Chapter 13
Chapter 13
Happiness
During our lunch break, the whole squad was gloomy because someone was missing from our circle. Si Kriesha ay nakasandal lamang sa aking balikat habang nakatitig sa kawalan. Ang dalawang lalaki naman ay tahimik lang din habang patuloy sa pagkain.
Napabalik naman ang tingin ko kay Walter nang bumuntong hininga siya. He's staring straight at Kriesha, while Kriesha's still wandering nowhere and still lost in her own thoughts.
"Magiging ganito na lang ba tayo magmula ngayon?" hindi na niya napigilang tanungin.
That's what I've been wanting to say. Pero dala na rin ng kalungkutan sa biglang pag-alis ni Emma ng Bela Isla upang tumungo ng Maynila at doon na manirahan ay nawalan na rin ako ng lakas para magsalita pa.
Sobrang bilis din ng kanyang naging pag-alis na hindi man lang kami nakapagpaalam sa kanya. We just woke up earlier with a chat from her in our group chat that she's already at the airport, on her way to Manila. She would not come back and continue her studies there.
"Ang lungkot lang kasi..." dahilan naman ni Kriesha at saka umayos ng pagkakaupo. "Hindi ako sanay na wala si Emma. Parang may kulang."
"Mangyayari at mangyayari rin naman 'yon," pagsingit naman ni Drew. "After we graduate, ang iba sa'tin ay mag-Ma-Maynila para roon na mag-aral. Ang iba naman ay maiiwan dito sa Bela Isla at dito magpapatuloy ng kolehiyo. Nauna lang naman si Emma, pero ganito rin naman ang kahihinatnan natin."
"Bakit ba napakasimple mong tumingin sa mga bagay-bagay, Drew?" tanong naman ni Kriesha kay Drew at nahimigan ko na ang kaunting inis sa kanyang boses.
Drew has always been like that. He doesn't take things too seriously. Bihira ko lang din siyang magpakita ng emosyon. He's always stoic. Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.
"Kung iisipin ko lang naman kasi nang iisipin, wala namang maganda idudulot sa'kin 'yon," dahilan niya. "I'd rather live my life free of worries."
Muli namang sumandal si Kriesha sa aking balikat. Kumapit siya sa aking braso.
"Iyah, ligo na tayo sa may ilog ngayon, please..." malambing niyang pag-aya sa'kin. "Para sumaya-saya man lang tayo ngayon."
Bahagya ko naman siyang nilingon saka tumango. "Sige. Maliligo tayo ngayon sa may ilog," pagpayag ko.
Napaupo naman siya muli ng maayos at saka ako nilingon. Ngayon ay ngiting-ngiti naman siya dahil sa pagpayag ko. "Talaga?" paninigurado niya.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya. "Oo nga."
At dahil magkatabi kami sa klase, kitang-kita ko na ang mga pagkain lang na bibilhin namin sa sari-sari store ang pinagkaka-abalahang isulat ni Kriesha sa kanyang notebook, kaysa ang mga sinusulat ng guro namin sa blackboard.
Drew and Walter are already waiting outside of our room when our last class for the day ended.
"Paano 'yan? Wala naman tayong dalang panligo o pamalit," nag-aalalang tanong ni Walter nang papalabas na kami ng paaralan.
"Madadaanan naman natin 'yung ukay-ukay," sabi naman ni Kriesha at talagang walang makakapigil sa kanya sa paglangoy sa may ilog. "Mura lang ang mga damit doon."
Nagtaas naman ng kilay si Walter sa kanya. "Parang ang dami mong pera, Kriesha, ah."
"Hindi naman ako ang maraming pera kundi si Drew," natatawang sabi ni Kriesha sabay kapit sa braso ni Drew.
Napailing na lamang si Drew saka bahagya inalog ang kanyang braso kaya naman bumitaw na si Kriesha.
"Pautang na lang, pre!" Sabay akbay naman ni Walter kay Drew. "Babayaran ko. Bente bawat araw."
Bumuntong hininga naman si Drew. "I'll pay for our foods," sabi niya. "Kayo na sa damit niyo."
Agad namang nagdiwang sina Kriesha at Walter habang ako'y napangiti na lamang habang patuloy kami sa paglalakad.
Napatigil lamang ako nang makita ko si Kuya Caspien na nakikipag-usapan sa Mamang nagtitinda ng fishball. Nanlaki ang aking mga mata nang maaalala kong susunduin niya bga pala ako ngayon.
