CAUSE OF DEATH:
"Jin hyung..."
Napa-upo akong bigla sa sahig ng makita ko si Jin, pinipigilan kong umiyak sa harap niya dahil ayokong sabihan niya ako ng bakla...
Kahit totoo naman.
"Jimin..."
Pinigilan kong mapaiyak ako pero ng lumapit siya sa akin ay doon na nagsimulang kumawala yung kanina ko pa pinipigilang luha ko.
"Jin hyung, ang duwag-duwag ko." Nanginginig na sabi ko habang nakayuko lang ako sa sahig.
Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya kumibo, pinapanuod niya lang ako. Sinubukan kong lumunok para makapagsalita ako ng ayos.
"Mabuti pa siya, mabuti pa si Taehyung hindi niya nagawang itago. Samantalang ako... Samantalang ako... Hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko na mahal ko si Jungkook, ang tanga-tanga ko! Ang duwag-duwag ko!" Humahagulgol na sabi ko sa kanya.
"Hindi ka duwag Jimin..."
"Duwag ako! Kung sana hindi ko tinago 'to! Kung sana... Kung sana sinabi ko agad kay Jungkook yung nararamdaman ko! Edi sana may pag-asa pa ako! Edi sana ako yung kasama niya ngayon! Edi sana ako yung nagpapasaya sa kanya ngayon! Hindi si Taehyung! Hindi siya!" Sigaw ko.
"Jimin... Mas inuna mo yung pagkakaibigan natin, hindi sa duwag ka. Sadyang hindi ka lang makasarili..."
"Hindi ka tulad namin..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top