Chapter 19
Chapter 19
Venture
Nakatanga lamang ako habang nakaupo sa visitor's couch dito sa opisina ni Orion habang pinapanood siyang nagt-trabaho.
This was his only condition. He will only allow me to come later on his meeting with Mr. Tan to reconsider the halted project, if I will not work for today and just stay here inside his office.
And because I really wanted to help, I stayed.
Pumangalumbaba naman ako sa arm rest ng couch at wala sa sarili ko siyang tinitigan na seryoso sa kanyang ginagawa.
His lips protruded while his forehead creased. Magkasalubong din ang kanyang kilay dahil sa pagkaseryoso. There's no doubt that Orion's handsome, but he's even more handsome whenever he is serious.
Dati ko pa naiisip na magiging magaling siya sa larangang tinatahak niya ngayon. Tama lang talaga na pinakawalan ko siya noon. My sacrifices were worth it. Para sa kanya naman talaga ang ginawa kong pagtulak sa kanya at hindi para sa akin. I pushed him away knowing that unexpected things or events might happened.
Ayoko mang aminin pero masaya ako sa kung ano man ang naabot niya ngayon.
I actually hate myself for being happy with his achievements, but maybe, I'm just really happy to see that this was the product of my sacrifices. He was able to be a hardworking and responsible president of their resort. He was able to find the woman that he will spend the rest of his life with.
My sacrifices saved him from being with someone that he's not supposed to be with. And that someone is me.
A growling stomach snapped me out from my thoughts, only to find that the growl because of hunger was from my stomach. I slowly raised my gaze to Orion who's now looking at me. His brows were shot up as he stared at me.
I slyly smiled at him. "Uh... Pwede bang lumabas muna ako?" I asked him and pointed at the door.
Sumandal naman siya sa kanyang swivel chair at saka humalukipkip.
"And why?"
Bahagya namang napakunot ang aking noo. "Hindi mo ba narinig?" tukoy ko sa pagkalam ng aking tiyan. "Gutom na ako. It's already ten past twelve."
Napanguso naman siya at hinimas ang kanyang panga habang pinipigilan ang sariling mangiti o matawa.
"Saan mo gustong kumain? Dito sa office, sa Balsa or sa Seaside?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Orion.
"Kahit saan..." sagot ko na lang at saka umayos ng pagkakaupo.
"Hmm..." he hummed as looked at the window of his office that's covered by a thin and light white curtain. "Let's just stay inside the office and eat here. Mainit ang sikat ng araw. Huwag na tayong lumabas."
Tumayo naman ako mula at agad niya akong sinundan ng tingin.
"Ako na ang kukuha ng pagkain sa may kitchen ng hotel," pagp-prisinta ko.
Hahakbang palang ako ng isang hakbang ay agad na niya akong napigilan nang magsalita siyang muli.
"Just stay here," he said.
Napalingon naman ako sa kanya na dinampot ang telepono sa kanyang lamesa.
"I'll call downstairs. Ipapaakyat ko na lang ang pagkain. Huwag ka nang umalis at umupo ka na lang diyan," sabi niya at may pinindot sa telepono bago itinapat sa kanyang tenga.
Napabalik naman ako sa aking inuupuan at saka pinaglaruan na lang ang aking daliri habang nakatingin sa kanya.
"Pakiakyat na ang lunch ko sa office. Make it two meals, please," utos ni Orion sa staff na kausap niya sa telepono habang pirming nakatingin sa akin. "Oh, wait for a while..."
Bahagyang binaba ni Orion ang telepono at itinuon ang buong atensyon sa akin.
"Ano'ng gusto mong inumin?" tanong niya sa akin.
"Kahit tubig lang," sagot ko.
"Juice? Ayaw mo?"
"Hmm... Pwede rin. Strawberry juice, kung mayroon," sabi ko. "Pero kung wala ay ayos lang."
Tumango-tango naman siya at akmang muling iaangat ang telepono pabalik sa kanyang tenga at bibig nang muli niya akong tinutukan ng pansin.
"How about desserts?" he asked me.
Maagap naman akong umiling. "Hindi ko na kailangan niyan, Orion," sabi ko naman. "Basta kanin at ulam, okay na ako."
