Chapter 44
Chapter 44
All Yours
"Saan ka galing? Bigla-bigla ka na lang umalis!" Agad na singhal sa akin ni Quinn nang bumitaw na sa aming pagkakayakap.
Bahagya naman akong natawa. "Nagpunta ako ng Maynila," sabi ko. "Doon na ako titira. Umuwi lang ako ngayon dahil may kailangang asikasuhin dito."
"Ganoon ba?" sabi na lang niya at dumako ang mga mata kay Drew bago nagtaas ng kilay sa akin. "Mukhang ayos ka naman. Nasiyahan ka ba sa Maynila?" makahulugang sabi niya.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi sa hiya. Alam ko kung anong saya ang tinutukoy niya. She was pertaining if I'm happy with Drew.
"Oo..." sabi ko at hindi na mawala ang ngiti sa aking labi. "Ikaw? Saan ka pupunta?"
Binaba ko ang aking tingin sad ala-dala niyang bagahe. Mukhang matagal-tagal siyang mawawala dahil sa dami ng dala niya.
"Nagresign na ako sa The Valley last week," sabi niya. "My parents already found me. Kailangan ko nang umuwi dahil pinapauwi na nila ako."
Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng lungkot dahil sa pag-alis ng isang mabuting kaibigan. Kung kailang bumalik ako, siya naman ang aalis.
I still have a lot of questions to ask her about her life but I don't want to sound nosy. It's her private life.
"Oh, sige na!" sabi niya naman at saka bumaling sa van. "Mukhang naantala ko ang pag-alis ninyo."
"Ikaw rin. Baka mahuli ka sa flight mo," sabi ko naman sa kanya.
She smiled, and a man wearing a black shirt approached her.
"Your flight's in thirty minutes, Ma'am. We need to go inside already." The man politely told her and grabbed her luggage.
"Okay. Let's go," she said and gave me and Drew one last smile before going inside of the airport.
Napanguso naman ako habang pinapanood ang pag-alis ni Quinn at ng... bodyguard niya?
"I didn't know that you're friends with Quinn Almirante..." sabi sa akin ni Drew nang makapasok na kami sa loob ng van.
Nilingon ko naman si Drew at bahagyang nagulat dahil mukhang kilala niya si Quinn. "Kilala mo siya?"
Drew nodded at me as an initial answer before he spoke to make everything clear for me. "She's the daughter of Camila and Victor Almirante, the heiress of Almartz Jewelry," Drew told me. "She went missing for the last two months, but I guess she had already been found like what she'd said earlier. So... she was just hiding here in Bela Isla."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon kay Drew patungkol kay Quinn. She looked way too simple to be an heiress of a jewelry company. I can't believe that she just settled to work as a waitress at The Valley's Balsa when she had a big future ahead of her.
"How did you become friends with her?" Drew curiously asked. "And... she worked at The Valley?"
Napaisip naman ako bigla at naalalang hindi ko pa nga pala nasasabi kay Drew ang patungkol sa pagt-trabaho ko sa The Valley bilang waitress para sa sinasabing utang ng mga magulang na matagal ko na palang nabayaran gamit ang kasiyahan na mayroon ako noon.
"Uhm... Kasama ko siyang nagtrabaho sa The Valley. Sa may Balsa bilang waitress at naging isang mabuting kaibigan siya sa akin. Hindi ko inakalang tagapagmana pala siya ng isang malaking kompanya," sagot ko sa kanyang katanungan. "I worked there, supposedly, to pay for my parents' debts but... it didn't go well."
"Si Orion ba ang nagpasok sa'yo roon?" hula ni Drew sa akin at humina ang kanyang boses.
Lumabi naman ako at saka tumango sa kanya. "We're both holding grudges to each other. He thought that I was the one who cheated, while I thought and believed otherwise. It was because his Mom manipulated our relationship," paliwanag ko. "He has a girlfriend already."
Natahimik na naman si Drew na mukhang malalim ang iniisip. Gusto ko sana siyang tanungin nang biglang sumingit si Kriesha sa aming usapan na mukhang gusto ko rin malaman ang kabuuang nangyari.
"Paano ginawa ng Mommy iyon ni Orion?" tanong ni Kriesha. "I thought she liked you."
"Iyon din ang akala ko..." sabi ko naman at mapait na ngiti ang ipinakita ko. "Pero hindi pala."
Ikwinento ko sa kanila ang buong nangyari, kasama na roon ang pagtatanong sa akin ni Orion sa may dalampasigan sa likod ng aming bahay. The time when he asked me if I will still come back to him if he told me he still loves me.
