CAUSE OF DEATH
Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin sa bahay, nalaman ni Daddy na nakatira ako ngayon kasama ang mga anak ng mga pamilyang sinira niya.
Hindi ko siya tiningnan, ramdam na ramdam ko yung hapdi sa pisngi ko dahil sa lakas nito, narinig kong sumigaw si Mommy para pigilan si Daddy pero alam kong wala rin namang magagawa si Mommy.
"Ganyan ba kitang pinalaki?! Ang maging ugaling eskwater?!" Sigaw nito sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama pero suntok lang ang inabot ko sa kanya, hindi ako lumaban, pilit kong kinalma ang sarili ko. "Tapos malalaman ko pa na may karelasyon ka?! For pete's sake Seokjin! Lalaki! Lalaki pa?!" Sigaw ni Daddy habang nahihirapan siyang huminga, narinig kong napahagulgol si Mommy sa gilid.
"Tapos ano?! Malalaman ko sa doctor mo na may sakit ka?! Nay may namuong dugo diyan sa ulo mo dahil sa pagkakabugbog sa iyo ng mga lalaking kasama mo ngayon sa isang bahay?! Nahihibang ka na Seokjin!" Halos mapaos na sigaw nito.
"Nahihibang na nga ako Daddy, kung iyon ang matatawag mo doon." Malamig na sabi ko pero isang malakas na suntok na naman ang natanggap ko, napasigaw si Mommy dahil halos bumagsak ako sa sahig.
"Ano bang meron sa mga gago na yan ha at nagkaganyan ka?!"
"Pagmamahal! Mayroon silang pagmamahal, pag-aalaga at kalinga, gusto nyo isa-isahin ko pa kung anong meron sila na wala kayo?!" Sigaw ko pabalik.
"Pera lang at kapangyarihan ang meron kayo pero sila may pagmamahal! Mas gugustuhin kong piliin iyon kaysa sa pera." Giit ko.
"Kung pagmamahal na 'yan ang papatay sa'yo, bakit pipiliin mo pa rin yan?!" Mariin na tanong ni Daddy sa akin.
Naramdaman kong unti-unting namuo ang luha sa mata ko bago mo marahas na pinalis iyon bago pa iyon tuluyang bumagsak.
"Kasi kahit papaano naramdaman kong importante ako." Mariing sabi ko bago ko kinuha ang mga gamit kong nakabagsak sa sahig.
"Wag ka ng babalik dito! Sa susunod na makikita kita ulit, hindi na kita tatanggapin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top