Prologue
STARTING a new school year with a clear plan in her head. Rayos was more than ready to face the new adventure waiting for her. She wore a simple v-neck shirt, mom jeans and paired it with her favorite sneakers. A gift from their brother. Hinayaan niya lang na nakalugay ang buhok niya dahil naka ponytail ang kambal niya.
They're identical twins. Kaya madalas na pinagpapalit ang pangalan nilang dalawa, mas lalo pa na nalito ang mga ito because they often switch and play the role of each other.
"Should I wear this one?" Vyrlle asked.
Nilingon niya ang kambal. Vyrlle was having a hard time choosing kung alin sa dalawang t-shirt na hawak nito ang isusuot. Rayos looks at her flatly.
"They both have sunflower patches, Ion. Pick the left one." Rayos boredly answered.
Ngumuso ito sa kanya at 'yon ang isinuot nito. Kinuha niya ang bag niya kasama na ang folder na naglalaman ng mga requirements for enrollment. Vyrlle and Jillian were both excited as they're going to attend the school, kung saan nag-aaral ang mga crush ng mga ito.
Kahit na isang taon naman na ay tapos na ang mga ito.
Her twin and their friend, Jillian, pareho ang tipo ng mga ito sa lalaki. They both like older men. And as for her and Nicha, their cousin, they like a man written by a woman.
Nang matapos sila sa pag-aayos, sabay silang bumaba ni Vyrlle. She was hopping and smiling from ear to ear when she saw Light, their brother's friend, sitting comfortably while waiting for his mother.
Rayos greeted him and let him messed up her hair. Ganoon din ang ginawa nito sa kambal niya. She laughed when she saw Vyrlle disappointed face.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawa na tanong niya rito.
Vyrlle rolled her eyes as she slid herself inside the car. "Pwede naman kasi na ikiss na lang ako?"
"Lagot ka talaga kay kuya kapag narinig ka nun!" Pananakot niya sa kambal.
Vyrlle sulked and didn't bother to talk to her. Hanggang sa makarating sila sa school, kahit anong klaseng daldal ni Jillian sa kambal niya, hindi talaga ito nagsalita.
"Anyare?" Jillian asked her. Rayos shrugged her shoulders as an answer.
Dumeretso siya sa registrar at agad na kumuha ng form. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama niya. Hindi na gaanong marami ang mga nagpapa-enroll. Sinadya talaga nila na magpahuli para hindi sila makipag siksikan, lalo na at sabay ang enrollment ng College at Senior high sa school na papasukan nila.
Jillian and Vyrlle were talking about the strand they're going to take. Both were determined to take Accountancy and Business Management. Kahit ang pinsan nila na si Nicha ay nag ABM. As for her, nasa junior high pa lang sila nakaplano na sa utak niya ang strand na kukunin niya. Humanities and Social Sciences.
She spent her vacation researching about the strand. Ano ang subjects or units na iti-take and even studied in advance para hindi siya mabokya sa pasukan. Rayos was like her mother back when she's still a Colleges student. They both hates it kapag tinawag sila sa recitation at wala silang nasagot.
"Rayos, we're done. Tara na?" Jillian asked.
Nauna na nagpasa ng registration form ang dalawa at nasa hulian siya. When it was her turn, she smiled triumphantly. At last, magagamit na niya lahat ng inaral niya sa buong bakasyon nila.
She didn't enjoy the beautiful view of their Tito Nichos resort because she's busy reading thick books. Hindi rin siya sumasama kapag aalis ang mga kapatid niya. Kahit sa simpleng panonood ng sine ay tinatanggihan niya.
Masyado siyang nawili sa mga binabasa niya.
"Excuse me, may I know kung anong strand ang second choice mo?" the lady asked her.
Kunot ang noo na sumilip si Rayos sa bintana. "Ma'am, I don't have one. Sa HUMSS po ako."
"Well, we have a problem dear. Puno na ang slot for Humanities, kung sana ay napaaga ang pag e-enroll mo."
Rayos jaw almost dropped. Para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa sa narinig. It can't be. No way!
"Ma'am, baka pwede pa po na gawan ng paraan? I can assure you na qualify ako sa strand na 'yan." Her voice was half begging and half promising.
No way, she'll take Psychology in College. Ayaw niya na lumayo ang strand na kukunin niya sa kurso na gustong gusto niya!
"Rayos? What's taking you so long?" naiinip na tanong sa kanya ni Nicha. Sumilip pa ito sa registrar window para makitsismis.
"Yeah, you're grades were all good. However, hindi na kami pwede mag bawas sa mga nakapasok na. Unfair naman sa kanila 'yon lalo na at nag take ng exams ang mga nakapasok." Napatanga si Rayos nang akmang ibabalik sa kanya ang mga pinasa niyang requirements. "If you badly want to take HUMSS, you can look for another school."