"He still loves you and wants you back?" Walter's forehead creased.
"He's an asshole, Naiyah," Kriesha stated.
I was waiting for Drew to comment and give his thoughts about what happened, but he remained silent.
"Tama lang ang sagot na sinabi mo sa kanya," sabi ni Kriesha. "I can't believe that he's really an asshole. Hindi man totoong niloko ka niya at pinagpalit noon, pero iyon naman ang balak niyang gawin sa girlfriend niya nang sinubukan ka niyang abutin ulit. It only means that he can also do it to you. You don't deserve to be a mistress or a snake, Naiyah. It's only right that you acted to what is right."
Nang dahil sa mga binitawang salita ni Kriesha ay mas lalo akong nanindigan sa desisyon na binitawan ko noon.
"Thank you, Drew," Kriesha thanked Drew when we already arrived at their place. "Kita-kita tayo bukas o sa makalawa, Iyah, Drew."
Tumango naman ako at ngumiti. Si Drew naman ay nanatiling tahimik.
"Mag-iingat kayo," sabi naman ni Walter.
Parehas lang sila ng binabaan ni Kriesha dahil magkapitbahay naman silang dalawa.
Agad namang dumiretso ang sasakyan sa bahay nina Tita Edna at Tito Franco nang maisip kong hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila ang pag-uwi ko ngayon dito sa Bela Isla. Paniguradong mabibigla sila sa biglaan kong pagdating ngayon.
"Uuwi ka na ba agad?" Nilingon ko si Drew nang huminto kami sa tapat ng bahay.
Umiling naman siya at saka nauna nang bumaba ng van. Even though he's not giving me too much attention, he still offered his hand to help me went out of the car.
May sinabi lamang siya sa kanyang driver bago siya sumunod sa akin papasok ng bahay.
Pagkapasok naman ay agad na bumalot sa aking pandinig ang baritonong pagtawa ni Tito na mukhang nanonood ng tv. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti. Namiss ko silang dalawa ni Tita. Kung papayag sila ay dadalhin ko silang dalawa sa Maynila para roon na manirahan kasama ko, ngunit alam kong medyo Malabo pa iyong mangyari dahil hindi nila pwedeng iwanan ang business nila rito na kailangan pang tutukan.
"Tito..."
Mabilis naman akong nilingon ni Tito Franco na parang nakakita ng multo dahil sa biglaan kong pagdating.
"Susmaryosep kang bata ka, oh!" singhal ni Tito sa sobrang gulat at hinawakan ang kanyang dibdib. "Edna! Nandito si Naiyah!"
Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil sa reaksyon ni Tito.
"Huwag mo akong lokohin!" dinig kong sigaw pabalik ni Tita na mukhang nasa kusina. "Porket alam mong miss ko na ang batang iyon ay lolokohin mo ako. Magtigil ka riyan Franco!"
Kinagat ko naman ang aking labi upang pigilan na sumabog ang aking tawa.
"Hindi ako nagbibiro aba!" sabi naman ni Tito. "Pumunta ka rito at nang malaman mong nagsasabi ako ng totoo!" paghamon ni Tito kay Tita.
"Nako! Pag wala talaga si Naiyah rito ay malilintik―"
Napatigil naman si Tita nang makita ako sa kanyang harapan, pagkalabas ng kusina. May dala-dala pa siyang bowl ng fruit salad na mukhang meryenda nila ni Tito ngayon.
"Naiyah! Jusko kang bata ka!"
Mabilis na ibinaba ni Tita ang fruit salad sa may coffee table bago tinakbo ang distansya naming dalawa upang yakapin ako ng mahigpit.
My heart melted as I felt Tita Edna's longingness for me. Parang ayaw ko nang bumalik tuloy ng Bela Isla at mananatili na lang ako rito kasama nilang dalawa ni Tito.
"Bakit hindi ka man lang nagssabi na uuwi ka?" tanong sa akin ni Tita nang bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin.
Napangiti naman ako. "Biglaan lang din po ang pag-uwi ko," sabi ko at saka nilingon si Drew. "Kasama ko po pala si Drew. Iyong kaklase ko po noon sa BINHS. Pati na rin po ang ibang mga kaibigan ko, pero nandoon na po sila sa mga bahay nila."
Nalipat naman ang tingin ni Tita Edna kay Drew na mukhang minumukhaan ito ng mabuti.
"Ah!" Pumalakpak si Tita Edna at ngumiti. "Naaalala kita! Ikaw iyong pumunta noong graduation ni Naiyah."
