CHAPTER 7: Be Fearless To Share
[ALI'S POV]
When I finally got at home, as usual, papagalitan na naman ako ni Daddy. Even in the slightest minutes, once na lagpas na sa 7pm curfew ni Daddy, magagalit na siya.
"Araw-araw na lang ba, Alisonne?! You supposed to come back right away from your class! Puro choir na naman kasi 'yang inaatupag mo. How many times should I tell you to quit from that nonsense choir?" bungad ni daddy sa akin. I have nothing to do but to let my tears fall down.
"I'm sorry, daddy," I just said. "But, sumaglit lang din naman ako sa house ng friend ko, kaya ganitong oras na po ako nakauwi."
"Aba! At may lakas ng loob ka pang sabihin na gumala ka pa kasama ng kaibigan mo? Sino 'yan? Lalake ba 'yan?!" asked by daddy.
"She's a girl, daddy, no worries," I replied.
"Good. But, next time, kung kaninong bahay ka man bibisita, magpaalam ka pa rin. I-update mo ako palagi kung nasaan ka, o kung anong ginagawa mo, ok?" and I just nodded.
"But, daddy, I have some favor. Pwede bang bumisita yung friend ko na yun here tomorrow?"
"What time?"
"7pm."
"Ok. Better na siya ang mag-adjust kesa sa'yo. Babae naman 'yan kaya, ayos lang," sagot ni daddy at napangiti ako sa kanya.
"Yehey! Thank you, daddy," sabi ko sabay niyakap si daddy sa excitement. I suddenly feel that daddy hugged me back, and I smiled sweetly.
************************************
[KATTE'S POV]
"Nak? Gising na."
Nagising ako sa tawag ni mama sa akin. Kahit kakagising ko lang, naaalimpungatan pa rin ako. Konting oras lang ulit yung tinulog ko, kasi bumisita rito kagabi yung crush ko hehe. Ok lang na mapuyat, ang importante, nakasama ko naman siya.
"Ma, may tanong sana ako."
"Ano 'yun, 'nak?" sagot ni mama sa akin.
"Gabi na po ba?"
"Ha? Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Eh, kapag gabi kasi, pwede raw ako makabisita kina Ali-"
"Ayieeeeeee!" asar ni mama sa akin sabay niyugyog niya ako. Bigla tuloy nagising yung diwa ko at yung natitirang antok sa katawan ko. "Naku, nak! Kung may super powers lang ako, gagawin ko na agad gumabi para sa'yo hahaha! O siya, dalian mo na dyan, at baka ma-late ka pa sa klase n'yo. Ano ba first subject n'yo ngayon?"
"P.E lang namin, ma. Kaya, ok lang ma-late-" sabay binatukan ako ni mama.
"Anong pwedeng ma-late? No! Bumangon ka na dyan, o 'di kita papayagang makipagkita kay Ali mamaya?" sabi ni mama kaya agad na talaga akong bumangon. Baka totohanin ni mama yung sinabi niya, eh. Sinamaan ko lang nang tingin si mama habang tatawa-tawa siya ngayon.
Nag-ayos na ako ng sarili ko at kumain muna ng hinandang almusal ni mama. Naghanda lang siya ng binili niyang pandesal, corned beef na may sibuyas, at ham and cheese omelette. Nang matapos akong kumain, nagpaalam na ako kay mama para pumasok sa school.
Pagkarating ko sa school, nandun na yung mga kasamahan ko. May rule nga pala kami na kapag hindi ka nakasuot ng P.E uniform, lahat ng 'yon, magti-tiktok. Makalimutin ako, pero never kong dadalhin yun dito sa P.E class namin, at lalung lalong hindi ako marunong sumayaw, kaya, no.
"Alam na, yung mga hindi naka-P.E dyan, ha! Yari kayo sa akin mamaya pagkatapos nitong klase," sabi ni Mr. Tolentino at nagtawanan lang silang lahat. "Since nandito na tayong lahat sa field, mag-umpisa na tayo. Magbato-bato-pick kayo, at kung sinong mananalo, yun ang Team A. Kung sino naman ang matatalo, yun ang Team B. Best of 5 tayo, ha? At yung mananalong team, of course, 100 points for today's activity. 80 points naman para sa matatalong team," announcement ni sir sa amin.
Volleyball nga pala yung sports namin this sem. And, luckily, medyo ok naman sakin 'to at nakapaglaro na ako ng volleyball na ako dati nung junior high.
Nagsimula na kami. Nakalaro ko muna ng bato-bato pick yung kaklase kong babae. Tahimik lang din 'to tulad ko. Mabuti naman, at hindi mapapagod yung bibig ko magsalita. After namin maglaro, bato ako at gunting siya. Kaya, obvious namang panalo ako.
