Chapter 31
Chapter 31
Yacht
"Naiyah, nandito ulit ang kaklase mo," anunsyo ni Mommy habang kumakain pa ako ng umagahan.
Napakunot naman ang aking noo habang iniisip kung sino ang tinutukoy ni Mommy na aking kaklase. Naputol naman ang aking pag-iisip at hindi na ako nahirapan pa nang makita kong dumungaw si Drew sa aming kusina kung nasaan ako.
Halos mabulunan naman ako nang dahil sa gulat. He immediately went to me and poured me a glass of water to drink, while he caressed my back. Nakaalalay lang siya sa aking kamay habang iniinom ko ang tubig na isinalin niya para sa akin.
As soon as I was done emptying the glass, I took a deep breath and let my breathing return to its normal rhythm. Drew didn't stop on caressing my back, while I'm trying to compose myself.
"Are you fine now?" His voice was so soft than I almost wasn't able to hear what he had just said.
Bahagya ko naman siyang nilingon at kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tipid naman akong ngumiti sa kanya at saka tumango bilang sagot.
Kahit na tumango na ako ay hindi pa rin nawala ang kanyang pag-aalala, ngunit unti-unti nang tumigil ang paghagod niya sa aking likuran.
"You should slow down your intake of food," he told me. "Para hindi ka nabubulunan."
"Hindi naman ako nagmamadaling kumain. Nagulat lang talaga ako sa bigla mong pagdating. Wala ka man lang pasabi," sabi ko naman at saka nagpatuloy na sa pagkain.
Tuluyan nang tumigil si Drew at saka umupo sa katabing upuan, ngunit nakaharap pa rin siya sa akin upang panoorin ako sa aking pagkain.
I suddenly felt conscious with the way I eat because of his intense stare. Hindi ko alam kung kailan pa ako umarte sa paghawak ng kutsara at tinidor pero pakiramdam ko ay ang arte-arte ko ngayon. Kapag nasa eskwelahan naman kami at kumakain ng tanghalian ay hindi naman ako naiilang.
"I just think that it's wise if we will go to school together," sabi niya. "Nadadaanan ko naman kasi ang bahay niyo pagpasok kaya bakit hindi pa kita daanan upang sabay na tayong pumasok, 'di ba? Makakatipid ka pa ng pamasahe papasok."
Pinaningkitan ko ng mata si Drew pero sa kabila noon ay naisip kong tama nga naman siya. Wala rin naman masama kung magsabay kaming pumasok dahil magkaibigan kaming dalawa.
Drew waited for me to finish my meal. Hindi ko nga alam kung paano ko pa natapos ang pagkain ko kahit na nananatili ang kanyang mga mata sa akin. Naisip ko kung aaraw-arawin na ni Drew ang pagsabay namin pagpasok ay aayain ko na rin siyang dito mag-umagahan.
"Sa Lunes, kung magsasabay ulit tayo, sa amin ka na kumain ng umagahan," sabi ko naman sa kanya pagkasakay namin sa kanilang sasakyan.
His lips slightly curved, hearing my invitation. "I would love that," he said.
Even though I've seen his rare smile for a few times already, the kind of feeling it can give me didn't even weaken and I have a feeling that it even intensified as my heart started to beat wilder.
This foreign feeling was giving me a hard time to maintain myself. I didn't know how to handle it since I've never felt it before. I'm trying to grasp the feeling and describe it in order to identify it, but I can't. Or maybe, I can... I can, but I'm just denying it.
Pagkapasok namin ni Drew sa silid ay agad na tumama ang mga mata ko kay Emma bahagyang napaawang ang bibig. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya at umupo na sa aking upuan, katabi ni Kriesha na nakikipagdaldalan kay Walter.
I didn't know why I suddenly felt guilty. Pakiramdam ko'y hindi tama ang pagsabay naming pumasok ni Drew. I almost forgot that Emma likes him. How inconsiderate of me, not to care about her feelings. Kahit na magkakaibigan kami, alam kong maaari pa rin siyang magdamdam.
Paano ko na ngayon babawiin kay Drew ang sinabi ko kanina? Hindi kami pwedeng magsabay pa ulit. Pero kung magsasabay pa rin kami ay mabuti nang isabay na rin namin si Emma papasok. Kaso nga lang ay iba ang daan ni Emma.
