Chapter 5

ALAM ni Leo sa sarili niya na nasa disadvantage side na siya nang palitan niya ang dapat na strand na papasukan niya. So, he was paying attention to their teachers to learn. Para maiwasan na rin niya ang maiyak kung sakali.

He sighed softly upon realising that sometimes, he's one of those people na nag enroll sa STEM na lakas lang ng loob ang mayroon.

"Choose your partner, class! Ako ang magbibigay ng topic na ire-report niyo." The teacher announced.

He gulped upon feeling his classmates eyes. They were all eyeing him. May mga kaklase na siya na nakapili na ng partner, karamihan doon ay mga lalaki. Girls were still glancing at him.

Nag-iwas lang ng tingin ang mga ito nang makita na tumayo si Vraiose sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa lamesa niya. Leo's lips instantly parted when Vraiose knocked his table.

"Tayo na lang?" she asked.

Hindi siya agad nakasagot. Iba ang dating sa kanya ng tanong nito. Leo licked his lower lip and composed himself, not minding how his heart beats insanely fast inside his chest.

"Sige…" sagot niya.

Vraiose just nod her head and went back to her seat. Ito na rin ang tumayo para alamin ang topic na ibibigay sa kanila dahil mas malapit ang pwesto nito sa teacher's table.

May naririnig pa rin si Leo sa mga kaklase nilang babae na sana ay sila nalang daw si Vraiose. He simply shake his head.

"Check your phone." Vraiose mouthed when she caught his gaze.

Leo immediately took out his phone and clicked the WiFi icon. May free WiFi sila sa School that can only used it when they have their subject teachers permission. Nakita niya agad ang message nito sa Instagram, sa personal account niya.

Vraiose Cay: Gawin natin after class para matapos agad.

Leo Erese: Sure, sa lib. tayo?

Vraiose Cay: Hindi, sigurado na maraming tao doon plus bawal ang snacks doon.

Right. After this subject, break time na nila.

Leo Erese: Sama ka sa 'kin mamaya.

Vraiose Cay: Where?

Leo Erese: I found a good place.

Lumingon sa kanya si Vraiose at tinaasan siya nito ng isang kilay. He just softly smiled at her. He actually found that place after he ran to her and introduced himself. Nahihiya na siya na magpunta sa cafeteria kaya naglibot nalang siya sa School.

Doon siya palagi tumatambay ngayon para gawin ang trabaho niya. He's still working as their Café social media manager. Hindi naman siya hinihigpitan ng mga magulang nila sa pera, but he likes earning money at the same time he's doing what he likes the most.

"Saan?" tanong ni Vyrlle nang makalabas na ang teacher nila.

He placed his index finger against his lips to shushed her. Baka marinig sila ng mga kaklase nila, instead of doing their project in peace, sigurado na mabubulabog silang dalawa. Mawawalan pa siya ng payapang tambayan habang nasa School siya.

Leo just asked her to follow him. He knew something was up with their female classmates, kaya deretso ang lakad niya papunta sa cafeteria habang nakasunod sa kanya si Vraiose.

"I'm losing my cool here, Leo." Vyrlle uttered. Ang akala niya ay naiirita na ito sa kanya dahil sa cafeteria ang punta nila.

But then, Vraiose turned around and glared at their classmates.

"Please, give him a break!" naiinis na singhal nito.

Leo pursed his lips. They look like they wanted to pick a fight but couldn't because of her brother's reputation.

"He's avoiding y'all for a reason. Don't be a nuisance." Humarap si Vraiose sa kanya, "saan ba tayo pupunta?" she asked again.

Pasimple siyang tumingin sa mga kaklase nilang babae. They're now leaving one by one. Tahimik lang siyang naglalakad papunta sa garden ng School. Malapit lang 'yon sa cafeteria.

"Dito lang," he uttered while opening the gate.

"Pwede tayo dito?" alanganin pa ito na pumasok na ikinatawa ni Leo.

Tumango lang siya at naunang pumasok sa garden. It was filled with different kind of flowers, alaga na alaga ang mga ito and sometimes, in exchange for letting him stay here, siya na mismo ang nagdidilig. May instructions naman kung kailan at paano dapat ang tamang pagdidilig sa mga bulaklak.

"Pinayagan ako, basta 'wag lang magkakalat." Leo answered.

Iginiya niya ito papunta sa kubo at doon ito pinaupo. Vraiose was busy looking around the small garden, bakas sa mukha nito ang pagkagusto sa lugar. It was a breathtaking place.

"Ang ganda dito… hindi ko alam na may garden dito sa school." Lumingon sa kanya si Vyrlle. "Paano mo 'to nakita?"

"I was running for my life after I introduced myself to you. Sa Cafeteria dapat ako para kumain, hindi ko napansin na napadpad na ako dito. To make the story short, while they were chasing me, I found this place and hide." He answered honestly.

Natawa si Vraiose sa kanya at inilabas ang  cellphone, yellow pad at ballpen nito. She also tied her hair. Para itong may sariling mundo habang panay ang pagtipa nito sa cellphone.