Nang makatapos na rin maglaro yung lahat, pinaghiwalay na kami ng grupo. Kasama ako sa Team A. At kung minamalas nga naman, isa sa mga kasamahan ko yung reklamadora kong kaklase.
"Nandito ka na naman. Baka matalo lang yung grupo natin dahil sa'yo, tulad nung binagsak mo yung dati nating group activity," sabi ng babaeng 'yan sabay inirapan ako. Sige lang. Kahit irapan niya ako nang ilang beses, wala naman akong pake sa kanya. Umirap lang siya dyan hanggang sa mapagod na mata niyan.
"Katte, hayaan mo sila," sabat sa akin ng tahimik kong kaklase na nakalaro ko kanina. "Wag mo na lang patulan."
Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko 'tong babaeng 'to o hindi. Nang pakiramdam kong gusto kong sumagot, bigla nang nag-announce si sir na magsisimula na ang laban. Unang nag-serve yung kabilang team. Agad yun nasalo ng pinakamatangkad na lalake sa amin, at nag-umpisa nang mapagpasa-pasahan yung bola.
Nakita kong papunta na yung bola dun sa maingay kong kaklase. Napansin kong parang wala siyang balak gawin at gusto lang umiwas sa bola. Kaya, nagkaroon ako ng pagkakataon para saluhin ang bola. Kaso, hindi siya agad umalis kaya, bigla kong natapakan yung rubber shoes niya. Na-distract ako sa tili niya kaya nawala bigla yung atensyon ko sa bola kaya, natumba na lang 'yon sa base namin. Nagkaroon tuloy ng puntos yung kabilang team at nagsipag-ingayan sila.
"What have you done to my shoes?!" angal niya at sinamaan ko lang siya nang tingin. "Kita mo? Ang dumi-dumi na! Bayaran mo 'to," dagdag pa niya at hindi ko na lang siya pinansin.
Tatanga-tanga kasi. Hindi agad umalis. Mas importante pa sapatos niya kesa sa laro. Tch.
Next round na at nagsimula ulit kami. Ang kabilang team ulit ang nag-serve ng bola at mukhang mahina lang yung bumato, kaya mas natyantya ng mga mas malapit sa net yung paparating na bola. Napagpasa-pasahan namin yun hanggang sa biglang nag-strike ng bola yung kasamahan namin. Walang naging palag yung kabila kaya, nakuha namin yung puntos para doon.
Sumunod naman, kami naman yung magser-serve ng bola. Imbis na yung tahimik kong kaklase ang mag-serve ng bola, biglang nagbida-bida yung maingay at maarte kong kaklase.
"May I try?" sabi niya sabay kinuha yung bola mula sa babaeng 'yon. Nakakabanas yung boses niya, lintik. Nang sinubukan niyang mag-serve ng bola, mukhang sablay 'yon sabay tumili na lang siya. Mabuti na lang at alerto ako kaya, naisalba ko yung bola at successful kong nabato ss kalaban. Kaya, nagsimula na ulit pagpasa-pasahan yung bola.
Nang paparating na yung bola, napansin kong papalapit na yun sa babaeng bida-bida kanina. Tumingin muna siya sa akin sabay sinamaan niya ako nang tingin. Sabay, sinubukan niyang ihagis yung bola, pero sablay na tumagilid lang yung pagkahagis niya.
Laking gulat ko sa nahagisan niya ng bola. Lintik! Si Ali.
Kaya, hindi ako nakapagtimpi at kinwelyuhan ko bigla yung babaeng bida-bidang 'to.
"Hindi ako nakikialam sa ibang tao, pero kung papakialaman mo yung taong importante sa akin, pasensyahan na lang tayo," mahina pero nanggagalaiti ko nang pagkasabi sa kanya.
"B-bitawan mo nga ako! You make me feel scared!" sagot lang niya sa akin at lalo kong hinigpitan yung pagkakapit ko sa tshirt niya.
Narinig kong pumito bigla yung teacher namin.
"Katte! Recca! Ano 'yan?! Magkakampi pa man din kayo tapos, kayo pa yung nag-aaway?" dinig kong sabi ni sir.
Napatingin na lang ako agad kay Ali na ngayon ay nakahawak na sa ulo niya na naapektuhan. Bigla siyang lumapit sabay sinubukan niya kaming awatin.
"Blue, 'wag mo na siyang saktan. I'm fine, and konti lang naman yung impact sa akin," sabi ni Ali sabay sinubukan niyang hilahin yung kamay ko sa pagkakahawak ko kay Recca. Kusang sumunod lang yung kamay ko sa ginagawa ni Ali Dahan-dahang nakakalas na yung kamay ko sa taong bumato ng bola sa taong gusto ko.
