Chapter 20

Chapter 20
Regret

"Mukhang kakadating lang din ng Tito at Tita mo," sabi ni Orion nang ihinto ang kanyang sasakyan sa tapat ng nakabukas naming gate.

Nakailaw pa ang sasakyan ni Tito at mukhang kakarating nga lang nila ni Tita.

Kita ko ang pagbaba ni Tita Edna mula sa sasakyan at agad siyang naglakad patungo sa amin ni Orion.

"Thank you sa paghatid, Orion," pasasalamat ko kay Orion bago bumaba ng sasakyan upang salubungin si Tita na may mapanuring tingin sa sasakyan.

Sakto namang pagbaba ko ay lumapit na rin si Tito Franco at tumayo sa tabi ni Tita. Agad naman akong lumapit sa kanila upang magmano at narinig ko naman ang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan.

Bumaba rin si Orion ng sasakyan! Bakit pa siya bumaba? Dapat ay umalis nalang siya agad.

Mabilis ang paglipat ng tingin ni Tito mula sa akin patungo kay Orion. Si Tita Edna naman ay nagtaas ng kilay sa akin kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

Ayokong bigyan nila ng malisya ang paghatid sa akin ni Orion. Nagmagandang loob lang siya lalo na at naging matagumpay ang pagkumbinsi namin kay Mr. Tan kanina.

"Magandang gabi po."

Napatabi naman ako sa gilid nang umabante si Orion ng lakad upang makalapit kina Tito at Tita at nagmano bilang paggalang.

"Magandang gabi rin sa'yo, hijo," nakangiting pagbati ni Tita Edna sa kanya.

Isang ngiti naman ang iginawad ni Orion kay Tita bago tumikhim si Tito Franco na dahilan kung bakit nalipat sa kanya ang atensyon ni Orion.

"Hindi ba't ikaw si Orion Valiente?" tanong ni Tito sa kanya gamit ang isang malalim na boses.

"Ako nga po," taas-noo namang sagot ni Orion.

"Eh, di ikaw rin ang dating kasintahan nitong aking pamangkin?" biglang tanong ni Tito at napaawang naman ang aking bibig sa gulat.

"Tito!" I reacted.

Orion glanced at me and smiled before facing my uncle back. "Yes, I am," he answered without a second thought.

Napataas naman ng kilay si Tito kay Orion bago humalukipkip.

"May uwi-uwi kaming lechong manok at liempo ng asawa ko," sabi naman ni Tito. "Kung gusto mo ay dito ka na kumain ng hapunan. Bilang pasasalamat na rin sa paghatid mo sa pamangkin ko."

"Oo nga, hijo. Dito ka na sa amin maghapunan," pag-aya rin ni Tita.

"Gustuhin ko man pong paunlakan ang imbitasyon niyo ngunit may usapan po kami ni Mama," nanghihinayang na sabi ni Orion. "Sa susunod nalang po na pagdalo ko sa inyong tahanan."

"Kung ganoon ay wala na akong magagawa," sabi naman ni Tito at baritonong humalakhak. "Aasahan ko nalang ang sunod mong paghatid sa pamangkin ko."

Ngumiti naman si Orion. "Makakaasa po kayo."

"Salamat nga sa paghatid mo kay Naiyah at para na rin sa pagpapasundo mo sa akin kahapon noong nagkasakit si Naiyah," pasasalamat naman ni Tita Edna kay Orion.

"Walang anuman po," magalang na sabi ni Orion bago lumingon sa akin. "I need to go now, Naiyah. Ibabalita ko kay pa kay Mama ang patungkol sa deal. Thank you again for helping me out tonight."

I smiled and shook my head. "Okay lang... Mag-iingat ka."

Tumango naman siya at muling pinasadahan ng tingin sina Tita Edna at Tito Franco bago sumakay sa kanyang sasakyan. Bumusina siya ng dalawang beses bago pinaharurot ang sasakyan paalis.