"Naiyah, tara na!" pagtawag sa'kin ni Walter nang pumara na sila ng tricycle para makapunta sa bayan at bilhin ang mga kailangan namin.
"Sandali lang!" sigaw ko naman pabalik saka tinakbo ang distansya na naglalayo sa'min ni Kuya Caspien.
"Naiyah, ano ba 'yan?" Dinig ko pang reklamo ni Kriesha na mukhang nakasunod sa'kin dahil sa lapit ng kanyang boses.
Siguro'y nadinig ni Kuya Caspien ang pagtawag ni Kriesha sa aking pangalan na dahilan kung bakit niya nilingon ang aking gawi. Agad naman siyang naglakad patungo sa'kin at saka ako inakbayan.
"Tapos na ang klase mo?" tanong niya sa'kin.
Ngumuso naman ako saka tumango. "Pero, Kuya, aalis kami ngayon ng mga kaibigan ko," halos pabulong kong sabi. "Maliligo kami sa may ilog."
Napataas naman ang kanyang kilay bago namin nilingon ang mga kaibigan ko. Si Drew ay nandoon pa rin sa may tricycle na kanilang tinawag habang si Walter ay papalapit na rin sa'min ni Kriesha.
"Sila ba ang mga kaibigan mo?" nakangiting tanong sa'kin ni Kuya Caspien.
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Kriesha habang pabalik-balik ang kanyang tingin sa'ming dalawa ni Kuya Caspien.
"Naiyah..." tawag sa'kin ni Walter na mayroon ding mapangutyang tingin. "Sino siya?" tukoy niya kay Kuya Caspien.
"Uh..." Iniharap ko naman ng maayos si Kuya Caspien sa kanilang dalawa. "Si Kuya Caspien, pinsan ko. Dati rin siyang taga Bela Isla pero lumipat na sila ng Maynila," pakilala ko naman kay Kuya Caspien sa mga kaibigan ko.
Agad naman siyang pinaunlakan ng bati nina Walter at Kriesha. Pinalapit din nila si Drew upang makilala at mabati ang aking pinsan.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Kuya Caspien matapos ng pagkakakilanlanan.
"Maliligo kami ngayon sa may ilog malapit sa bayan, Kuya Caspien," sabi ko naman.
"Sa Tabang Alys?" tanong ni Kuya Caspien at tila naman biglang napaisip nang tumango kami.
"Kung gusto mo, Kuya Caspien, sumama ka na samin," pag-aya naman sa kanya ni Kriesha. "Kung wala kang damit pamalit o panligo, bibili naman kami sa may ukay-ukay sa bayan. Sagot din ni Drew ang pagkain."
Bahagya namang napahalakhak si Kuya Caspien. "Sa paraan ng pag-aaya mo ay parang wala akong pwedeng maging desisyon kundi ang sumama," sabi niya. "Pero sige. Lalo na at kasama si Naiyah, kailangan kong sumama. At saka, ako na lang din ang bibili ng pagkain. Ayos lang ba, Drew?" nilingon ni Kuya Caspien si Drew.
Tahimik namang tumango ang kaibigan ko na bihira lamang talaga magpakita ng reaksyon. Muli namang nagdiwang sina Walter at Kriesha na hayok na hayok pagdating sa libre.
Dalawang tricycle ang sinakyan namin patungo sa bayan. Hindi naman kami gaanong tumagal sa pamimili ng pagkain at ng damit sa ukay-ukay. Pagkatapos ay tinungo na namin ang Tabang Alys. Mabuti na lang at kakaunti lang ang naliligo sa ilog sa kadahilanang may mga pasok ngayon at kinabukasan.
Nagpalit kami ni Kriesha ng aming uniporme sa pampublikong palitan ng damit na nilagay ng gobyerno sa aming bayan para sa mga maliligo sa ilog. Sinuot ko na ang binili kong tank top saka ang cycling na hanggang gitna ng aking hita at ganoon din si Kriesha.
Nang matapos kami ay nakapagpalit na rin ang mga lalaki ng kanilang pambaba at wala na silang suot na pangtaas.
"Ang gwapo-gwapo talaga ng pinsan mo, Naiyah," kinikilig na pagbulong sa'kin ni Kriesha habang pinapanood ang aking pinsan na nakikipagtawanan sa aming mga kaibigan.
Hindi ko naman na itatangging gwapo talaga si Kuya Caspien at kitang-kita na mayroon pang magandang pangangatawan. Sa lalim palang ng kanyang mga mata na kapag tinignan mo ay aakalain mong dinadala ka sa kanyang mundo.
