Chapter 34
Chapter 34
Stay
"Hindi ko talaga akalaing luluwas ka rito sa Manila, Iyah." Hindi pa rin makapaniwala si Kriesha habang nasa gitna na kami ng pagkain. "I thought you'll let yourself be stuck at Bela Isla."
"Para mo namang sinisiraan ang Bela Isla, Kriesha." Mababa ang tinig ni Walter nang sumingit upang ihayag ang kanyang nais sabihin.
"I'm not, Walter," Kriesha defended her statement. "What I mean is, there's a lot more opportunities to be found here in Manila than in Bela Isla."
"Well, I won't argue with that anymore..." sabi na lang ni Walter at saka itinuon ang buong atensyon sa kanyang pagkain.
"See? I'm right!" Natutuwang sabi ni Kriesha bago muling tumingin sa akin. "Nga pala, Iyah! Are you gonna stay here in Manila for good?"
Tumango naman ako at saka ngumiti. "Maglilipat na ako sa makalawa sa may BGC."
Kita ko namang mas lalong natuwa si Kriesha sa kanyang narinig. "Kapag nakalipat ka na, magpa-housewarming party ka! Kahit tayo lang magkakaibigan para makapagbonding-bonding tayo. Ilang taon ka rin namin hindi nakasama," sabi ni Kriesha. "I can even help you organize it!"
"Kriesha, let's take things slow for Naiyah," Walter butt in again.
"Walter, here in Manila, you know taking things slow is a no-no," Kriesha countered and tried to make Walter realize her point. "We should always keep our pace fast. Kung hindi ay mapag-iiwanan tayo sa takbo ng buhay rito. Keep that in mind, Naiyah. Kung kailangan mo ng tulong, you can always call me."
"She has me. She doesn't need to call you," Drew calmly stated as he sipped on his iced cold water.
Kriesha rolled her eyes at Drew. "Oh, come on, Drew! You can't always keep Naiyah to yourself."
Muli naman akong nakaramdam ng hiya at ibang klaseng galaw sa aking tiyan kaya naman nanatili na lang akong tahimik habang nakikinig sa kanila.
Drew just clenched his jaw and continued eating. He didn't argue with Kriesha anymore. Mahirap nga namang makipagsagutan kay Kriesha. Ipaglalaban niya ng todo ang kung ano ang alam niyang tama.
"So, kung 'di ka pa nakakalipat sa BGC..."
Nag-angat ako ng tingin kay Walter na kumakausap sa akin.
"Saan ka tumutuloy ngayon?" kuryoso niyang tanong.
"Uh... May bedspace akong tinutuluyan. Iyon lang kasi ang kaya nina Tita Edna at Tito Franco noong dinala nila ako rito sa Maynila," sabi ko naman at sinamahan ko na rin ng paliwanag.
"What the heck, dude!" Bahagyang sinapak ni Walter si Drew na kanyang katabi. "Hinayaan mong tumuloy si Naiyah sa bedspace? Baka hindi siya komportable at safe doon."
Bayolentang bumuntong hininga naman si Drew at hinarap si Walter. May sasabihin sana siya, ngunit kinuha naman agad ni Kriesha ang aking atensyon kaya napatigil din siya.
"Are you comfortable there, Iyah?" tanong naman sa akin ni Kriesha. "If you want, you can stay with me tonight."
Bahagya naman akong natawa. "Ano ba kayo? Ayos lang ako roon! Tamang-tama lang naman sa akin ang laki ng nakuhang bedspace at saka aalis na rin naman ako sa makalawa."
"If you need help kapag maglilipat ka na, don't hesitate to call me," sabi naman ni Walter.
"I'll be there to help, too," agad namang pagsingit ni Drew.
"Aba, syempre! Ako rin." Nakangiting bumaling sa akin si Kriesha.
I can't help but to be overwhelmed with the amount of support they're giving me and the love that they're making me feel.
