Chapter 23

Chapter 23
Animal

Habang nasa daan patungong Dahlia ay hindi ko maiwasan na maisip ang paalala sa akin ni Tita Edna bago kami umalis ni Orion.

I shouldn't have let my guards down and let him get inside my system once again. He's starting to rule my life again by feeding my heart with enjoyment.

Napapansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Orion na para bang hindi siya mapakali sa pagmamaneho dahil hindi ako nagsasalita. Gayumpaman, nanatili pa rin akong tahimik habang pinapanood ang mabilis na papalit-palit ng mga tanawin.

Akala ko'y magiging tuloy-tuloy ang biyahe ngunit nang makarating kami sa susunod na bayan ay tila may prusisyon nang dahil sa traffic. Ang mga tao ay walang disiplina sa pagtawid-tawid. Pati ang mga tricycle driver ay kung saan-saan humihinto upang magsakay at magbaba. Talagang dagdag sila sa perwisyo sa daan.

"I think this traffic's gonna take long..." dinig kong bulong ni Orion.

Pakiramdam ko'y mag-uumpisa na siyang kausapin ako kaya naman umakto ang inaantok sa pamamagitan ng paghikab. Ibinaba ko ang backrest ng passenger's seat upang mas maging epektibo ang aking pag-arte.

"Are you sleepy?" he carefully asked me.

"Yes..." sagot ko na lang at saka sumandal na sa backrest.

"Hmm... I'll just wake you up once we arrive," he said.

I just nodded at him before I shifted into a comfortable position and closed my eyes. Narinig ko ang kanyang bayolenteng pagtikhim ngunit hindi ko na lang 'yon pinansin. Nanatili lamang akong nakapikit at nagtutulug-tulugan hanggang sa matuluyan na ang aking pagtulog.

Nang tawagin niya ang aking pangalan ng napakarahan ay agad din naman akong nagising dahil hindi naman gano'n kalalim ang tulog ko.

"We're already here," he announced in a very soft way.

Agad ko namang tiningnan ang aking cellphone upang makita ang oras. Pasado ala-una nang umalis kami kanina sa bahay. Mag-aalas tres pa lamang ngayon. Halos dalawang oras lang din ang tinakbo namin patungong Dahlia.

Nilingon ko naman ang labas ng bintana upang makita kung nasaan kami at para akong naestatwa sa aking nakita.

"Bakit... Bakit tayo nandito?" nauutal kong tanong sa kanya.

Isang ngiti ang kanyang isinagot sa akin bago lumabas ng sasakyan. Muli kong nilingon ang nakabukas na matayog na gate ng sementeryo kung saan inilibing ang aking mga magulang. Bawal magpasok ng sasakyan sa loob nito kaya ipinarada na lamang ni Orion ang sasakyan dito sa labas kung nasaan ang parking lot ng sementeryo.

Bumukas naman ang pintuan sa aking gilid at agad kong nakita si Orion na naghihintay sa aking pagbaba ng kanyang sasakyan kaya naman agad akong lumabas.

Akala ko'y aabutin pa ng Mahal na Araw bago ako makabisita sa puntod ng aking mga magulang, ngunit ngayon pala ay mabibisita ko na sila ulit.

"I wasn't able to bid my proper farewell to your parents when they died..." he suddenly said.

Naalala kong nasa England pa nga pala siya noong namatay sina Mommy at Daddy. He was there, starting to build his life, while mine's starting to break and fall.

I thought he had an important business trip, but I never knew that he just wanted to visit my parents' grave.

"Gusto ko sanang mag-isa na lang bumisita sa puntod nila pero naisip kong baka mahirapan akong hanapin kung saan sila banda rito nakahimlay," pagpapaliwanag niya. "At sa tingin ko'y gusto mo ring mabisita ang iyong mga magulang mo kaya sinama na rin kita sa pagpunta ko rito."

"Thank you, Orion," I sincerely thanked him. "But you should've told me along the way para nakabili man lang ako ng bulaklak at kandila para sa kanila. Pati na rin sana ang paborito nilang buko pie sa may Tanawan."