"May girlfriend ba ang pinsan mo?" tanong niya sa'kin.
Nangingiti naman akong lumingon kay Kriesha at mukhang tipo niya talaga ang aking pinsan.
"Hindi ko alam, Kriesha," sagot ko sa kanya. "Subukan mo kaya siyang tanungin. Mabait naman si Kuya Caspien."
"Ayoko nga!" agad niyang pagtanggi. "Baka akalain niya gusto ko siya," sabi niya at nakuha pang humalukipkip.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Bakit, hindi ba?"
Unti-unti niya namang binaba ang braso niyang nakahalukipkip bago nahihiyang ngumiti. "Hindi naman sa ganoon..."
Natawa naman ako sa kanya at kakatiyawan ko pa sana siya ng pang-iinis ngunit nagulat na lamang ako nang makalapit na si Walter sa amin at inakbayan si Kriesha.
"Ang hilig niyong magsolo na dalawa!" sabi ni Walter at saka ginulo ang buhok ni Kriesha.
"Ano ba, Walter?!" reklamo naman ni Kriesha at saka siniko si Walter para layuan siya.
Nang bahagyang napadaing si Walter sa siko ni Kriesha ay inayos nito ang kanyang nagulong buhok.
"Mukhang nagpapaganda ka, ah?" mapanghina lang tanong naman ni Walter sabay sulyap ng tingin sa aking pinsan na kausap si Drew.
"Hindi ah!" pagdepensa ni Kriesha.
"Iyang ganiyang reaksyon mo ay mas lalong nagpapakita ng katotohanan, Kriesha," sabi naman ni Walter. "Sa tinagal-tagal nating magkasama, tingin mo hindi kita kilala?"
Umirap naman si Kriesha saka nagpatuloy sa paglalakad. "Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin."
"Ayan na, oh! Pupuntahan niya na, oh!" mapang-inis naman na pagkantiyaw ni Walter.
Bago pa makalayo ng tuluyan si Kriesha ay mabilis niyang inihagis ang kanyang tsinelas kay Walter ngunit agad naman itong nakailag.
Natawa naman si Walter saka pinulot ang tsinelas ni Kriesha. Nakabusangot na si Kriesha nang kanyang lapitan. Nag-iskwat naman si Walter sa harapan ni Kriesha para isuot nito ang tsinelas na inihagis.
Napangiti naman ako habang pinapanood ang aking dalawang kaibigan. If I don't know that they're just really close to each other, I would assume that they have feelings for each other. Pero magkaibigan lang talaga ang turing nila sa isa't isa. And besides, Kriesha likes to explore when it comes to men.
Manghang-mangha naman ako nang makitang tumalon si Drew mula sa kawayang tulay, patungo sa ilog. He even made one flip before dropping at the surface of the water.
Pumalakpak naman si Kriesha na nakasakay sa balsa dahil hindi siya gano'n karunong lumangoy pero gustong-gusto niya ang maligo sa ilog. Kaya niya namang magpalutang ngunit sandali lang dahil hinihingal siya kaagad. Ngunit kahit naman gano'n ay kumakapit siya sa balsa habang lumalangoy. Pero ngayon ay parang ayaw niyang bumaba dahil kasama niya si Kuya Caspien sa balsa.
"Gusto ko ring subukan!" sabi ko naman at saka lumangoy patungo sa ginawang hagdan na nakakonekta sa lupa mula sa ilog para maingat ko ang aking sarili.
"Are you crazy, Iyah?" tanong ni Drew sa'kin na para bang nagbibiro ako.
"Naiyah, pag may nangyaring masama sa'yo, ako ang papagalitan ni Tita!" paalala naman ng aking pinsan.
"Go, Naiyah!" sabay na sigaw nina Walter at Kriesha na taliwas sa pangambang pinapakita nina Drew at Kuya Caspien.
Hindi pa ako nakakaakyat ng tuluyan sa may kawayang tulay nang agad akong pigilan ni Drew. Hawak-hawak niya ang aking braso ng nilingon ko siya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa'kin at saka umiling.
"It's dangerous," he told me as a warning. "Medyo mataas ang tulay. Baka mamali ka ng bagsak. Masakit 'yun sa katawan."
I gave him a smile as an assurance. "Tatalon lang ako. Hindi ko naman gagawin ang ginawa mong paikot."
"I'll jump with you, then," he said before his hand traveled down from my arm to my hand.
