KABANATA 7: Ang Manlilinlang


K A B A N A T A 7

- L O I S F O R T I E R -

Magkakasama kaming anim na naglalakad sa pasilyo. Tahimik lamang akong nakatingin sa harapan habang iniisip ang magaganap maya-maya. Walang sinabi sa akin si Aurelia sa nakita nya sa ala-ala ni Neth Cyrene. Gusto kong malaman, sa totoo lang dahil nakita ko kahapon kung paano nagulat si Aurelia. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit gano'n ang naging reaksyon nya. Gusto kong alamin, ngunit alam kong mahihirapan ako. Hindi ko basta-bastang nakikita ang mga nakita nya gamit ang kapangyarihan ko.

May pagkakatulad ang kapangyarihan naming dalawa ni Aurelia. Kung siya ay kaya nyang buhayin ang isang ala-ala na pilit mong binabaon, ako ay kaya kung ibahin ang nakaraan mo. Depende sa kung ano ang magiging desisyon ng puso mo.

"Tsk! Ano ba ang binabalak ni ginoong Grymes?" Paghihimutok ni Kyra na hindi pa rin matanggap na natalo siya.

Hindi naman siya natalo, ngunit hindi rin siya nanalo. Nagtataka rin ako kung bakit tila pinigilan ni ginoong Grymes si Neth Cyrene gawin ang huli nitong atake. Lahat kami nag-aabang sa kung ano ang gagawin nya noong ginalaw nya ang kanyang kamay. Kita ko rin sa mga mata nya ang inis at ang paghihintay nya sa pagkakataon na lumapit sa kanya si Kyra. Pero laking gulat ko nang bigla siyang umurong.

"Ano ang plano, Nohea?" Seryoso kong tanong sa lalaking katabi ko. Tahimik lang din ito at seryosong nakatingin sa harapan.

Pinapanood ko rin ang mga reaksyon nya sa dumaan na labanan. Alam ko na mahirap basahin ang isang katulad nya, lalo na kung wala naman talaga siyang pinapakitang reaksyon. Nanonood lamang ito na may seryosong mukha, at mga matang tila ba ay hindi nahihiwagaan sa nilalang na dinala ni ginoong Grymes.

"Gano'n pa rin naman, 'diba? Sasali pa rin tayo sa laro kahit na kulang tayo ng isang miyembro!" Hiyaw ni Reeve. Naglalakad ito habang ang dalawang kamay ay nasa likod ng kanyang ulo.

Muli akong tumingin sa harapan. Ilang buwan na lang ay magsisimula na ang paligsahan, ngunit kulang pa rin kami. Noong nakaraang linggo nanood kami sa pagsusulit na naganap sa sentro ng paaralan. Umaasa na sana ay may isang anghel na mapapasok sa aming pangkat, ngunit wala. Magagaling at malalakas ang mga baguhan, ngunit walang napunta sa amin.

"Ang guild pa rin naman natin ang may pinakamagaling na miyembro," singit ni Phoebe.

"Hihintayin natin matapos ang pasulit na ito saka ko sasabihin ang desisyon ko. Sa ngayon, sumunod lang tayo kay ginoong Grymes." Malamig na turan ni Nohea.

Nanahimik na kami. Walang mag gustong magsalita. Walang ding gustong sumalungat. Naging malamig din bigla ang ihip ng hangin sa paligid at tila nagkaroon ng limitasyon.

Pagdating namin sa lokasyon ay nasa gitnang bahagi na si Neth Cyrene. Yari sa balat ng hayop ang suot nitong damit na hapit sa kanyang katawan at pinoprotektahan ang kanyang mga binti at braso. Sa tabi niya ay naroon si ginoong Grymes nakatayo at naghihintay din sa amin.

Hindi tulad ni ginoong Grymes na nagagalak kaming makita, si Neth Cyrene ay walang emosyon na nakatingin sa aming lahat na bagong dating.

"Magandang umaga sa inyong anim!" Nakangiting bati sa amin ng may-ari ng paaralan. Pinagsiklop nito ang dalawang kamay at tumingin sa katabi na may ngiti pa rin sa labi. "Hindi mo ba sila babatiin, Neth Cyrene?"