"Oh! I brought candles and flowers, but... I didn't know they'd like a specific food for us to bring," he said while getting the said candles and flowers at the back seat of his car.

Umiling naman ako at ngumiti sa kanya. "Ayos na 'yan. Sa Mahal na Araw na lang ako babawi," sabi ko na lang.

Bahagya naman siyang ngumuso bago tumango-tango.

"Tara na," sabi ko at nagpatiuna na akong maglakad papasok sa loob ng sementeryo.

I wonder how peaceful the deads are... They're just lying there and doing nothing. Ang sayang isipin na natapos na nila ang mga misyon nilang dapat na gampanan sa buhay nila kaya ngayon ay namamahinga na sila. I wonder when will I be able to finish my missions, too. Pakiramdam ko'y sobrang dami ko nang napagdaanan sa buhay at nararapat lamang na mamahinga na rin ako katulad nila. O baka naman naisali na rin Niya ang misyon na dapat ko pang tapusin sa kamay ng mga Valiente upang masabing tapos na ako sa mga misyon ko sa mundong 'to.

I hope not, though. Mukhang 'di ko ata kakayanin ang mabuhay pa ng limang taon at kumayod upang mabayaran lahat. Pero alam kong 'yon ang tama.

"Mommy... Daddy..." marahan kong pagtawag sa aking mga magulang at saka walang pag-aalinlangang lumuhod sa harap ng kanilang puntod. "Nakabalik na po ako. Kasama ko rin po si Orion."

Naramdaman ko naman ang pagluhod ni Orion sa aking tabi. Inayos niya ang bulaklak at saka tinirik at sinindihan na ang dalang kandila.

Pinanood ko naman si Orion na pinagsalikop ang kanyang mga kamay bago pumikit. He's probably praying and talking to my parents quietly.

I suddenly wondered if my parents ever liked him before, not just because he's a Valiente but because he's really a great man. He may have flaws, but he is still a great man.

Besides, everyone has his or her own flaws. No one is perfect in this world. Having imperfections is just a norm. You just have to wait or find someone who will still accept and love you despite your flaws and imperfections. Don't love someone who just finds you beautiful. Love someone who found you in your ugliest state, but still loves you and stays.

Ilang sandali pa kaming nanatili sa puntod ng aking mga magulang. Tahimik lamang kaming dalawa habang nakaupo sa damuhan. Pinapakiramdaman at pinapakinggan lang namin ang pagkaluskos ng mga halaman at punong sumasayaw nang dahil sa ihip ng hangin.

"Are you ready to go now?" Orion suddenly asked.

Napalingon naman ako sa kanya. He's looking at me like he's trying to weigh my mood and emotions.

Ngumiti naman ako tumango. "Okay na ako. Tara na."

Nauna na akong tumayo sa kanya at saka pinagpag ang aking pang-upo. Sumunod naman siya sa pagtayo at pinagpag din ang sarili.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kanya nang makapasok na sa loob ng sasakyan.

"Uh... Sort of..." he answered, uncertainly. "We still have to make another stop. Pero sa La Flora lang din."

Tumango-tango na lamang ako at saka inayos ang aking sarili sa komportableng pwesto. Babalik na rin pala kami sa aming bayan.

Hanggang sa biyahe pagbalik ay nanatili pa rin kaming tahimik. Mabuti na lang ay naging mabilis na ang biyahe pabalik sa La Flora galing Dahlia dahil hindi na traffic sa bayan ng Tanawan. Isang oras lang ata ang naging biyahe kaya bandang alas-singko ay nakarating na kami.

Napakunot naman ang aking noo nang huminto kami sa harapan ng aming bahay.

"I hope you brought the keys to your house. Para hindi na tayo pumunta sa The Valley at gamitin ang yate," sabi niya bago lumabas ng sasakyan.

Hindi ko na hinintay pang buksan niya ang pintuan sa gawi ko. Agad na akong lumabas at punong-puno pa rin ako ng pagtataka.