Ang sarap sa pakiramdam na mayroon pa rin pala akong matatakbuhan at maaasahan matapos ang lahat ng nangyari. Sila ang nagparamdam sa akin na kaya ko pa rin pa lang magtiwala noong inakala kong hindi ko na kaya. Pero siguro rin ay dahil noon pa lang ay nagtitiwala na ako sa kanila at nanatili ang tiwalang iyon hanggang ngayon.
"Hindi sapat ang lunch na 'to. Magkita ulit tayo mamayang gabi kung available kayo, pero kahit si Naiyah lang ay ayos na ako," sabi ni Kriesha nang matapos na kaming kumain at saka muling lumingon sa akin. "Let's go out tonight, Naiyah. I'll pay for our drinks."
"Sasama ako," maagap na sabi ni Drew. "Hindi ako papayag ng kayo lang dalawa."
"Okay! But let me treat Naiyah tonight," sabi naman ni Kriesha.
Bumuntong hininga naman si Drew. "Fine. I'm just gonna be there to watch her."
Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan ako sa magiging pagsama niya mamaya gayong sa kabila noon ay gusto ko ring lagyan ng linya ang pagitan naming dalawa.
"How 'bout you, Walt?" Kriesha turned to Walter.
"Just text me the details. I'll see if I can join you guys tonight," Walter vaguely answered. "I have deadlines to meet tomorrow at work."
"Don't be such a killjoy, Walt. Ngayong gabi lang naman. I'm sure you're almost done with your project. You don't like cramming," Kriesha said to him. "And besides, we need to celebrate Naiyah's arrival here in Manila."
"Okay..." Walter sighed in defeat. "Pero dalawang oras lang ako roon. Hindi ako magtatagal."
"Two hours is already enough!" Kriesha laughed and seemed more excited than I was.
After we ate lunch, Kriesha and Walter went off to their work, while I was stuck with Drew who volunteered to drive me home to my bedspace, and we were just quiet the whole ride but he began to spit out comments about where I currently live as soon as he saw it.
"I don't think this building's safe. You better move out as soon as possible. Do it tomorrow," he demanded. "There's no security at all. Who's the owner of this bedspace?"
"Drew, mura lang kasi rito. One thousand lang isang buwan pero maayos naman ang bedspace ko rito at saka lilipat naman na ako sa makalawa," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Do it tomorrow or I'll take you home with me to spend a night there," he lightly threatened me.
Ngumuso ako at nag-isip nang mabuti.
"I will help you move your things to your new home. I don't think it would take much time," desidido niyang sabi.
"Drew..."
"And I will also fetch you here tonight," he added. "Let's eat dinner first before we go to Valkyrie. I'll text you when I'm already near and don't ever think of running away from me. Please, Naiyah."
Alam kong wala na akong kawala sa kanya kaya naman sumang-ayon na lang ako para mapanatag ang loob niya at hindi maging mahigpit sa akin.
Hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagtakbo ng oras na mabilis na lumilipas. Dati'y kapag naghihintay ako ng tamang pagpatak ng oras ay kay bagal nitong umikot, pero ngayon ay mabilis na dahil sa nerbiyos na nararamdaman.
Inubos ko ang natitirang oras sa paghahanap ng maisusuot. Luckily, I found a simple knee-length white dress that I can wear. Ito lang ang pinakamaayos na dress ko na mukhang babagay sa pupuntahan namin ngayong gabi.
Matapos kong makahanap ng damit ay mabilis akong nagshower at saka nagsimulang mag-ayos. Hindi rin naman ako nagtagal dahil wala rin ako masyadong kolorete na nilagay sa mukha ko. Tanging face powder, liptint, at blush on lamang ang aking nilagay na pangkulay para lamang magkaroon ng buhay ang aking itsura.
Halos malaglag ang puso ko nang tumunog ang aking cellphone at bumungad sa akin ang pangalan ni Drew na may mensahe para sa akin na agad kong binasa.
