Chapter 40

Chapter 40
Nightmare

"Ano pa ang gusto mo? Iyan lang ba? Ayos na ba itong mga pagkain na 'to sa'yo?" Halos hindi mapakali si Kriesha sa pagtatanong sa akin. "Kung may gusto ka pang kainin, sabihin mo lang sa akin. Mag-oorder pa tayo."

Binalikan ko ng tingin ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Daig pa namin ang parang may pista dahil sa dami ng pagkain na paniguradong hindi naman naming mauubos.

"Kriesha, ang dami na nito. Ayos na 'to," sabi ko naman sa kanya. "Hindi natin 'to mauubos."

"Uh... Kapag hindi natin naubos, pwede naman nating ipabalot na lang. Let's eat it later at your new house," sabi naman niya.

"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ko naman sa kanya.

"Wala na," sagot niya. "I already finished all the accounts assigned to me by my boss. This day's reserved for us to bond, while organizing your new house."

"Wala namang masyadong aayusin sa bahay na lilipatan ko. Ihahalinhin ko lang ang mga damit ko," sabi ko naman.

"We can go outside after, then." Agad siyang nakaisip ng pwedeng gawin at saka nilingon si Drew. "We should take her out for a stroll around Manila. Para mas maging familiar siya sa mga lugar."

"I think we should rest first after organizing Iyah's things. Let's just chill," Drew said as he started to eat.

Kriesha just rolled her eyes at Drew before she turned to me. "What do you say, Iyah?" she asked for my opinion. "We should try and go shopping at the mall where I often go."

"Hmm..." I glanced at Drew whose brows were shot up while timidly staring at his food. "Maybe, next time. Doon na lang tayo sa bahay maghang-out. Tawagan din natin si Walter."

Ngumuso naman si Kriesha na parang hindi natuwa sa aking desisyon ngunit ngumiti rin siya agad. "Okay!" masigla niyang sabi. "Doon na lang tayo. Magsleepover kaya ako roon ngayon? Pahiram na lang ako ng damit mo, Iyah!"

Ramdam na ramdam kong pursigido si Kriesha na bumawi sa mga oras na nawala sa aming dalawa. I can tell that she's very guilty because of what I told her and Emma last night. But she doesn't have to. Naiintindihan ko naman. Kahit na medyo nagtatampo ako. Naiintindihan ko pa rin.

After eating lunch, Kriesha rode with me and Drew since she left her car at home and she just commuted on her way here.

"Kriesh, text Walter," Drew told Kriesha while driving. "Tell him to join us today."

"Ikaw na," tipid na sabi ni Kriesha.

Nilingon ko naman siya sa backseat at nakita kong nakahalukipkip siya habang nakatingin lamang sa labas ng bintana. Binalik ko naman ang tingin ko kay Drew na nakataas ang kilay at nangingiti.

"Nag-away na naman ba kayo?" Makahulugang tanong ni Drew.

Kung nag-away man silang dalawa ni Walter ay hindi na ako magtataka dahil noon pa man ay madalas na silang nagtatalo at laging may hindi pinagkakasunduan. Sobrang dalang lang nilang magkasundo.

"No, we didn't," she simply answered.

Mas lalo namang napataas ang kilay ni Drew at saka ngumisi. "Okay... Sabi mo, eh."

Drew just got his phone on the dashboard, while his eyes were fixed on the road, but when he gave it to me, he took a quick glance.

"Please text Walter. Tell him your address," malambing niyang sabi sa akin.

"Ano ang password?" tanong ko habang nakatitig lamang sa kanyang cellphone.

"There's no password," he said. "I have nothing to hide."

Kinagat ko na lang ang aking ibabang labi at swinipe na ang screen. Napanguso ako nang makitang wala ngang password ang kanyang cellphone.

"Excuse me, Drew. Passwords aren't only made for people who hide secrets. It's also for privacy," Kriesha stated her opinion.

"I'm not gonna argue with your stand," sabi naman ni Drew. "We both have different stands. Iyan ang sa'yo at ito ang sa'kin."

"Whatever..." sabi na lang ni Kriesha.

Pagkarating sa aking condo ay agad na pinuri ni Kriesha ang interiors ng aking unit. Habang inaayos na namin ang aking gamit ay hindi pa rin siya natigil sa kakasabi na maganda ang napili kong unit.

We were about to finish organizing my things when Walter suddenly came. He brought me a cake for a housewarming gift.