Nag-isang linya ang kilay nito at isa-isa kaming tinignan na parang hindi nito nararamdaman ang mabigat na presensya na sinasadya naming iparamdam sa kanya. Animo'y isa lamang kaming ordinaryong anghel sa mga mata nya.

"Tsk! Ano pa ba ang hinihintay? Simulan na natin!" Madilim na wika ko at tinungo ang gitnang bahagi.

Dahil sa totoo lang ay hindi ko gusto ang presensya na mayroon siya. Kakaiba at hindi ko mawari kung ano'ng uri siya. Isa siyang Cazador, halata sa kanyang balat, buhok, at kulay ng mga mata. Gano'n din sa pananalita. Ngunit ramdam ko na may kakaiba sa kanya na parang isa siyang bukod tanging nilalang. Walang katulad. Ngunit ito ay imposibleng mangyari, pero nasa harapan ko na ang patunay sa aking nararamdaman.

"Walang kautusan akong ipapatupad basta't huwag lang humantong sa patayan ang inyong labanan," habilin sa amin ni ginoong Grymes.

Sabay kaming tumango ng kaharap ko. Nang kami na lang dalawa sa gitna ay seryoso ko lang siyang tinignan. Hindi ko pinaramdam sa kanya ang presensya ko dahil alam kong malalaman nya ang binabalak kong gawin. Isang segundo lang ang kailangan ko upang mahawakan ko siya. Isang segundo na hindi nya makikita. Isang segundo lang ang aking kakailanganin upang matalo ko siya.

Nakita ko ang pagkabigla nya. Namimilog ang mga mata na dahan-dahang tumingin sa aking gawi. Hindi ko gustong makipaglaban gamit ang katawan. Ayoko ng pisikal na labanan. Naiiba rin ako sa lahat dahil kayang-kaya ko siyang talunin gamit lamang ang aking isipan.

Bago ko siya dinala sa kanyang ala-ala ay isang malokong ngiti ang aking pinabaon. Hindi ako sasama sa kanya, kung hindi magbabago ang isip ko.

Kung dinala siya kahapon ni Aurelia sa kanyang ala-ala na pilit nyang binabaon, ngayon ay dadalhin ko siya sa ala-alang hindi nya malilimutan at patuloy na binabalik-balikan. Ala-alang naghahatid sa kanya ng kasiyahan, kaginhawaan, at katiwasayan. Ang ala-ala na ayaw nyang mawala. Ala-ala na alam ko, pipiliin nyang manatili at hindi lilisanin.

Gagawin kong masaklap ang magandang ala-ala na ito. Hindi lang emosyon nya ang gagalawin ko, pati na rin buhay nya sa nakaraan. Wawakasan ko ang kanyang pagkakakilanlan.

Nang makita ko siyang unti-unting pumipikit ay gusto kong tumawa. Mukhang hindi ako mahihirapan kalabanin ang mahinang nilalang na ito. Kahapon sa laban nila ni Kyra ay hindi ko siya makitaan ng kahinaan, ngunit sa laban nila ni Aurelia doon ko na batid na ang kanyang nakaraan ay siyang mismong kahinaan nya. Kaya tinanong ko si Aurelia kung ano ang ginawa nya, dahil ito sana ang gagamitin ko ngayon.

Ngunit ayaw nyang sabihin sa akin.

"Ilang minuto?" Rinig kong tanong ni Reeve na tila nasasabik sa mga susunod na pangyayari.

"Dalawampu, kapag lumagpas siya siguradong hindi na siya makakabalik pa," mahinang bulong ko sa hangin pero alam kong naririnig nila ako.

Ang tanging paraan lamang na makabalik siya ay mahanap nya ako.

- N E T H C Y R E N E -

Nagising ako dahil sa isang tunog. Tunog mula ng isang instrumento. Marahan akong bumangon at tinungo ang labas ng aking kwarto. Wala akong makitang nilalang sa buong kabahayan kaya lumabas ako upang suriin kung ano ang kaganapan sa labas.