"Oh! Sabay kayong pumasok ni Naiyah?" gulat na tanong ni Walter nang makaupo na kami ni Drew sa aming upuan.
"Yeah..." Si Drew na ang sumagot.
"Aba, aba! Paano namin kaming tatlo nina Kriesha? Dapat sabay-sabay tayong lima!" giit naman ni Walter na tila parang nagtatampu-tampuhan.
"Your houses are out of our way. Iba ang daan niyo sa daan namin ni Naiyah papasok," Drew reasoned out.
"Oo nga pala! Sayang naman," bigong sabi naman ni Walter.
"Pero, guys! Pista sa Tanawan bukas. Punta tayo! Wala naman tayong klase bukas, eh," pag-aaya ni Kriesha. "Hindi pa tayo nakakagala ng tayong lima. Masaya 'to kaya sumama na kayo. Napapayag ko na si Walter kanina."
Binalingan naman ako ni Kriesha at ngumiti siya sa akin. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at saka tumango. Mukhang wala rin naman kasi siyang balak na payagan akong hindi sumama.
"Ayan! Kasama na rin si Naiyah!" Masaya niyang sabi at pumalakpak pa.
"Sama na rin ako," walang pagdadalawang-isip na sabi ni Drew kaya naman napatingin ako sa kanya na nakatingin lamang sa akin.
Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at dumako kay Emma na nagdesisyon na ring sumama.
"Kung ganoon ay sasama na ako," nakangiting sabi ni Emma. "We can use our car. Para hindi tayo mahirapan papunta ng Tanawan at hindi na tayo mamasahe."
"Huwag na tayong magsasakyan, Emma," sabi naman ni Walter. "Paniguradong traffic niyan at baka abutin na tayo ng gabi ay nasa gitna pa rin tayo ng traffic."
"So what do you suggest?" she asked. "We will walk? Kapag nagcommute tayo ay ganoon din. Mas maganda nang nakasakay tayo sa sasakyan para hindi mainit kung ma-stuck man tayo sa traffic."
"Land transportation isn't the only option." Si Drew ang nagsalita. "We can travel by water."
Emma pursed her lips tightly when Drew spoke. Sa tingin ko ay medyo napahiya siya, lalo na dahil si Drew ang nagsalita.
"Tama! Ang galing talaga ni Papa Drew!" Mapang-asar na sabi ni Kriesha na natatawa-tawa pa.
May mga ilang kababaihan kasi rito sa aming paaralan na Papa Drew ang tawag kay Drew magmula noong Buwan ng Wika na ginanap last week.
Siniko naman ni Walter si Kriesha kaya agad din siyang napatigil.
"Naiyah." Nilingon ako ni Walter. "Sabi ni Kriesha ay may bangka raw kayo sa dalampasigan sa likod ng bahay niyo. Baka naman pwedeng iyon na ang gamitin natin."
"Meron nga, kaso ay hindi pa ako masyadong marunong," sagot ko.
"Okay lang 'yon, Naiyah!" sabi naman ni Kriesha. "Itong si Walter ay marunong. Ang kaso, ayaw pagamit sa kanya ng tatay niya ang bangka nila."
Tumango naman ako at inisip ko kung paano ko ipapaalam kay Mommy ang paggamit ng bangka. Baka nga hindi rin kami payagan ng gamitin iyon ng walang kasamang nakakatanda. Kahit na marunong si Walter ay hindi ko pa rin agad mapapapayag si Mommy.
"Isn't dangerous?" biglang pagsingit ni Emma at napalingon naman si Drew sa kanya bago binalik ang tingin sa amin.
"Emma's right," pagsang-ayon ni Drew at kitang-kita ko ang pagngiti ni Emma nang dahil doon. "Masyadong delikado kung tayo-tayo lang. Kung umaga ay maayos pang pumalaot ng tayo lang dahil maliwanag, pero kapag inabot tayo ng gabi ay delikado na."
"Kung ganoon ay tutungo pa tayo sa pier para sumakay ng bangka patungong Tanawan?" tanong ni Kriesha. "Paniguradong mahaba ang pila ng araw na 'yon."
