Chapter 30

Chapter 30
Trap

From: Drew Villafuerte
Where can I pick you up?

Kanina pa ako nakatitig sa kanyang pinadalang mensahe sa akin. Nakakahiya namang magpasundo sa kanya rito sa eskinita kung nasaan ang building ng bedspace na tinitirahan ko dahil masikip. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-reply pabalik sa kanya.

Halos mabitawan ko naman ang aking cellphone nang muli itong nakatanggap ng pasunod na mensahe galing kay Drew.

From: Drew Villafuerte
Naiyah? Are you still awake?

Dati ay hindi ko naman ramdam ang pagiging masikip ng nakuhang bedspace para sa akin nina Tita Edna at Tito Franco, ngunit ngayon ay parang sa sobrang liit nito ay hindi ako makahinga ng maayos kahit na ang totoong dahilan ay nang dahil iyon sa simpleng mensahe ni Drew.

What is happening to you, Naiyah? Nakalimutan mo na ba ang sakit na naranasan mo kamakailan lang?

I shouldn't just let my guard down that fast after that excruciating pain that I've experienced. I should be guarding myself even more tightly. I can't afford to be broken for the third time. Kapag nangyari iyon ay baka hindi ko na talaga kayanin.

I don't want to completely lose faith in life. Gusto ko pa ring maniwala na maaari pa rin akong maging masaya pagkatapos ng mga pasakit na ibinigay nila. I still want to believe that my life is going to have some kind of happy ending. It may not happen just like how it did in fairytales, but at least, I'll still be happy.

To: Drew Villafuerte
Huwag na.

Sa tinagal-tagal ng aking pag-iisip nang irereply sa kanya ay iyan lang ang ipinadala kong mensahe na agad niya namang sinuklian sa pamamagitan ng isang tawag.

Halos atakihin ako sa puso nang tumunog ang aking cellphone at bumungad ang kanyang pangalan.

Napabuntong hininga naman ako at sinapo ang aking noo, bago sinagot ang kanyang tawag.

"Hello?"

"Saan kita susunduin bukas ng umaga?" tanong niya sa akin na para bang hindi niya nabasa ang aking reply sa kanya.

"I replied back," sabi ko naman. "Ang sabi ko, huwag na."

"Bakit ayaw mo?" tanong niya.

"Hindi naman sa ayaw ko. Pero ayaw ko lang makaabala pa sa'yo," pagdadahilan ko. "At saka kaya ko namang pumunta mag-isa sa La Fuerte. Hindi naman ako maliligaw."

"Hindi mo naman ako maaabala, Naiyah," sabi niya naman.

"Nakakahiya pa rin, Drew, kaya huwag na lang talaga. Susulpot naman ako. Mag-iinvest ako sa kompanya niyo at mag-aapply rin ako," sabi ko.

"It's not just about the investment and the job application, it's..." he trailed off and exhaled a deep breath. "Nevermind. Text me where I will pick you up tomorrow. Okay?"

I sighed and answered, "Okay."

"See you tomorrow, then. Good night," he said before ending the call.

Nang maibaba niya na ang tawag ay agad kong ipinasok sa loob ng drawer ang aking cellphone. Hindi ko siya itetext kung saan niya ako susunduin.

Masyado akong naging padalos-dalos at maluwag sa pagpayag na isabay niya ako patungong BGC kanina. Ngayon ay kailangan ko nang pag-isipan ng mabuti ang bawat desisyon na tatahakin ko.

I was bombarded with texts and calls from Drew the next day. I was already expecting that since I felt his eagerness to pick me up last night. I didn't reply nor call him back for those missed calls and text messages. I was planning to put my phone in airplane mode at first, but I realized that it would seem like I'm avoiding him. Well, I am... but I don't want him to notice it. I just want to be casual with him. That's all.

Yakap-yakap ang envelope na aking dala kung saan nakalagay ang aking resume ay tumungo ako sa HR's office na itinanong ko kanina sa reception sa lobby.

"Good morning po," magalang kong pagbati sa head ng HR nang makapasok ako sa loob ng kanyang opisina.

She raised her gaze and smiled at me. "Good morning," she greeted back. "You must be Naiyah Castellano. Mr. Villafuerte told me that I should expect you to come today."

Agad naman akong tumango at nahihiyang ngumiti. "Ako nga po," sabi ko at saka lumapit upang ilapag ang aking resume sa kanyang table. "Iyan po ang resume ko."

