MIN YOONGI

"Putang ina!" Sigaw ko bago ko tinabig lahat ng nasa ibabaw ng kabinet. Sigaw ako ng sigaw pero halos hindi ko na rin marinig yung sigaw ko dahil nabibingi na ako. Wala ng ibang pumapasok sa isip ko kundi yung bangkay ni Jimin na bathtub.

"Hyung!" Naramdaman kong bigla akong yinakap ni Jungkook para pigilan ako sa pagwawala ko pero mas lalo lang akong nagalit.

Agad ko siyang kinuwelyuhan, siya! Siya ang may kasalanan nito! Kung hindi sana siya nagbulag-bulagan sa nararamdaman ni Jimin sa kanya edi sana buhay pa si Jimin! Kasalanan niya 'to! Alam ko! Alam nya yun! Alam kong nararamdaman niyang mahal siya ni Jimin pero mga gago sila! Napakamakakasarili nila!

Gustong gusto kong basagin yung mukha niya pero hindi ko magawa dahil kaibigan ko pa rin siya, tinuring ko siyang halos parang kapatid na pero sobrang galit ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Taehyung.

Kaya naman tinulak ko siya sa dingding bago ako napasigaw ng malakas para mailabas ko lahat ng galit ko, kung hindi ko mailalabas yung galit ko ay baka mapatay ko nalang siya. Mapapatay ko talaga siya.

"Kasalanan mo 'to eh! Kasalanan mo kung bakit namatay si Jimin! Gago ka!"

"Hindi ko kasalanan yun! Wala akong kasalanan!"

"Putang ina mo! Tumahimik ka! Kung hindi ka nagbulagbulagan edi sana buhay pa siya! Edi sana hindi niya naisip na gawin yun!"

"Hindi ako nagbubulag-bulagan hyung! Mahal ko si Taehyung! Anong gusto mong gawin ko ha? Isabay siya sa relasyon namin?! Pinanindigan ko lang kung anong tama! Eh ikaw? Bakit hindi mo panindigan 'yan ha?! Kasi takot ka! Takot kang malaman nila na tulad ka rin namin!" Sigaw niya sa akin.

"Takot?! Takot na ano?! Sa tingin mo bakla rin ako?!" Napatawa ako ng sarkastiko bago ko siya dinuro.

"Wag nyo kong idamay sa kaputanginahan nyo ni Taehyung! Magsama kayong dalawa sa impyerno--"

Hindi na ako nakapagsalita pa ulit dahil bigla niya akong sinapak sa panga, halos tumilapon ako malapit sa hagdan at napadugo ako ng dugo, napatawa ulit ako ng sarkastiko bago ko siya ginantihan ng suntok kaya naman tumama siya sa corner ng sofa.

"Wag mong gaguhin ang sarili mo hyung! Alam kong mahal mo si Jimin kaya ka nagkakaganiyan! Wag mo kaming lokohin at mas lalong wag mong lokohin ang sarili mo." Sigaw niya habang nakahawak siya sa tagiliran niya.

Hindi! Hindi totoo yun!

"Kung tutuusin nga ikaw ang pumatay kay Jimin! Kung sana nandiyan ka! Kung sana hindi ka umalis sa tabi niya! Kung sana hindi mo siya iniwan! Kung sana umamin ka lang! Edi sana hindi niya naramdaman na mag-isa siya! Edi sana hindi niya ginawa yun!"

Sa sobrang galit ko ay agad kong kinuha ang bangko at akma kong ihahagis sa kanya yun pero biglang nanghina ang tuhod ko, hindi ko siya kayang saktan ng ganoon kaya naman agad kong hinagis ang bangko sa salamin.

"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Sigaw ko sa sobrang pagkafrustrate ko sa mga nangyayari.

Ayoko na.


__

any theories about this story? 

^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top