Bumungad sa aking mata ang isang babaeng sumasabay ng sayaw sa malamyos na musika. Mahaba ang kanyang kulay niyebeng buhok na naka tirintas. Nakalantad din ang pakpak nito na kulay kayumanggi at puti habang nakasuot ng damit na gawa sa balat ng hayop. Sa gilid nya ay naroon ang aming pinuno na siyang nagpapatugtug sa malamyos na musika. May mga nanonood din sa paligid, humahanga sa babaeng sumasayaw.

"Tunay nga na kakaiba si Kacela. Kaya siguro siya ang pinili ng ating diyos na mabiyayaan ng anak na siyang magdadala sa ating susunod na henerasyon."

Nakita ko ang paglingon ng babaeng nagsasalita sa aking gawi. Ginawaran nya ako ng isang matamis na ngiti bago muling nakipag-usap sa kasama.

Nang matapos na ang nilalang na nasa gitna ay nakangiti itong lumapit sa akin. Marahan nitong hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Saulo mo na ba ang bawat galaw? Ikaw na ang sasayaw sa susunod."

Hindi ako nakaramdam ng kaba sa sinabi nya dahil saulo ko na ang sayaw. Sayaw ng aming tribo at pasasalamat sa aming diyos para sa mga biyayang kanyang pinagkaloob sa amin. Sasayaw ako, hindi lang sa harapan ng ka tribu namin, kundi sa harap din ng aming ninuno.

Tumayo na rin ang aming pinuno at naglakad patungo sa amin ni mama. Ngumingiti ito sa bawat anghel na nakikita. Minamahal siya ng tribu dahil sa kadakilaan niya. Hindi lang din dahil diyan, mas inuuna nya ang kapakanan ng nakararami bago ang kanyang sarili. Kapag may problema ay hindi siya nagdadalawang-isip na tumulong kahit na mapanganib.

"Gusto mo ba'ng sabayan ang iyong ina sa pagsasayaw, anak?" Nakangiting tanong sa akin ng aming pinuno. Lumapit ito kay mama at patagilid na niyakap. Ginawaran nya rin ito ng halik sa kanyang noo. "Hindi ka naman siguro takot ma kompara sa iyong ina?" Ngayon ay may paghahamon na sa kanyang ngiti.

Taas noo ko siyang tinignan habang nakapamewang. "Tignan natin!" Paghahamon ko rin at inilahad ang aking kamay sa harapan ni mama at ni papa. "Pero kailangan mo rin sumayaw, papa!"

Nakita ko ang dagliang pamumula ng kanyang tenga. Mahilig si papa sa mga instrumento, hindi sa pagsasayaw. Tinignan din siya ni mama na may paghahamon sa mga mata.

"Kailangan mong sumaway, mahal ko." Malambing na wika pa ni mama. Siya na mismo ang naglagay sa kamay ni papa sa aking kamay na naka abang. Matamis akong nginitian ni mama, na parang sinasabi nya sa akin na ipapamalas namin ang aming galing sa pagsasayaw at kailangan naming talunin ang aming pinuno.

Kapag talaga sa ganitong bagay ay sobrang ligalig ni mama. Gustong-gusto nya talagang nakikitang namumula si papa.

Nang nasa gitna na kami ay kaagad tumunog ang instrumento na siyang ginamit kanina ni papa. Nagsimula na rin kaming dalawa ni mama sa pag sayaw. Unang hakbang ay kailangan mong itaas ang isang kamay mo sa kaliwa, kailangan mong isabay ang iyong katawa sa malamyos na pamamaraan. Kailangan mong sabayan ang daloy ng bawat ritmo ng musika.

Pareho kami ni mama na masayang ginagalaw ang aming mg katawan. Sa kabilang banda naman, si papa, ay nanatiling nakatayo. Namumula na ang kanyang mukha sa hiya. Wala namang nanonood sa amin bukod sa anghel na tumutugtog sa instrumento.

"Sumayaw ka, papa!" Masiglang sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang isa nyang kamay, gano'n din ang ginawa ni mama.

"Sumayaw ka, mahal ko!"

Wala ng nagawa si papa kundi sundin ang pag indak namin. Hindi man kasing ganda ang kanyang sayaw ay pinilit nya pa rin. Tanging ang tawa naming dalawa ni mama ang marinig kasabay ng musika sa paligid.