"Oh..." she got my resume from her table and scanned it with a smile on her face.

"Uhm... Ngayon na rin po ba ang interview ko?" tanong ko naman.

Napa-angat naman siya ng tingin sa akin bago may kinuha sa kanyang drawer at iniabot sa akin.

"Mr. Villafuerte will be the one to conduct your interview, but I will already give you the requirements you need to pass by next week," she told me.

Bahagya namang napaawang ang aking bibig at parang hindi pa ako makapag-isip ng maayos.

"Po?" naguguluhan kong tanong. "Si Mr. Villafuerte po ang mag-iinterview sa akin? Hindi po ba kayo?"

She smiled and nodded at me. "That's his last minute order before you arrived," she said. "I think Mr. Villafuerte wants to evaluate you himself."

Napalunok naman ako at ginapangan ng kaba. Bakit mo nga ba siya iniiwasan, Naiyah? He's your higher boss for Pete's sake! But, you're also a stockholder of his company now. You own a piece of La Fuerte. There's no need to be afraid of him.

"But I will keep your resume here, and I will review it myself," she added.

Pinilit ko naman ang sarili kong ngumiti kahit na ang dami ko pang gustong ibato na tanong.

"Anyway, Miss Castellano, you may now proceed to the CEO's office for your interview," she told me.

Muli naman akong ngumiti bago nagpaalam at nagpasalamat. Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay agad na nawala ang ngiti sa aking mga labi.

Magkasalikop ang aking mga kamay habang tinatahak ang daan patungo sa office ni Drew. Para akong nagdadasal upang manghingi ng gabay at patnubay.

"Good morning, Miss Castellano," bati sa akin ng sekretarya ni Drew, na siya ring nag-entertain sa akin sa boardroom kahapon habang wala pa si Drew.

"May interview raw ako kay Mr. Villafuerte," nag-aalangan kong sabi sa kanya.

"Yes, Ma'am, I'm already informed about that," she warmly smiled at me and moved to the office's door. "He ordered me to let you in once you arrive."

Hindi na ako nakapagsalita pang muli nang agad niyang buksan ang pintuan sa opisina ni Drew.

"Sir, Miss Castellano's already here," she announced and informed Drew.

"Let her in." Ang malamig na boses ni Drew ay naramdaman at narinig ko hanggang sa labas ng opisina kung saan ako nakatayo.

Muli naman akong binalingan ng kanyang sekretarya at inilahad ang opisina.

I just smiled at her and slowly entered Drew's office. My eyes were directed to him as I made my way inside. He was intently staring at me and even though I wanted to look away, I knew I shoudn't. But it's hard to keep my eyes on him since his eyes were playing with fire and ice. It can make you melt, but it also can make you shiver.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Mas lalo lamang akong nanlamig pero natutunaw rin sa kanyang titig na hindi ko pa rin binibitawan hanggang ngayon. Maybe I should give myself an award for this.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang mag-iinterview sa akin." Ako na ang nag-umpisang maglakas loob na magsalita. Nakuha ko pang umupo sa couch habang sinasabi 'yon bago muling bumaling sa kanya. "Ang akala ko ay iyong head ng HR ang mag-iinterview sa akin."

"Why didn't you text me last night?" he asked me, neverminding the words I said.

"Uh... Nakatulog ako matapos ang tawag mo. Nag-iisip ako kung saan mo ako pwedeng sunduin kaso ayon nga. Sobrang pagod at inaantok na kasi ako kagabi noong tumawag ka." Mabilis akong nakaisip ng palusot sa kanya.

Bahagya namang naningkit ang kanyang mata sa akin at kita kong punong-puno siya ng pagdududa.

"How about this morning?" he challenged me to answer and crossed his arms as he laid his back on his swivel chair. "I've sent you messages and called you for God knows how many times, but you didn't reply nor answer my calls. What's your excuse?"

"What excuse are you talking about, Drew?" tanong ko at umarte pang natatawa-tawa sa kanyang pagbibintang. "I overslept. Hindi ko na chineck ang phone ko at diretso na ako sa banyo. Pagkatapos ay agad na akong umalis. Inaamin kong nabasa ko ang mga texts mo pero nasa taxi na ako noon kaya hindi na ako nagreply."

"Really, huh, Naiyah?" His brows shot up as he just kept on staring at me.

"Oo naman! Bakit naman kita lolokohin?" natatawa kong sabi.

