CAUSE OF DEATH
Marahas kong iwinakli ang pagkakahawak ng isang pulis sa braso ko at pumasok ako sa loob ng kotse. Alam kong si Namjoon hyung ang nagsabi sa pulisya kung nasaan ako dahil siya lang naman ang pinagsabihan ko.
Wala ako sa sarili hanggang sa maidala ako sa loob ng presinto para imbestigahan ako.
Paulit-ulit lang ang tanong nila pero hindi ako nakakasagot dahil wala ako sa sarili ko, anong nangyari sa akin?
"Magsalita ka o ikukulong ka na namin." Banta nito.
Kahit naman ano ang piliin ko ay isa lang rin naman ang bagsak ko, kulungan lang rin.
"Pwede bang tumawag?" Out of nowhere na tanong ko.
Napakunot ang noo nito pero hinayaan rin naman niya ako na tumawag. Tinawagan ko si Namjoon hyung sa huling pagkakataon, sinagot na niya ito.
"Taehyung..." Mahinang tawag niya sa pangalan ko.
"May itatanong ako." Malamig na sabi ko sa kanya. "Hindi ba sinabi mo sa akin noon na in love ka?" Hindi siya sumagot sa tanong ko.
"Kung ganoon, kanino? Kanino hyung?"
Hindi pa rin siya sumasagot, kaya naman bahagyang nanliit ang mata ko.
"Kay Jin." Diretsong sagot niya sa akin kaya naman napangiti ako ng mapait.
"Huling tanong, masaya ka ba?"
"Taehyung ano bang sinasabi mo--"
"Masaya ka ba na nagtagumpay ka sa plano mo?! Kaya mo pinadala si Hobi hyung sa mental hospital ay dahil nalaman niyang nababaliw ka na! Hindi siya ang nababaliw dito! Ikaw! Gago ka! Pinilit mo kami ni Jungkook na umamin sa kanila para masaktan si Jimin! HIndi ba!?" Sigaw ko.
Nakita kong lumapit ang ilang mga pulis sa akin.
"Gago ka Namjoon! Gago ka! Akala mo ba magiging masaya si Jin hyung sa ginawa mo?! Hindi hayup ka!"
Narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya, nababaliw ka na.
"Ikaw pa naman ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat, hayup ka. Bakit ngayon ko lang naisip 'to, hayop ka..." Nanghihinang sabi ko.
"Oo, Taehyung. Masaya ako."
Iyon ang huling sinabi niya bago niya pinatay ang kabilang linya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top