From: Drew
Are you done preparing? I'm already on my way to pick you up. Wait for me.
Nanlaki naman ang aking mga mata pagkabasa ng kanyang mensahe at agaran na tumayo mula sa harap ng aking tukador. Kinuha ko ang bag ko at nagmadali akong umalis.
Mabuti na lang at agad na may dumaang taxi na walang sakay. When I settled myself inside the cab, that's the time I replied to Drew.
To: Drew
Hala! Pasensya na, Drew. Nauna na akong umalis. Nakasakay na ako sa taxi. Dumiretso ka na roon. Doon na lang tayo magkita kasama sina Kriesha at Walter.
Huminga naman ako ng malalim nang maipadala ko ang mensahe sa kanya at saka sumandal sa upuan. Akala ko'y makakahinga na ako ng maluwag ngunit nang tumunog ang aking cellphone ay nagambala ng todo ang aking buhay. I just turned my phone into silent mode and texted Kriesha that I'm already on my way before I slid it inside my bag.
Nakarating ako sa Valkyrie ng sa loob ng isa't kalahating oras na dapat ay halos isang oras lang nang dahil sa traffic. Hindi pa masyadong nakakahinto ang taxi sa tapat ng bar ay nakita ko nang naghihintay si Drew sa labas. Nang mamataan niya ang taxi'ng papalapit kung saan ako nakasakay ay kita ko ang pagtalim ng kanyang tingin.
Dahil hindi tinted ang salamin ng sinasakyan kong taxi ay kitang-kita niya ako sa loob ng taxi nang huminto ito sa kanyang tapat. I saw his jaw clench, and he started to walk. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya at nanginginig kong inabot ang bayad sa driver ng taxi at nagpasalamat bago lumabas ng taxi.
Bumungad sa akin ang mapanganib at malalim na tingin ni Drew, pagka-angat ko ng tingin sa kanya. I smiled at him, but he remained frowning.
"I thought I told you clearly that I'm gonna pick you up," he seriously said.
"Nawala sa isip ko dahil sa ilang oras na nagdaan. Hindi ko naman sinasadya." Mabilis naman akong nakaisip ng palusot.
"Did you think of that excuse while you were on your way here?" he doubted.
"Hindi ako nagdadahilan," sabi ko na lang at saka nagsimula nang maglakad papalayo sa kanya. "Nasaan na ba sina Kriesha? Nandito na ba sila?" tanong ko nang hindi siya binabalikan ng tingin.
Wala pa sa lima ang aking nahahakbang papalayo sa kanya nang agad niyang hinawakan ang aking braso upang pigilan sa paglayo at saka hinarap sa kanya.
"Don't try and change the topic. It won't work on me," he stated.
Bumuntong hininga naman ako at taas noong tiningnan siya. "Sinagot ko naman na ang tanong mo, ah?"
"You're avoiding me." It wasn't a question.
"I'm not," maagap kong sabi. "Kung iniiwasan kita ay hindi ako papayag na sumama sa'yo sa Japan. Hindi pa ba sapat na patunay 'yon?"
"You only confirmed it now," sabi niya naman. "Ang sabi mo lang sa akin kanina ay magpapaalam ka pa."
"Ito na nga. Sinasabi ko na. Sasama na ako. Pero magpapaalam pa rin ako kina Tito at Tita," sabi ko naman at muli na siyang tinalikuran.
Mula sa labas ay rinig na rinig ko na ang dumadagundong na tunog sa loob ng Valkyrie. Unang beses ko pa lang makakapasok sa ganitong establisyamento at paniguradong mangangapa pa ako kung paano ako aakto.
Drew released a deep sigh, and I didn't know why it put some weight on my heart.
"Kriesha and Walter's already inside. Let's go," he calmly said, and I felt his warm hand hold mine as we walked our way to the bar.
Ang mga nakapila sa labas ay naunahan pa naming pumasok kahit tinanguan lang ni Drew ang bouncer. Sa palagay ko'y madalas siya rito at kilala na.