"I don't know..." Umayos siya ng pagkakaupo ngunit hindi pa rin siya bumibitaw sa aming pagtitigan. "Maybe because you're avoiding me."

Nanuyo ang aking lalamunan ngunit nagawa ko pa ring pumeke ng tawa.

I told myself that I won't tell lies, but I need to escape this one.

"Ano ka ba, Drew? Bakit naman kita iiwasan? Masaya nga akong nakita kita ulit, eh," sabi ko naman.

"Bakit mo nga ba ako gustong iwasan?" Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at saka ipinahinga ang kanyang baba roon habang nakatitig sa akin.

Kumunot naman na ang aking noo.

"Bakit ba ganyan ang mga tanong mo sa akin? Ito na ba ang interview ko?" Sinubukan ko pang magbiro.

"See? You're really avoiding me that's why you're avoiding my questions," he concluded.

"Hindi nga kasi kita iniiwasan," mariin ko namang sabi sa kanya. "Aba syempre, magtataka ako. I'm here for an interview to get a job, but instead, you're asking me nonsensical questions."

"You're already hired by me, there's no need for an interview, Naiyah. And besides, you're already a stockholder of my company. But you still need to complete the requirements though. I need to be slightly fair with my other employees," he told me. "Now, all I want to know is why you are avoiding me."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi nga kita iniiwasan?" iritado kong tanong sa kanya.

"So... Hindi mo ako iniiwasan?" muli niyang pagtanong.

"Hindi nga, Drew," giit ko naman.

Gusto ko nang matapos ang usapan namin patungkol sa pag-iiwas na ginagawa ko.

"If that's the case, then, you'll let me play a role in your life," he simply said.

Bahagya namang napaawang ang aking mga labi. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Hayaan mo akong sunduin ka at sabay tayong papasok sa opisina. Hayaan mo rin akong ihatid ka pauwi. Kung pwede rin ay sabay tayong maglunch kung hindi ako busy sa opisina at wala akong lunch meetings," sunod-sunod niyang sabi. "Dati naman ay ginagawa natin 'yon, 'di ba? Noong high school students pa lang tayo."

Literal na nalaglag ang aking panga sa kanyang binitawang mga salita. Sana pala ay umamin na lang ako na iniiwasan ko siya at hindi 'yong napasubo pa ako sa mga gusto niyang mangyari.

But why is he doing this anyway?

Is it for revenge because I've hurt him before?

"Exactly, Drew! High school pa lang tayo noon. Everything's different now," sinubukan kong ipaintindi sa kanya. "I want to be independent as much as possible, Drew."

"I won't stop you from being independent. Because if I will, I won't let you live alone and just ask you to live with me, but I didn't. Ang gusto ko lang naman ay masiguradong safe ka," pagdadahilan niya.

I didn't know where his reasons were coming from. I never thought that such words would come out of Drew's mouth.

"I can take care of myself," I told him.

"See? You're avoiding me," he stated.

"I am not!" I defied his statement.

Nabalot kaming dalawa ng katahimikan habang nakatitig ako sa kanyang mga mata na tila nanghahamon pa rin.

I heaved a long sigh before finally giving up and surrendering to him. "Okay..." I said, and his face slightly beamed.

Hinding-hindi na yata ako makakatigil pa sa pagpupuri ng kanyang ngiti na madalas niyang ipagdamot. Kahit noon pa man, tuwing ngingiti siya ay parang may kakaiba akong nararamdaman sa aking tiyan at kasabay noon ay biglang bibilis ang pagtibok ng puso ko.

I'm so scared. My heart's not yet fully healed, but I feel like it's willing to take risks again. Masyadong matigas ang ulo nito at ayaw niyang makinig sa kung ano ang dapat niyang gawin. Handang-handa pa ang puso ko na sumabak ulit sa giyera, kahit wala na siyang natitira pang sandata, at wala na ring panangga sa bawat sakit na maaaring tumama.

"Okay?" paninigurado niya. "As in... okay?"

"Okay nga. Pumapayag na ako. Hindi nga kasi kita iniiwasan," sabi ko naman.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya at parang hinigop ng kanyang ngiti ang aking lakas. Nanlalambot ang aking mga tuhod at sa palagay ko'y kung hindi ako nakaupo ay matutuluyan na ako.

"And, oh, by the way, I will have a business convention at Japan in two weeks and you'll have to go with me," he suddenly said.

I think I just fell for his trap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top