JEON JUNGKOOK

"Anong sabi ng doctor?"

Napatingin ako kay Taehyung na namumugto ang mata, naramdaman ko na ang unti-unting paghina ng katawan ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Tumawag sa amin ang hospital kanina ng matagpuan si Hobi hyung sa kalsada ng walang malay, kaya naman mabilis kaming nagtungo dito ni Taehyung.

"W-Wala na si Hobi." Mas lalong humispit ang pagkakayakap niya sa akin kaya naman unti-unti ng bumagsak ang luha ko.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ko ang paghikbi ko, wala na si Hobi hyung. Wala na rin siya.

Kasalanan kong lahat ng 'to.

"Overdose daw sabi ng doctor, Kookie nagpakamatay siya." Ani Taehyung.

Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Taehyung bago ako nagtatakbo palabas ng hospital. 

"Kookie! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Taehyung habang hinahabol ako pero mabilis lang akong tumakbo paalis sa lugar na 'to.

Tama na, masyado ng nakakasakal yung mga nangyayari, masyado ng nakakasakit. Hindi ko na alam kung papaano ko matatakasan 'to o kung matatakasan ko pa ba ito.

Nang makalabas ako ng hospital ay mabilis akong natigilan sa paglalakad ko ng makita ko si Namjoon hyung nananinigarilyo sa labas ng hospital, kaylan pa siya natutong manigarilyo?

Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay mabilis niyang binitawan ang sigarilyo niya at inapakan niya ito.

"Hyung, bakit ka naninigarilyo?" Tanong ko agad sa kanya.

"Bakit? Ano naman sa iyo?" Malamig na tanong niya.

Pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko dahil sa sinabi niya, wala na yatang may pakealam sa akin ngayon.

"Ano ng nangyari kay Hobi?" Tanong nito sa akin.

Hindi ako nakakibo, naramdaman ko nalang na unti-unti na namang namuo ang luha sa mata ko, nakita kong natigilan siya sa reaction ko hanggang sa napabuntong hininga nalang siya.

"Tama nga si Hobi, kasalanan mo ngang lahat ng 'to." Aniya.

Mabilis na napaangat ang tingin ko sa kanya, kalmado siyang nakatingin sa akin na para bang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya at hindi niya babawiin ang sinabi niya.

"Kasalanan mong lahat ng 'to Jungkook, kasalanan mo kasi minahal mo si Taehyung."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top