Kabanata 24

Kabanata 24

Never mind

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga picture namin ni Orsovius noong nasa Davao. We have a picture infront of Magsaysay Park. His hands were snaked on my waist. I'm smiling while he's flashing a small grinned.

Marami pa kaming picture na magkasama at ang isa ay ginawa komg profile. Iyon ay iyong nandoon kami sa Butterfly Garden. Ang background namin ay ang nagliliparang mga paru-paru. Nakaharap kami sa isa't isa habang nakatingin sa butterfly na nakadapo doon sa kamay ko. I'm looking at the insect while he's looking at me with a sexy grinned.

Napatili ako at isunubsob ang mukha sa unan. This is the inspiration I need before taking our final exam. I'm now on grade ten. At patapos na din ang taon sa school. Masyadong kaming naging busy dahil sila Ryza, Franz at Cifran ay magtatapos na ng highschool samantalang ang iba pa naming pinsan ay nasa college na at nag-aadjust pa.

And Orsovius is now focusing on his study while working under his father. Ito kase ang gusto niya, he wants to start from scratch. Pero kahit ganoon ay may oras pa din siya para sa akin. Nga lang ay medyo abala siya lalo na at midterm nila ngayon. Pati nga sila Kuya at Nikolas ay ganoon din.

"Ka-dugo ng ilong!" napabalikwas ako ng higa ng biglang sumabog ang pintuan at dumagsa ang mga pinsan ko.

"Let's party! Wooo!" sigaw ni Aldrey. Kumunot ang noo ko ng makita ang paglusob nila sa aking kwarto.

"Ano ito?!" sigaw ko sa kanila. Umupo si Ryza at Franz sa aking kama at pinagpapalo ng unan ang aking katawan.

"It's Saturday!" Nikolai shouted.

"Yeah right. State the obvious." umirap si Cifran at humarap sa aking salamin. He fixes his hair there. Napairap ako at bumangon.

"Uy! Agang-aga si Orsovius agad!" inusisa ni Aiden ang aking cellphone kaya naman napadamba ako sa kaniya. He immediately stood up and raised my phone in the air. "Naks! Tamang view lang ng mga pictures..."

Narinig ko ang angal nila Nikolai at Nikolas. "Siya na naman?"

"Just spend this day with us, baby girl!" angal ni Aldrey. Umismid ako at tumango.

"O sige na po! Saan ba ang lakad na'ten?" tanong ko.

"Saan pa? Edi party!" sigaw ni Nikaison. Napamaang ako at tumuro sa maliwanag na sikat ng araw.

"Party? Agang-aga." pumasok ako sa banyo at naghilamos.

"Baby cous, gagala lang tayo sa Sky ranch then we'll visit Lolo na din." tumango ako kay Ryza at nag-ayos na ng sarili.

Sa baba ay nagbunton sila sa sala. Nagtext muna ako kay Orsovius bago sumama sa mga nagkakagulong Frontalio. Si Kuya kase ay doon natulog kila Lolo dahil malapit ang kinatitirikan ng mansyon sa Laiya kung saan madalas magwork under our hotel si Kuya.

Sa iisang van na lang kami sumakay. Si Aiden ang nagd-drive habang nasa passenger seat si Nikolas. Sunod naman na hilera ay si Aldrey, Cifran at Nikolai.

Kami naman nila Ryza at Franz ang sunod habang natutulog naman si Nikaison sa dulo.

"Yeah man!" sumabay si Aldrey sa pagra-rap noong nasa radyo at naghagalpakan kami sa tawa.

"You dumb fuck!" sigaw ni Aiden sa kapatid.

"Uh-huh life's like this..." kumakanta pa din si Aldrey na sinabayan ni Nikolai kaya mas lalo kaming bumunghalit sa tawa.

"Tell me!" ginaya ni Nikolai ang boses ni Avril Lavigne. Kaya naman ay halos mangiyak ako sa kakatawa.

The whole ride is alive. Panay lang ang tawanan at kwentuhan namin. Buti na lang at hindi sumumpong sila Nikolas ng usapan ng babae dahil puro kalokohan lang tungkol sa kanilang college life kuno ang kanilang ibinida.

"Siya nga pala. Hanes, kamusta si Sir Penaranda?" tanong ng gising na si Nikaison.

Ngumuso ako at inalala ang gwapong mukha ng teacher na iyon. "Hmm... ayos lang naman. He's kind and gentle to me."