Pagkabalik ko ng tingin kina Tito at Tita ay parehas silang may mapanutyang tingin sa akin. Hilaw na ngisi na lamang ang naipakita ko bago ako naunang pumasok ng bahay.

Pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata kinabukasan ay agad na sumilay ang ngiti sa aking labi. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong araw. Pakiramdam ko'y nawala ang pagod na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw.

Finally, it's Sunday! The most awaited rest day that I have has finally come!

Ang sarap matulog ng mahimbing at magising ng tanghali lalo na kapag wala kang kailangang intindihin na dapat gawin. I was the one in charge of my time. Susulitin ko ang araw na ito dahil isang linggo pa ang hihintayin ko bago maranasan ang kalayaang nararamdaman ko ngayon.

Bumangon na ako mula sa aking kama at saka naglakad patungo sa bintana ng aking kwarto. Hinawi ko ang kurtina na nakatakip doon at saka ito binuksan.

A fresh morning breeze wrapped me as soon as I opened the windows. Muli akong napangiti. I could never get enough of that calming feeling.

Bahagya kong tiningala ang araw na hindi pa ganoon kataas ang tirik kaya hindi pa ganoon kainit. Siguro'y mamayang mga tanghali ay sobrang init nanaman. Mamayang hapon nalang siguro ako tutungo sa aming bahay upang bisitahin ang bahay na medyo matagal ko nang hindi nabibisita. Maliligo na rin ako sa aming dagat para sulit ang pagpunta ko. Minsan lang naman ako magpakasaya.

"Wala kang pasok sa trabaho ngayon, Naiyah?" tanong sa'kin ni Tito habang kami ay nanananghalian.

Tahimik ang hapagkainan dahil kasabay namin si Tito Franco sa pagkain. I'm used in being quiet whenever he's around. Nagsasawa na akong mapagalitan niya tuwing may mali o may hindi siya nagugustuhan sa aking mga sinasabi.

"Wala po. Rest day ko po tuwing Linggo," sagot ko naman.

"Dadayo kami sa kabilang lungsod ng Tita mo para kausapin ang kumukuha sa'min na may puwesto sa palengke upang maging dealer ng mga isda sa kanila," sabi niya. "Gusto mo bang sumama at wala kang kasama rito sa bahay?" pag-aya niya.

Tipid naman akong ngumiti at umiling bilang pagtanggi sa kanyang pag-aya. "Balak ko pong bumisita sa bahay mayamaya," dahilan ko.

"Kung iyan ang gusto mo," nagkibit-balikat na lamang si Tito Franco at saka nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Nilingon ko naman si Tita Edna at ngumiti lamang siya sa akin.

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay ako na ang nagprisintang maghugas ng aming pinagkainan habang sila'y gumagayak para sa pagpunta sa kabilang lungsod. Kumpara kasi sa ibang lungsod, mas maraming magagandang huli rito sa Bela Isla. Sana rin ay magtuloy-tuloy na ang paglago ng negosyo ni Tito Franco sa pagiging dealer ng isda para mas malaki ang kita.

"Naiyah, aalis na kami ng Tito mo," pagpapaalam ni Tita Edna nang papalabas na siya sa pintuan.

Si Tito ay kakatapos lamang itali ang sintas ng kanyang sapatos.

"Mag-iingat po kayo," paalala ko bago nagmano sa kanya bilang pag-galang at ganoon din ang ginawa ko kay Tito.

Tanaw-tanaw ko sila habang naglalakad patungo sa sasakyan. Agad namang nag-init ang puso ko sa tuwa nang mapanood ang pagbukas ni Tito Franco sa pintuan ng sasakyan upang makapasok si Tita Edna at inalalayan niya pa ito sa pagsakay.

My uncle may seem strict and cold hearted at times, but when it comes to his wife, he will always be that kind of caring and loving husband. To be honest, I'm still amazed how my uncle stayed with his wife, even though she's incapable of bearing a child. Iyong iba kasi ay kapag nalamang hindi maaaring magbuntis ang asawa ay bigla na lamang naghahanap ng iba. They've been married for almost two decades now and they're still together.