Nakita ko namang pinagpag ni Recca yung tshirt niya at sinamaan lang ako ng tingin, sabay inirapan pa. Binaling ko na lang kay Ali yung atensyon ko nang hindi na ako ma-high blood sa babaeng 'yan.
"Sigurado ka? Ok ka lang?" sabay hawak ko sa kanang ulo ni Ali.
Tumango lang siya sabay sinabing, "Yeah, and go! You may continue to play. Papanoorin lang kita. Cheer up!" sabi ni Ali sabay nginitian niya ako.
Napanatag naman ako sa sinabi ni Ali kaya, tipid lang akong ngumiti sa kanya. Umalis na si Ali at nagsimula na ulit ang laro.
Twing may pagkakataon ako para saluhin yung bola, lilingunin ko muna si Ali sabay hinahagis ko nang malakas yung bola, para hindi agad makasalo yung kalaban. Kapag nagkakapuntos kami, nakikita kong masaya at napapatalon pa si Ali. Kaya, napapangiti na lang ako sa twing nakikita ko siyang masaya.
After ng ilang sets, ang team A namin yung nanalo. Nagyakapan silang lahat. Samantalang ako, agad akong napatakbo kay Ali sabay niyakap ko siya sa tuwa. Naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik kaya, mas napangiti tuloy ako sa ginawa niya.
"Congrats, Blue!" bati ni Ali sa akin. "You're so great!"
"Salamat," sabay napangiti ako sa kanya. "Ngapala, anong ginagawa mo rito? 'Di ba, mamaya pa yung klase n'yo?"
"Why? Ayaw mo bang nandito ako?" sagot lang niya at natawa naman ako.
"Hindi naman sa ganun. Curious lang ako," nasabi ko na lang.
"Uhm, nothing. I just want to visit you," sabi niya at feeling ko, namula tuloy ako sa sinabi niya. "After ba ng P.E n'yo, may class ulit kayo?"
"Oo, eh," sagot ko. "Kaya, paano ka?"
"No worries, mag-i-stay muna ako sa theater, and makapag-practice na rin ng piece," sagot niya kaya, napanatag naman ako. "Sige, mauna na muna ako, ha? Bye!" sabi niya sabay, bigla siyang nakipag-beso sa akin.
Nagulat ako sa ginawa niya at napahawak agad ako sa pisngi ko. Pakiramdam ko, namumula pa rin yung pisngi ko. Napangiti na lang ako at sumunod na sa mga kasamahan ko na nagsisipagbalikan na sa classroom.
************************************
Kung dati, parang ang bilis lang ng oras, pakiramdam ko ngayon, ang bagal-bagal na. Hindi ako makapaghintay makasama ulit si Ali. Feeling ko minsan, gusto ko na lang na kasama ko na lang siya palagi, o di kaya, magka-classmate na lang kami para palagi ko siyang nakikita. Eh kaso, hindi. Kaya, wala akong magagawa. Wala akong magawa kundi isipin na lang muna siya twing nami-miss ko siya.
Kakakita lang namin kanina pero miss ko na agad, eh, 'no? Wala lang, siguro, malakas na talaga yung tama ko sa kanya. Kahit parang ang bilis ko lang siya magustuhan, sa unang beses na nakita ko siya, pero grabe na yung impact niya sa akin.
Para sa akin, siya na yung babaeng gusto kong makasama habangbuhay.
Habang nagkaklase pa rin yung teacher namin sa Media and Information Literacy, parang lumilipad pa rin yung isip ko. Iniisip ko kung, hanggang saan 'to? Hanggang saan yung feelings ko? May pag-asa kaya ako sa kanya? Ang hirap mag-take ng risk.
"Katte? Are you still with us?" napalingon ako agad sa sinabi ni Ma'am Valdez. "Kanina pa kita tinatawag, pero hindi ka sumasagot. I am just asking a question for you. Again, give me one of the risks of personal usage of Social Media."
Lintik! Kanina pa pala ako tinatawag ni ma'am. Ayan, Ali pa, hahaha!
"One of the risks of personal usage of Social Media is Cyberbullying. Cyberbullying is an act of bullying that someone uses technology to harass others. Some of the targets of the perpetrator are being poor, a PWD, being a member of LGBTQ+ community, and a lot more. This act should be stop because a lot of people is affected, and technology should be used for improvement and make our lives easier. Not to always feel the fear, trauma, and emotional pain due to cyberbullying. We should help ourselves. We should fight for what is right. And also, we should help someone who is experiencing this through online," paliwanag ko sabay nagpalakpakan naman silang lahat.