Nagmura naman sila at humagikhik sila Franz. Nagtataka ko naman silang tiningnan. "Why are you cursing?"

"That dude..." umiling si Nikolas. Samantalang panay naman ang talak nila Aldrey.

"Ang gagong iyon! Talagang ginawa ang sinabi niya..." nagmura pa si Nikolai.

Tiningnan naman ako ni Ryza at Franz at humagikhik. "Nagbanta kase iyang mga yan sa kagalit nilang si Sir Peranda."

"Na?"

"The teacher likes you." kinikilig na tumili si Ryza. Kinurot naman siya ni Franz at binalingan ako.

"H'wag mo na lang pansinin dahil baka mawalan iyon ng trabaho pag nalaman ng boyfriend mo." she smirked at me making me blushed.

"Tse!"

Nagtawanan na lang kami at nag-usap. Nang marating namin ang Sky Ranch ay parang mga batang nagyaya sila sa mga rides doon. We took many shots at ng mapagod ay kumain sa isang fast food.

Matapos noon ay dumiretso na kami sa mansion ni Lolo. The Spanish architecture welcomed us. May pagkaluma na kase ang bahay at isa ito sa mga itinayo noong panahon pa ng espanyol. Nirenovate lang yung ibang parte na medyo mahuna.

Sa veranda ay natanaw namin si Lolo na namamahinga sa kaniyang rocking chair at ng maaninaw ang padating na sasakyan ay masiglang tumayo habang kumakaway. Lumabas naman doon si Kuya at nakangising nag-abang.

"Lolo!" I excitedly jumped and run to him. Tumatawa siyang niyakap ako at ang iba ko pang pinsan.

"Na-miss ko kayo mga apo!" madamdaming saad niya. Ngayon ko na lang muli napuna ang puti na niyang buhok at ang mga kulubot sa kaniyang balat at mukha. At the age of sixty-two, my grandpa is way more active and stronger than the others. Hindi mo mahahalata na matanda dahil nakakaya pang pamunuan ang bayan.

"I know Lolo!" biro ni Nikolai. Tinawanan siya ni Lolo at pinikot ang tenga. Nagkatuwaan naman sila ng mga pinsan kong lalake at nakisali pa si Kuya

"Hala sige! Pumasok muna tayo." nilingon niya ang bukana ng pinto at nagmando sa mga naka-antabay na kasambahay. "Ihanda niyo ng meryenda ang mga apo ko!"

Nagtawanan sila at sinabi ni Ryza ang plano naming sleep over dito. Excited na ipinahanda ni Lolo ang mga guestrooms.

"Lolo chill lang..." saad ni Cifran at inalalayan siya paakyat sa hagdanan. Matapos kaseng magdinner ay nagpaalam sila Aiden, Nikolas at Kuya na magba-bar. Si Lolo naman ay magpapahinga na daw dahil pagod sa maghapong kwentuhan.

"Kuya sama ako!" reklamo ni Ryza. Sumimangot sa kaniya si Aiden. "Please?"

"Fine. Cassius sasama daw sila," inginuso kami ni Aiden. Tinaasan ako ng kilay ni Kuya.

"Tch. May boyfriend yan! Sa kaniya ka magpaalam." inirapan niya ako at nagwalk out. I smiled and looked at my phone. Sa sobrang busy ay hindi ko namalayan si Orsovius. I thought there's text or calls pero wala. Napanguso ako at nagtipa na lang muli ng mensahe.

Ako:

Good eve! Magbabar nga pala kami. Bantay naman ako ni Kuya.

Busy ka ba? Anyways, magpahinga ka na. I miss you!

Umakyat na ako at nagpalit ng damit. Isang black fitted dress na lang ang isinuot ko at isa ding black killer heels. Si Ryza naman ay nakadress din na pula habang si Franz ay puti.

"Tara!" yaya niya. Umirap naman ang mga lalaki at padabog kaming pinagbuksan ng pinto.

"Bakit ganyan ang suot niyo? We don't want to have a brawl!" reklamo ni Aldrey.

"Sino bang may sabing brawl ang ipinunta mo doon? We just want a drink!" inirapan namin siya.

