CAUSE OF DEATH

Pagdilat ko ng mata ko ay halos mapangiti ako ng wala sa oras ng makita ko si Jimin na nakatayo sa harapan ko, nakakulay puti siya at nagkakamot siya ng batok niya habang nakatingin siya sa akin.

"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin.

"A-Anong ginagawa mo dito Jimin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Chinecheck ko lang kung kamusta ka na hyung." Aniya.

Napatulala lang ako sa kanya at napangiti ako, patay ka na. Bakit nasa harapan kita?

"Gusto mong maglaro?" Tanong ko sa kanya, nakita kong bahagyang nawala ang ngiti niya sa mukha niya.

"Kasalanan mo kung bakit namatay si Yoongi." Malamig na sabi ko sa kanya, nakita kong ngumiti pa siya sa akin kaya mas lalo akong nairita, pero hindi ko ipapakita sa kanya iyon.

Mabilis kong kinuha ang unan ko at pinaghahampas ko siya.

"Hayop ka! Mawala ka na!" Sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas ko siya hanggang sa tuluyan na siyang nawala na parang bula.

Napasabunot ako sa buhok ko, anong nangyayari sa akin?! Nasaan ako?! Bakit puro puti lang 'tong nakikita ko?! Bakit nakikita ko si Jimin!?

Patay na siya, patay na siya, at pinatay nya rin si Yoongi.

Naramdaman kong may kumatok sa pintuan kaya napatingin ako doon.

"Jin hyung..." Mabilis akong napatakbo patungo sa kanya, napayakap ako ng mahigpit hanggang sa naramdaman ko yung comfort na matagal ko ng hinahanap simula ng mamatay si Yoongi.

Naramdaman kong halos hindi na ako makahinga ng ayos dahil sa sunod-sunod kong paghikbi.

"Shh, alam kong masakit Hobi, pero hindi magugustuhan ni Yoongi iyan kapag nalaman niyang umiiyak ka ng ganyan." Anito.

"Jin hyung, wala na siya, wala na si Yoongi." Hindi ko alam kung papaano ko nagawang sabihin iyon kahit na tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko.

Napabitaw ako kay Jin hyung bago ako napatingin sa buong paligid ko, wala akong nakikita bukod sa kama ko, puti lang lahat.

"Wala na lahat! Wala na! Wala na!" Sigaw ko habang nagwawala ako dito, alam kong wala ng makakarinig sa akin.

Si Yoongi, wala na siya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat.

Gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat.

Napatingin ako sa pintuan ng bigla na naman iyong bumukas.

"Mr. Jung Hoseok, kamusta na?" Tanong sa akin ng doctor.

"Ayos lang po."

Hindi ayos, walang ayos at hindi na ito maayos.

"Mabuti naman, bukas. Pwede ka ng bumalik sa bahay nyo, hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa sa'yo." Aniya.

Babalik?! Babalik saan?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top