Muli naman siyang tumango-tango bago muling kinausap ang staff na kausap sa telepono.
"Make our drinks strawberry flavored juice," pahabol na utos ni Orion. "Yes. Pakiakyat na agad. Okay, thank you."
Nang matapos sa pakikipag-usap ay tumayo na siya. He folded his sleeves up to his elbow and removed his necktie.
"Our food will be here in five," sabi niya naman at isinabit sa likod ng kanyang swivel chair ang necktie na tinanggal.
Lumapit naman siya sa aking gawi at bahagya akong napasandal sa aking kinauupuan. He removed the vase with artificial flowers at the top of the center table and placed it on his table instead.
"Ayos na ba ang pwesto ng table? Would you be comfortable eating with that distance or ilalapit ko pa?" tanong niya sa akin.
"Ayos na 'to," sabi ko na lang kahit na alam kong medyo mahirap dahil mababa ang center table kaysa sa couch na aking inuupuan.
Walang pasabi naman siyang biglang umupo sa aking tabi. Sumandal siya sa couch at saka napabuntong hininga. Para bang naramdaman niya ang pagod niya sa trabaho nang dahil sa pagsandal sa komportableng couch. He even unbuttoned the first two buttons of his shirt.
Napaiwas naman ako ng tingin at saka pinaglaruan na lamang ang aking daliri. Halos hindi ako makahinga. Kahit naka-aircon ay tila ba parang naiinitan ako.
Mabuti na lamang at hindi nagtagal ay bumukas na ang pintuan ng opisina ni Orion. Pumasok si Glenda na kasamahan ko sa trabaho. Mukhang nagulat pa siya nang makita akong nandito sa loob ng opisina ni Orion.
"Just place it here," turo naman ni Orion sa center table.
"Yes, Sir," nag-aalangang sagot ni Glenda habang sumusulyap sa akin at kitang-kita ko na punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ako upang tulungan si Glenda sa paglalapag ng aming pagkain sa center table.
"Bakit ka nandito?" rinig kong bulong niya sa'kin nang magkalapit kami.
"May atraso ako," sabi ko na lang at kinuha ang sarili kong pagkain sa tray cart na kanyang dala.
"Atraso pero pakakainin ka pa. Aba, hanep! Baka kung ako 'yan ay sisante na," mariin niyang bulong bago lumayo sa'kin upang ilapag ang pagkain ni Orion sa kanyang harapan.
Tahimik naman akong bumalik sa aking kinauupuan at saka inilapag ang sariling pagkain.
"Tapos na po, Sir," sabi naman ni Glenda na bahagyang nakayuko.
"You may go now. Thank you," Orion calmly said as he began to wipe the utensils with tissue paper.
Nang makita ko siyang nagsimula nang kumain ay agad na rin akong nagsimula, ngunit hindi ako naging komportable dahil sa lamesa na aming pinagkakainan.
"Is she your friend?" he suddenly asked me while I was slicing my steak.
"Sort of..." sagot ko na lang. "Nakakausap ko siya minsan pero hindi madalas."
"Oh... Okay," he nodded and continued eating.
Napanguso naman ako at saka ibinaba ang mga kubyertos. Hindi ko na kaya ang pwesto ko!
Kinuha ko ang isang unan na nakalagay sa couch at saka pinatag sa lapag upang aking maupuan.
Narinig ko naman ang bayolenteng paghinga ni Orion. Nagulat na lang ako nang maglapag din siya ng unan sa aking tabi at saka umupo roon.
Napaawang na lamang ang aking bibig habang nakatingin sa kanya na gumaya sa akin.
"Stop staring at me and just eat," masungit niyang sabi nang hindi ako nililingon. "Sabi mo gutom ka na."
"Ah... oo nga," sabi ko na lang at saka nagsimula nang kumain.
Mas naging madali ang pagkain ko dahil tamang-tama lang ang taas ng lamesa mula sa lapag. Naalala ko tuloy noong bata ako ang mga napapanood kong Koreanovela sa TV. Ganito sila madalas kapag kumakain.