"Oo nga po, Tita. Pumunta po siya noong graduation ko no'ng high school. Nagdala pa nga po siya ng pagkain," sabi ko pa kay Tita para mas maalala niya si Drew.
Napakunot naman ang noo ni Tita. "Ay! Nandoon din ba siya noong graduation mo no'ng high school?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita. "Ang natatandaan ko ay no'ng college ka! Nandoon din siya no'n. Kasama ko noon ang Mommy nang makita namin siya sa labas ng bahay. Nagbigay pa nga siya ng regalo pero ang sabi niya ay huwag sasabihin sa'yo na galing sa kanya."
My eyes widened as I turned to look at Drew. Kita ko naman siyang nahihiyang ngumiti kay Tita Edna.
I didn't know that he was there during my graduation. And he gave me a gift? Alin sa mga regalong natanggap ko noon ang galing sa kanya? Wala akong ideya.
"Nandoon din siya noong huling lamay sa burol ng Mommy at Daddy mo, 'di ba, Franco?" Nilingon ni Tita Edna si Tito Franco.
Lumapit naman si Tito Franco at tiningnan din ng mariin si Drew bago niya ito tinuro. "Ikaw iyong nagbigay ng malaking abuloy, 'di ba?" paninigurado ni Tito.
Hindi na naalis ang tingin ko kay Drew lalo na nang nahihiya siyang tumango at tipid na ngumiti. "Ako nga po..."
"Nako, hijo! Maraming salamat sa tulong mo noon!" Ngiting-ngiti naman si Tito nang magpasalamat kay Drew at sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang paglingon niya sa akin. "Napakabait na bata nitong kaibigan mong 'to, Naiyah."
Unti-unti namang sumilay ang aking ngiti habang nakatingin kay Drew dahil sa kagalakan na nararamdaman. He was really there for me all the time. He made sure to be there every important events of my life. Ang sarap sa pakiramdam na may tao pala na nanatili sa tabi ko kahit na mahirap ang sitwasyon. I suddenly wondered how many times he came back to Bela Isla for me, even though he already has a stable life in Manila.
"Ay! Umupo na muna kayong dalawa at magmeryenda tayo. Masarap itong ginawa kong fruit salad," pag-aya naman ni Tita.
"Sige po," agad namang pagsang-ayon ni Drew at saka sumunod na kay Tita.
Umupo siya sa sofa at pinatabi na ako ni Tita sa kanya habang inaasikaso ang meryenda. Ipinagsalin niya kami ni Drew sa maliit ng mangkok ng fruit salad upang makakain.
"Bakit nga pala naging biglaan ang pag-uwi mo, Iyah?" tanong ni Tita sa akin sa bigla ng pagkain. "Magtatagal ka ba rito?"
"Uhm..." Bahagya ko namang nilingon si Drew na mukhang abala sa pagkain. "Magpapaalam lang po sana ako dahil aalis po kami ng bansa next week. Mga ilang araw nga tayo rito, Drew?"
Ibinaba naman ni Drew ang pagkain bago siya tumingin kina Tito at Tita.
"Limang araw lang po kami rito at babalik din po ng Maynila agad dahil sa alis naming papuntang Japan," sabi ni Drew.
Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Tita Edna. "Japan?" tanong niya. "Ano ang gagawin ninyo sa Japan?"
"We have a business convention in Japan next week," Drew answered.
"Nagt-trabaho na po pala ako sa kompanya nila," dagdag ko naman sa sagot ni Drew upang mas maintindihan ng tiyuhin at tiyahin ko. "Remember when I told you that I will buy some stocks and invest, Tita? Kompanya po iyon ni Drew. Siya po ang may ari ng La Fuerte."
Mukha namang namangha si Tita sa kanyang nalaman at saka muling ngumiti kay Drew.
"I trust that you will take care of my niece," Tita Edna told Drew. "Parang anak ko na iyang batang 'yan."
"Sa akin din ay ayos lang na sumama si Naiyah. Panatag naman ang loob ko sa makakasama niya," sabi rin ni Tito.
Ngumiti naman si Drew at tumango. "Makakaasa po kayong aalagaan ko po si Naiyah."
Hindi ko tuloy maiwasan ang matuwa dahil sa pagtitiwala na ibinibigay sa kanya nina Tta Edna at Tito Franco. Kahit ako ay ipinagkakatiwala ko rin ang aking sarili kay Drew. Walang pagdududa ang aking puso't isipan pagdating sa kanya.
"Uhm... I should probably go na po," nag-aalangan pang pagpapaalam ni Drew matapos kumain ng meryenda at saka tumango. "Our driver's waiting outside. Hinahanap na rin po ako sa amin."
