Chapter 24

KUNG HINDI lang nagkayayaan ang Mama at Tita nila, sigurado na kasama ni Rayos ngayon si Leo. They plan an outing, pero imbes na umarkila ng buong resort, they went to a public one instead.

Her twin, Vyrlle, was back to her cold attitude because Light was with them. Surprisingly. Palagi itong wala kapag ganitong okasyon.

Their father was in a good shape because Tito Xyrus was nowhere to be found. Nagkabaliktad ang mag-ama.

"Pinayagan ako magsuot ng two piece ni Kuya Laur!" masayang balita ni Nicha sa kanila.

Vyrlle looked at their cousin flatly before ruining Nicha's mood, "Malamang, alangan naman ibalot ka ni Kuya Laur, nasa beach tayo?"

Sumimangot si Nicha at mahina naman siyang natawa. They're also allowed to wear two piece. Ang kaso, may nakapatong na t-shirt. T-shirt ng Kuya nila.

"What's up with her?" Siniko siya ni Nicha.

"Don't be a nosy little rat, Nicha. Ikaw rin, baka lunurin ka niyan mamaya sa dagat!" pananakot niya sa pinsan.

Nicha pouted her lips. Tumigil din ito sa pagtatanong kung bakit wala sa mood ang kambal niya. Alam naman kasi nilang pareho kung bakit. She just really wanted to push Vyrlle's button, pero takot naman ito kapag nagalit na ang kambal niya.

Magkasama silang lima sa hotel room— Nicha, Vyrlle, Bridj, and Grex. Sa kabila ay ang mga lalaki. Xyria, Light's sister choose to be alone in one room to finish some of her works. At syempre, ganoon din ang parents nila.

Grex and Vyrlle started to play. At dahil wala naman siyang maintindihan sa nilalaro ng dalawa, tumabi na lang siya sa mga ito at nilibang ang sarili sa mga update ni Leo sa kanya.

She smiled inwardly. Ang sabi niya dito ay siya ang mag-a-update. She took a quick snap of Vyrlle's phone, saka niya 'yon nai-send kay Leo.

Ganoon ang routine nilang dalawa habang hindi sila magkasama.

"Nag-aaya mag swimming si Tita Greta. Baba na raw tayo." Vyrlle announced. Nawala na ang pagkakunot ng noo nito kanina. Sigurado na babalik iyon kapag nakita nito ang crush niya na nilalapitan ng mga babae.

Although, Rayos was expecting them to behave. Lalo na at kasama nila ang mga magulang nila. Tito Xyrus was not with them, pero present naman ang Mama ng mga ito.

"Cay, Ion, come here!" Sumenyas ang kapatid nila na lumapit sila rito.

Their brother was holding a lotion in his hand, their mother was smiling brightly, mukhang kakatapos lang din nito na maasikaso. Their mother was wearing one of their father's shirts too, and looks cute with her twin braided hair.

"Inipit ka rin, Ma?" She asked.

Nakangiti itong tumango sa kanila ni Vyrlle.

"Kayo rin."

Sabay silang pinaupo ni Vyrlle. Si Vyrlle ang inaayusan ng Daddy nila, habang siya naman ang napunta sa kapatid nila. Binuksan niya ang cellphone at dinala sa camera, front camera.

Pigil ni Rayos ang matawa nang makita na salubong ang kilay ng kapatid nila, ganoon din ang sa Daddy nila.

"Ma! Picture tayo!" Rayos giggled when their mother got her phone and took a quick picture of them.

Nakangiti silang tatlo sa camera, habang ang dalawa na nagtatali sa mga buhok nila ay salubong ang kilay at sobrang focus sa ginagawa. Doon lang din napansin ni Rayos na topless ang Daddy at Kapatid nila.

Their Dad, even at his age, has a sculpted and nice body. And now that he shaved his beard, magkamukha na talaga silang dalawa ng panganay na anak nito. Humalo pa ang Kuya Laur nila.

Nang matapos sila, agad na nagsitakbuhan ang mga ito sa dagat. Naiwan siya sa cottage nila at ina-update si Leo through chat. She even took some pictures of her and put it on her IG story. Nakita niya sa malayo na naging photographer na ang pinsan nilang si Laur. He's taking some picture for Vyrlle, his sisters and Light.

Habang ang kapatid naman nilang lalaki ay nakadikit sa Daddy at Mama nila.

"Vraiose?"

Mabilis siyang lumingon nang may tumawag sa kanya. Her lips thinned. How can she forgot the man who confessed to him after announcing Leo's grade were all good because of her? And after that, halos patayin na rin siya nito sa tingin.

"It's you… Hi, I'm Russel. I hope you still know me?" nahihiya na sabi nito.

Hindi naman siya madaling makalimot. Lalo na kapag may ginawa ang tao na 'yon na hindi nagustuhan ni Rayos.

"Yeah, senior high." Rayos boredly answered.

"About that… I'm sorry. I know it's too late for my apology, hindi ko lang talaga natanggap noon na… alam mo na. Sobrang childish ko pa noon."