"Ano'ng gagawin natin dito sa'min?" nagtataka kong tanong.

"You'll see..." ngumisi siya. "Pero kailangan muna nating makapasok sa loob. Dala mo ba ang susi mo?"

"Lagi ko namang dala," sagot ko at saka kinuha sa bulsa ng aking side bag ang keychain kung saan nakasabit ang mga susi.

Lumapit ako sa gate at binuksan ito para makapasok na kami sa loob.

"May daan naman sa gilid papunta sa dalampasigan. Hindi na natin kailangang pumasok ng bahay," sabi ko at saka lumihis ng daan patungo sa gilid ng aming bahay.

May isang maliit na gate pa roon na akin ding binuksan para makadaan kami patungong dalampasigan.

"Hindi ko alam na may daanan pala rito," rinig kong bulong niya habang nakasunod sa akin.

"Kami-kami lang nina Mommy at Daddy ang nakaalam nito. Hindi rin kasi halata na may daanan dito," sabi ko.

Nang makatapak na ako sa buhangin ay hinintay ko muna si Orion na agad namang tumabi sa akin pagkababa sa mababang batuhan.

"Bakit ba tayo nandito—"

Napatigil ako sa pagpapatuloy na maglakad nang makita ko kung ano ang nag-aantay sa may dalampasigan.

The nipa hut was decorated with christmas lights. Hindi pa nga lang masiyadong makinang ang mga ilaw dahil papalubog pa lamang ang araw.

"I hope you don't mind..." dinig kong bulong ni Orion sa aking tabi. "I trespassed again to your land earlier to prepare this," bahagya pa siyang tumawa.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi habang tinitingnan ang kubo kung saan kami nagka-isang dalawa. Na nagpapatunay na ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kaya kong ibigay kahit na walang-wala na ako. Kahit iniwan niya ako at wala nang natira pa para sa'kin. Noong binaliwala niya ang mga binigay ko para ipagpalit lamang ako sa iba.

"May inihanda rin akong pagkain sa loob, but it's not a proper meal. I'm scared it might spoil. Pero may cake rin diyan," dagdag niya. "Do you remember that night?"

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng gilid ng aking mga mata at ang pamumuo ng luha.

Of course, I do remember. I clearly remember everything what happened that night. Kahit ang ilan pang ala-ala naming dalawa ay sariwa pa sa isipan ko.

"You also surprised me that time... You made me the happiest man that I can be," he said.

Ang sarap sanang pakinggan ng mga sinasabi niya. Pero nandoon pa rin 'yong kirot at sakit.

If I made him the happy, why did he still leave me? Hindi pa ba sapat ang kasiyahan na nabigay ko sa kanya.

Bahagya naman akong napailing. This can't be... Hindi pwede. I need to go.

Walang salita akong tumalikod upang sana'y umalis ngunit agad naman akong pinigilan ni Orion.

"Bitawan mo ako, Orion," mariin kong sabi habang pinipigilan na tuluyang bumagsak ang aking luha.

"W-Where are you going?" he asked me, stuttering.

"Uuwi na ako, Orion. Bitawan mo na ako!" sabi ko.

"N-No..." he said and his voice turned slightly hoarse. "Let's stay here for a while, Naiyah, please—"

Marahas kong tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa aking braso at saka siya hinarap.

"Bakit mo ba 'to ginagawa, Orion?!" Hindi ko na napigilan ang pagsabog ko at kasabay nito ang pagbagsak ng aking luha.

His lips parted when he saw me crying and his grip slightly became loose.

"Tigilan mo na 'to!" sigaw ko. "Pinapaasa mo lang ako... Ginagawa mo lang akong tanga. I don't want to go through that pain again, Orion, so please... Tigilan mo na 'to. I can be civil to you as a friend, but stop caring for me like this again. Stop making me hope for something."

Marahas kong pinalis ang luhang lumalandas sa aking pisngi at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Naiyah..." iyon lamang ang lumabas sa kanyang bibig.