Tumango-tango naman si Tita Edna at saka lumingon sa akin. "Naiyah, ihatid mo na si Drew sa labas."
Ngumiti ako at saka tumayo na rin. Kahit hindi sabihin ni Tita ay ihahatid ko talaga si Drew. He's acting weird today. Pakiramdam ko'y bahagya siyang lumalayo sa akin. Hindi niya ako masyadong napapaunlakan ng tingin at atensyon.
Agad naman akong sumunod kay Drew na nauna nang naglakad palabas. Bago pa siya makalabas ng gate ay agad ko na siyang hinigit sa kanyang braso upang mapigilan ko.
"You were here during my college graduation?" tanong ko sa kanya. "Bakit hindi ka nagpakita sa akin?"
"I already told you..." he said without looking at me. "I thought you don't want to see me again since you pushed me away, right?"
Agad na naman akong nakaramdam ng paglamutak sa aking puso habang iniisip ang pagtulak ko sa kanya noon papuntang Maynila. I'm good at pushing the people I love far from me.
"May... May regalo ka sa akin?" nauutal kong tanong.
Kita kong bahagya pa siyang nag-alangan bago bumuntong hininga at tumango.
"Ano ang regalo mo sa akin? Saan iyon nakalagay?" tanong ko habang tinatandaan ang mga regalong natanggap ko noon.
"It was the white dress you wore during your parents' burial, and the one you wore when we went to Valkyrie with Kriesha and Walter," he answered.
Napaawang naman ang aking bibig sa napag-alaman. Kaya pala alalang-alala niya kung kailan ko isinuot ang putting dress na iyon dahil siya ang nagbigay sa akin.
"I'll go home now. I'll just pick you up tomorrow. Sasamahan kita sa school para kuhanin ang TOR mo roon," sabi niya at muli akong tinalikuran.
Bago pa siya tuluyang makaalis ay mabilis ko na siyang pinigilan sa pamamagitan ng aking yakap. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang likuran at mas hinigpitan pa ang pagkakapulupot ng aking braso sa kanyang baywang.
"Thank you..." I sincerely told him. "Thank you for being there for me..."
I felt him put his guard down when he relaxed and held my hands that were resting on his abdominal muscles as I hugged him still.
"Did you only give me a chance because Orion's already taken?" he suddenly asked me.
Bahagya namang nanghina ang aking kamay na nakahawak sa kanya ngunit hinigpitan niya ang pagakahawak dito.
"Because he has a girlfriend?" he added a question.
Inilayo ko naman ang aking ulo na nakasandal sa kanyang likod. Kahit mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay upang hindi siya makawala sa aking yakap ay nagawa ko pa rin siyang iharap sa akin.
Napatigil naman ako nang tumama ang aking mga mata sa kanya. His eyes were filled with fears just like what he had shown me before, when I met and talked to Emma.
Is this why he suddenly moved a step away from me?
"No..." I answered and shook my head. "Hindi, Drew. Iyon ba ang akala mo?"
"You can't blame me for thinking this way, Naiyah..." he said. "I've seen how you cried for him before. I've seen how much you loved him. I've seen it all because I was there. I was the one beside you. Ako ang sumalo ng mga luha mong para sa kanya."
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at inalala ang nakaraan. He was right. He was the one beside me when I was grieving for Orion... for my failed first relationship that I wanted so badly to last because that was how I wanted it to be ideally.
"I wanted to give you a chance before you left and went to Manila for college..." I told him the true reasons I had before. "It wasn't because I don't feel the same because I do, Drew... Noong first year pa lang tayo pero pilit kong itinatanggi sa sarili ko kung ano man ang nararamdaman kong 'yon dahil gusto ka ni Emma at natakot din ako... Natakot ako na baka kapag binigyan kita ng tiyansa at lumipat ka na sa Maynila ay makahanap ka ng iba. I don't want that to happen again."
Umiling naman sa akin si Drew at saka hinawakan ang aking kamay. "If you gave me a chance before, I wouldn't go to Manila."
Bahagya naman akong nabigla sa kanyang sinabi.
"Hindi ako tutuloy na mag-aral sa Maynila at mananatili na lang ako rito kasama mo," seryoso niyang sabi sa akin.
"I'm sorry..." Iyon na lang ang nasabi ko at saka napayuko.
He heaved a sigh before pulling me in for a hug. Pinatakan niya ng isang matagal na halik ang aking noo at napapikit naman ako nang dahil doon.
"I will never let you go this time, Iyah," he whispered. "Even if you try to push me away again, I won't go away. I'll stay with you. I am all yours."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top