Nang matapos na kami ay sabay-sabay kaming pumasok sa aming bahay upang kumain. May nakahanda na ng pagkain sa hapag, ngunit wala akong nakitang anghel bukod sa aming tatlo. Sino ang nagluto?

"Kumain na tayo!" Masiglang wika ni mama. Kumuha na ito ng tinapay at nilagyan ng palaman.

May mga luntiang dahon sa isang plato, mga letsugas, meron ding mga hinog na kamatis, mga dalanghita na sobrang banggo, mga mansanas na sobrang pula, at keso. Mga pagkain sa labas.

"Ma, pa." Tawag ko ng pansin nila. Kaagad naman silang lumingon sa akin.

Gustong-gusto ko ang pakiramdam na kasama ko sila. Walang oras na hindi sumisikdo ang aking dibdib sa saya kapag nararamdaman ko ang kanilang presensya. Ang kanilang ngiti na sobrang tamis. Mga ngiti na komokompleto sa aking araw noon. Mga ngiti na naging dahilan ng pagiging matapang ko sa pag harap sa bawat pagsubok na aking kinakaharap.

Gusto ko ulit silang makita.

Oo, alam ko na nasa ilalim ako ng isang kapangyarihan. Hindi ako umalma dahi gusto ko rin ito. Ang muli silang masilayan na nakangiti, tumatawa, at humihinga. Naririnig ko ang kanilang malamyos na boses na siyang gumigising sa akin noon tuwing umaga. Ang paraan ni mama sa pag bigkas sa aking pangalan. Ang uri ng tingin na binibigay ni papa sa akin kapag bumibilib siya sa akin.

"Masaya akong nakita ko uli kayong dalawa." Matapat kong wika.

Unti-unting nawala ang kanilang ngiti at sa isang iglap ay nagbago ang paligid. Nasa Medria kami, sa kapital mismo. Nasa aking harapan ang babaeng kailangan kong talunin sa pagsusulit na ito. Ngunit hindi lang isa, dalawa o tatlo na babae na may parehong mukha ang nasa harapan ko. Marami sila. Hindi ko mabilang. Hindi ko rin mahanap kung nasaan ang totoo nyang katawan.

"May utak ka rin pala!" Sarkastikong sabi nito gamit ang kanyang isipan.

"Limang minuto na lang ang natitira. Kapag hindi mo ako mahanap ay mananatili ka sa ala-alang hindi mo gustong kalimutan."

Gusto kong manatili. Gusto ko ulit silang makasama. Gusto kong maramdaman ang init ng kanilang mga yakap na nagpapagaan sa aking kalooban.

Gusto ko...ngunit hindi na pwede. Hindi ko mababago ang nakaraan. Hindi ko sila kayang talunin.

"Nararamdaman ko ang kagustohan mong manatili, ngunit ano ang dahilan kung bakit mo pinipigilan ang iyong sarili? Ano ang layunin mo, Neth Cyrene?"

Layunin?

Simple lang ang naging layunin ko noon. Gusto ko lang ng katiwasayan sa nasyon. Ngunit nang ginulo nila ang buhay ko, iba na ang naging layunin ko.

Itutuloy ko ang nasimulan ni papa, ni Rafael Idris. Hahanapin ko ang libro at papaslangin ko bawat Aragonian na nakita ko sa gabing iyon. Lalong-lalo na ang matandang anghel na nakita ko bago ako nawalan ng ulirat. Kahit wala na ang mga human na itinuring kong pamilya, ibibigay ko pa rin ang kapayapaan na inaasam nila.

Limang minuto. Kailangan ko ng tulong.

"Fielo! Cielo!"

Iniluwa mula sa kawalan ang dalawang alaga ko. Pulang-pula ang nanlilisik nitong mga mata.

"Ano ang maipaglilikod namin, kamahalan?"

"Tulungan niyo akong hanapin ang totoong kalaban."

Nakayuko na ngayon ang kanilang mga ulo habang nag-aabang sa magiging pasya ko.

"Kapag nahanap na namin, kamahalan?"

