark soulful eyes. Pumormal ako at umayos ng tindig. Mukha siyang problemado. Ano hindi na ba kaya? Natawa ako sa isipan.

"I'm here to present you my portfolio. It contains my designs that can be put on each unit." tumayo ako bitbit ang portfolio. Inilapg ko iyon sa harapan niya.

He sighed and shut his eyes before looking at my portfolio. Nagsimula na siyang buklatin ito. Titig ako sa kaniyang mukha, wanting some reaction. But he just turned and scan the pages of my portfolio with a blank stare!

Iritado akong napangiti ng ibaba niya ang aking mga designs. He arched his brows and licked his lips. Kumurap ako at panandaliang nawala ang inis.

"I want more designs. For teens and bachelors." he said with lips pressed on a grim line. "Present it to me on Friday with eighty new designs."

Nanlaki ang mata ko. "Eighty?!"

"Yes, Architect Frontalio, Eighty, on friday." napatiim bagang ako sa kaniyang aroganteng tono. Tangina mo! "O baka hindi mo kaya? Kung tutuusin ay higit doon pa dapat ang magawa mo. Our condominium tower accommodates more than one hundred condo unit."

I gritted my teeth and looked at his dark eyes. Tumango ako at mabilis na kinuha ang aking portfolio. "I'll go now, Sir." sarkastiko kong saad. Akma na akong tatalikod dahil baka masampal ko pa sa mukha niya ang gamit nang muli niya akong tawagin.

"Ask my secretary on where is your table." hindi na ako nagtagal doon at mabilis na lumabas. Nagkalampagan ang takong ko ng makalabas sa kaniyang opisina. Bahagya ding napaatras ang kaniyang babaeng sekretarya na inaabangan pala ako sa labas ng opisina.

Mukhang marunong makiramdam ang babaeng ito dahil yumuko siya at nagpakilala bago ako igaya sa table kuno. But I was more than surprised nang dalhin niya ako sa isang pinto. She opened the door and a not so big office welcomed me.

"Akala ko ba ay table? Bakit opisina?" tanong ko.

"Ito po ang sinabi ni Sir." magalang na saad niya at mabilis na umalis. Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid. Hindi naman ganito ang aking opisina dati. It was just a simple office. Pero ito, daig ko pa ang boss.

There's a big glass wall allowing me to see the busy city. A white fury carpet laid under the black leather sofa set. Mayroon ding coffee table sa gitna noon. Pinalandas ko ang aking daliri sa isang black glass table. I sat on the swivel chair and hummed.

Masyadong pinagarbo ni Orsovius and opisina ko! Mukhang pinaghandaan. Napangisi ako. He probably missed me! Saglit akong naupo at lumabas na para magtungo sa sekretarya niya.

I looked at the woman in her probably, early twenty. "Tell your boss I'm leaving. Bukas na ako papasok." tumango ito at akmang pipindutin ang intercom nang bahagya akong humilig at sinenyasan siyang lumapit. As girls, mabilis niyang nakuha ang sinabi ko at agad na inalapit ang kaniyang tenga.

"Bago ba ang opisina na para sa akin?" mahina kong tanong at nilingon ang pinagmulang pinto bago igala ang paningin. Like a small girl doing naughty thing and not wanting to be caught in act.

"Opo, pina-renovate iyan ni Sir at pinalaki na din." I want to smile triumphantly ngunit may idinugtong siya na halos magpawasak sa buong sistema ko. "Iyan po ang dating opisina ni Ms. Oane."

Kasunod noon ay ang pagtunog ng intercom at narinig ko ang kaniyang malamig na boses. "Mikaela, prepare a two meal for me and Jewel. Siguraduhin mo ding ayos na ang opisina niya."

Napalunok ako. Kahit lumipas na ang ilang taon, kahit na nagawa kong liparin ang kalahati ng mundo para sa kanilang dalawa, at bumalik ako, ganoon pa din. Wala pa ding nagbago. Mahapdi pa din ang sugat sa puso ko na para bang kahapon lang ito nasugatan at sinaktan.

"Please prepare her favorite."

"Yes, sir!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top