SONYEONDAN
"Uy! Tama na 'yang kakapicture at video mo dyan! Sumali ka na sa amin!" Sigaw ni Namjoon kay Jin pero ngumiti lang sa kanya si Jin at hindi na 'to nagsalita muli sa kanya.
Napakunot ang noo ni Namjoon dahil sa inasta ni Jin kaya naman lumapit na siya sa kanya at hinila iyon patungo sa iba pa nilang kasama, napapansin ni Namjoon na palagi silang kinukuhanan ni Jin ng litrato, hindi naman yun ganoon dati, siguro trip niya lang na may i-post sa facebook at instagram.
Nagtawanan silang lahat ng tumungtong sa lamesa si Taehyung habang sumasayaw kaya naman agad siyang binalibag ng mga kasamahan niya ng pagkain, tawanan at harutan lang ang ginagawa nila.
Nakakalimutan nilang lahat ang problema nila kapag magkakasama sila.
Pero kahit anong gawin nila, hindi naman sila palaging kompleto, hindi sila palaging magkakasama-sama. Walang permanente dito sa mundo.
"Shit! May pulis!" Kinakabahang sabi ni Namjoon ng makarinig siya ng tunog ng sasakyan ng pulis.
Agad niyang tinapik si Taehyung na patuloy pa rin sa ginagawa niyang pag-spray sa dingding ng isang saradong tindahan.
"Shit!" Malutong na mura ni Taehyung ng makita niya ang sasakyan ng pulis na papalapit na sa kanilang dalawa ni Namjoon.
Tumakbo silang mabilis na dalawa, agad silang pumanik sa tulay dahil hindi sila kayang sundan ng sasakyan ng mga pulis doon, pero nagulat sila ng makita nilang nagsilabasan ang mga pulis sa sasakyan para habulin sila kaya naman tumakbo na naman silang dalawa.
"Habulin nyo ko~" Nang-aasar na sabi ni Taehyung habang dumidila-dila pa sa mga galit na galit na pulis sa kanila.
Tawa ng tawa si Namjoon sa ginagawang pang-aasar ni Taehyung sa mga pulis. Nang makaalis na sila sa tulay ay nagulat sila ng makita nilang may mga pulis din sa kabilang daanan kaya naman nahuli sila ng mga 'to.
"Oy! Oy! Easy mga tso!" Natatawa pang sabi ni Taehyung kahit nahuli na sila.
Napamura si Namjoon ng bigla silang tinulak ng mga pulis sa kanilang sasakyan. Nagkangitian pa silang dalawa ni Taehyung ng makita nilang may takas pa silang dalawa.
Nang magkindatan silang dalawa ay agad nilang tinadyakan sa pribadong parte ng katawa ang mga pulis na may hawak sa kanila bago sila muling nagtatakbo.
Ngiting-ngiti silang dalawa ng makita nilang hindi na sila nagawang sundan pa ng mga 'to, mabuti nalang at may dumaang taxi sa harapan nila kaya naman nakasakay na silang dalawa papauwi sa kanilang bahay.
Hindi sila sa mismong tapat ng bahay nila huminto dahil ayaw nilang may makaalam ng tinitirahan nila, naglakad silang dalawa ni Taehyung sa madilim na lugar, naka-akbay sa kanya si Namjoon.
"Dude." Tawag ni Namjoon sa kanya.
"Oh?" Tanong niya habang nakapamulsa siya, nai-inggit siya kay Namjoon dahil may lollipop ito samantalang siya ay wala, kaya naman gustong-gusto na niyang umuwi para makakain na sila ng luto ni Jin.
"In love ako." Awkward na sabi ni Namjoon.
Natigilang bigla si Taehyung sa sinabi ni Namjoon, para kasing wala sa bokabularyo nila ang salitang yun, pero parang lang yun dahil maski mismo siya ay nararamdaman din ang salitang yun ngayon.
Walang nagsasalita sa kanilang pareho, tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang naririnig nilang dalawa hanggang sa maisip na ni Taehyung na basagin ang katahimikan sa pagitan nila.
"Nice joke." Awkward na sabi niya.
Pareho silang natawa pero awkward pa rin ang pagtawa nilang dalawa hanggang sa unti-unting humupa ang peke nilang tawa at napalitan ulit ng katahimikan.
"Ako rin." Wala sa sariling sabi ni Taehyung bago siya napayuko.
Nang magkatinginan silang dalawa ay awkward silang napangiti sa isa't-isa, ginulo ni Namjoon ang buhok ni Taehyung hanggang sa pinagpatuloy nalang nila ang paglalakad nilang dalawa pauwi ng walang nagsasalita.
Nang makauwi na sila ay agad silang nagtatakbo sa mga kaibigan nila ng parang wala lang, nakangiti silang lahat pero ng mapansin ni Namjoon na may kulang ay agad siyang napatingin sa kwarto nito.
Nakunot ang noo niya habang naglalakad siya papunta sa pintuan, para bang may mali sa pakiramdam niya kaya naman agad niyang binuksan ang pinto.
Kasabay ng pagkalaglag ng lollipop sa labi niya ay siya ring paglaglag ng buhay niya.
Agad nagtakbuhan ang iba pang mga kaibigan niya ng makita nilang kanina pa nakatayo si Namjoon sa harap ng pintuan ng isang kwarto. Katulad ni Namjoon ay parang tumigil din ang mundo nila.
Pero mali sila, dahil simula palang iyon ng pagtigil ng mundo nila...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top