"Uh..."
Lahat kami ay napalingon kay Emma nang umamba siyang magsasalita na para bang siya na ang huli naming pag-asa upang matuloy ang balak naming pakikipagpiyesta sa Tanawan.
"My cousin's family has a yacht," she said. "I'm sure he can let me borrow it for tomorrow. Hindi naman nila madalas ginagamit 'yon. Ipagpapaalam ko sa kanya mamaya."
"Hindi ako marunong magpatakbo ng yate, Emma," pagsingit naman ni Walter.
"Don't worry, kapag ipinahiram niya 'yon ay paniguradong may ipapasama siya sa atin na marunong magmanipula ng yate," sabi ni Emma.
"Eh, paano kung hindi niya ipahiram sa atin?" nag-aalala namang tanong Kriesha.
"Kung hindi niya ipapahiram ang yate ay pwedeng ang bangka na lang ang hiramin natin. Marami silang ganoon sa kanilang resort at paniguradong may ipapasama pa rin siya sa atin para may kasama tayong nakakatanda," paliwanag naman ni Emma.
Sabay-sabay naman kaming nakahinga ng maluwag dahil tuloy na tuloy na ang aming magiging lakad.
"So, saan tayo magkikita-kita bukas?" tanong ni Walter.
"Let's just see each other at The Valley," sagot ni Emma. "Anong oras ba ang gusto niyong alis natin?"
"Alis na tayo ng mga alas-siyete para maabutan natin ang misa ng alas-otso," sabi ni Kriesha.
Nagsitanguan na kami at iyon na ang sinang-ayunan ng lahat.
Habang pauwi kami ni Drew at nakasakay sa tricycle ay iniisip ko na ang mga damit na laman ng aking kabinet. Hindi ko mawari kung anong damit ang dapat na isuot ko kinabukasan. Hindi naman pwedeng magsuot ng shorts at maikling palda dahil makikinig kami ng misa. Siguro'y maghahanap na lang ako ng maayos na bistida mamaya. Baka si Mommy ay may maipahiram din sa akin.
"Mukhang malalim ang iniisip mo," pagpuna ni Drew na dahilan kung bakit ako natigil sa pag-iisip.
"Iniisip ko lang ang mga gagawin natin bukas," sabi ko na lang. "Grade 4 pa ata ako noong huling beses akong nakipiyesta sa Tanawan."
"It's my first time," he said and shrugged his shoulders. "I find it very exciting, especially that I'm with you."
Halos masamid naman ako kahit na wala akong iniinom at saka binalingan si Drew.
"Ha?" Para akong nabingi at hindi narinig ang kanyang sinabi kahit na nagwawala na ang puso ko nang dahil sa narinig.
"Ang ibig kong sabihin, na-eexcite ako kasi kasama ko kayo. All of you. Kayong mga kaibigan ko," paglilinaw sa akin ni Drew.
I involuntarily sighed in relief with a slight feeling of disappointment, when he cleared things out for me. Mas maganda talagang nililinaw muna ang mga bagay-bagay bago tayo mag-isip ng kung anu-ano para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. It is not good to just assume immediately. It will only lead to expectations that can hurt us in the end, if the root of our expectations is only from false hopes and misconceptions.
Kinabukasan ay hindi na ako nagulat nang dumating si Drew upang magsabay kaming tumungo sa The Valley.
"Kumakain ka ba nitong ulam namin, hijo?" nahihiyang tanong ni Mommy kay Drew nang samahan kami ni Drew upang kumain ng umagahan.
"Opo," nakangiting sagot ni Drew at pinakita kay Mommy na ganadong-ganado siya sa pagkain ng pritong itlog at daing na bangus.
Bahagya namang natawa si Mommy at mukhang natutuwa dahil sa pagkain ni Drew ng kanyang nilutong pagkain sa umagahan na dahilan kung bakit din ako napangiti.
Napawi naman ang aking ngiti habang tinitingnan si Drew nang maisip ko si Emma. Paulit-ulit na bumubulong sa akin ang aking konsensya. Nangako akong tutulungan ko siya kay Drew pero taliwas ang aking ginagawa. Babawi na lang ako mamaya.