Habang nasa gitna ng pagkain ay tumunog at umilaw ang cellphone ni Orion na nakalapag sa ibabaw ng lamesa. Bago niya ito makuha ay nasulyapan ko kung sino ang tumatawag sa kanya.
It's his girlfriend, Halsey.
Nag-iwas na lamang ako ng tingin at pinilit na ituon ang aking atensyon sa pagkain.
Ang sarap-sarap ng ulam mo, Naiyah! Minsan ka lang makakain niyan. Namnamin mo na at huwag mo nang bigyan ng pansin ang ibang bagay. Mas importante ang pagkain!
"Yes, babe?" pagsagot niya sa tawag ng kasintahan. "I'm already eating my lunch. Yes... Hope you eat your meal, too. Okay. I miss you, too. Take care... I love you. Bye."
Parang punyal na tumama sa aking puso ang kanyang mga binitawang salita kay Halsey. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pinapakiramdaman ang kung gaano kalalim ang inabot ng punyal na sumaksak sa aking puso.
I should've expected this already. Of course, he loves her. That's why they're in a relationship. Normal lang ang sabihin nila sa isa't isa ang kanilang pagmamahal na pinaparamdam din.
But I just don't know... Hindi ko maintindihan ang sarili ko. There's just something about him that keeps me holding on to nothing.
"I'm sorry for the call..." he apologized after Halsey's call.
Umiling naman ako nang hindi siya tinitignan. "Okay lang."
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nasabi ang mga salitang "okay lang" kahit na ang totoo ay nasasaktan talaga ako. Pero mas madali na lang kasing sabihin na ayos ka lang kaysa sabihin mong hindi at kailangan mo pang ipaliwanag kung bakit hindi.
Napabuntong hininga naman ako bago nagsumikap na ngumiti at saka siya nilingon.
"Bakit nga pala hindi ka sumama sa kanila?" tanong ko sa kanya. "Halsey's with Rav, right? Sinabi sa'kin ni Rav kahapon noong nasa infirmary ako."
I saw his jaw clenched before he answered. "It's their family thing... Panatag naman ang loob kong hayaan siya dahil kasama niya ang pinsan niya," he said. "And besides, I need to fix the business with Mr. Tan right away before he flies back to Manila."
Tumango-tango naman ako at hindi na nagtanong. Nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Nakahanap ako nang mapagka-aabalahan habang hinihintay siyang matapos sa trabaho. Nanghingi ako kay Orion ng mga papel at pencil. Kahit hindi ako marunong gumuhit ay natuwa ako sa pagguguhit ng kahit ano. Nag-aksaya man ako ng mga papel dahil sa pagguhit ngunit naging masaya naman ako.
Ngunit hindi sapat na pampalipas oras ang pagguhit. Nakatulog din ako ng bandang alas tres at nagising na lamang ako na may nakabalot na comforter sa'kin at maayos ang pagkaka-puwesto ng unan sa aking ulo.
Nilingon ko ang lamesa ni Orion at nakita siyang inaayos na ang kanyang necktie. Napadaan naman ang kanyang tingin sa akin nang bumangon ako mula sa paghiga.
"Pasensya na at nakatulog ako," nahihiya kong sabi.
Umiling naman siya at ngumiti bago sinuot ang kanyang suit.
"Iyon nga ang gusto ko. Ang makapagpahinga ka," sabi niya naman bago sumulyap sa kanyang wrist watch. "It's almost six now. You might want to fix yourself before we go to The Balsa."
Agad ko namang kinapa ang aking buhok na medyo nagkagulo-gulo na nang dahil sa aking pagtulog. Tumungo ako sa banyo sa loob ng opisina ni Orion at inayos ang aking sarili upang magmukhang presentable bago kami humarap kay Mr. Tan.
The night summer breeze welcomed me as soon as we got outside of the hotel. Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin galing sa dagat. Maagang nagpaalam ang araw ngayon dahil noong mga nakaraang araw ay naabutan ko pa ang paglubog ng araw kapag alas-sais ngunit ngayon ay ang katiting na liwanag na lang nito na abot-tanaw.
