Chapter 35
Chapter 35
Divert
I kept myself focus on the book that I was reading, while playing with a pencil in between my fingers. Kahit na ramdam ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Drew na katabi ngayon si Emma habang nag-aaral kami ay nanatili lang ang tingin ko sa libro kahit na nahihirapan ako sa pag-alala kung paano i-eexecute ang mga formulang nakasulat.
We were quietly reviewing for our second quarter examination in Math, when Kriesha suddenly came back with Walter who looked utterly excited.
"Guys!"
Kinalampag ni Kriesha ang lamesa kung saan kami nag-aaral at sabay-sabay naman kaming nag-angat ng tingin nina Drew at Emma sa kanya.
"We're studying, Kriesha," Emma said with her voice toned down.
"Mag-aaral na rin naman kami ni Walter pero may chika muna kami sa inyo! Narinig lang namin sa canteen noong palabas na kami," natutuwang sabi ni Kriesha.
Naging kuryoso naman ako sa kanilang ik-kwento kaya naman binitiwan ko na ang hawak kong lapis at ibinigay sa kanila ang buong atensyon ko.
I hate how their gossip can get one hundred percent of my attention than studying Mathematics.
"May usap-usapan tungkol sa isang Grade 8 student na nagkakagusto raw sa isang Garde 7 student," panimula ni Kriesha at humalukipkip pa saka nag-angat ng kilay.
"Can you just deliver the main point, Kriesha?" Naiinip na sabi ni Drew.
Kriesha just rolled her eyes before sitting beside me and wrapping her arms around me with a big smile on her face.
"May nagkakagusto sa'yo, Naiyah!" Kinikilig na sabi ni Kriesha.
My lips parted in surprise. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi dahil minsan ay mahilig gumawa ng kwento itong si Kriesha at madalas din ay sinasakyan lamang ni Walter ang kanyang kalokohan.
Binitawan naman ako ni Kriesha at saka sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Matagal ko ng alam na maganda ka, Naiyah, pero grabe ang ganda mo. Isang Valiente pa ang nabihag mo," sabi niya at nanlaki naman ang aking mga mata.
"Valiente?"
Nilingon namin si Emma na ngayo'y punong-puno ng pagtataka ang mukha.
"Sinong Valiente?" kuryosong tanong niya kay Kriesha.
"Emma, may iba pa bang Valiente na pinsan mo at Grade 8 ngayon dito sa BINHS?" medyo may pagkasarkastikong tanong ni Kriesha kay Emma.
"You mean..." Sandaling nag-isip si Emma at bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ni Kriesha. "Oh my God! Is it Orion?"
"Bingo!" Kriesha exclaimed.
"Oh my God talaga! Akala ko nagbibiro lang si Orion sa akin," hindi makapaniwalang sabi ni Kriesha ngunit bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha nang harapin ako. "Orion was asking me for your number last night. He even added you on Facebook, but he also added Kreisha, Walter and Drew."
"Did you give Naiyah's number to him?" pagsabat namang tanong ni Drew.
Para namang nagulantang si Emma sa pagsabat ni Drew at nahihiya niya itong nilingon.
"H-Hindi," medyo nauutal niya pang pagsagot.
"Good," seryosong sabi ni Drew at saka binaling ang tingin sa akin kaya naman nilipat ko ulit ang tingin ko kay Emma na napangiti dahil sa simpleng papuri ni Drew.
"Pero, Emma, ibig sabihin ba ay talagang may gusto ang pinsan mo kay Naiyah kung hinihingi niya ang number ni Naiyah sa'yo?" tanong naman ni Kriesha kay Emma.
"Siguro..." Nangingiting sabi ni Emma bago inilipat ang tingin sa akin. "I'll ask my cousin, Naiyah. Pero one thing's for sure! If he likes you, consider yourself lucky and prepare yourself. A Valiente never backs down once he or she likes someone."
"What if your cousin's just playing around?" Muling pagtatanong ni Drew kay Emma. "When did your cousin first saw Naiyah? The day we went to Tanawan. And now, he's spreading rumors that he likes Naiyah? That's absurd."
"Baka na-love at first sight kay Naiyah," natatawa namang sabi ni Walter.
Drew pursed his lips and creased his forehead while he stared back on his book. Tila ba parang may pinag-iisipan siyang malalim.
"My cousin's a very serious person," Emma defended her cousin. "He's not a playboy. I believe he doesn't have any relationship at all. Since birth!"
"We still don't know," giit ni Drew at umigting ang kanyang panga bago nag-angat ng tingin kay Emma upang magsalita ulit. "Hindi naman namin siya kilala. Of course, you'll defend him because he is your cousin. What about our own perception towards him?"
"I'm just stating what I know about my cousin and he's nothing like what you're judging him!" Emma sternly said.
"Hoy, ano ba kayong dalawa?" pagsingit naman ni Kriesha dahil nagkakainitan na ang dalawa. "Baka kayo pa ang magkatuluyan niyan, ah." Sinamahan niya pa ng kunting pang-aasar para gumaan ang tensyon.