Inalalayan niya ako paakyat sa kawayang tulay. Nang makarating sa tamang pwesto ay binitawan niya na ang aking kamay.
Nagdalawang isip pa ako nang sinilip ko ang aming babagsakan. Gumapang ang kaba sa aking dibdib habang tinitignan ang taas mula rito sa may tulay.
Will I still jump?
I'm not afraid of heights, pero habang iniisip ko ang taas na pagmumulan ng pagkabagsak ko ay medyo natakot ako.
"Just tell me when you change your mind," dinig ko namang sabi ni Drew.
Tinignan ko naman siya at nagulat ako nang makita siyang nakangisi. He really loves thrills and extremes that it can make him show an emotion.
"Tatalon ako!" desidido kong sabi ay muling nasigawan sina Walter at Kriesha.
"Take my hand," sabi niya at inilahad sa akin ang kanyang kamay.
Tinignan ko naman ang kanyang kamay bago nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Diretso lamang ang tingin niya sa tubig na aming babagsakan.
"Come on, Naiyah. I know you're slightly scared and it's okay since it's your first time," sabi niya naman at saka lumingon sa'kin. "I'll jump with you."
Ngumiti naman ako kay Drew at saka ibinigay ang aking kamay sa kanyang palad na nakalahad.
"On the count of three, we will jump," he said.
Sabay kaming dalawa bumilang ngunit ng nasa pangalawa na kami ay napatili ako nang bigla akong buhatin ni Drew.
"Drew!" tili ko at hinampas ko ang kanyang braso.
Bahagyang napaawang aking labi nang humalakhak siya bago ako tinignan. His face is showing so much expression that it made my heart warm. Hope he will always smile like this.
"Three!" Drew chanted alone before he jumped while carrying me.
I just pursed my lips and closed my eyes as my grip to his nape tightened.
Pagkabagsak na pagkabagsak namin sa tubig ay agad kong naramdaman ang pag-angat sa akin ni Drew mula sa pagkakalubog para agad akong lumutang.
Ngiting-ngiti naman kaming nagkatinginan ni Drew nang parehas kaming makaahon mula sa pagkakalubog.
Nang mapagod na sa kakalangoy ay umahon na kami upang magpatuyo habang kumakain. Tanging ang tawanan lamang namin, ang pagkaluskos ng dahon sa mga halaman at puno, at pati na rin ang pag-agos ng tubig ang tanging naririnig namin.
Before we left to go home, we took pictures using Kriesha's phone and as well as Drew's. Ang sabi ni Kriesha ay i-uupload niya raw 'yon. Kahit naging malungkot ang simula ng aming araw ay nagawa pa rin naming maging masaya.
I realize that feeling happiness depends on whenever you finally let go of the loneliness you're feeling. Kung mapatuloy mo pa ring aakuin ang lungkot ay hindi ka makakaramdam ng kasiyahan, ngunit kapag pinakawalan mo naman ito ay magiging masaya ka ng tuluyan.
Pagkauwi sa bahay ay nanguna na si Kuya Caspien sa paglilinis ng kanyang katawan habang ako'y nagdesisyon na pumunta muna sa may kubo, dala-dala ang aking cellphone para makita kung naka-online ba si Orion upang maikwento ko sa kanya ang mga nangyari ngayong araw. But I failed to find him online. Ang bumungad sa'kin ay ang mga missed calls niya sa aming conversation at may isa pang chat sa pagitan ng mga pagsubok niya sa pagtawag.
Orion Davis Valiente:
Nasaan ka, Naiyah?
Iyan lamang ang mensahe na natanggap ko sa kanya.
Agad naman akong nagtipa ng aking mensahe pabalik sa kanya.
Naiyah Solaire Castellano:
Kakauwi ko lang. Naligo kami sa ilog. Sobrang saya!
Naghintay pa ako ng mensahe sa kanya at nagbabaka-sakaling muli siyang magbukas ngunit nakalipas na ang trenta minuto ay hindi siya nag-online. Tinawag na ako ni Kuya Caspien para makapaglinis na rin ako ng katawan.
Muli akong nagtipa ng mensahe sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob.
Naiyah Solaire Castellano:
Bukas na lang tayo mag-usap. Kailangan ko nang pumasok sa loob ng bahay. 'Di na kita mahihintay. May mga gagawin pa akong takdang-aralin. Mag-iingat ka diyan!
Ngumiti naman ako nang maipadala ko ang mensahe bago pinatay ang data at saka tumakbo sa buhangin pabalik sa aming tahanan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top