Matapos kumain ng umagahan ay agad na kaming tumungo ni Drew sa The Valley. Nahuli pa nga kami ng sampung minuto sa napag-usapang oras ng tagpuan dahil napasarap ang pagkain ng umagahan at kwentuhan kasama si Mommy.
"Bilisan mo Drew, nandoon na sila!" Halos patakbo na akong maglakad nang matanaw ko sina Kriesha sa dalampasigan at katapat nila ang isang magara na yate.
Nang makalapit na kami ay saka ko lang napagtanto na may kasama silang lalaki na hindi ko kilala.
"Nandyan na sila!" anunsyo ni Kriesha kaya naman napalingon silang lahat sa amin.
Lumingon din si Emma ngunit agad niya ring iniwas ang kanyang tingin. Ang kausap naman niyang lalaki ay nanatili ang tingin sa akin habang may ngiti sa kanyang labi.
Bahagyang napakunot ang aking noo nang dahil doon bago inilipat ang tingin kina Kriesha at Walter.
"Sa wakas, nandito na ang dalawa!" Pumalakpak pa si Walter at mukhang kanina pa gustong umalis.
"Pasensya na," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin. "Pinakain pa kasi kami ni Mommy ng umagahan, eh..."
Binalingan ko naman si Emma upang manghingi rin ng paumanhin sa kanya. Baka mamaya ay magalit o magtampo siya dahil nahuli ako at kasama ko pa si Drew.
"Emma, sorry, ha? Nalibang kami sa pagkain," sabi ko sa kanya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang ngumiti siya sa akin. "Ayos lang," sabi niya bago nagnakaw ng tingin kay Drew na kausap ngayon ni Walter.
Aksidente naman akong napalingon sa katabi niya na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Matangkad siya at ang mata niyang nasisikatan ng araw ay hindi nalalayo sa kulay ng mga mata ni Emma. Hindi ko rin napigilang punahin ang perpektong pagkakaukit ng kanyang labi, ilong at panga. Maging ang kilay niya ay parang pinaahit pa at tamang-tama lang ang kapal.
Siya siguro ang pinsan ni Emma. Isa rin siguro siyang Valiente dahil iyon ang sinisigaw ng kanyang itsura at aura.
"Ah, nga pala, Naiyah!" Iniharap ni Emma sa akin ang lalaking kasama. "Si Orion, pinsan ko. His family owns the yacht that we're gonna use today."
Her cousin's smile became sweeter as he made a step forward and offered his hand for a shake.
"Orion Valiente," he introduced himself.
Bumalot sa akin ang medyo baritono niyang boses. Ang mga mata niya ay hindi nababawan ang intensidad habang nakatingin sa akin.
Nag-aalangan naman akong nakipagkamay sa kanya at nang maglapat ang aming mga kamay ay naramdaman ko kung gaano kainit ang kanyang palad.
"Naiyah Castellano," pakilala ko sa aking sarili at halos hindi marinig ang aking boses lalo na ng sinabayan pa ng malakas na pag-ihip ng hangin.
"Naiyah..." he uttered my name with a smile.
"Hindi pa ba tayo aalis?"
Napabitaw naman ako sa pagkakahawak sa kamay ni Orion at nilingon si Drew na matalim ang tingin kay Orion ngunit agad niya rin itong nilipat kay Emma.
"Ah... Aalis na! Let's go to the yacht..." Halos mataranta si Emma upang makaalis na kami dahil iyon ang kagustuhan ni Drew.
Agad namang sumunod sina Kriesha at Walter. Hindi na maitago ng dalawa ang kanilang pagkagalak. Susunod na rin sana ako ngunit nang humarap ako ay tumama ulit ang tingin ko kay Orion na nasa aking harapan pa rin.
"Oh! Sorry..." Malambing ang boses nito at tumabi upang makadaan ako.
"Thank you..." nahihiya kong pasasalamat at bago pa ako makahakbang ay nagulat ako ng may humaglit sa aking braso upang tangayin ako paalis.
Napaangat naman ako ng tingin kay Drew na nakatalikod na sa akin at hawak-hawak ang aking braso habang sumusunod lamang ako sa kanyang pagyapak upang makalayo na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top