Nang makarating kami sa Balsa ay agad akong sinalubong ng mapanuring tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho. Si Quinn naman na mukhang hindi pa sanay na makita kaming kasama ni Orion ay literal na nalaglag pa ang panga nang makita kami.
Nauna kami ni Orion kay Mr. Tan sa lamesa kung saan din sila nakapuwesto kagabi. Nilingon ko naman si Orion na mukhang bahagyang tensyonado habang hinihintay si Mr. Tan. His hands were doing unnecessary gestures at the top of the table.
He really wanted to close this deal with him. Kitang-kita 'yon sa kanyang mga nababahalang mga mata.
I took a deep breath before holding his hand. Kita ko naman ang pagkakagulat niya bago bumaling sa akin.
I gave him a smile. "You can do it," I told him. "And besides, you're with me. I'll help you. We can do this."
Bahagya naman siyang napatitig sa akin bago ngumiti at tumango-tango.
"Thank you, Naiyah..." he sincerely said.
Muli naman akong ngumiti bago binitiwan ang kanyang kamay.
Napaangat naman kami ng tingin nang may tumikhim sa aming harapan at sabay pa kaming tumayo ni Orion upang batiin si Mr. Tan.
"Good evening, Mr. Tan," we greeted him in unison without any practice.
Medyo nagulat pa kami parehas dahil sa pagkakasabay at nagkatinginan bago ibinalik kay Mr. Tan ang tingin.
Mr. Tan raised his eyebrows. "I can see that you're with someone, Mr. Valiente," he said and took a glance at me.
"She's—"
"I'm Naiyah Castellano, Mr. Tan," inunahan ko na si Orion sa kanyang pagpapakilala sa akin at saka inalok ang aking kamay. "I'm one of his employees here at The Valley."
Mr. Tan smiled at me and took my hand for a handshake. "Nice to meet you, Miss Castellano."
Napangiti naman ako ng malawak bago binitawan ng matandang lalaki ang aking kamay.
"Uh... Shall we sit?" Orion offered.
"Oh yes, we should." Tumango-tango si Mr. Tan at nauna nang umupo bago kami sumunod ni Orion.
"Should we order some food—"
"Hindi na ako magtatagal pa ngayong gabi, Orion. Maaga pa kami bukas sa pagluwas sa Maynila. And I already ate an early dinner with my wife at the Seaside," pagputol naman ni Mr. Tan.
Napabuntong hininga naman si Orion. "About last night, Sir... I'm very sorry," paghingi ng paumanhin ni Orion. "I really hope that you would reconsider about the deal. I assure you that The Valley is the best resort in Bela Isla that could accommodate your offered leisure and amenity."
"You know, Mr. Valiente, I don't doubt that your resort's the best resort for the inflatable island that I'm planning to build. That's why I chose your resort in the first place," sabi naman ni Mr. Tan. "It's just that I'm very disappointed with your actions last night. I just didn't feel disrespected, but I also felt like you don't know how to prioritize. You don't know your responsibilities. We're talking about something important; about our supposed venture but you just turned your back on me."
Nagtaas naman ako ng kamay na nakaagaw sa atensyon ni Mr. Tan dahil agad niya akong nilingon.
"Mawalang galang lang po..." panimula ko. "Pwede po ba akong magsalita?"
"Go ahead, hija," pagpayag naman ni Mr. Tan.
"Siguro nga po'y totoong nakakabastos ang ginawa ni Sir Valiente kahapon pero nang dahil po iyon sa akin," pag-amin ko at nagtaas naman siya ng kilay sa akin. "I was sick yesterday. He even visited me to the infirmary po before my shift here at the Balsa. Umalis po siya sa pag-uusap niyo nang makita akong handang magtrabaho kagabi kahit na may nararamdaman. Kaya po ay hinatid niya ako pauwi kagabi. It only proves that he's very responsible. As his employee, I am his responsibility as he is my employer."
Huminga naman ako ng malalim bago magpatuloy.