Nagtungo kami sa isang high-end bar at agad na kumuha ng table. Pinapasok ako dahil mga magagaling na sinungaling ang pinsan ko at maging na rin ang mapanlinlang kong ayos. Nakaupo kami sa couch habang umiinom ng cocktail. Panay lang ang usapan namin habang may sariling mundo sila Nikolas.

They are obviously gawking on the dancing girls. Maya-maya ay naghiyawan si Nikolai at Cifran nang tumayo si Aldrey papuntang dancefloor.

I rolled my eyes. "Playboys..." tumingin naman ako kila Ryza at nakitang ngumisngisi ito sa isang expat. "Really?"

Kaya ayon at kami lang nila Franz at Kuya ang natira sa table dahil ang iba ay nagsasayaw na.

"Ihi lang ako," paalam ni Kuya at tumayo na.

Nagkwentuhan kami ni Franz at maya-maya ay nanlaki ang mata niya. "Wait! Is that... Jewel? Yung kasayaw ni Nikolas?"

Agad akong napalingon at halos sumabog sa inis ng makita ang haliparot na sinasayawan ang lasing at nakapikit ng pinsan ko. Madalian akong tumayo ngunit hinawakan ni Franz ang kamay ko.

"Let her..." saad niya. Inis akong umirap.

"No! Ayaw kong lumalapit siya sa mga pinsan na'ten." hinawi ko ang kamay niya at madaliang naglakad. Malikot ang mga ilaw at salamat na lang dahil hindi ako uminom ng alak.

Nakakainit lang ng dugo dahil ayaw ko siya para sa mga pinsan ko. Knowing her attitude.

Nasa katinuan pa ako ng haklitin ang pariwara ng si Nikolas mula sa pag-g-grind ni Jewel sa kaniya. I scoffed when her eyes widen at the sight of me. Mabilisan siyang napaatras at bumalik sa kaniyang table.

Tagumpay naman akong napangiti at hihilahin na sana si Nikolas ng maaninaw ko ang pamilyar na bulto sa table na pinagbalikan ni Jewel. Ngunit dahil madilim ay hindi ko ito masyadong natitigan at isa pa ay malikot na din si Nikolas. I sighed and void the thought bago nagyaya ng umalis. Buti na lang at hindi lasing si Aiden kaya siya ang nag-drive.

Nakasilip ako sa may bintana habang nadidinig ang hilik ni Nikolas at Aldrey. Tumatawa pa si Kuya dahil nautakan nila ang dalawa sa pambababae.

Paliko na kami sa intersection nang may mabilis na humarurot sa aking gilid. Halos malagutan ako ng hininga sa bilis nito. Kumunot din ang noo ko dahil pamiyar ang puting Aston Martin.

Nang makarating kami sa mansion ay pasado alas-dose na kaya bagsak na agad sila. Natapos ang araw na iyon at kinabukasan ay maaga kaming nagpaalam dahil nga sa lunes na ang finals at kinakailangan na naming umuwi kaagad.

"Gosh! Ayoko pa bumalik." reklamo ni Ryza at kumaway sa akin nang bumaba ako sa tapat ng mansion namen. Bitbit ni Kuya ang bag ko at nagpaalam na sa kanila.

Inakbayan niya ako at hinila papasok sa bahay. Kahit pagod ay mas inuna ko ang pagrereview. Pikit na ang mata habang nakasandal ang ulo sa dulo ng aking kama. I flinched and slap myself.

"Wake up, Hanes! Kaya mo yan! Hindi ka pa inaantok! Hindi pa!" I relaxed myself and lifted my notebook. Mabagal ko itong binasa at inintindi ang lahat ng lectures na isinulat ko.

It's already twelve midnight when I finished reviewing four subjects. Bukas na ang sunod na apat. Humikab ako at saka lamang naramdaman ang antok.

I took a quick bath and lie on my bed. Inabot ko ang cellphone at tiningnan kung may text ba o tawag. Nawala ata ang antok ko nang makita ang text mula sa aking boyfriend.

Orsovius:

I'm sorry, baby. Hindi ko namalayan ang phone ko. I was too pre-occupied by works and reviewers.

Orsovius:

Tulog ka na?

I smiled and felt a pang of pain. Just thinking of his tired handsome face made my heart ache and my tummy twist. Ano bang nangyayari sa akin?

Mabilisan ko siyang tinawagan at wala pang ilang ring ay nasagot niya na.

"Hello?" I called.

"Hi, baby." his low bedroom voice echoed. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan at ngumiti.