"Whatever," simpleng sabi ni Drew at saka sinikop ang kanyang libro bago tumayo. "I'll study somewhere quiet."
Nagtagal ang tingin ni Drew sa akin ng ilang segundo bago tuluyang umalis. At ang ilang segundo pinalagi ng kanyang mga mata na nakatingin sa akin ay halos hindi ako makahinga.
"Emma, sundan mo si Drew!" sabi naman ni Kriesha kay Emma. "Bilis na!"
Bumuntong hininga naman si Emma bago tumayo at sinikop din ang libro para sundan si Drew.
Bumagsak naman ang tingin ko sa aking libro kasabay nang pagbagsak ng aking balikat.
"Feeling ko talaga ay gusto ni Drew si Naiyah," bigla namang pagsasatinig ni Walter nang kanyang iniisip.
"Hindi niya nga ako gusto," pagsipat ko kay Walter na kakaupo pa lang sa aming tapat kung saan nakaupo kanina sina Drew at Emma bago nilingon si Kriesha. "Hindi na kasi kayo dapat nagsabi ng biro nang ganoon."
"Iyah, hindi kami nagbibiro ni Walter!" giit naman ni Kriesha. "Narinig talaga namin sina Orion mismo sa canteen kasama ng mga kaibigan niya. Pinag-uusapan ka nila at iniinis ka nila kay Orion dahil gusto ka raw ni Orion."
"Wala namang kasiguraduhan iyon. Imposible namang magugustuhan ako no'n. Isa siyang Valiente," sabi ko naman.
"Naiyah, isipin mo na lang... Si Emma nga naging kaibigan natin kahit na isa siyang Valiente. Sino ba namang mag-aakala, 'di ba?" Kriesha stated her point. "Kaya hindi rin malabo na talagang may gusto sa'yo si Orion Valiente at saka maganda ka Naiyah! Marami pa akong kilala na nagkakagusto sa'yo."
Hindi na lang ako nakipagsagutan pa kay Kriesha at ipinilit ko na lang intindihin ang aralin ko sa Mathematics.
I've read a poem on the internet before. It is by Lang Leav, and the first two lines struck me.
If you love me for what you see,
only your eyes would be in love with me.
Iyon ang linya na mula roon sa poetry na 'yon ang tumatak sa sumagi sa isipan ko nang sabihin ni Kriesha'ng hindi malabong magustuhan ako ni Orion dahil sa aking hitsura.
Siguro'y maaari pa kung crush lang pero kung pagmamahal ang usapan ay parang hindi kapani-paniwala.
Papayag ka bang mahalin ka lang ng isang tao dahil sa iyong hitsura? That the root of his love is from his eyes and not from his heart because he likes you for what you look and not for what you are as a person.
Tahimik akong naglalakad patungo sa sakayan ng tricycle at napalingon ako sa aking tabi nang maramdaman kong may sumabay sa akin sa paglalakad.
I found Drew beside me. His hands were in his pocket as we walked side by side.
"Nasaan si Emma?" tanong ko sa kanya.
"I don't know." He shrugged his shoulders.
"Hindi mo siya kasabay umuwi?" muli kong pagtatanong.
"Her way's different from us," he simply said.
"Dapat ay ihatid mo pa rin siya kahit na ganoon," sabi ko naman.
Pumara siya ng tricycle at agad naman itong umarangkada patungo sa amin.
"Bakit ko naman siya kailangang ihatid?" pabalang niyang tanong sa akin bago hinarap ang tricycle driver. "Sa may Rosas po," sabi ni Drew sa manong at tumango na lamang ito sa amin.
Pinasakay na ako ni Drew sa loob ng tricycle. Wala naman na akong nagawa kaya sumakay na lang ako at agad siyang tumabi sa akin bago lumarga ang tricycle.
Naaawa ako para kay Emma dahil parang hindi mapansin ni Drew ang kanyang pag-eeffort na mapansin nito. Kulang na lang ay maging vocal na siya sa nararamdaman niya at ipagsigawaan ito para mapansin ni Drew dahil kahit anong pagpaparamdam niya ay parang walang tama kay Drew.
"Ano'ng masasabi mo tungkol sa pagkakagusto sa'yo ni Orion Valiente?"
Nabigla ako sa biglang pagtatanong ni Drew. Hinarap ko siya at nakita kong seryoso lamang ang kanyang mga matang nakatingin sa mga tanawing aming nadadaanan.
"Hindi naman ata totoo 'yon," sabi ko na lang.
"What if it's true?" he asked me.
"Eh, di, totoo..." tipid at nag-aalangan kong sabi.
"Will you welcome his feelings for you?" sunod niyang tanong sa akin.
"Wala pa sa isip ko 'yan," sabi ko naman.
"Really, huh?" Nanunuya niyang sabi at parang hindi siya naniniwala sa aking sinasabi.
