Chapter 17

Chapter 17
Secrets

"Is this the meal that Orion brought you?" Rav asked when he was already near me.

Tinignan ni Rav ang dinalang pagkain ni Orion para sa'kin. Halos pareho lang sila ng dalang pagkain. Siguro ay dahil galing mismo sa hotel ang pagkain. Ang pinagkaiba lang ay may soup ang dala ni Orion kanina, habang kay Rav naman ay wala. It's all dry foods.

"Uh... Oo," sagot ko na lang.

"Kumain ka na, Iyah," bigla namang sabi ni Tita Edna na hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin. "Para makainom ka na agad ng gamot at hindi na lumala pa ang sakit mo."

Binalik ko naman ang tingin ko kay Rav na nakatingin pa rin sa pagkaing dala ni Orion habang tangan-tangan ang hawak na tray. I don't want his effort to be wasted. Alam kong nagmadali pa siya para ipagkuha ako ng pagkain.

"Uhm, Tita, sa'yo na po itong pagkain na 'to," sabi ko naman kay Tita Edna na bahagya niyang ikinagulat. "Iyong dala po ni Rav ang kakainin ko."

Napalingon naman si Tita Edna kay Rav na dahilan kung bakit muli akong napatingin sa kanya. He was trying to surpress his smile by pursing his lips, while looking at me. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti na lang din.

"Parehas lang naman sila ng dalang pagkain, ano bang pinagkaiba?" pinagtatakang tanong ni Tita Edna.

"Baka po siguro bagong luto lang 'yung akin kaya mas gusto ni Naiyah kasi mainit pa, Tita," inunahan pa ako ni Rav sa pagsagot at nagbiro na lamang.

Marahan namang tumawa si Tita Edna. "Pabiro ka pala, Attorney," komento niya.

Kinagat ko naman ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang sarili sa pagtawa.

"Sige na nga't ako na ang kakain nito," sabi na lang ni Tita Edna at kinuha na ang dala-dalang pagkain ni Orion.

Nilipat niya ito sa kabilang lamesa upang malapag ni Rav ang kanyang dala-dalang pagkain.

"Ay! Itong sabaw ay kay Naiyah na lamang para mainitan ang kanyang sikmura," pahabol ni Tita at saka binalik ang mangkok sa lamesa na katapat ko.

Nag-angat naman ako ng tingin kay Rav dahil nahihiya talaga ako sa kanya. I don't want him to think that I'm favoring Orion, when he's the one who saved me.

"That's okay," sabi naman ni Rav at siya na mismo ang naglapit ng soup sa akin. "You need this. I forgot to ask them for some soup. It's a good thing that Orion gave you this."

Simula palang ay ramdam ko na ang pagiging maalaga ni Rav. When I first met him, the day he went to our house and discussed about my family's debts, he had that kind solicitude aura. He wasn't rough, but very considerate. He knew how to balance his attitude. Alam niya kung kailan dapat magseryoso at maging mapaglaro. But I think I kinda like this new side of him—the caring one.

Hinatak naman ni Rav ang isang upuan patungo sa gilid ng kamang aking hinihigaan.

"Tita, sana po ay okay lang kung pakain ko si Naiyah," pagpapaalam ni Rav kay Tita Edna na ikinalaglag ng aking panga.

Bahagya namang humalakhak si Tita Edna. "Wala namang problema sa'kin 'yon. Basta ba ay ayos lang din kay Naiyah," sabi ni Tita Edna.

Rav beamed at me before he got the bowl of soup. Hinalo niya ito ng isang beses bago sumalok sa kutsara at itinapat sa akin.

"It's not that hot anymore. Hindi na nakakapaso 'yong sabaw. Tamang-tama lang," sabi niya sa'kin bago mas inilapit pa ang kutsara sa aking bibig.

"Kaya ko namang kumain mag-isa, Rav. You don't need to feed me," pagtanggi ko naman.

"But I want to feed you," he said. "I've never experienced feeding someone else. I just want to try."