"You should've brought other foods, Walt," Kriesha told Walter. "And also, beverages. Mas damihan niyo ang tubig kaysa sa juice or soft drinks, please. May cake na tayo at baka magka-diabetes tayo."

I heard Drew chuckled. "Told you to text Walter earlier so that you can tell him all your whims," he said to Kriesha.

Matalim naman siyang tiningnan ni Kriesha bago ito muling lumingon kay Walter at binigyan ng matamis na ngiti.

"Please, Walt..." malambing na sabi ni Kriesha.

Walter violently exhaled before turning to Drew who's already grinning at him.

"Samahan mo ako," sabi ni Walter sa kanya.

Muli namang humalakhak si Drew at pinagpag ang kamay bago lumingon sa akin.

"May gusto ka pang ipabili?" tanong sa akin ni Drew.

Ngumiti naman ako sa kanya at saka umiling. "Kung ano na ang mapili ninyong bilhin, iyon na ang sa'kin," sabi ko na lang.

"Are you sure?" paninigurado niya. "Aren't you craving for any food?"

Muli naman akong umiling at tumango-tango na lamang siya bago nilingon si Walter. Nakuha naman na ni Walter ang gustong sabihin ni Drew kaya agad na itong lumabas. Bago sumunod si Drew ay muli niya akong nilingon.

"We'll be back in a few," he told me and smiled before finally going out of my unit.

Napangiti naman ako.

Drew's simple words of assurance are making me happy, but it also scares me at the same time.

No matter how much assurance a person could give you, there would always be a time that they will fail to compromise.

Life can be too manipulative sometimes that it would not flow with the way we want it to be... the way we promise it to be.

"We were in fourth year high school when I learned that Drew has feelings for you..."

Napalingon naman ako kay Kriesha na nakatingin sa akin at may suot na makahulugang ngiti.

"Hindi ko pa nga dapat malalaman pero pinilit ko si Walter," sabi niya. "Drew opened up to Walter about his feelings for you. Medyo nadulas si Walter sa akin noong nag-uusap kami kaya sinabi niya rin sa akin ang totoo."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" tanong ko sa kanya.

"I was torn, Iyah..." she answered. "Emma really likes Drew, while Drew likes you. And you had Orion that time. That's why I chose to just keep quiet. I also promised Walter that I wouldn't tell you about it."

Bahagya naman akong napayuko. Sobrang kumplikado nga ng lahat dati.

"Noon pa man nararamdaman na namin ni Walter na may gusto sa'yo si Drew. Noong first year pa tayo," pagpapatuloy Kriesha. "'Di ba sinasabi namin sa'yo iyon noon?"

Naalala ko naman ang lahat. Lagi nilang pinipilit na may gusto sa akin si Drew. Lalong-lalo na si Walter!

"He was planning to confess when we were in second year, pero hot issue noon ang pagkakagusto sa'yo ni Orion at tinutulak mo siya kay Emma habang tinutulak ka namin kay Orion," sabi ni Kriesha. "Nawalan siya ng pag-asa, Naiyah. Kaya pinili niya na ring lumayo, lalo na noong naging kayo ni Orion. He really tried to forget his feelings for you, that he kind of sent Emma's hopes high. Kaya noong umamin si Emma noong huling taon natin ay sobrang nasaktan siya dahil umasa siya gayong ikaw talaga ang gusto ni Drew."

I never knew that events like these were happening behind my back before. I'm so clueless about everything. Siguro'y masyado kong naibigay ang atensyon ko noon kay Orion na nakalimutan ko na ang mga kaibigan ko. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa kanila.

Naalala ko pang madalas nila akong inaayang kumain sa labas o maligo sa Tabang Alyhs pagkatapos ng klase ngunit lagi akong tumatanggi dahil may sarili kaming lakad ni Orion. Minsan lang ako nakakasama sa kanila.

Ang lakas ng loob kong humingi ng oras sa kanila gayong ako pala itong walang naibigay kahit na magkakasama pa kami noon.

"I'm sorry..." I apologized.

Kriesha's forehead creased. "For what?"

"Para sa mga oras na hindi ko naibigay sa inyo noon..." sabi ko. "Sa mga gala at lakad na hindi ko nasamahan. Sa mga pangyayaring wala akong kaalam-alam dahil hindi ko man lang inisip kung ano na ang ganap sa ating magkakaibigan. I was too busy being in love that I forgot about you all."