Nilingon ko naman siya at nakitang may multong ngiti mula sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin.
"Oo nga," sabi ko sa kanya at saka nag-iwas ng tingin. "Pero dapat talaga ay hinatid mo si Emma pauwi." Pag-iiba ko ng aming usapan.
"Why do you always bring up Emma in our conversation?" he became curious, and I felt like my throat dried up. "Hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang ihatid gaya ng sinasabi mo. Mayroon naman siyang sundo at kaya niya namang umuwi mag-isa. Magkaiba rin ang daan namin pauwi."
"Pakiramdam ko lang ay iyon ang dapat gawin mo," sabi ko at nagkibit-balikat.
Nagpasalamat akong nalalapit na kami sa aming bahay at sinabi ko na sa tricycle driver kung saan siya dapat huminto bago ko nilingon si Drew na mukhang malalim ang iniisip.
"Drew, lalabas na ako. Nandito na tayo sa amin," sabi ko naman sa kanya dahil nakahinto na ang tricycle ngunit hindi pa siya lumalabas kaya hindi rin ako makalabas.
"Why do I feel like you're pushing me towards Emma?" bigla niyang tanong sa akin at mas lalo namang nanuyo ang aking lalamunan. "Bakit mo ba ako tinutulak sa kanya?"
"Hindi naman, ah!" halos mataranta ako sa pangangalap ng mga salita bilang sagot. "Tabi ka nga riyan. Uuwi na ako."
Buong lakas kong hinawi ang kanyang tuhod na nakaharang sa labasan upang makalabas sa tricycle, ngunit bago ako tuluyang makalabas ay hinawakan niya ang aking braso.
"Huwag mo akong itulak sa iba, please..." mahina niyang sabi sa akin. "Kahit 'yon lang muna sa ngayon ang hilingin ko sa'yo. Huwag..."
I stared at him cluelessly before he let go of my arm. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para makawala at halos patakbo na akong pumasok sa aming bahay.
Habang nag-aaral sa Science dito sa may duyan sa aming dalampasigan ay sumasagi sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Drew. Kinagat ko ang aking labi at saka umiling. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-Facebook upang malibang ang aking sarili. I have a lot of notifications and friend requests. Hindi naman kasi ako madalas gumagamit ng Facebook kaya naiipon.
I checked out all the notifications, before I checked the friend requests. Napaawang ang aking labi nang makita ko ang pinsan ni Emma na sinasabi nilang nagkakagusto sa akin na isa sa mga nagpadala ng friend request.
Ngumuso naman ako at saka inaccept ang kanyang friend request. Wala naman sigurong masama roon. Kilala ko naman siya at pinsan siya ni Emma.
Pagkatapos kong magscroll ng feed sa Facebook ay bumalik na ako sa pag-aaral para may masagot man lang ako bukas sa pagsusulit.
Kinabukasan ay maaga akong umalis upang hindi niya ako maabutan sa bahay. Pagkarating ko sa school ay naroon na si Emma at Walter. Parehas silang mukhang abala sa pag-aaral. Mukhang ang aga ata nilang pumasok ngayon.
"Good morning!" Masigla kong bati sa kanilang dalawa.
Kumaway lamang sa akin si Walter habang ang mga mata ay nakatutok sa libro. Si Emma naman ay nakangiting nag-angat ng tingin sa akin.
"Naiyah, may good news ako sa'yo!" pambungad niya sa akin.
Bahagya namang napakunot ang aking noo ngunit nanatili pa rin ang aking ngiti sa labi habang paupo ako sa aking upuan.
"Ano 'yon?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"I asked my cousin about you last night. Nagdinner kasi kami sa kanila at nagkaroon ako ng tiyansang magtanong sa kanya," sabi sa akin ni Emma. "He really likes you, Naiyah, and he wants to know you more."
"Who wants to know Naiyah more?"
Parang kulog na bumalot sa loob ng aming tahimik na silid ang boses ni Drew. Mukhang ang aga niya ring pumasok ngayon.
"My cousin... Orion," nag-aalangang sagot naman ni Emma.
Hindi na nagsalita pa si Drew at saka naglakad patungo sa kanyang upuan na katabi ni Emma upang umupo.
Agad namang tumama ang kanyang tingin sa akin nang makaupo siya ng maayos.
"Hindi mo ako hinintay," sabi niya sa akin.
Napalunok naman ako at saka sumulyap kay Emma na ngayo'y binagsak na ang tingin sa libro na kanina niya pa binabasa.
"Maaga kasi akong umalis para magreview sana," sabi ko at inilabas ang libro ko mula sa aking bag.
Tumango naman siya sa akin at saka tipid na ngumiti. "Mag-aral ka na," bilin niya.
Ngumuso naman ako at saka napatango-tango bago umayos na ng upo at halos idikdik ko ang aking noo sa libro.
Maybe I should divert my attention... I really should.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top