KABANATA 8: Ang Manghuhula
• K A B A N A T A 8 •
- N E T H C Y R E N E -
Hindi ko masyadong naintindihan ang huling sinabi ni Lois sa akin ngunit hindi ko na ito pinag-isipan pang mabuti dahil bago pa man makalayo ito sa akin ay lumapit na ang susunod kong kakalabanin. Luntian na mga mata, mahaba ang kulay dilaw nitong buhok at may luntian ang mga pakpak nito kaya nalaman ko kaagad kung saan rehiyon siya nabibilang. Isang Themian ang susunod kong makakalaban.
Bago pa man magsalita si ginoong Grymes ay inunahan na nya ito. Hindi man siya mukhang malakas tignan ay nararamdaman ko naman ang mabigat nitong presensya. Hinuha ko mas malakas pa siya kaysa sa mga nauna. Hindi ako dapat magpakampante sa kanila, lalo na sa dalawang nakakita sa ala-ala ko.
"Madalian lang ito, ginoong Grymes! Hindi ko siya sasaktan," nakangiti nitong sabi at walang pasabing lumusob siya sa akin.
Mabuti at malinaw ang aking mga mata dahil nakuha kong umilag nang tuluyan na siyang makalapit sa akin, ngunit nakuha pa rin nya akong madaplisan. Ngayon ko lang din nakita ang balisong na hawak nya. Pero hindi ako nagulat dahil nasugatan nya ako, nagulat ako dahil doon lang nya ako pinurohan nang tuluyan na siyang makadikit sa akin. Animo'y alam nya kung saan ako tutungo.
"Psh! Masyadong mabagal!" Sigaw nya muling lumusob sa akin at sa oras na ito ay hindi ko na siya halos makita dahil sa mabilis nitong kilos.
Ang tanging nagawa ko lang ay umilag at depensahan ang sarili ko mula sa mga atake nya. Ngunit hindi ko batid kung bakit halos nakukuha nya ang bawat galaw ko. Bawat atake na aking ginagawa ay walang hirap nya itong nasasalag. Tila parang naging salamin ko siya, sinusunod nya ang ginagawa kong galaw.
"Huh! Masyado ka yatang kampante?" Nanunudyong tanong nito habang abala pareho ang aming kamay sa pag atake at salag sa isa't-isa. "Hindi ka tatagal kung ikaw ang dadagdag sa amin!"
Nandito na naman ang mga salitang hindi ko lubos naiintindihan. May naghihintay ba sa akin pagkatapos ko silang makalaban lahat? Pagsasanay ba talaga itong ginagawa ko ngayon? Ngunit bakit sila ang kakalabanin ko? Sila ba ang pinakamalakas dito?
"Sa totoong labanan hindi pwede ang mahihinang katulad mo! Kailangan ang liksi, talino, at dapat mong mahanap ang kahinaan ng kalaban mo!"
Sabay kaming tumalon palayo sa isa't-isa. Wala akong imik na nakatingin sa seryoso nyang mukha. Kanina ko pa ito napapansin, pero kailangan ko ng matibay na ebidensya.
"Gusto ko ang tingin na iyan! Tingin na naghahanap ng sagot sa mga katanungang nabuo kani-kanina lang," muli itong tumakbo nang ubod ng bilis patungo sa akin ngunit ngayon ay hindi na balisong ang kanyang hawak, kundi sibat na ang parehong dulo ay kumikintab sa tulis. Walang pagdadalawang-isip nya itong inihagis, pahiga, sa aking direksyon.
Umilag lang ako, ngunit isang pain pala ang sibat at hindi ito ang tunay nyang atake dahil sa sandaling umilag ako ay siyang pag sunod nya sa totoong atake nya. Nakaramdam ako ng pagkabali sa aking tadyang nang ginawaran nya ako ng isang ubod nang lakas na sipa sa aking tiyan. Sa lakas ng sipa nya ay nadikit ako sa pader, na limang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko kanina.
Gumawa pa ng tunog ang pagsalpok ko sa pader, at tila nagkaroon pa ito ng biyak dahil sa alikabok na lumutang sa ere. Dalawang segundo dumaan ay naramdaman ko ang pag bagsak ko sa lapag. Hindi ko na nagawang itukod ang aking kamay dahil sa sakit na nararamdaman sa buo kong katawan. Tila hindi isang babae ang sumipa sa akin.
"Hah! Hindi ka pwedeng dumipende palagi sa kapangyarihan mo! Tayo!"
Ginawa ko ang sinabi nya. Dahan-dahan kong tinukod ang aking tuhod bago ko binuhat ang bigat ng aking katawan gamit ang dalawang kamay ko. Marami yata ang nabaling buto sa aking katawan, kaya inunat ko ang katawa ko. Sabay-sabay namang nag tunogan ang mga butong luminsad na bumabalik sa kanilang normal na posisyon.
Nang muli akong makatayo ay hindi na nya ako binigay pa ng pagkakataon na magpahinga. Sinugod nya ako ulit, walang dalang sandata, tanging kamay nya lang na naka kuyom ang patungo sa aking mukha, kaya umilag ako. Ang alam ko ay matagumpay akong nakailag dahil masyadong malayo na ang pagitan ng kamay nyang nakakuyom sa aking mukha, ngunit naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa ilalim ng aking panga.
Nasa ilalim ang atake nya, na linlang na naman nya ako. Muli akong tumilapon sa malayo na sumasakit ang katawan. Hindi ko inaaasahan na mangyayari ito sa akin. Marunong akong makipaglaban gamit ang kamay dahil sa mga humane. Pero bakit hindi ko makuhang depensahan ang atake nya?
Sumilay ang isang nakaka-inis na ngiti sa kanyang mga labi.