Kinagat naman ni Kriesha ang kanyang ibabang labi bago ngumiti. "Naiintidihan naman namin, Naiyah. Natural lang 'yon," sabi niya. "It was your first time being in love that time. Masyadong nakaka-overwhelm ang magkaroon ng relasyon sa unang pagkakataon na iisipin mong mas importante 'yon sa kahit na ano pang nasa paligid mo. Of course, you would want to keep your first relationship for as long as you can. You would want to go against the odds. Even if the possibilities are small, you would still risk it."

Ang buong pag-iisip ko ay sumasang-ayon lamang sa sinasabi ni Kriesha. Tama naman siya. Totoo ang kanyang mga sinasabi. Her words were like a shoe that fits perfectly on my foot.

"Kaya noong nasaktan ka, sobrang lalim ng ibinaon na sakit ng puso mo dahil hindi ganoon ang gusto mong mangyari," she said. "You thought falling in love was a dream, but it turned out to be a nightmare. And maybe, just maybe, the excruciating pain that you felt wasn't because you love him so much, but because what you wanted to happen didn't. I'm not saying that you didn't love him, pero siguro'y mas nangingibabaw lang ang kagustuhan mong mangyari para sa sarili mo."

May parte sa aking pagkatao na sumasang-ayon sa kanyang sinasabi, ngunit may parte ring hindi.

"Can I ask you something, Iyah?"

Muli naman akong nag-angat ng tingin sa kanya. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng kuryosidad.

"Ano 'yon?"

Huminga naman siya ng malalim bago isinatinig ang kanyang katanungan.

"Noong hindi pa dumadating si Orion sa buhay mo..." Bahagya siyang napatigil na para bang nag-aalangan bago nagpatuloy. "...nagkaroon ka ba ng damdamin para kay Drew?"

Napaawang ang aking bibig sa kanyang tanong na hindi ko inaakala.

Memories from the past with Drew suddenly stormed inside my mind.

Dati ay iwas na iwas akong pangalanan ang nararamdaman ko tuwing nandyan si Drew. Iyong kapag sumisilay ang ngiti niyang hindi basta-bastang binibigay kahit kanino, daig pa ng puso ko ang nakikipagkarera; Iyong simpleng pagsundo at paghatid niya sa akin sa bahay; Iyong mga salita niyang binibigyan ko ng ibang kahulugan... I just kept on shrugging everything away. Sa tingin ko'y mali iyon dahil magkaibigan kami at gusto siya ng kaibigan ko.

Hindi ko siya gusto. Iyon ang hinayaan kong paniwalaan ng sarili ko.

Noong dumating si Orion ay tuluyan kong hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya kahit na ayaw ko at nag-aalangan ako ng una. Ngunit noong nawala siya'y muling bumalik si Drew. Inaamin kong natakot ako noon kaya hindi ko siya nagawang bigyan ng tiyansa kahit na alam ko sa sarili kong iyon ang gusto ko. I'm scared of getting hurt again.

At noong bumalik si Orion, bumalik ang pag-asang maaaring maging kami pa rin ng taong una kong minahal. Gaya ng sabi ni Kriesha, that's the kind of relationship I wanted to have. Iyong kung sino ang una ko ay siya pa rin ang huli ko. Pero alam ko kung hanggang saan lang ako lalo na at mayroon na siyang iba. Kahit na lumabas na ang katotohanan na hindi niya naman talaga ako ipinagpalit, ramdam kong mahal niya talaga si Halsey.

He may still love me just like what he indirectly told me, but I know he loves her more.

Maybe the feelings we have for each together that stayed was only hoping for a proper closure before it finally leave us at peace. Na siguro'y kaya kami parehas na umaasa pa rin kahit papaano sa isa't isa ay dahil walang maayos na paghihiwalay na nangyari sa aming dalawa; na pwede pa sigurong maipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan kahit na mayroon ng iba.

And when I met Drew again, one of the things I realized is that my feelings for him never left. Hindi pala ang nararamdaman ko para kay Orion ang naibaon ko ng todo kundi ang nararamdaman ko para kay Drew. Na tuwing hinuhukay ko paalis sa puso ko ang nararamdaman para kay Orion ay kay Drew ang nahahanap ko.

"Yes..." My answer to Kriesha's question, and her lips parted in hearing my answer.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top