"What?!" Rayos furiously asked. Nagpanting ang tenga niya sa narinig.
She doesn't care if she's creating a commotion here. Besides, may record naman na ang kapatid niyang lalaki sa school na 'to.
At this point, wala siyang pakialam kung masermonan siya ng Daddy nila pag-uwi. Basta ba makapag enroll siya sa strand na gusto niya at pinaghirapan niya!
"Rayos! Ikalma mo," bulong sa kanya ni Nicha. Hawak nito ang braso niya at basta na lang hinila palayo sa registrar window. "Hindi available ang gusto mo, ano? Lilipat ka sa ibang school? Pumayag naman si Tito 'diba?" Sunod sunod na tanong sa kanya ni Nicha.
Inis na napahilamos si Rayos sa mukha niya.
"Lilipat ka?" Vyrlle asked. "Mag ABM ka na lang kaya?" she suggested. Umirap siya sa kambal niya.
"Ayoko." Mariin na sagot niya.
Nicha, Vyrlle and Jillian were convincing her to choose ABM. Sa sobrang ingay ng mga ito naagaw na nila ang pansin ng ibang estudyante. She sighed and glance at the board near the Registrar's window. Nakasulat doon ang mga available pa na strand. Ngayon lang din niya napansin na wala na doon ang gusto niyang strand.
"STEM na lang." Rayos said. Defeated.
HE WAS SILENTLY filling up the form, nagmamadali pa siya dahil kailangan nilang bumalik sa Cafe.
"Leo! Ano? Tapos ka na ba?" Pisces, his sister asked.
Itinaas niya ang registration form at tumayo na para magpasa. Mahina siyang napabuntong hininga nang makita na may nauna sa kanya. She's beautiful and tama lang ang tangkad nito para sa kanya. Mahaba at bagsak ang nakalugay na buhok nito.
He was busy admiring her from the back when she heard him raised her voice. Leo licked his lower lip as he listened to the commotion. Turns out, puno na ang strand na gusto nito at kailangan nito magpalit o mag enroll sa ibang school.
It's weird that he suddenly felt a strange feeling. Nanghihinayang? Maybe that was it.
Nawala sa isip niya na nagmamadali nga pala silang dalawa ng kapatid niya. Leo was waiting patiently for her answer, kung ano ang strand na kukunin nito. Swerte kung sa ABM ito.
He was tapping his foot on the floor.
"STEM na lang."
STEM. Ano nga ulit 'yon? May alam ba ako doon?
He's smart. Alam naman niya 'yon sa sarili. But for him, ibang level ang talino ng mga kumukuha sa strand na 'yon. At yung iba, matapang lang talaga.
Pinanood niya lang ang babae na kinuha ulit ang form at inilista doon ang STEM. Leo waited patiently hanggang sa ma process ang enrollment nito. Nakasimangot ito habang nakatingin sa COR na hawak nito, but she's still stunning.
Bumaba ang tingin niya sa registration form na hawak niya. His first choice was ABM. May slot pa na available kaya kahit maglagay siya ng second choice, sa ABM pa rin siya ilalagay.
He folded the registration form he's holding, tsaka niya 'yon itinapon sa basurahan.
"Hi, can I request for another form? Nabasa kasi yung kanina." Leo lied flawlessly.
Nang mabigyan siya ng panibagong registration form, agad niya 'yon na finill-up-an.
"Hoy, nakita kita! Bakit mo tinapon? At ano 'yan?" Hinampas siya ng kapatid sa balikat.
"Hindi pala ako para sa ABM." Leo answered.
"Huh? Para saan ka pala?" sarkastiko na tanong nito sa kanya.
"STEM. Para ako sa STEM ate." Leo answered confidently. Binigay niya ang form sa registrar at naghintay na ma-process yun.
Hindi makapaniwala na tumawa sa kanya ang kapatid niya. Hindi naman din niya ito masisisi. Leo kept on talking about ABM and his love for ABM strand ever since, he loves photography and marketing, naka linya 'yon sa kurso na gusto niyang kunin. He loves playing with numbers. It was his safe haven.
May numbers din naman sa STEM. Ayos na 'yon.
"Leo, huwag kang iiyak sa amin kapag nagsisi ka sa strand na 'yan ah!" Pinanlakihan siya ng mata nito.
Lumabi lang si Leo at kinuha na ang Certificate of registration niya. It's official. Lumingon siya para hanapin yung maganda na babae na nakita niya kanina but she's nowhere to be found.
"Hays, if I cry, pakibilang na lang 'yon bilang maling desisyon ko sa buhay ate." Leo answered and chuckled.
☕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top