Chapter 9: Take My Tech Geek
[KATTE'S POV]
Dumating na yung araw na kailangan na naming gawin yung project namin kay sir Ramos. Kailangan namin na gumawa ng isang functional website. Ang siste, nahati muna yung buong section namin at kung sino lang yung kakasya sa computer lab, sila muna yung mauuna. Siguro sa ibang araw naman yung mga natira, kaya nasa room lang sila. Pero, kahit nandun lang sila, binigyan pa rin sila ni sir ng written task, para may magawa pa rin sila.
Naghanda na kami ng partner kong si Keonna at pinag-iisipan na namin kung anong pwede naming gawin.
"Pwede tayong tumingin ng guide sa youtube para sa mga codes, i-customized na lang natin," sinuggest ni Keonna at nag-agree naman ako.
Ganun din ung ginagawa ng mga ibang pairs. Since hindi ko na muna sila maa-assist dahil sinabi yun dati ni sir, kaya nagsasariling sikap sila ngayon. Siguro, maganda na rin yun para matuto nga talaga sila na hindi na kailangan ng tulong ko.
Nag-umpisa na kami ni Keonna. Siya na yung bahala sa mga codes for design, at ako naman sa mga codes para paganahin yung magiging website namin. Maganda pala kasama si Keonna, hindi tulad sa mga nakaraan kong mga kagrupo noon na ang daming tanong na, hindi talaga alam yung gagawin. Sobrang nahihirapan ako noon mag-explain sa kanila, tapos ung iba pa doon, mas matapang pa sa'yo eh. Wala namang ginagawa.
Dito kay Keonna, may alam na talaga siya. Panigurado, mapapadali namin 'tong tapusin, kasi nagsi-sync yung mga ideas namin.
"O, paalala lang ulit ha," si sir. "Bawal tumingin o sumilip sa mga ibang partners. Kailangan, mag-focus kayo kasama ng mga kani-kanya ninyong partners para mas mapabilis ninyo magawa yung task ninyo. Naiintindihan n'yo?" at sumang-ayon lang kami kay sir.
Habang may ginagawa kami ni Keonna, may napansin akong nakadungaw sa bintana. Namula agad yung mga pisngi ko nang makita si Ali.
"Huy, Katte! Anong background color pwede kong ilagay dito?!" natauhan ako nang marinig ko si Keonna.
Nahiya akong sabihin yung kulay at inassist ko narin siya agad na ako na yung ibang maglalagay ng elements.
"Anong nangyayari sa'yo? Sino ba-" napatingin din si Keonna sa bintana at nakita nyang parang nanlilisik yung mata sa kanya ni Ali. "Ah-uhm, sino siya?"
Nahiya agad ako at hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakita na lang namin na bigla na lang siyang pumasok dito sa lab.
"Hey, Katte!" masayang bati niya sa akin. Nginitian ko naman siya. Pero, agad siyang nawala sa mood nang makita niya si Keonna.
"Uhm, hello?" bati naman ni Keonna sa kanya at sinimangutan lang siya ni Ali. Anong nangyayari sa kanya?
"Katte, later sa recess, sabay tayong kumain, ha?" masigla niyang pagkatanong sa akin at tumango lang ako.
"Tatapusin ko lang 'tong ginagawa namin ni Keonna, tapos kakain tayo mamaya," sabi ko sa kanya.
Pinagpatuloy na namin ni Keonna yung ginagawa namin. Si Ali naman, nakikipag-usap sa tito niyang si sir. Habang tinatapos namin ni Keonna yung website, naalala ko bigla na, hindi ako tinawag ni Ali sa nickname ko na ginawa niya? Bakit tinawag niya lang ako sa pangalan ko, at hindi Blue? Parang hindi ako sanay. Ano kayang ibig sabihin nun?
Kapag may part na hindi kayang ayusin ni Keonna, ako na yung nag-aayos. Pero sa isang banda, agad kong napansin yung maling part, kaya napatong ko yung kamay ko sa kanya habang gina-guide ko siya sa pag-control ng mouse. Natuwa kami ni Keonna nang gumana nga yung gusto naming gawin sa website namin.
Mayamaya, biglang may humila ng kamay ko, at agad akong dinala sa labas.
"A-Ali," gulat kong tawag sa kanya. Akala ko, sa labas lang ng computer lab namin niya ako dadalhin. Pero, nagmamadali siyang maglakad habang hawak niya yung kamay ko. "H-huy! Ali! May ginagawa pa kami-"
"Like what?! Ginagawang kalokohan!" sigaw ni Ali sa akin.
"Ano? Anong kalokohan? Gumagawa lang kami ng website do'n ni Keonna-"
"Shut up! Just go with me!" sagot ni Ali sa akin.
"S-saan naman tayo pupunta?" tanong ko at tuluy-tuloy lang si Ali sa paglalakad nang mabilis habang hawak pa rin niya yung kamay ko.
Mayamaya, tumigil na siya at huminto na kami rito sa isang puno na may pwedeng upuan. Nagulat ako na unti-unting umiyak si Ali.
