CAUSE OF DEATH
"Bakit hindi ka pa umuuwi?"
Napalingon ako kay Jin hyung ng pumasok siya sa loob ng kwarto dito sa inupahan kong motel, ayoko munang umuwi sa bahay, baka mapatay ko lang yung dalawang yun.
"Wala naman..." Wala sa sariling sagot ko.
"Umuwi ka na." Aniya pero hindi ko siya pinansin.
"Ayoko, sisisihin lang nila ako sa pagkamatay ni Jimin." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Huwag mo ng intindihin yung sinasabi ni Jungkook, nasasaktan lang din yun sa pagkawala ng kaibigan natin, intindihin mo nalang siya." Umupo sa tabi ko si Jin pero umiling lang ako sa kanya.
"Hindi lang si Jungkook ang nagsabi." Napayuko ako. "Pati si Namjoon..."
Hindi sumagot si Jin sa sinabi ko kaya naman napabuntong hininga nalang ako at napangiti ng sarkastiko.
"Ang sabi niya sa akin kasalanan ko daw, kasalanan ko talaga ang pagkamatay ni Jimin dahil kung sana inamin ko yung nararamdaman ko edi sana hindi niya maiisip na nag-iisa lang siya, pero papaano ko naman maamin yun kung hindi ko nga matanggap sa sarili ko na ganoon din ako." Napatawa ako ng sarkastiko bago may namuong luha sa mata ko.
"Putangina ang drama!" Napatawa ako pero walang kahumor-humor sa tawa ko, halatang peke, halatang pilit.
"Yoongi, hindi mo kasalanan." Mahinang bulong sa akin ni Jin pero mas lalo lang akong napa-iyak.
Mali siya, mali ka Jin...
Kasalanan ko talaga 'to...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top