"It's true that what you're talking about is important... but to prioritize his employee's health more than a deal, isn't that a great sense of responsibility for an employer? Bihira lang po ang ganyan sa pagkakaalam ko po, Mr. Tan," pagpapatuloy ko. "How will an organization function if there are no employees? How will employees function if their employer won't give us what we need? Sa tingin ko po ay ang pinakita ni Sir Valiente kagabi ay isang mabigat na responsibilidad. Kayo na nga po ang nagsabi, importante ang deal na tinatakay niyo, but he dared to put in on the line because of me, his employee... to take care of me and send me home. Hindi po ba mas kahanga-hanga 'yon?"
Napangiti naman si Mr. Tan sa akin.
"Nakakatuwa kang bata ka..." natutuwa niyang sabi sa'kin. "What if I asked you to date my son who probably has the same age as you, in exchange for the deal, will you agree?"
Bahagya akong napatigil sa kanyang biglang tanong sa akin.
"No, she won't," maagap na sagot ni Orion at hindi man lang mag-isip.
"Ayos lang po," sagot ko, taliwas sa sinagot ni Orion.
"Are you crazy, Naiyah?" gigil niyang tanong sa akin.
Nilingon ko naman siya at kita ko ang galit na namumuo sa kanyang mga mata.
"It's just a date! At para ito sa resort kaya ayos lang. You'll get the deal if I will date his son. Ayos lang," paliwanag ko sa kanya bago muling nilingon si Mr. Tan nang nakangiti. "It's fine with me, Mr. Tan. Kailan po ba?"
"No, Naiyah!" Orion sternly said. "I'm sorry, Mr. Tan. I'd rather lose the deal than to give Naiyah away to a stranger, even if it's your son."
"Orion!" I objected. "Ayos nga lang sa'kin!"
Marahas namang hinawakan ni Orion ang aking palapulsahan. Tumayo siya at napatianod naman ako patayo kasama siya.
"Maybe, in the next venture, Mr. Tan," he apologized to Mr. Tan. "I'm really sorry for the trouble tonight."
"Orion!" pagpupumiglas ko ngunit mas lalo lamang humigpit ang kanyang pagkapit sa akin.
Parang wala siyang narinig at agad akong hinila paalis.
"Let's sign the deal tomorrow."
Bigla namang napahinto sa paglalakad si Orion nang muling magsalita si Mr. Tan na dahilan kung bakit muntik na akong mabunggo sa kanyang malapad na likod.
Habang hawak-hawak niya pa rin ako ay muli siyang lumingon kay Mr. Tan at ganoon din naman ako.
Ano ulit ang nangyari?
Mr. Tan smiled at us. "I'm amazed by how you protect your employee, Mr. Valiente," he told Orion. "If she's really just your employee, though..." he glanced at me.
Tumayo naman si Mr. Tan mula sa kanyang kinauupuan.
"I'll move my flight and just fly back to Manila the day after tomorrow," sabi ni Mr. Tan. "I'll drop by your office tomorrow to sign the deal. I'm looking forward to this great venture with you, Mr. Valiente. Have a good night," paalam nito bago kami tinalikuran at lumabas ng restaurant.
Unti-unti naman akong napangiti nang pumasok sa akin ang nangyari at saka nilingon si Orion na mukhang 'di pa rin makapaniwala.
"Orion! We did it!" I enthusiastically exclaimed and even clapped my hands. "Ang galing natin! Apir tayo!"
I raised my hand in the air for a high five. Unti-unti namang napalingon sa akin si Orion at bahagyang nanlaki ang aking mga mata saka napalingon sa mga staff ng Balsa na nakatingin sa amin.
Did I just informally call him in front of my co-employees?
"Sir Orion po pala—"
Napatigil ako ng hawakan ni Orion ang kamay kong nasa ere upang hilahin ako papalapit sa kanya. Halos sumubsob ako sa kanyang dibdib nang dahil sa pagkakayakap sa akin. Bahagya akong pumiglas dahil sa mga katrabaho kong nakakakita ngunit nang humigpit pa ang kanyang yakap sa akin ay tumigil din ako.
"Thank you, Naiyah..." he whispered in my ear. "Thank you so much..."
I let my head settle on his broad chest as he embraced me for a hug.
His hug was so nostalgic. It brings back thousands of memories.
I thought that the wild beating heart I'm hearing was only mine, but when I leaned closer to his chest... I realized that it wasn't just mine, but also his.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top