Chapter 38
Chapter 38
Flowers
"Naiyah..."
Nilingon ko naman si Daisuke na nagiging maingat sa paglapit sa akin. He's wearing that hopeful expression again, while looking at me.
"Oh, Daisuke!" nakangiti kong pagbati sa kanya.
"Uh... Pwede ka na ba ngayon?" nahihiya niya namang tanong sa akin. "Ano kasi... uhm... hindi ko pa rin napanood 'yong gusto kong panoorin na movie. Are you free today?"
"Sorry, Daisuke." Panimula ko at agad namang bumagsak ang kanyang balikat. "Mag-aayos kasi ako ng gamit dahil maglilipat na ako."
I didn't want to give him false hopes by going out with him to watch a movie. He really seemed like a great guy, but I just couldn't see myself with him.
"Ganoon ba?" Mas mukha siyang lalong nawalan ng pag-asa. "Saan ka pala maglilipat?" bigla niyang tanong.
"Sa may BGC lang," sabi ko sa kanya.
Tumango-tango naman siya. "Madalas kami roon ng mga kaibigan ko. We like to go clubbing every weekend. Iyon lang kasi ang araw na hindi kami busy," sabi niya. "Ikaw ba? Have you tried clubbing?"
"Uh... Oo," nag-aalangang sagot ko. "Pumunta kami ng mga kaibigan ko kagabi. Hindi nga lang kami nagtagal."
"Kung gusto mo, sumama ka sa'min ng mga kaibigan ko. May mga kabarkada rin kaming babae. I'm sure you can be friends with them," muli niyang pag-aya sa akin.
"Siguro—"
"Naiyah."
Gulat naman akong napalingon kay Drew na nasa aming harapan ni Daisuke. Mula sa pagtingin niya sa akin ay inilipat niya ang kanyang mapanganib na tingin kay Daisuke. His jaw clenched, while his dagger stares to Daisuke remained.
His eyebrows were shot up, the moment he averted his gaze from Daisuke and turned to me.
"Uh... Drew, si Daisuke nga pala, kaibigan ko," nag-aalangan kong pakilala kay Daisuke. "Daisuke, si Drew nga pala."
Humakbang naman palapit si Drew at saka inilahad ang kanyang kamay kay Daisuke. Seeing them closer to each other made me notice their height difference.
Drew is taller than Daisuke, and his body built is more massive.
"Leandrew Villafuerte," Drew introduced himself with a deep manly voice.
"Uh... Daisuke Kazuto."
Tinanggap naman ni Daisuke ang kamay ni Drew upang maging pormal ang pagpapakilala nila sa isa't isa.
Matapos nilang magbitiw ay agad akong nilingon ni Drew at saka ngumiti. "Nakaayos na ba ang gamit mo?"
Tumango-tango naman ako bilang sagot.
"Good. Let's go in now," he said and smoothly grabbed my hand before turning his gaze back to Daisuke. "It was nice meeting you."
Nilingon ko naman din si Daisuke na hindi na makangiti sa akin at saka siya pasimpleng nginitian bilang paalam.
"Is that guy courting you?" Drew asked once we were inside the gate.
"Huh? Hindi!" agap kong sagot.
"Good," he said. "But I don't really mind having any competition."
Napakunot ang aking noo. "Anong competition?"
"Sa panliligaw sa 'yo," simpleng sagot niya.
My heart jumped with his answer even though it came out from his lips so casually. Napahinto ako sa paglalakad at dahil mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin ay parang nahila ko siya pabalik.
When he realized that I was bewildered, he sighed and faced me properly.
"Yes, I'm courting you," he said. "Because whatever your decision may be, either you give me a chance or not, I will not stop trying to win your heart."
Those flattering words kept on swimming in my sea of thoughts.
I knew it was too early for me to open my heart again when the stitches on my wound that I got was recent, but it seemed like I was so ready to rip it apart and open it once again for him.
Those flattering words kept on swimming in my sea of thoughts.
I knew it was too early for me to open my heart again when the stitches on my wound that I got was recent, but it seemed like I was so ready to rip it apart and open it once again for him.
Kaso'y sa kabila ng kagustuhan kong bigyan siya ng pagkakataon ay naroon pa rin ang takot na puso ko ay nakabaon at patuloy na dumadaloy sa aking pagkatao na parang mga munting alon.
"Pasensya ka na rito sa bedspace ko, ah. Medyo masikip kapag dalawa tayong nandito pero kapag ako lang naman mag-isa ay hindi ganitong kasikip," sabi ko kay Drew nang makapasok kami sa loob ng kwarto.
Kinuha ko naman ang aking luggage sa ilalim ng kama at saka inilapag ito sa kama.
"Were you really able to find comfort here?" Drew asked me, trying to make sure. "If I only knew that it was this small, I could've brought you home with me last night."
"Ako lang naman kasi mag-isa rito at mura lang ang renta. Naging komportable naman ako," paliwanag ko. "Hindi naman ako maselan na tao."
I started to gather my clothes from the cabinet. I only brought few clothes. Marami pa akong mga damit at gamit na naiwan sa Bela Isla. Pero sa tingin ko'y hindi ko na kakailanganin ang mga 'yon.
Inagaw naman sa akin ni Drew ang pag-iimpake ng aking mga damit. Sinubukan kong tumulong pero hindi niya na ako hinayaan.
In the end, I just wasted my time looking at him packing my clothes and other essential stuff on the luggage. He didn't let me do any work.
Hahayaan ko na sana siyang tapusin ang pag-iimpake ngunit nang makita kong tumatagaktak na ang kanyang pawis dahil sa init ay tumayo na ako sa kama upang lumapit sa kanya.