Napakaswerte ng mga tao na nakakahanap ng pagmamahal na pangmatagalan.

When I had my first heartbreak, I realized that not all who committed themselves at the start of a relationship, will still commit 'til lifetime. While growing constantly, we will have a lot of realizations and we will discover a lot of new things about us that we haven't knew before. Minsan ay sa mga panahon palang na 'yon natin malalaman kung ano ba talaga ang gusto natin o kung ano ang para sa atin. At kapag naramdaman natin na ang hinahanap natin ay wala sa taong kasa-kasama, that's the time when our feelings will start to fade. And it's not only for us, singles. Even a married person could experience those things. That's why there are annulment and divorce cases.

If you find someone who loves you and who went through thick and thin just to be with you, it might not be a guarantee but there's a higher possibility that he or she will stay with you even 'til death.

Dala-dala ko ang aking baon na damit ay nagbisikleta na ako patungo sa bahay dahil sa pagbabalak kong maligo sa dagat. Kung hindi rin masyadong maalon ay susubukan kong pumalaot gamit ang bangka ni Daddy upang sa gitna ng dagat makapaligo kaysa sa dalampasigan. Maayos pa naman iyon at pu-puwede pang magamit sa paglalayag. Marunong naman ako kahit papaano sa pagmamaneho ng bangka. Hindi rin naman ako gaanong lalayo sa aplaya.

I'll be just fine.

The main door of our house creaked as I slowly opened it. Hindi naman madumi ang aming bahay dahil nililinis ko rin ito every two weeks. Ngayon nga lang ako natagalan sa pagbalik dahil sa sunod-sunod na pangyayari.

Pagkatungtong ko sa aming tanggapan ay nakaramdam ako ng malamig na hangin na bumalot sa akin. Hindi ko maiwasan ang maalala ang mga ala-alang nakatanim sa aking isipan at puso, kasama ang mga magulang ko.

Sometimes, I think that they're already waiting for me to be with them again. Ending my life came across my mind a number of times during the first year of suffering from my parents' death. But Tita Edna and Tito Franco save me from all those suicidal thoughts as they treated me like their real daughter. Pero kung kukuhanin Niya na ako ngayon, bukas o sa makalawa, buong puso ko iyong tatanggapin. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko.

Nagdire-diretso ako ng lakad patungo sa likod ng bahay kung nasaan ang dalampasigan. Hindi pa ako nakakalapit sa dagat ay naningkit ang aking mata nang makita ang nakadaong na yate sa baybay-dagat.

Agad na gumapang ang kaba sa aking sistema. Someone's trespassing at our land! Paano kung isa ito sa mga business men na nagpupumilit na bumili ng aming lupa?

Binilisan ko ang paglalakad pababa ng bahay. Halos talunin ko na ito dahil mababa lang naman. Mabilis ang lakad ko hanggang sa makalapit ako sa yate ng agad akong napahinto.

Napaawang ang aking labi nang makita si Orion na nakaupo sa paanan ng mababang hagdan ng aming kubo. Nakapikit siya habang nakatingala at ang dalawang kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid niya.

He seemed so relax while feeling the sea breeze brushing against him. He was wearing a plain white shirt and dark blue jeans. Nakatabi sa gilid ang kanyang sapatos at ang kanyang paa ay pinapakiramdaman ang pinong buhangin.

I bit my lower lip while reminiscing our memories in this hut. We did something here before that made it harder for me to forget. I can't even call that night a mistake. We both wanted that to happen.

Napabuntong hininga naman ako at isinantabi ang mga ala-ala. Ayoko mang guluhin siya sa tahimik niyang pag-iisa ngunit hindi rin naman ako mapakali hangga't hindi ko alam kung bakit siya naririto sa aming bahay. Hindi naman sa ayaw kong nandito siya, pero hindi man lang niya sinabi sa akin na gusto niyang magpalipas ng oras dito. Hindi ko naman siya pagbabawalan. What he did is unlawful. He trespassed. Pero syempre ay hindi ko naman siya kakasuhan.