"Sige na, Iyah. Susubuan ka lang naman, eh," bigla namang pagsingit ni Tita.

Nilingon ko naman siya na ngayo'y ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko'y may iniisip siyang iba sa kabila ng kanyang ngiti.

"Nakakahiya, Rav..." sabi ko naman.

"Oh, Naiyah, please don't be," he said and chuckled. "So... Please, open your mouth na po."

Hindi ko naman mapigilan ang bahagyang matawa dahil sa biglang paglambing ng boses ni Rav na parang bata.

Wala naman na akong magawa kundi ang ibuka ang aking bibig. Ngiting-ngiti naman niyang isinubo sa akin ang sabaw na tamang-tama nga lang sng init. Agad kong naramdaman ang pagdaan ng init nito sa aking lalamunan hanggang sa kumalat ito sa aking sikmura.

Pinagpatuloy niya ang pagsusubo sa'kin ng sabaw at kahit naiilang ako sa pagbuka ng bibig ay mukhang hindi niya naman napapansin. Masiyado siyang focus sa pagpapakain sa'kin.

"Should I also feed you the main—"

"Ako na lang," sabi ko at inunahan ko na siya.

Inilapit ko na sa'kin ang pagkain na dala niya nang maubos ko na ang soup. I won't let him feed me this one. Nahihirapan ako sa sobrang pagkailang habang ibinubuka ko ang bibig ko. Gusto kong makakain ng maayos, lalo na't may sakit ako. I need to gain strength. Gusto ko pang ipagpatuloy ang shift ko mamayang gabi sa The Balsa.

"Anyway, I will fly to Cebu tomorrow with Halsey," bigla namang sabi ni Rav habang pinapanood niya akong kumain. "We're gonna check our ancestor's land there. We'll be back after three days, I think."

Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa'kin pero tumatango-tango na lamang ako.

"Ingat kayo kung ganoon," sabi ko na lang at ngumiti.

Rav grinned at me before he rested his fist on his cheek to eye on me. I was about to say something when he startled me by reaching my forehead to feel my temperature. Bahagyang nawala ang kanyang ngiti nang maramdaman ang aking init. He exhaled a deep sigh before he brought his hand down.

"Dapat pagbalik ko, magaling ka na," sabi naman niya sa'kin.

"Oo naman," natatawa kong sabi. "Baka nga mamaya lang o bukas ay wala na akong lagnat."

"Don't be so sure, Naiyah. We don't know how life plays with us like we're some kind of game," sabi naman niya sa'kin, seryoso sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Mamaya ay baka mas lumala pa 'yan."

"Pahinga lang ang kailangan ko, Rav. Nang dahil lang naman 'to sa pagod," sabi ko na lang sa kanya.

"Then rest..." he said. "Pagkatapos mong kumain at uminom ng gamot ay magpahinga ka na."

Kung ano ang sinabi niya ay ganoon nga ang ginawa ko. Matapos kong kumain, kahit hindi ko naubos ang pagkain dahil bigla akong nawalan ng gana ay uminom na ako ng gamot bago humiga sa kama ng maayos.

Natapos na rin namang kumain si Tita Edna kaya inasikaso niya na ako. She asked the nurse for a cold compress. Iyon ang nilagay niya sa aking noo upang bumaba ang aking temperatura.

Dahil sa init na dumadaloy sa aking katawan ay nararamdaman ko na ang pagluluha ng aking mga mata kaya naman ipinikit ko na ito. Hindi rin sapat ang kumot na nakabalot sa'kin upang maibsan ang lamig na nararamdaman dahil sa centralized room ng infirmary. Nakailang pagpapalit na ako ng posisyon sa kama ngunit hindi ko mahanap ang init na hinahanap ng katawan ko.

"Nilalamig siya..." rinig kong sabi ni Tita.

"Kukuha lang po ako ng comforter sa housekeeping quarters," sabi naman ni Rav at narinig ko ang pag-usog ng upuan.

Gusto ko man idilat ang aking mga mata upang makita ang kanyang pag-alis ngunit nanghihina ako na kahit pagdilat ng mga mata ay hindi ko magawa.

