CAUSE OF DEATH

Nagising ako sa kwarto ko, mabilis na bumaling ang atensyon ko sa lalaking nasa tabi ko. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito, nahihilo pa rin ako at pakiramdam ko ay masusuka pa rin ako.

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin kaya naman dahan-dahan ko itong tinanggal, hinanap ko kung saan ko nilagay yung boxer ko at ng makita ko iyon sa sahig ay mabilis kong sinuot iyon bago ko naupo ulit sa kama.

Naramdaman kong may yumakap na naman sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya, bahagya niyang dinilat ang mata niya kaya naman natawa ako ng bahagya dahil pinikit niya ulit iyon ng makita niyang tiningnan ko siya, nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. 

"Saan ka pupunta?" Halos pabulong niyang tanong sa akin.

"Magluluto ako ng pagkain, mukhang tulog pa silang lahat." Sabi ko.

Napadilat siyang bigla at napataas ang kilay niya, "Sigurado kang ikaw yung magluluto ng pagkain?" Tanong niya sa akin.

"Parang hindi ka naniniwala? Ipagluluto kita." Giit ko.

"Wag na baka masunog mo pa 'tong buong bahay, ako ng magluluto." Aniya bago siya tumayo  at hinanap niya ang damit niya.

"Wag na, ako na, di mo naman kaylangan magluto. Bisita ka dito eh." Giit ko.

"Ako na nga sabi." Natatawang sabi niya ng nakapagbihis na siya at lumabas na siya ng kwarto kaya naman mabilis kong hinanap lahat ng damit ko bago ko siya sinundan ng makapagbihis na rin ako.

Nakita ko yung mga kaibigan namin na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa sala, mga bagsak pa rin sila. Mabuti nalang at hindi ako masyadong uminom ng marami, hindi tulad nila na sunog baga.

Pagdating ko sa kusina ay nakita kong nagsisimula na siya, lumapit ako sa kanya para yakapin siya mula sa likuran, narinig kong bahagya siyang natawa dahil sa ginawa ko. 

"Baka makita nila tayo, malapit ng magising ang mga iyan." Natatawang sabi niya.

"Wala akong pakialam Seokjin." Panggagaya ko sa kanya, nakita kong napataas ang kilay niya bago niya ako kinurot sa ilong ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.

"Di ba, hindi ka na sa inyo nakatira?" Tanong ko sa kanya habang hinahalikan ko yung likod ng tenga niya.

"Hmm, hmm." Sagot niya sa akin habang nakapikit siya, kaya naman bahagya akong napangiti.

"Bakit hindi ka nalang rin dito tumira? May isang kwarto pa naman sa tabing kwarto ko, lilinisin natin yun, o gusto mo sa kwarto ko nalang rin ikaw matulog." Tanong ko pa.

Bigla siyang napatingin sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay, "Bawal tumanggi." Mariing sabi ko.

"Sinabi ko bang tatanggi ako?" Nakangiting tanong niya sa akin kaya naman mas lalo akong napangiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top