"Dadalhin ba namin ang kanyang kaluluwa sa karimlan?"

Marahas akong bumuga ng hangin. "Hindi, ako ang bahala sa kanya. Walang mamamatay."

Tinaas na nila ang kanila ulo at tuluyan nang lumusob sa harapan. Gano'n din ang ginawa ko. Kinuha ko ang maliit na patalim na nasa aking gilid. Ginamit ko ito upang saksakin ang bawat kalaban na aking nakakaharap.

Lumalaban ang mga clone nya na parang sila ang tunay na katawan. Pero kapag nasusugatan ko sila ay mawawala na lamang sila na parang bula.

"Sinasayang mo lang ang oras mo!"

Iniwasiwas ko ang aking kamay na may hawak na patalim. Diretso sa leeg ang puntirya ko para mapadali ko ang labanan na ito. Ngunit dahil makapangyarihan ang aking kalaban, makapangyarihan din ang kanyang mga clone.

Magaling ang kanilang mga depensa. Tila hindi sila nahihirapang salagin ang aking mga atake na puno ng pwersa.

"Tatlong minuto!"

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Tatlong minuto na lang, ngunit marami pa ring mga clone ang nasa paligid. Lagpas singkwenta ang nasa aking harapan. Kada may natatalo ako ay may nadadagdag na tatlo. Hindi patas!

Tumutulo na ang aking pawis sa pakikipaglaban. Nanginginig na rin ang aking mga kamay dahil sa pwersa na aking ginamit. Matatalo ba ako sa pasulit na ito?

"Harapin mo'ko!" Sigaw ko. Tumigil na ako sa pagkikipaglaban. Nakita ko ang dalawa kong alaga na may subo-subong kalaban. "Isa kang duwag!" Muli kong sigaw. "Hindi ito patas!"

Napuno ng tawa ang paligid. Tumatawa ang bawat clone na naririto, at ang kalaban ko na sa isipan ko lang naririnig.

"Patas? Nakalimutan mo na yatang nasa lugar ka kung saan may mas mataas na pabor ang isang katulad kong mahalika kumpara sa katulad mong walang pagkakakilanlan! Hindi magiging patas ang mundo mo!"

Kinuyom ko ang aking kamay. Kalma lang Neth. Hindi mo pwedeng hayaan ang sariling malunod sa galit. Kontrolin mo ang sarili mo. Balansehin mo ang enerehiya sa buong katawan mo.

Pumikit ako. Kung makikinig ako sa kanya ay mawawala ako sa pokus. Kailangan kong mahanap ang totoo nyang katawan nang sa gano'n ay makawala ako sa kapangyarihan nya. Mariin kong pinikit ang aking mata.

"Matutulog ka ba?"

Kinalma ko ang aking sarili. Inalis ang naiinis kong pakiramdam at pinalitan ng kaginhawaan. Ngayong wala nang sagabal at nasa pokus na ako ay muli akong dumilat. Isa-isa kong tinignan sa mata ang mga clone sa paligid. Sa isang tingin ay napapansin ko na sila. Walang koneksyon ang kanilang mata sa kanilang emosyon. Walang buhay na parang humihingang patay.

"Tsk!"

Dahan-dahan akong lumingon. Malakas ang presensya na nararamdaman ko sa aking likod. Nasa likod ko siya. Wala siya sa hanay ng mga clone. Nasa isang sanga ng kahoy ito nakatayo at nakamasid sa mga nangyayari.

"Itigil mo na 'to!" Madilim na wika ko. Hinayaan ko pa rin ang dalawa kong alaga na gawin ang kanilang trabaho.

Pumanaog ang kalaban ko. Lumundag lang ito na walang ingay na nililikha, pati ang pag dikit ng mga paa nya sa lupa. Una kong tinignan ang kanyang suot na sapatos na kulay itim. Alam ko mabigat ang takong nito, medyo may katangkaran din siyang babae at mukhang mabigat din ang timbang nito. Ngunit nagawa nyang lumapag sa lupa na hindi gumagawa ng ingay, hindi rin siya gumamit ng kapangpangan.