"A-Ali..." natulala kong tanong sa kanya. "Bakit? Bakit ka umiiyak?"
"You really don't know?" agaran niyang sagot sa akin. "Or, you're just freaking numb?"
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Diretsuhin mo na nga lang ako, Ali. Bakit ka nga umiiyak? Napano ka? May nagawa ba akong mali sa'yo?" at tuluy-tuloy lang siya sa pag-iyak. "Ano?! Sagutin mo ako! Wala akong ideya kung bakit mo nararamdaman 'yan. Kung anumang yung dahilan mo, kung bakit mo nararamdaman 'yan, handa akong damayan ka, Ali. Kasi-"
Natigilan ako. Eto na ba yung tamang oras para umamin ako sa kanya? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko at sobra yung kabang nararamdaman ko. Nahihiya at namumula ako, na, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
Bahala na! Kung anong maging resulta pagkatapos kong sabihin yung nararamdaman ko sa kanya. Tatanggapin ko. Pero, pakiramdam ko, wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Sa sobrang ganda niya, sa sobrang rangya ng buhay niya, sino ako para panghimasukan yung buhay niya?
"K-kasi...gu-"
Kaya ko to...kaya mo 'tong sabihin, Katte...
"G-gusto kitang damayan bilang kaibigan," lintik! Hindi ko kayang sabihin.
Pasensya na kung naduwag ako, Ali. Pasensya na kung nahihirapan akong sabihin kung ano talaga yung totoong nararamdaman ko sa'yo. Mahirap magkagusto sa isang taong tulad mo. Masyado kang mataas para sa akin. Kaya, hindi ko alam kung , may pag-asa pa nga ba talaga ako sa'yo.
"Would you really like to know, why am I crying?" malamig niyang tugon sa akin. "B-because..."
Bigla akong kinabahan sa kung anumang sasabihin niya. Parang hindi ko alam yung mararamdaman ko, kung malulungkot ba ako, o sasaya ba ako. Basta nangunguna yung kaba sa lahat ng nararamdaman ko.
"Wala lang!" sabay ngumiti siya na parang walang nangyari. "C'mon! Mag-shopping na lang tayo," sinabi lang niya at hinila na naman niya ako palabas.
'Ano ba talagang nangyayari sa'yo, Ali? Bakit ka ganyan? Kanina lang, umiiyak ka, pero ngayon, parang wala lang sa'yo yung nararamdaman mo kanina. May kailangan ba akong malaman? Ano yung pagkakamali ko sa'yo? Kung anuman yung nagawa kong mali, handa akong tanggapin kung anuman yung parusa mo. Ngayon pa lang, patawarin mo na ako, Ali,' sa isip ko habang hinihila niya pa rin ako papalabas.
[ALI'S POV]
As usual, palagi na akong maaga to visit Blue. Excited na akong makita siya! Although almost all the time, nakikita ko nga siya. But, it still feels like new to me.
Nang papunta na ako sa kanila, I quickly gazed to their computer lab. Malayo pa lang, nakikita ko na siya, kaya, masaya akong nagmadaling tumakbo papunta sa lab nila.
But, suddenly, I was shocked by what I see. May kasama pala si Ali at, silang dalawa lang yung magkatabi?!
Namula ako bigla sa inis, kaya bigla na akong pumasok sa lab.
"Hey, Katte!" I happily greeted her. But, my mood suddenly changed when I see that girl. Yung feeling na, gusto mo siyang balatan nang buhay? Ganun. Hmp!
"Uhm, hello?" sagot sa akin ng babaeng 'to. I just rolled my eyes on her.
"Katte, later sa recess, sabay tayong kumain, ha?" masaya kong aya sa kanya. But, don't you dare mess with me, and I can kill you with tons of bread.
"Tatapusin ko lang 'tong ginagawa namin ni Keonna, tapos kakain tayo mamaya," sagot niya lang sa akin.
Fine! Edi, kayo na.
It seems like there is a storm in my mind, while thinking of them. But, at the same time, nalulungkot din ako. Mas nalungkot ako nang maisip ko, na, why should I feel this? Is this a jealousy? If so, what is my right to feel this? Mag-friends lang kami ni Katte. Hindi pa kami nag-e-excel to the next level. Kaya, somehow, I feel guilt about this.
"Mukhang malalim yung iniisip ng pamangkin ko, ah?" bungad sa akin ni tito Mikmik.
Speaking of, kaya ko nga pala siya tito, because his full name is Mikael Nierves Ramos. Anak siya ni lola Miranda, and yung tatay ng daddy ko, which is si lolo Almiro, are siblings. In short, magpinsan sina tito Mikmik and si daddy. Gets nyo? Hehe.
"Sort of, tito," I replied habang nakatingin pa rin kina Katte at kung sinumang babaeng 'yan.
Nagbalik-tingin si tito sa amin nina Katte at nung kasama niya. Then, I suddenly saw he grinned.