Rayos nodded slowly. Nagtataka. Was he really apologising or justifying his actions back then?

"Matagal na 'yon."

The guy in front of Rayos smiled proudly.

"Then, can we… ahm, be friends?"

Bago pa siya makasagot, may pumatong na kamay sa balikat niya at mahina siyang tinapik. When Rayos looked up, she saw her cousin, Laur. Madilim ang mukha nito at diretso ang tingin sa lalaki na kumakausap sa kanya.

Agad na gumala ang paningin ni Rayos sa paligid. Their brother was nowhere to be found. Of course, ang pinsan ang papalit sa pambabakod.

"Cay…" baritono ang boses na tawag ng pinsan sa kanya. "Who are you? May problema ba?"

Rayos crossed her arms against her chest and waited for the guy to answer. But as she expected it. Sumulyap lang ito sa kanya at umiling sa pinsan bago umalis.

"Bano naman. Tumakbo agad? Paano pa kaya kung si Jv ang nakita?" Tumatawa na sabi ng pinsan.

Nailing siya sa pinsan. "Hawig naman kayo ni Kuya."

"Baka marinig ka noon. Hindi pa naman tanggap na pantay lang ang kagwapuhan namin!"

Rayos just laughed at her cousin. Saksakan talaga ng yabang.

"Tara, sama ka na lang sa akin. Baka may lumapit na naman sayo." Hinila siya nito patayo at umakbay sa kanya.

And while they're walking, her cousin blabbered about her boyfriend Leo. Comparing her boyfriend to that guy, tahimik lang siyang nakikinig dahil sa kahit anong aspeto, lamang na lamang si Leo. Of course, that was her man! She's a proud girlfriend.

Sa gabi, while having dinner, pinayagan siya ng Daddy niya na gamitin ang cellphone sa hapag. Rayos immediately called Leo, kumakain pa lang sila pero tamad na tamad nang nakahiga si Leo sa kama nito. He was silently watching her eat, at paminsan ay kausap ang Mama nila.

Yes, they're close. Their mother told her that Leo reminded her of their father, younger version. Hindi lang nilinaw ng Mama nila kung alin parte.

On their second day, apat lang sila na magkasama sa labas. Nicha, Grex, siya at ang kambal niya. Nag picture lang siya at agad na ipinakita 'yon kay Leo.

"Vraiose!"

Rayos clicked her tongue when she heard that voice.

"Sino 'yon?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Vyrlle. "He looks familiar…"

"Classmate ko noong Senior high."

"Oh, as far as I remember, Rayos, hindi mo close ang isang 'yan. Bakit ka tinatawag?" masungit na tanong nito.

Rayos sighed when the guy merrily stand beside her. Umarko ang kilay niya.

"Pasensya na at umalis ako kahapon. Akala ko boyfriend mo. Pinsan lang pala." The guy blabbered.

"Pinsan lang pala?" Vyrlle echoed and laugh sarcastically.

Hindi pinansin ng lalaki ang kambal niya at kung ano-ano pa ang sinabi sa kanya. Rayos was silent because she doesn't want to talk to him. Dinadasal na lang niya na sana ay makaramdam ito.

Ang akala niya ay ayon na ang huli na makikita niya ito. Oh how wrong she was.

Vyrlle was wearing a blazing red bikini while she's wearing black. It was a matching bikinis bought by their Aunt Bree. Kasama nila ang mga pinsan, si Light at ang bunsong Perez— Grex.

Bridj was taking a picture of Vyrlle when someone whistled.

"Ang sexy mo naman, Rayos!" The guy shouted while looking maliciously at her twin.

"Putang! Sino 'yon?" Galit na sigaw ng pinsan nilang si Laur.

Nilapitan ni Rayos ang kambal at kumunot ang noo nang makita na nilapitan ni Light ang dati niyang kaklase. Light hardly pushed his shoulder, sumama pa ang pinsan nila. Laur was cursing him and was about to throw a punch, pero nabitin ang kamay nito sa ere. Light did it first.

"Rayos? Kilala mo?" Bridj asked.

"Dating classmate, Ate…"

"Sige na, mauna na kayo. Nicha, Grex, wear your robes please." Utos nito. They're already wearing their robes, thanks to Nicha, na nauna pa silang inasikaso.

Hindi siya sumunod sa utos ng pinsan nila. Rayos strode towards the guy. Nakasalampak na ito sa buhangin sa lakas ng suntok na pinakawalan ni Light. He wasn't a violent man. Kaya maski siya ay nagulat sa ginawa.

"Cay! Saan ka pupunta?" Habol sa kanya ni Bridj.

"Kausapin ko lang, Ate."

Rayos held her robe tightly. May umaawat sa pinsan niya at kay Light para hindi makalapit ang mga ito sa lalaki.

"Rayos… pasensya na. Akala ko ikaw."

She scoffed. "What you did is wrong. At hindi porke ako 'yon, ay tama na. I don't deserve that kind of treatment."

"Sorry…"

Rayos coldly chuckled. "Leave. Now. You won't like it very much kapag umabot 'to sa Daddy at Kuya namin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top