Narinig ko na lamang muling pagbukas-sara ng pintuan hanggang sa makaramdam ako ng init na nagpaayos sa nararamdaman ko. Naging komportable na ako sa aking pwesto hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Nagising na lamang ako dahil sa init. Tinanggal ko ang nakabalot na comforter sa akin at itinira na lang ang manipis na kumot upang malamigan ang aking katawan. Ramdam kong basa na ang aking likuran ng pawis kaya naman idinilat ko na ang aking mata.

Ang ilaw sa infirmary ay naka-dim na. Tanging ang pag-ugong lamang ng aircon ang maririnig mong tunog sa loob.

Nang makaramdam ako ng kaunting pagkaluskos sa aking gilid ay mabilis ko iyong nilingon.

My lips parted in surprise when I saw that Rav's still here with me. Nakaupo pa rin siya sa upuang inuupuan kanina habang nakaulo sa aking kama. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, ngunit hindi ko na nakita si Tita Edna rito.

Halos masilaw naman ako nang biglang umilaw ang cellphone ni Rav dahil sa pagtawag ng kanyang pinsan na si Halsey. His phone's on silent mode kaya hindi niya alam na may tumatawag sa kanya.

"Rav... Rav..."

Inalog-alog ko pa siya upang magising at hindi naman ako nahirapan dahil mukhang mababaw lang ang kanyang pagtulog. Kunting pagyugyog ko lang sa kanya ay agad na siyang nagising.

He slowly opened his eyes, and it immediately found mine. Agad niya namang pinadapo ang kanyang palad sa aking noo nang mamataan ako. He smiled at me. Siguro'y naramdaman niyang hindi na ako masiyadong mainit dahil pinagpawisan na ako.

"Bumaba na ang lagnat mo," anunsyo niya. "Hindi ka na ganoong kainit katulad kanina."

"Uh... Hindi ka pa umaalis magmula kanina?" tanong ko naman sa kanya.

Umayos siya ng pagkakaupo at saka umiling. Ginugulo niya ang kanyang buhok dahil iyon ata ang paraan niya ng pag-aayos ng kanyang buhok.

"I want to take care of you," he said. "And your Auntie needed to at the port earlier. Tinawagan siya ng Tito mo. Walang maiiwan sa'yo."

Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso nang dahil sa pagiging maalaga ni Rav. I bet his future girlfriend will be so lucky to have him as her boyfriend.

Tumango-tango na lamang ako bago tinuro ang kanyang cellphone. Napataas siya ng kilay sa akin. Siguro'y hindi alam kung ano ang tinutukoy ko.

"Halsey's calling you earlier..." I told him.

"I know..." sabi naman niya. "Kanina pa siya tumatawag. Noong una'y muntik ka pang magising mula sa pagtulog kaya sinilent ko."

"Sagutin mo na ang tawag niya. Baka kailangan ka ng pinsan mo," sabi ko sa kanya.

"I'm pretty sure that she can take care of herself. And besides, she has Orion with her," he shrugged his shoulder. "You need me more right now that you're sick."

"But I'm fine now," giit ko sa kanya.

His brows shot up. One corner of his lips suddenly lifted as he crossed his arms.

"Really?" paghamon niya sa'kin.

"Nahipo mo naman na kanina, 'diba?" sabi ko naman sa kanya.

Bahagyang nalaglag ang kanyang panga sa aking sinabi bago humalakhak.

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang biglang pagtawa.

"I'm sorry..." he apologized while he was still laughing. "Uhm... Iba lang ang naisip ko sa sinabi mo. Pero..." he laughed again.

I was about to say something, but his phone lit up again. Naagaw nito ang atensyon ko at nakitang tumatawag ulit sa kanya si Halsey.

"Sagutin mo na," pagpilit ko sa kanya.

Hindi pa humuhupa ang kanyang pagtawa nang abutin niya ang kanyang cellphone upang sagutin ang tawag ng pinsan.