Good thing, he brought his bag with him. Hindi rin naman niya 'yon maiwan dahil dala niya ang camera niya.

Inilabas niya ang baon na pinadala sa kanya ng kapatid niya at inabot kay Vraiose ang sandwich. A soft smile appeared on his lips when she stopped tapping her phone screen and lifted her head up.

"Kumain ka muna bago natin gawin 'yan," aniya.

"Saan mo 'to galing?" she asked and accepted the sandwich he offered.

"Palagi akong may dalang sandwich. Sayang ang oras kung pipila pa ako sa cafeteria para bumili ng pagkain." Paliwanag niya rito.

Inilabas din niya ang tumbler niya na may lamang tubig at binuksan 'yon bago iniabot kay Vraiose.

"How about you?" nagtataka na tanong nito nang makita na wala siyang kinakain.

"I'm good."

Leo smiled at her. Hindi naman siya gutom. After class, he'll surely give that sandwich to someone else.

"Salamat," mahinang sabi nito.

Hinayaan niya na muna itong kumain habang siya ang nag se-search para sa report nila. He's having a hard time, hindi siya sanay na sa cellphone siya nag re-research.

"May next subject pa tayo… kulang pa 'to," she uttered. Vraiose was biting her fingernail.

"Gusto mo ba ituloy nalang natin after class?" he asked.

"Sige, saan tayo? Hindi pwede sa amin. Wala tayong magagawa." Problemado na sabi nito.

"Sa amin na lang?"

WALA SILANG choice kung hindi ituloy ang pag re-research nila about sa topic nila pagkatapos ng klase nila. Vraiose was more than willing to spend her remaining time doing that report, ayaw niya na natatambakan siya.

Kagat niya ang pangibaba na labi habang kausap sa cellphone ang Daddy niya.

"Dad, please? Hindi pwede sa bahay, alam mo naman si Kuya."

[Give me the address, Cay.] Strikto na sabi nito.

Nilingon niya si Leo at tinanong ang address ng bahay nito. Alam niya na narinig 'yon ng Daddy niya but to make sure, na-i-text pa rin niya sa Daddy niya ang address.

[7 p.m., Cay. Siguraduhin mo na nasa bahay ka na. Ipapasundo kita.]

"Yes, Dad. Thanks, I love you."

She did the same thing to her mother. Hindi siya nahirapan sa Mama nila, siguro dahil hindi naman ito ganun kahigpit sa kanilang dalawa ni Vyrlle.

"Kuya," kinakabahan na sabi niya.

[Nasabi ni Daddy. Lalaki kasama mo?] his voice was calmer than she expected.

"Yes…"

[Sa bahay nila? Kayo lang ba doon? May kasama pa ba kayong iba?—]

Nailayo ni Rayos ang cellphone niya sa tenga dahil sa sobrang dami ng tanong nito sa kanya. Mas matanong pa ito kaysa sa Daddy nila!

"Kuya, calm down! Kaming dalawa lang ni Leo, may tao sa bahay nila malamang! Hindi lang kami." Rayos explained calmly. Kahit gusto na niyang sumabog sa inis.

[Fine. I'll pick you up, send me the address.]

Napairap sa hangin si Rayos nang patayan siya nito ng tawag. She forwarded the address and turned to Leo.

"Sorry about that… may sundo ka ba?"

Leo shakes his head. "Commute tayo."

It was her first time riding a public vehicle. Palagi silang may kasama na driver o 'di kaya naman ay ang kapatid nila kapag aalis. Although, Vyrlle has experienced when it comes to traveling alone. Malakas ang loob ng kambal niya, isa pa, hindi rin naman malayo ang pinupuntahan nito.

Sa mini bus sila sumakay ni Leo. Nauna ito na sumakay sa kanya at umupo. Sa pinakadulo ito umupo, he tapped the space beside him.

"Sa dulo ka para safe," anito.

Ito na rin ang nagbayad sa pamasahe nila, she saw him tapping his card twice before he headed inside.

Nang pababa na sila, pinauna siya ni Leo habang nasa likuran niya ito. Her skirt was a little bit short. Leo was covering her back using his bag.

"Gusto mo ba mag wheeler?" he asked.

Kumunot ang noo niya at nagtataka na tumingin kay Leo. To answer her confusion. Itinuro ni Leo ang mga nakaparada na bicycle sa tapat ng village. Obviously, tatlo ang gulong nito. It almost looks like a tricycle, although nasa likod ang uupuan nila.

"Malapit lang ba ang sa inyo?" tanong niya rito.

It will be a new experience for her, but she doesn't want to ride one. Lalo na kung malapit lang naman. She can walk.

"Malapit lang."

"Kay! We'll walk."

Leo lead the way while talking about their report. Wala naman siyang maisip na pwede nilang pag-usapan. Ayaw naman niya magtanong ng personal na bagay rito.

When they finally reached their house, agad sila na dumeretso sa kwarto nito. She was expecting a messy room, typical of a teenage boy, but it was the opposite.

Vraiose lips parted when she finally took a glimpse of his room.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top