HIT AND RUN

Napahawak ako sa labi ko ng maramdaman kong lumalakas ang pagdugo nito, napatingin ako sa paligid ko at nakita kong walan ng tao. Anong oras na ba?

Binuksan ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang picture ni Taehyung habang mahimbing siyang natutulog sa kwarto ko at may nakataklob na kumot sa katawan niya, napangiti ako ng makita ko 'to.

Naramdaman ko na naman yung ayaw tumigil na luha sa mata ko.

Bakit kapag nagmahal ka ay may ibang taong masasaktan? Masama bang piliin mo yung makapagpapasaya sa'yo? Masama ba ang magmahal ng taong mahal mo? O hindi tama na mahalin mo yung taong mahal mo kapag alam mong may ibang nagmamahal sa'yo.

Bakit pakiramdam ko tama naman ang desisyon ko pero lahat ng tao ay mali ang tingin sa lahat ng desisyon ko. 

Binuksan ko ang mga text sa akin ni Taehyung, naramdaman kong naninikip na naman ang dibdib ko, papaano ba tanggaling lahat ng sakit na 'to? 

Biglang nag-ring ang cellphone ko at bumungad sa akin ang pangalan ni Taehyung sa phone ko kaya naman sinagot ko na ito.

"Kookie! Nasaan ka?! Anong nangyari? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. 

"Nasa kalsada lang ako, nagpapahangin." Mahinang sabi ko sa kanya.

"My gahd, Kookie. Pinag-alala mo ako, akala ko kung anong ng nangyari sa iyo." Naramdaman kong bahagyang nabasag ang boses niya. 

"Shh, huwag kang mag-alala. Ayos lang ako." 

"Kookie naman kasi, hindi mo man lang naisip na mag-aalala ako sa'yo, anong oras na--"

"I love you." Out of nowhere na sabi ko.

Narinig kong bahagya siya natigilan sa sinabi ko, hanggang sa isang buntong hininga nalang ang narinig ko sa kabilang linya.

"I love you too, Kookie." Aniya.

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. 

"Sige na, umuwi ka na. Bilisan mo! Nandito na ako sa bahay." 

"Saang parte ng bahay?" Pabirong tanong ko sa kanya.

"S-Sa kwarto mo." Nauutal na sabi niya.

Bahagya akong natawa dahil sa pagkautal niya, "Good, pauwi na ako." Nakangiting sabi ko sa kabilang linya.

"Bilisan mo ha, nakakainis ka. Naiinis pa rin ako sa'yo gago. Wag kang tumawa." 

"Hmm, hmm. Hintayin mo ko, wag ka munang matutulog." Nakangiting sabi ko.

"Matutulog na ko, bahala ka dyan." Pabirong sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.

"Bye na, malapit na akong malolowbat na ako. I love you." 

"Bye, i love you too." Aniya bago niya pinatay ang tawag. 

Napangiti ako, kahit sabihin nilang mali yung desisyon ko pero bakit hindi ko maramdaman na mali yung nararamdaman ko. 

Inilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ko bago ko itinaklob yung hood ko sa ulo ko, naglakad ako patawid sa kalsada.

Please, tell me. Hindi mali na minahal ko siya, please.

Natigilan ako sa pag-isip ko ng kung ano-ano ng biglang may malakas na busina ang tumunog mula sa gilid ko, napatingin ako dito hanggang sa nakita ko kung gaano na kalapit sa akin ang sasakyan. 

Mali ba yung nararamdaman ko? O mali lang talaga yung sitwasyon?

Pinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa hinintay ko nalang na tumama sa akin ang sasakyan.

Isang malakas na tunog ang halos magpabingi sa akin, hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top