"Hindi ka masyadong dumipende sa kapangyarihan mo ngayon, hindi ba mahirap ang ginawa ko?" Puno ng pagtataka na tanong nito. "Mhmm...kung ibalik kita sa nakaraan mo? Tapos babaguhin ko ang takbo ng buhay mo?" Bigla itong tumawa na parang nagagandahan sa ideya na kanyang binigkas. "Sobrang ganda no'n panigurado!"

Baliw!

"Tapos na ang labanan. Nahanap na kita. Ano pa ba ang gusto mo?"

Kumurba ang isang nakakakilabot na ngiti sa kanyang labi. Sa isang iglap lang ay nagbago ang buong paligid. Nasa Medria pa rin kami, ngunit puro puti na ang paligid. Walang kabahayan, walang araw. Tanging ang niyebe lang na nagbabaksakan sa lupa at ang malamig na hangin ang naririto. Hindi lang din ang paligid ang nag bago, pati na rin ang kanyang anyo.

"Tignan natin kung magawa mo akong kalabanin gamit ang mukhang ito, Neth Cyrene."

Ginamit nya ang pisikal na kaanyuan ng aking ina, si Kacela. Hindi ako nagkaroon ng oras pa na mag-isip dahil sumugod na ito sa akin na may hawak na espada. Kailangan kong tumakbo.

"Anak!"

Nanlaki ang aking mga mata dahil pati ang boses ni mama ay ginaya nya.

"Hindi ka karapatdapat maging anak ko! Isa kang mahina! Hindi kita matatanggap!"

A-ano'ng ibig nyang sabihin?

"M-ma...ma!" Hindi makapaniwala akong lumingon sa kanya.

Nanlilisik ang kanyang mga mata at handang isaksak ang espada sa aking katawan. Hindi kaagad ako naka ilag. Papatayin nya ba ako? Ngunit mahal ako ni mama!

"Isa kang hangal! Kailanman ay hindi kita minahal! Hinding-hindi kita matatanggap na anak, kailanman!"

Hindi... hindi totoo 'yan.

Imposibleng...mahal ako ni ..mama

Naging mabagal ang takbo ko at dahan-dahan ko siyang hinarap. Gano'n pa rin ang hitsura nya. Tila ba'y kinasusuklaman nya ako.

"Fielo!"

Lumabas ang itim na sandata sa aking isang kamay.

"Tama...na!" Bulong ko sa hangin kasunod ng pagdikit ng aming mga katawan. Naramdaman ko ang mainit na likido na dumadaloy sa aking katawan.

Unti-unti na ring nawawala ang kapangyarihang bumabalot sa paligid at iniluwa ang anim na nilalang na nag-aabang sa nangyayari.

"Lois!"

Nakita ko si Kyra na tumatakbo patungo sa aming direksyon. Nakatayo pa rin kaming dalawa ni Lois, parehong hindi makagalaw.

"Hah!"

Naramdaman ko ang pag alog ng kanyang mga braso. Tumatawa ba siya? Bumalik na rin siya sa normal na anyo. Marahan itong lumayo sa akin at tumingin sa akin diretso sa mga mata.

"Masaya akong makilala ka, Neth Cyrene."

Sa unang pagkakataon ay may ngumiti sa akin ng totoo. Simula noong dinala ako ni ginoong Grymes sa akademya ay pawang mga nakakamatay na presensya lamang ang aking naramdaman. Ngunit ngayon, itong nilalang na ito ay nakangiti sa akin.

"Ayos ka lang ba, Lois?"

Lumingon sa gawi ko si Kyra. Pansin ko ang pagbaba ng kanyang tingin.

Ahh. Muntik ko ng makalimutan. Sinaksak ko pala ang sarili ko dahil hindi ko kayang kalabanin ang ina ko.

"Magaling! Isang matagumpay na labanan na naman, Neth Cyrene!" Hiyaw ni ginoong Grymes.

Bago umalis si Lois ay ginamot nya muna ang sugat ko. Hindi ko na maramdaman ang mabigat nyang presensya at naging mabait na rin siya sa akin. Nang papaalis na siya ay may sinabi siya sa aking hindi ko lubos maintindihan.

"Sigurado akong mananalo kami, kapag kasama ka na."

- BM -

Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top