OVERDOSE
"Hyung, kamusta ka na?" Tanong sa akin ni Namjoon ng makauwi na ako ng bahay.
Napataas ang kilay ko sa pagsalubong niya sa akin, napangiti ako ng mapait.
"Hindi ba ikaw ang nagpadala sa akin sa Mental Hospital? Salamat ha? Mas lalong nakatulong sa akin yung ginawa mo, mas lalo akong nabaliw dahil sa katangahan mo." Malamig na sabi ko sa kanya, nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.
"Bakit? Nagulat ka?" Sarkastikog tanong ko.
"Hindi ka ganyan magsalita, anong nangyari sa'yo?" Tanong niya sa akin.
"Wag kang magpakainosente dito Namjoon, kasalanan mong lahat ng 'to! Kung hindi ka pa naman din sulsol na hayop ka, edi sana walang namatay!" Mariin na sabi ko.
"Bakit ako ang sinisisi mo dito?! Hindi ba ay dahil lahat ng 'to sa relasyon ni Jungkook at Taehyung?! Kung hindi naging sila edi sana hindi nagpakamatay si Jimin! Alam naman nating lahat ng mahal ni Jimin si Jungkook!" Sigaw nito sa akin.
Natigilan ako, oo nga.
Napalingon kaming pareho kay Taehyung at Jungkook na kakapasok lang sa loob ng bahay, nakahawak ang kamay ni Taehyung sa baywang ni Jungkook kaya napaliit ang mata ko at napangiti ako ng sarkastiko lalo na ng makita ko ang hawak ni Jungkook na teddy bear.
"Hyung..." Gulat na sabi ni Jungkook habang nakatingin sa akin.
"Surprise!" Sarkastikong sabi ko.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Namjoon sa dalawa.
"K-Kumain lang kami sa labas..." Nauutal na sabi ni Taehyung, nakita kong humigpit ang kapit ni Taehyung sa baywang ni Jungkook kaya naman napakunot ang noo ko.
"Nagkakamatay na mga tao dito dahil sa inyo tapos nagagawa nyo pang magsaya, napakagandang gawain niyan, pagpatuloy nyo." Sarkasitkong sabi ko sa kanila bago ko sila tinalikuran.
"Hyung hindi namin kasalanan--"
"Kasalan nyo! Kasalanan nyong dalawa! Lalo ka na Jungkook! Alam mo yung nararamdaman ni Jimin pero nagbulag-bulagan ka! Kasalanan mong lahat ng 'to eh!" Sigaw ko.
"Alam ko bang mangyayari 'to ha?! Ginusto ko ba 'to?!" Sigaw ni Jungkook sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Bakit ba lahat kayo ako ang sinisisi?! Kung tutuusin lahat tayo may kasalanan dito!" Aniya.
"Kookie, tama na." Hinawakan ni Taehyung si Jungkook para pigilan ito.
"Wala kaming kasalanan dito Jungkook! Wag kang mandamay dito kung alam mo naman sa sarili mo na kasalanan mo lahat!" Mariin na sabi ko.
"Please, wag na kayong mag-away." Ani Taehyung sa amin.
"Manahimik ka!" Sigaw ko sa kanya bago ko sila tinalikuran lahat at padabog akong pumasok sa dati kong kwarto, agad na bumungad sa akin ang picture frame na nakasabit sa dingding.
Picture naming dalawa ni Yoongi nung high school kami, pareho kaming nakangiti doon at naka-akbay ako sa kaniya.
Unti-unting namuo yung luha sa mata ko, bakit ba ganto yung sinapit namin?
Magtatatlong buwan ng wala si Yoongi, pero bakit hindi pa rin nawawala yung sakit?
Kaylan ba 'to mawawala? Kapag nawala na rin ako?
Mabilis kong ibinagsak ang mga gamit ko sa sahig, kinuha ko ang picture namin ni Yoongi na nakasabit sa dingding. Bumagsak ng tuluyan ang mga luha sa mata ko kasabay ng pagbagsak ko sa sahig, bakit ang sakit-sakit pa rin?
Napahagulgol ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, gusto kong alisin yung sakit pero hindi ko alam kung papaano ko yun aalisin.
Kaya siguro ako dinala ni Namjoon sa mental hospital dahil lagi akong umiiyak, buong araw buong magdamag, hindi na ako makakain dahil hindi ko pa rin matanggap.
Sa ilang buwan na paglalagi ko doon ay akala ko makakalimutan ko na dahil wala naman akong larawan ni Yoongi sa lugar na yun, pero hindi nila naiintindihan na kayang kaya kong ilarawan si Yoongi gamit ang isip ko.
Kaya kahit pilit kong ipakita sa lahat ng tao sa ospital na ayos lang ako, hindi, kahit kaylan hindi na ako maaayos.
Inilagay ko ang litrato namin ni Yoongi sa kama ko, kinuha ko ang plastic na bulaklak na naka-display sa side table bago ko pinatong iyon larawan namin. Kinuha ko narin ang nakatagong kandila ko at sinindahan iyon.
Unti-unti na namang bumagsak ang luha sa mga mata ko, hindi ko na kayang alisin yung sakit. Pakiramdam ko mababaliw na akong lalo, mababaliw ako.
Hindi, nababaliw na talaga ako.
Kaylangan kong gamutin yung sarili ko, hindi pwede 'to, hindi magugustuhan ni Yoongi ang isang baliw na katulad ko.
Papaano na niya ko mamahalin kung ganto ako?!
Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo ng kwarto ko, binuksan ko ang kabinet sa likod ng salamin, nakita ko doon ang bote ng painkiller na iniinom ko dati. Kaylangan mawala lahat ng sakit na 'to bago ako mabaliw.
Naglagay ako sa kamay ko, hindi sapat ang isang gamot, kaylangan damihan ko.
Nang nakita kong marami na akong nailagay sa kamay ay mabilis ko sinubo lahat.
Pinikit ko ang mata ko nung oras na nainom ko na ang lahat ng ito.
Tama, mawawala na lahat ng sakit. Mawawala na...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top