UNKNOWN

Nagising akong bigla mula sa pagkakatulog ko ng makita kong may costumer na, mabilis akong tumayo para katukin ang bintana nito. 

Pinagpatuloy ko lang ang pagtatrabaho ko sa gasolinahan, isang linggo na rin simula ng mabalitaan kong wala na si Taehyung.

Bahagya kong kinusot ang mata ko bago habang hinihintay kong buksan nito ang bintana niya hanggang sa biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa loob nito.

"Oh, Jin hyung." 

"Long time no see." Nakangiting sabi nito sa akin.

Pakiramdam ko ay natulala ako ng ilang saglit hanggang sa bigla akong bumalik sa sarili ko ng naiba ang taong nasa harapan ko.

"Anong sinasabi-sabi mo dyan boy?!" Sigaw ng lalaki, napakunot ang noo ko bago ko nilagyan ng gasolina ang sasakyan niya.

Tiningnan ko ito ng masama ng binagsak niya ang bayad niya sa harapan ko. Nakayukom ako hanggang sa makaalis ito. 

Pagtingin ko sa gilid ko ay halos mapamura ako ng makita ko si Jin sa harapan ko, nakita kong masama ang tingin niya sa akin kaya naman hindi ako mapakali.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Namjoon, bakit?" Tanong niya sa akin.

Napangiti ako ng sarkastiko bago ko tinapon ang lollipop na na sa bibig ko. "Alam mo kung bakit Jin ha? Kasi mga gago sila." Giit ko.

"Ano bang sinasabi mo Namjoon!" Sigaw niya.

"Kasi pinatay ka nila!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Pinatay ka nilang lahat, kasalanan nila kung bakit ka namatay, kung hindi ka nila binubugbog noon dahil lang sa pagkawala ng tirahan namin, hindi ka magkakaroon ng bukol sa ulo, edi sana hindi ka namatay! Sana magkasama pa tayo!" Halos magwala na ako dito.

Nakita kong namuo ang luha sa mata niya, "Hindi nila kasalanan Namjoon." Mahinang sabi niya.

"Jin hyung, wag kang aalis, please baby wag kang aalis." Pakiusap ko sa kanya ng makita kong nawawala na yung kamay niya.

"Please..." Pakiusap ko.

Pero nawala na siya, wala na naman siya. 

Mabilis kong kinuha ang sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan iyon, nababaliw na naman yata ako. Kung ano ano na namang nakikita ko. Napatingin ako sa no smoking sign sa gilid ko pero hindi ko iyon pinansin sa halip ay mas lalo pa akong nagkainteres na sindihan ang sagarilyo ko.

Nang mapangalahati ko na ang sigarilyo ko at naramdaman kong kahit papaano ay gumagaan na ang pakiramdam ko ay inalis ko na ito sa bibig ko.

Bago ko ito binagsak sa isang papel na nakakalat sa lapag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top