"Kanina ka pa nandito?"

Kaysa magulat sa aking pagsasalita ay unti-unti niya pang idinilat ang kanyang mga mata bago lumingon sa akin. Para bang wala lang sa kanya ang mahuli ko siyang nandirito sa aming lupain.

He sweetly smiled at me, and my lips parted. He suddenly shifted to the Orion that I knew before, looking so soft and calm. My kind of Orion. The Orion that I loved.

"Good afternoon, Naiyah," he greeted me rather than answering my question.

"Uh... good afternoon," nag-aalangan kong pagbati sa kanya. "Kanina ka pa nandito?" pag-uulit ko sa aking tanong.

Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin at saka itinuon ang tingin sa himpapawid.

"Almost half an hour already..." he answered.

Napanguso naman ako at saka lumapit sa kanya ngunit naglaan pa rin ako ng distansya. Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi at niyakap ang aking dalang bag kung saan nakalagay ang aking damit pampalit.

"Bakit ka nandito?" sunod kong tanong.

He slightly chuckled. "Why?" he looked at me again. "Are you gonna throw me out or report me to the police for trespassing?"

Umiling naman ako at kinagat ang aking ibabang labi. "Nagtatanong lang ako..." nagkibit-balikat ako at ako naman ang nag-iwas ng tingin sa kanya.

Silence filled between the spaces between us. Tanging ang ihip ng hangin; ang kalmadong paghampas ng alon; at ang huni ng mga ibon lamang na lumilipad sa himpapawid ang tunog na aking naririnig. Whenever there is silence, I always become attentive when it comes to hearing various sounds.

"I'm just self-reflecting..." bigla niyang sabi at muli akong napalingon sa kanya.

Seryosong-seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa dagat. I can see that there were a lot of mixed feelings and emotions that were residing in his soulful eyes.

"Iniisip ko ang mga bagay na nangyari o ang mga pwedeng mangyari," pagpapatuloy niya. "Gusto kong makahanap ng sagot sa mga katanungang bumabagabag sa akin. But I can't seem to find it... I just found myself being quiet—thinking that it's best to just leave the past behind, forget it and be unbothered by those questions left unanswered. To just live and go on with what's in front of my eyes."

Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso. Parehas na parehas kami nang mga naiisip ni Orion. Pero siguro'y magkaiba kami ng dahilan kung bakit ganoon ang gusto naming mangyari.

Para sa akin, gusto ko nang kalimutan ang mga nangyari noon para makapagsimula ulit ng panibago at kasama siya sa pagbabagong iyon. Pero siya naman ay paniguradong gusto niya ng mawala ang mga katanungang iyon upang hindi na siya mabahala sa pagsasama nila ni Halsey. To eradicate those second thoughts about his relationship with Halsey. Not that he seemed uncertain about it. Mukha ngang siguradong-sigurado na siya dahil kitang-kita ko namang mahal niya si Halsey.

"But can I ask you something, Naiyah?" nag-aalangan niyang sabi.

Napalunok naman ako bago tumango. "Ano 'yon?"

"Did you regret making me leave before?" he asked me.

His question made my heart pound so hard. I already know my answer to his question. Kahit hindi niya man tanungin ay alam ko na ang kasagutan sa tanong niyang 'yon. Masaya ako sa narating at mga naabot niya ngayon kahit ang kapalit ay ang pagkawala naming dalawa. At noon pa man ay sinasabi ko na 'yan sa sarili ko. Hindi ko lang inakalang isa iyon sa mga katanungang gumagambala pa rin sa kanya hanggang ngayon.

After all these years, I feel like I still matter to him.

"I don't," I answered, and his lips parted as he heard my answer. "I don't regret making you leave."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top