Hindi ako sanay sa lakas ng ingay na naabutan ko pagkapasok sa loob ng Valkyrie kaya naman pakiramdam ko ay parang paulit-ulit na tinatambol ang aking tainga.
Mas humigpit ang pagkakahawak ni Drew sa aking kamay habang tinatahak namin ang daan patungo sa mga tables and couches.
Napangiti naman ako nang makita ko na sina Walter at Kriesha. Nakatutok ang mata ni Kriesha sa kanyang cellphone at nagtitipa ng kung ano habang si Walter naman ay nagmamasid lang sa mga taong nagsasaya sa dance floor habang umiinom. Kahit silang dalawa lang ang nasa couch ay hindi sila nag-uusap at parang sobrang layo sa isa't isa.
Kriesha raised her gaze and found mine when she brought her phone down. Her face beamed up and she stood up to take me away from Drew. Wala namang nagawa si Drew nang kuhanin ako ni Kriesha mula sa kanya.
Pinaupo ako ni Kriesha sa couch at saka siya umupo sa tabi ko. Pinatayo naman ni Drew si Walter upang makatabi siya sa akin.
"What do you want to drink?" tanong sa akin ni Kriesha. "Libre ko! Kahit ano ang gusto mong inumin."
"She's not allowed to drink tonight," bigla namang pagsingit ni Drew. "Hindi pa siya kumakain ng dinner."
"I can order light meals for her. Hayaan mo na si Naiyah'ng maranasan 'to, Drew. Don't be such a killjoy like that guy beside you." Kriesha rolled her eyes at Drew and Walter.
"Ikaw na ang mamili para sa akin. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang kakainin o iinumin ko rito," sabi ko na lang kay Kriesha.
"Okay, but, let's wait for Emma first!" Kriesha suddenly said, and my eyes widened in surprise.
"Pupunta si Emma?" gulat kong tanong.
"Yes, she will! I called her earlier. Malapit na rin siya, pero hindi niya pa alam na nandito ka. Su-surpresahin natin siya!" Natutuwang sabi ni Kriesha at saka tumingin sa aming harapan. "OMG! Speaking of! She's already here!"
Napalingon ako sa aming harapan at nakita ang papalapit na si Emma. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng pangangatawan niya. Noon pa man ay sobrang nagagandahan na ako sa kanya. Nasa lahi talaga nilang mga Valiente ang maging maganda at gwapo.
She looks like a model now. Her curves are in their right places.
Muling tumayo si Kriesha upang salubungin si Emma. Nagbeso sila ni Emma at mukhang nagtawanan pa bago lumapit sa amin.
"Surprise, Ems! Naiyah is here!" Kriesha excitedly shouted.
I saw how Emma's smile slowly vanished even though I was showing her my best smile. Sandaling lumipat ang kanyang tingin sa aking lalaking katabi kaya naman napalingon din ako kay Drew at laking gulat ko nang makitang sa akin lamang nakatuon ang kanyang atensyon.
"Emma!"
I heard Kriesha shout and that made me face them again, only to find that Emma's already on her way out.
"I already warned you, Kriesha," rinig kong sabi ni Walter.
"You're not helping, Walter!" galit na sabi ni Kriesha at saka tumalikod na upang habulin si Emma.
At dahil hindi ko kayang manatili lang dito, tumayo na rin ako upang sundan silang dalawa ngunit agad hinawakan ni Drew ang aking kamay.
Napalingon naman ako sa kanya at nakita ang kanyang nagsusumamong mga mata.
"Just stay here..." he said.
Kumunot naman ang noo ko at saka buong lakas na tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin.
I'm not just going to sit here and do nothing. I need to talk to Emma.
"Kailangan kong kausapin si Emma," mariin kong sabi sa kanya at pumihit na upang magmadaling sundan sina Emma at Kriesha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top