"Hello," he answered the call. "I'm sorry, couz. I'm still in the infirmary—Okay... I will. Just wait for me there. Okay. Bye."

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Rav matapos niyang sagutin ang tawag ng pinsan.

"I'm sorry, Naiyah, I have to go now," paghingi ng paumanhin ni Rav at tumayo na. "Halsey's parents suddenly came home and they're looking for me. Sasama ata sila sa'min bukas at doon muna mags-stay sa Cebu. Kanina pa raw ako hinahanap."

"Okay lang, Rav," sabi ko naman at nahihiya dahil mukhang naabala ko siya. "Masiyado na kitang naabala ngayong araw. Baka may mga importanteng bagay ka pala na kailangang gawin."

"You can bother me anytime you want, Naiyah. I won't mind," he smiled at me before looking at his wrist watch. "It's almost six in the evening. You should go home now. Doon ka na magpahinga. Ihatid na kaya muna kita?"

Maagap naman akong umiling upang tumanggi sa kanya.

"Ayos lang ako rito. Uuwi na rin ako maya-maya," nakangiting sabi ko sa kanya. "Thank you for today, Rav. Salamat sa pag-aalala."

Kahit mukhang nag-aalangan pa siya sa pag-alis ay muli siyang ngumiti sa'kin bago siya nagpasyang tuluyang umalis.

Hinipo ko naman ang aking noo at leeg upang pakiramdaman ang temperatura ko. Ayos nanaman na ang pakiramdam ko at hindi na rin ako masiyadong mainit. Makakahabol pa ako sa shift ko sa The Balsa. Sayang din ang kikitain ko kung saka-sakali.

Agad akong bumangon at nagpasalamat sa nurse ng infirmary bago tumungo sa housekeeping quarters upang maghilamos ng mukha at ayusin ang aking buhok. Kinuha ko na rin ang gamit ko sa locker bago pumunta sa The Balsa upang makapagtrabaho.

"Oh, Naiyah! Akala ko 'di ka papasok!" gulat na sabi ni Quinn nang makita akong pumasok sa locker room.

Nakabihis na siya ng uniporme at tinatali na lang ang apron sa kanyang bewang.

"Saan naman nanggaling 'yan?" tanong ko sa kanya at kinuha na ang uniporme ko sa loob ng locker upang makapagpalit na rin.

"Sabi lang ni Ma'am Gerica kanina. Wala ka raw at pati na rin si Nicole. Kulang daw sa tao ngayon kaya kailangan naming mag-adjust," paliwanag niya sa'kin.

Bahagya namang napakunot ang aking noo. Siguro ay nasabihan ni Rav si Ma'am Gerica na baka hindi ako pumasok dahil sa sakit ko.

"Nagkalagnat lang ako kanina pero ayos na ako ngayon," nakangiting sabi ko kay Quinn.

Napataas naman ang kanyang kilay sa akin. Halos mapaatras ako ng humakbang siya patungo sa akin upang pakiramdaman ang noo ko.

"Medyo mainit ka pa," puna niya. "Kaya mo ba talagang magtrabaho ngayon?"

"Oo naman!" sabi ko.

"Oh, sige. Wala naman akong magagawa kung 'yan ang gusto mo," sabi na lang niya at nagkibit-balikat.

Mabilis akong nagbihis at itinali na rin ang apron sa aking bewang bago lumabas ng locker room. Medyo nagulat pa si Ma'am Gerica nang makita ako ngunit hinayaan na rin akong magtrabaho ngayong gabi.

"Naiyah, sa table fifteen ka," utos ni Ma'am Gerica.

"Okay po, Ma'am," agad kong pagsunod sa utos.

I went out of the kitchen, wearing my best smile to serve the costumers. But when my eyes darted to the man who's just sitting at the table in front of me, my smile vanished.

Napaangat naman ng tingin sa akin si Orion mula sa lalaking kausap at agad na dumilim ang kanyang paningin nang makita ako. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at akmang maglalakad na patungo sa naka-assign sa aking table nang biglang may humigit sa aking braso.