"Hmm...mukhang may something sa inyo nung student ko ah?" sabi lang ni tito.
I feel like I blushed, then I replied, "W-wala po tito, ah!"
"Sus! Wala raw. May asawa na ako, Rei. Kaya, alam ko kung paano ma-inlove sa isang tao," at lalong namula ako sa sinabi ni tito.
I have nothing to escape. Agad nga talaga akong nahuli ni tito, kaya, I just told him the truth. Na, may feelings pa lang ako kay Katte, but we are not lovers yet.
"Kailan mo pa naramdaman 'yan? At, alam ba nina Alvin 'yan?" he refers to my daddy. Umiling lang ako sa kanya.
"Tito, please, 'wag mo sana 'tong sabihin sa kanila. For sure, papagalitan nila ako. Worst, baka palayasin nila ako sa bahay. They hate gays, tito Mikmik. I can't afford to lose them," sinabi ko kay tito at naiiyak na lang ako.
"Pero, hindi mo rin kayang pakawalan si Katte, tama ba?"
Natigilan ako sa sinabi ni tito. Of course, because I like her. But, I also love my family. So, I just still remain silent to her.
"Wag kang mag-alala, Ali. Hindi ko sasabihin sa kanila. Kasi, dapat, ikaw ang magsabi sa pamilya mo," my uncle added. "At, anuman yung kasarian mo, tanggap kita, Alisonne Verei. Isa ka sa mga pamangkin ko na nakagaanan ko ng loob. At, pamilya pa rin kita. Kaya, tanggap kita," sabi ni tito kaya, mas lalo akong naiyak at niyakap lang ako ni tito.
"T-Thank you po, tito Mikmik..." naiiyak kong pagkasabi. First time kong ma-share yung totoo kong feelings sa isa sa mga kamag-anak ko. And, I'm lucky to share that with my favorite uncle in my whole life.
Umalis na si tito at iche-check daw muna niya yung mga naiwan niyang students sa room. While, me, staring at the girl I like, it seems like a tough journey to pursue her.
Suddenly, I saw Katte guiding that girl to control the mouse. Wala ba 'yang mga kamay para gawin na lang niya sa sarili niya?! Need pa talagang magpahawak sa bebe ko!
At, aba! Hindi pa siya nakuntento. She quickly laughs hard with her. I just can't take this anymore. Kaya, kinuha ko na yung kamay ni Katte at nagmadali akong kaladkarin siya palabas.
"A-Ali...H-huy! Ali! May ginagawa pa kami-"
"Like what?! Ginagawang kalokohan!" I shouted.
"Ano? Anong kalokohan? Gumagawa lang kami ng website do'n ni Keonna-"
"Shut up! Just go with me!" I cutted her line.
"S-saan naman tayo pupunta?" tanong niya sakin, but I just don't mind what she said. I just continue to dragging her away from that girl.
Suddenly, I decided to stop her at the farthest tree I could. But, I can't help but to let go of my feelings. I cried so hard that I can't almost bear with it.
"A-Ali...bakit? Bakit ka umiiyak?"
'Why am I crying, Katte, huh? Because, I feel jealous! Nagseselos ako sa inyo ng babaeng 'yon! Nahihirapan na akong makita kayo na gano'n. The harder part? Twing naiisip kong hindi naman tayo, pero bakit nagseselos ako?! I have no rights to feel this way! And you know, the worst part? I can't even introduce you to my family as the one I like. Just still on freaking friends! I hate this! I hate this feeling...' I all said on my mind.
"You really don't know? Or, you're just freaking numb?" I just replied.
"Diretsuhin mo na nga lang ako, Ali. Bakit ka nga umiiyak? Napano ka? May nagawa ba akong mali sa'yo?" Katte said, and I just keep my tears flowing like a river. "Ano?! Sagutin mo ako! Wala akong ideya kung bakit mo nararamdaman 'yan. Kung anumang yung dahilan mo, kung bakit mo nararamdaman 'yan, handa akong damayan ka, Ali. Kasi-"
My heart suddenly skipped the beat. Because what? What are you trying to say?
"K-kasi...G-gusto kitang damayan bilang kaibigan," she replied.
I felt like my heart ripped like a pieces. I bursted out my tears, and I always asking myself, 'Why? Why you can't like me? Bakit hanggang kaibigan lang yung turing mo sa akin? Nasasaktan ako...'
"Would you really like to know, why am I crying?" malamig niyang tugon sa akin. "B-because..."
Sasabihin ko na ba yung totoo kong nararamdaman sa kanya Is this the right time to confess with her? What am I supposed to do?
"Wala lang!" I suddenly smiled like there's nothing happened. Kung manhid ka, mas magiging manhid ako sa'yo. "C'mon! Mag-shopping na lang tayo," sabi ko lang, then I suddenly grab her hand and walked away again.
'Someday, I can tell everything to you. But, I just decided, to leave what it is. To just remain friends. In this way, I can keep my eye on you. Even if you don't like me back, my heart still keeps beating for you. I like you, Katte...'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top