Alam nya kung saan patungo ang depensa ko kaya sa lokasyon kung saan malaya nya akong mapupurohan siya aatake. Maaaring pinag-aralan nyang mabuti ang mga naging galaw ko sa mga na unang laban. Maaari ring nababasa nya ang bawat galaw ko gamit ang kanyang mga mata. Masyado siyang mabilis, kaya posible ito. Pero maaari ring may kapangyarihan siyang makita ang bawat galaw ng kanyang kalaban. Nababasa nya ang kung ano ang nasa utak ko.
"Magaling!" Pagkarakang hiyaw nito na sinabayan pa nito ng palakpak. "Tumpak!" Segunda nito at itinuro nito ang gilid ng kanyang ulo gamit ang kanyang hinlalaki. "Ito ang kakayahan ko."
Dumura ako ng laway na may halong dugo saka pinunasan ang bibig ko gamit ang likod ng aking kamay. Kung kaya nyang basahin ang utak ko, sa anong paraan ko siya matatalo? Kahit ano'ng gawin ko ay malalaman at malalaman nya ang gagawin ko. Mahirap din isara ang isip ko, hindi ko pa alam kung papaano ito gagawin. Saan anggulo ko iisipin, hindi patas ang laban na ito. Kung malakas ako, malakas din siya..hindi, mas malakas siya kompara sa akin.
Pero hindi ito palakasan. Kailangan ko lang silang talunin kahit anong mangyari. Sa kahit na anong pamamaraan.
Marahan kong tinignan ang kamay ko, hindi ko pwedeng gamitin ang kakayahan kong iyon. Pero may isa pa akong kayang gawin na hindi ko pa nagagamit. Ah, magamit ko na pala noong lumusob ang lahi nila sa hukbo namin.
Tama.
"Mukhang may naisip ka na!" Kampante nitong wika. "Tignan natin kung tatalab 'yan sa akin!"
Halos hindi ko siya makitang gumalaw, isang segundo lang ang pagitan ng kanyang galaw at nasa harapan ko na siya. Ngunit nang aatake na ako ay bigla na lang siyang nawala sa harapan ko at lumitaw sa aking likod dahilan para magawa nya akong patirin ng sobrang lakas. Muli na naman akong tumilapon, ngunit sa sandaling ito ay mas malakas ang pwersang ginamit nya.
"Ack!"
Tuloy-tuloy ang dugong lumabas sa aking bibig. Nanakit din ang aking likod dahil sa ginawa nya.
"Ang Manghuhula, iyan ang tawag sa mga nilalang na hindi pa nila alam kung ano ang kaya kong gawin. Pero hindi lang naman ako nanghuhula, dahil sinisiguro ko talaga na alam ko ang kung ano ang nasa isip ng aking kalaban."
Naramdaman ko ang presensya nya sa aking ibabaw. Nakabuka ang kanyang pakpak at lumilipad ito ngayon.
"Isa ka lang mahinang nilalang sa aking mga mata, Neth Cyrene!" Tumawa ito ng napakalakas. "Sumuko ka na lang dahil magkaiba ang antas ng ating lakas."
Sumuko? Hindi pwedeng sumuko na lang ako basta-basta. Pero papaano ko siya kakalabanin kung halos hindi ko na itayo ang sarili kong mga paa at hindi ko magalaw ang aking mga kamay.
"Neth Cyrene!"
Rinig ko ang boses ni ginoong Grymes sa aking tabi. Naririnig ko rin ang lakad nito.
"Lois, pakigamot siya."
Naramdaman ko ang bawat paggalaw ng aking mga buto. Pinilit kong hindi humiyaw sa sakit. Halos lahat yata ng buto ko sa katawan ay luminsad. Naliligo ako sa sarili kong pawis habang patuloy na ginagamot ni Lois.
"Tsk! Wala yatang pinalagpas na buto si Phoebe. Grabe, ang brutal talaga ng babae na'yon!"
Hingal na hingal ako nang matapos na si Lois sa paggamot sa akin. Dahan-dahan akong umupo, nandoon pa rin ang sakit ngunit hindi naman ako nahihirapang igalaw ang aking katawan. Nang mag angat ako ng tingin ay una kong nakita ang babaeng nakalaban ko.
Lumapit ito sa akin ay inilahad ang kanyang kamay.
"Marami ka pang kailangan malaman ngunit hindi ko rin ipagkakaila ang galing mo," nakangiti nitong sabi.
Tinanggap ko ang pakikipag-kamay nito, pero hindi ako ngumiti. Kailangan kong maging mas malakas pa sa kanya. Hindi pwedeng magkita ang landas naming dalawa dahil sa kapangyarihan na mayroon siya. Kaya nyang basahin ang iniisip ng isang nilalang, malaki ang posibilidad na malalaman nya ang mga plano ko.
"Dalawa na lang ang kakalabanin mo. Si Reeve at Nohea."
Tinignan ko dalawang lalaki na sinabi ni Phoebe. Pareho silang naglalabas ng madilim na enerhiya, pero mas nanaig ang lalaking nagngangalang Nohea. Madilim din itong nakatingin sa akin.
"Kung hindi mo ako natalo, hindi mo rin sila kayang talunin. Magka-iba ang antas ng kapangyarihan naming tatlo. Kung angat ako, mas angat sila."
Kung pagsusulit lang din naman ito, hindi naman siguro importante kung matalo ako basta naipakita ko sa kanila ang mga kakayahan ko. Ngunit kailangan kong makapasok sa paaralan na ito. Kailangan kong mahanap ang libro sa lalong madaling panahon.
Konting tiis na lang papa, hindi man natin naibigay sa mga humane ang kapayapaan na gusto nila. Kahit naman lang sa mga susunod na henerasyon ng mga katulad nila, mabigyan sila ng patas na pagtrato.
- BM -
Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top