Agad namang napalingon sa akin si Drew dahil sa akong pagkilos.
Dumiretso ako sa may kabinet upang kuhanin ang bimpo roon sa may ibabang drawer, kasama ng mga panyo.
"Ako na ang bahala riyan—"
Napatigil siya sa pagsasalita nang humarap ako sa kanya at pinunasan ang kanyang pawis.
"Pasensya na kung masyadong mainit, ah," sabi ko habang patuloy lamang ako sa pagpupunas ng kanyang pawis sa leeg. "Isa lang kasi ang electricfan ko at walang aircon. Alam ko namang sanay ka sa centralized na room. Grabe tuloy ang pawis mo."
Nang napunasan ko na ang pawis sa kanyang leeg ay lumipat naman ako sa kanyang mukha. Marahan kong idinampi ang bimpo sa kanyang noo at pisngi habang iniiwasan ang tumama ang aking tingin sa kanyang mga mata na ramdam ko ang nag-aalab na pagtitig sa akin.
"Doon sa lilipatan ko, may aircon na roon. Hindi ka na maiinitan," sabi ko sa kanya.
Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay na pumupunas sa kanya na dahilan kung bakit niya nahuli ang aking titig noong lumingon ako sa kanya.
His eyes were drawing me into him like some kind of magnet, and I'm a metal who will always be drawn no matter how much I try to keep a distance. Its force will still pull me closer.
The moment he smiled, I finally lost it.
"Uh... Sige na." Halos mataranta ako sa pag-iwas ng tingin sa kanya at bahagya siyang pinatabi upang maipagpatuloy ang pag-iimpake. "Tulungan na kita para mapabilis tayo."
I was shocked when he didn't stop me from helping him pack my things. At dahil nagtulungan kaming dalawa ay natapos na namin ang pag-iimpake sa loob ng isang oras. Siya naman ang nagbitbit ng maleta ko patungo sa kanyang sasakyan.
He pressed the car's key fob to unlock the car before I opened the back seat.
My body froze when I saw a bouquet of flowers on the back seat of the car, but my heart didn't as it started to beat rapidly.
Naramdaman ko naman ang paglapit ni Drew at mukhang sinilip din ang kung ano ang nagpahinto sa akin sa back seat.
"Oh..." He reacted. "I was planning to give it to you earlier..."
Inilapag niya ang aking maleta upang abutin ang bouquet na nasa back seat. Tumabi naman ako bahagya upang makaraan siya papasok sa loob.
The moment he got the bouquet, he turned to look at me, wearing a very handsome smile that I could never get enough.
"I've got a bouquet of assorted flowers for you since I don't think that you deserve just a single kind of flower, but you deserve a lot," he told me as he handed me the bouquet.
And because I was still stunned and unable to move, he reached out for my hand and handed me the bouquet of flowers.
"Pumasok ka na sa harap," sabi niya sa akin at saka inilagay sa back seat ang aking maleta.
Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at tulala lamang ako habang nakatingin sa bulaklak na bigay niya.
Maybe I can give him a chance that I should've given him before. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko ulit buksan ang puso ko.... kung itataya ko ulit ang kasiyahan ko para magmahal ulit.
I've been through a lot of obstacles that made me want to give up on life. It's time for me to live again by erasing the painful thoughts in my mind and throwing the fears away from my heart.
I know I deserve to be happy, and I wouldn't be truly happy if I would always look back to what hurt me, that's why I need to let it all go.
I will open the wound and let it bleed all the pain until there's only happiness left inside it.
"Bonifacio Heights, right?" Agad akong kinausap ni Drew nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan.
Tumango-tango na lamang ako bilang sagot at hindi pa rin natatanggal ang titig ko sa makukulay na bulaklak. The flowers all look so happy. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagngiti ko habang nakatingin sa kanila.
"Uh... Do you like the flowers?"he suddenly asked me in the middle of driving.
Suot-suot ang aking ngiti ay nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at saka tumango.
"Maraming salamat sa mga bulaklak," pasasalamat ko.
"I'm willing to give you whatever you deserve," he told me and glanced at me.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi upang pigilan ang pagwawala ng aking damdamin.
This feeling felt so familiar. It was like I was also able to feel it because of him before. Pero kahit gaano pa ito kapamilyar para sa akin ay hindi ko pa rin malagyan ng tuldok kung ano ang pakiramdam na ito.
"Nga pala, sasamahan kita bukas sa DFA para sa pagkuha ng passport mo. I already talked to my friend," sabi niya. "And on Monday, I will already schedule our flight back to Bela Isla."
Tumango na lamang ako. Wala na sa aking kaso ang bumalik ng Bela Isla. Kung makita ko man sila, then so be it.
If I want to be stronger, I need to face my fears. And in order to face those terrifying fears, I need to go back where I got them.
"Can we pull in first at Las Flores? Let's eat. I'm starving," tanong ni Drew at sumang-ayon naman ako sa kanyang gustong mangyari dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Hawak-hawak ni Drew ang aking bewang habang ginagaya ako papasok ng restaurant. Malayo pa lang ay nakita ko na si Kriesha na tulalang nakatingin sa kanyang plato.
"Nandito si Kriesha..." sabi ko kay Drew at saka siya liningon.
"She texted me earlier," sabi ni Drew. "Gusto niya raw bumawi sa'yo. She will join us for a meal and help us unpack your things at your new home later."
Agad naman ang napangiti sa sinabi ni Drew. Nasabi ko na bang napakaswerte ko dahil may kaibigan akong katulad ni Kriesha?
Nang mapansin ni Kriesha ang paglapit namin ay agad siyang tumayo at pinaunlakan ako ng matamis na ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top