"Babalik na ako sa The Valley... I'm sorry," muli ko siyang tinalikuran.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko na ang pagkulong niya sa'kin sa pagmamagitan ng kanyang mahigpit na yakap mula sa aking likod.

Kahit napakalamig ng hangin na umiihip galing sa himpapawid ay kayang-kayang tabunan iyon ng kanyang yakap. Sa sobrang init ay parang napapaso na ako pero hindi ko magawang makakawala dahil kahit napapaso ako'y iba naman ang sarap na katumbas nito. I hate how I still feel comfortable in between his warm embrace.

"You don't know how willing I am to risk again, Naiyah..." he whispered. "I'm willing to bet on you again. Handang-handa akong sumugal para makuha ka ulit."

Bakit ganoon?

I should be happy hearing these words from him. Dapat ay nagdidiwang na ako dahil ito naman talaga ang gusto ko, 'diba? Kahit tinatanggi ko sa sarili kong gusto kong magkabalikan kaming dalawa, alam kong isa iyon sa mga pinapangarap ko.

"I've been keeping this question to myself ever since I saw you again... The moment I saw you sleeping inside my office while waiting for me, this is the question that I wanted to ask you as soon as you woke up," sabi niya. "Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi tangina, Naiyah... Galit na galit ako sa'yo. I'm so mad at you, but I can't help it... Ang bilis mong natunaw ang galit ko."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Ang kapal lang ng mukha niya. Siya pa ang may ganang magalit sa'kin? Is it still because I pushed him away to study abroad? Hanggang ngayon ay kinikimkim niya pa 'yon sa kanyang sarili at ginagawang panlaban sa akin?

"But I won't waste this chance to ask you that question..." he suddenly said.

Muling umihip ang hangin at humigpit ang kanyang yakap sa akin. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang kanyang munting paghikbi.

Nagkamali ako. Dapat ay matagal ko nang pinatay ang apoy na dahilan kung bakit muling nagliliyab ang aking damdamin para sa kanya. Time has given me a number of years to cease the fire completely, but I didn't even make a move. Kung kumilos man ako ay hindi ko naman ito napatay ng todo.

"If I say that I still love you..." He trailed off and took a deep breath before he continued his question. "...will you come back to me?" he asked.

Muling bumuhos ang bagong grupo ng luha mula sa aking mga mata.

Hindi ako magiging katulad ni Halsey. Hindi ako mang-aagaw. Kahit gaano ko siya gustong maibalik sa akin. Kahit gustong-gusto kong tumakbo pabalik sa kanya, kailangan kong pigilan ang sarili ko.

I am not an animal. I am not a snake who will wrap myself around someone else's man.

At kahit sabihin niya pang mahal niya pa rin ako, hindi ko tatanggapin 'yon. Hindi ako tatanggap ng pagmamahal na may kahati. Paano niya nasabing mahal niya pa rin ako kung may mahal siyang iba?

"No," I answered and his embrace loosened. "I will not come back to you."

Tuluyang lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin hanggang sa binitawan niya na ako.

I will not let him make the same mistake he did with me. At hindi ako papayag na ako pa ang babaeng tutulong sa kanyang gawin ulit ang kasalanan niya noon.

Sa gitna ng katahimikan ay tumunog ang kanyang cellphone. Ilang beses pa itong tumunog bago sagutin ni Orion.

"Hello, Halsey..." he said as he answered the call.

Parang nilamutak naman ang aking puso.

"Okay... I'm with Naiyah," pag-amin niya sa kasintahan. "We will go back right away. Yes, I'm sorry... Okay."

I guess his girl's finally home. My job as his temporary happiness is already done.

"Let's go back to the resort," his voice turned cold before he walked pass by me.

Pinanood ko naman siyang nauna nang maglakad habang nanatili akong nakatayo.

Hanggang dito lang talaga ako sa likuran niya. Hanggang dito na lang ako. Hindi na dapat ako sumabay pa sa paglalakad niya o kahit mauna pa dahil ayaw kong makita niya pa ako ulit. This is just the right place for me in his life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top