DROWNED

Pinasiklaban ko yung litratong hawak-hawak ko habang nakahiga ako sa bathtub na punong-puno ng tubig. Pinanuod ko yung apoy na kumakalat sa hawak-hawak kong litrato.

"Bakit kasi nawala ka pa?" Tanong ko.

"Kung hindi ka nawala, edi sana hindi ko mararamdaman na mag-isa nalang ako, edi sana may nakakaintindi pa sa akin, edi sana... Sana hindi ko maiisip na gawin 'to."

Binitawan ko ang litrato at pinanuod ko iyong unti-unting nalaglag sa tubig hanggang sa mawala yung apoy, ganyan. Ganyan din ng mangyayari sa akin.

"Wala ka na rin naman, para na rin naman akong paulit-ulit na pinapatay kapag pinapanuod ko silang dalawa na masayang magkasama. Sira na rin naman 'tong pagkakaibigan na 'to. Wala na rin akong tiwala sa sarili ko, nandidiri ako sa kanila, nandidiri ako sa sarili ko."

"Wala na rin naman akong rason para mabuhay pa." Mahinang sabi ko.

Halos tumapon na ang tubig sa bathtub, napatingala ako ng maramdaman kong may tumutulong luha sa mata ko, wala na rin namang silbi yung luha na 'to. Walang kwenta!

Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa napalunok ako. Desidido na ako sa gagawin ako.

Dahan-dahan kong inilublob ang ulo ko sa tubig, nang maramdaman kong nagsipasukan na sa ilong ko ang mga tubig ay pinilit ko ang sarili kong huwag umahon. Unti-unti ko ng nararamdaman ang paninikip ng dibdib ko hanggang sa mapabitaw na ako sa bath tub.

Dahil nagtagumpay na ako sa gusto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top