"Good evening. How's your day?" I asked smiling at the ceiling.

"Hmm. Tiring but hearing your voice parang nawala ang pagod ko." he chuckled sexily at napakagat ako sa labi.

"Tsk. Tsk. Nambola ka na naman..." nagpakawala ako ng mahinang tawa.

"I am not, really." paos ang kaniyang boses and I find it so hot! Na kahit may aircon ay nararamdaman ko ang init. "So, kamusta ang gala niyo?"

Napangiti ako at nawala na nga ang antok ng simulan ko ang pagkukwento. Minsan ay nagkokomento siya o di kaya ay sisingit ng opinyon.

"What? Ano ba dapat ang isuot ko?" nakanguso kong saad. I heard him sighed heavily.

"That black damn fitted dress hugged your body perfectly. I bet marami ang tumingin sa iyo doon. Damn. I should be there..." naiinis ang kaniyang tono kaya natawa ako. Nakita niya kase iyong picture namin na ipi-nost ni Ryza.

"Marami talaga..." his breathing became ragged and uneven. "Don't worry hindi ako nakipag-usap o lumapit sa kahit sino doon."

Natawa ako ng marinig na tila nakahinga siya ng maluwag. This man!

"Still..." bumuntong hininga siya. Napangiti ako I was about to tell him something when he cut me. "Hey, I need to cut the call. May tumatawag. Sorry Hanes, goodnight. Goodluck on your exam."

May gusto pa sana akong marinig ngunit biglang nawala ang linya. Napakunot ang noo ko ng makitang ala-una na at may tumatawag pa din sa kaniya? Sino naman kaya iyon? Maybe his parents?

Ipinilig ko ang ulo at lumunok. Medyo tanghali na ako nagising kaya nagmamadali na akong gumayak at hindi na nakapag-umagahan dahil mahuhuli na sa exam.

"Mommy! Aalis na ako!" I hopped on the van and told the driver to drive fast. Pumikit ako at inalala ang mga inaral. I sighed and quickly bid my goodbye to Manong when the car stopped on the front gate of the school.

Wala nang makikitang naggagala kaya mabilis kong tinungo ang aming room. Hinihingal pa ako ng maupo sa upuan. I was greeted by my classmates and all I can do is nod at them.

Nagsimula na ang final exam at ngingiti-ngiti ako nang matapos ito.

"Kadugo ng utak!" reklamo ni Lara at nilapitan ako. "Grabe nakangiti ka pa?"

"Inspired lang yan. Tsk. Tsk. Nako Hanes paniguradong kasama ka na naman sa high honor!" nakisali si Hycinth habang naglalagay ng clay blush sa pisngi. She pouted and smiled at the mirror before turning to us. "Right?"

Nawala ang ngiti ko at sumimangot sa kanila. "He's busy." maikli kong saad at inayos na din ang gamit. "Always, always busy. Kaya nga gusto ko ng magbakasyon at ng maka-date uli siya!"

Narinig ko ang kinikilig na si Lara ng biglaang umingay ang room dahil sa pagdating ng kaniyang pinsan na si Eco. She kissed our cheeks and left.

"Busy? Natural na yan be!" saad ni Hycinth nang maglakad na kami palabas ng room. Kumunot ang noo ko.

"Ganoon ba talaga kapag nagwo-work ka na para sa business niyo? I mean he's not managing it pa. Just working." naguguluhan kong saad. Nilingon niya ako at medyo exaggerated na tumawa.

"Oh! You don't know? God! Hanes, you should ask your boyfriend. Or more so, read articles or watch news." nagtuloy siya sa paglalakad kaya sumunod ako.

"Huh? Baket at ano ba iyon? Sabihin mo na." naiinip kong saad.

"The Zallejos are still helping the Oanes with the accident. I heard na si Orsovius ang mismong nanguna sa pagpapa-embistiga doon sa building na gumuho and those who are behind the project. Ipinalabas iyon sa television at ang sabi ay matatapos na daw ang kaso at malaki ang tiyansang manalo at malinis ang pangalan ng mga Oane." nagkibit siya ng balikat at tumingin sa akin. "Hindi mo ba talaga alam?"

Napalunok ako at parang may tumarak na kung ano sa dibdib. I looked at her and smiled.

"A-alam. I-I just... never mind! N-nakalimutan ko lang."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top