Gulat kong nilingon si Orion na ngayo'y hinila ako pabalik sa kitchen.

Narinig ko ang munting pagsinghap ng mga kasamahan ko, lalong-lalo na si Ma'am Gerica na hindi inaasahan ang pangyayari.

"Sir Valiente—"

Hindi pinansin ni Orion si Ma'am Gerica at dire-diretso akong dinala patungo sa locker room. Nang makapasok ay agad niya akong binitawan.

"Get your things and go home," he sternly said.

"May trabaho pa ako—"

"Putanginang trabaho, Naiyah, may sakit ka!"

Halos mapapikit ako sa pagsigaw ni Orion.

"Gusto mo ba talagang sagarin ang sarili mo, huh?" nanggigigil niyang tanong sa akin.

"Ayos na ako!" halos sigawan ko na rin siya pabalik. Wala na akong pakialam kung boss ko man siya.

"Oh, really, huh?" ang tinig niya ay punong-puno ng paghamon.

Nilamon ng kanyang malalaking hakbang ang aming distansya. Napaatras na lamang ako sa mga locker at wala ng nagawa nang nakalapit na siya ng todo sa'kin.

Halos kilabutan ako ng dumampi ang kanyang magaspang na kamay upang damahin ang aking leeg.

"Damn..." he cursed before moving away from me.

Bumuntong hininga siya bago hinilamos ang kanyang palad at pinasadahan din ang kanyang buhok. Kinagat niya ang kanyang mapupulang labi habang malalim ang tingin sa akin.

"You're not allowed to work tonight and tomorrow," he stated. "At kapag may sakit ka pa sa makalawa ay hindi ka pa rin papasok, naiintindihan mo ba ako?"

I opened my mouth to object but he raised his finger to stop me.

"I won't hear out any objection, Naiyah, so just  get your things. You'll leave with me," dire-diretso niyang sabi bago humalukipkip upang tignan ako.

Wala naman akong nagawa kundi kunin ang aking gamit. Nauna siyang lumabas at halos padabog naman akong nakasunod sa kanya.

Sobrang tahimik nang makapasok kami sa kanyang sasakyan at kahit noong pinaandar niya na ito.

No one dared to talk or start a conversation, but I think it's better that way. I can't help but to be thankful for the presence of silence when I can't think of what to say.

Halos wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa bahay. Agad ko namang sinukbit ang bag ko bago siya nilingon.

"Salamat sa paghatid," nag-aalangan kong sabi. "At sana hindi na 'to makarating pa kay Halsey dahil baka kung ano ang isipin niya."

His jaw clenched before he turned to me. "I don't keep secrets from her," he told me. "Sinasabi ko sa kanya ang lahat. I don't want her to misunderstand things. I will make her understand."

Bahagya namang napaawang ang aking labi bago tumango-tango sa kanya.

"Sige... Salamat ulit," sabi ko na lang at tuluyan nang lumabas ng kanyang sasakyan.

Nang masarado ko ang pintuan ng sasakyan ay agad niya na itong pinaharurot pabalik ng resort. I just watched his car vanished as he went farther and farther away.

"Naiyah."

Napalingon naman ako sa gate at nakitang naroroon si Tita Edna. Lumapit naman ako sa kanya upang magmano.

"Si Orion ba 'yon?" tanong niya sa'kin.

Unti-unti naman akong tumango.

Sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi. "Siya ang nagpasundo sa'kin kanina rito sa bahay para puntahan ka sa hotel dahil nilalagnat ka raw," sabi ni Tita Edna na aking ikinagulat.

Ang buong akala ko ay si Rav ang nagpatawag kay Tita kanina dahil sabay silang pumasok sa infirmary.

"Nakalimutan kong magpasalamat sa kanya kanina dahil agad siyang umalis pagkadating ko," sabi niya. "Sana ay mapasalamatan mo siya para sa'kin."

I absentmindedly nodded, while my mind travelled to Orion.

She smiled at me before tapping my shoulder. "Pumasok ka na at magpahinga."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top