"Very well said, Katte," sabi ni ma'am Valdez. "In addition, isa sa mga makakatulong para labanan ang Cyberbullying ay ang Media Literacy. Importante, na may alam ang mga kabataan tungkol sa tamang pag-utilize ng social media. Kailangan din ninyong maintindihan ang tungkol sa Cyberbullying at ang ilang mga paraan para malampasan ito. If anyone is experiencing this type of scenario, don't hesitate to reach us, ok? And, kaming mga teacher, parang kami na rin yung second parent ninyo. Kaya, ayaw ko ni isa man sa inyo, ang makaranas ng bullying, o pati pa man mambully, on any ways or platforms it was," dagdag pa ni ma'am. "Anyway, anything else? Yes, Kyla..."
May point naman si ma'am. Dapat nirereport talaga sa kanila 'yang mga insidenteng tulad niyan. Nakakalungkot nga lang isipin na, hindi lahat, may lakas ng loob na magsalita. Hindi rin naman basta-basta yun para sa isang victim, lalo na kung pagbabantaan pa siya ng nambubully. Pero, hopefully, darating din yung right time, na magkakaroon na sila ng lakas ng loob magsumbong. Pati na rin maipagtanggol yung sarili nila.
Kasi, kung gaganyanin nila ako? Huh! Subukan lang nila, at baka personal ko silang sugurin at pagbabasagin mga cellphone nila. Haha!
***********************************
Makalipas ang ilang oras, sa wakas! Uwian na namin. Pero, ngapala, may trabaho pa nga pala ako. Nakakainis naman. Gustuhin ko mang dalawin naman si Ali sa classroom nila pero, may ilan na akong mga client na nagrereklamo kasi, lagi akong late sa trabaho. Kaya, next time na lang, pag may tyempong mabait na client.
[ALI'S POV]
After a long hours in class, finally! Uwian na. Ganito rin ba yung nafi-feel ni Blue everytime uwian na? Haha! Can't wait to meet her again.
Nagka-chat kami kanina nung recess namin, in-update niya ako na busy pa siya sa work that time. Pero, never siyang magiging busy pagdating sa akin, hihi! How sweet!
We also talked about that we will meet after ng practice namin sa theater. I think, ganito na lagi magiging gawain namin. I'm so happy to make my day with her. And I hope, it never ends.
"Hoy, beshy! Ano na naman 'yang nginingiti-ngiti mo dyan, ha?" said by my beshy, Elle. "Sus! Backread-backread pa, tapos ngingiti nanaman, oh! Wala naman kayong label! Hahaha!"
"Shhh! Ano ka ba, beshy," I whispered. "Baka may makarinig sa'yo sa lakas ng ingay ng bunganga mo!" and tinawanan niya lang ako, hmp!
"Etong mga Soprano na 'to, imbis nagpa-practice, nagchichikahan na naman!" si Jara. "Bakit? Ano ba 'yan? Pabulong din, bunso!"
See? Makiki-chismis ka rin pala.
"Beshy, si Jara lang 'to. Hindi naman 'to maingay, 'di ba?" sabi ni Elle then she and Jara made some teasing looks.
"Syempre, naman!" sabay ngisi ni Jara. "Ano bang bagong chismis ngayon, aber?!"
"Uhm...kasi," I sighed heavily, then said, "I-I have a crush-"
"Ahhhhhhh!" tili ni Jara but her low voice can still be heard. "Sino?!" "Nandito ba? O sa klase n'yo? Hahahaha!"
Sa mga sinabi ni Jara, everyone is paying attention to us now. Bigla tuloy akong nahiya and I feel regret na sinabi ko pa sa kanya. Hays.
"Sige na, beshy! Kami-kami lang naman 'to, hahaha! Parang pamilya mo na rin kami, 'di ba? Kaya, i-share mo na sa kanilang lahat!" sabi pa ni Elle, then I just look at her with a pouted lips.
"Uhm, s-si Blue..." I confessed. And my heart is currently shaking like a leaf.
"Ha? Sinong Blue?" takang tanong ni Jara.
"Yung babaeng color blue na buhok na maikli? Na meron pang salamin," si Elle na yung sumagot para sakin.
Suddenly, Jara gasps then said, "Si Katte?! Hahahaha!" natatawang sabi lang ni Jara. "Alam mo ba? Na-"
Jara is saying something na, parang may meaning. What's that? What did she knows that I should be heard? Naputol lang yung sinasabi niya when Blue entered.
"Na, ano?" segway ni Blue. They just stared at each other, and moved away. Like, what's going on?!
Nag-remind si Kelly na, i-continue na lang namin yung practice namin. But, I'm still bothered sa pinag-uusapan nina Blue and Jara.
'Be professional, Ali. Focus!' I said in my mind, then tinuruan ko na lang sila sa current piece namin.
A few minutes later, tapos na yung practice namin. But, kakatapos lang din ng conversation nina Blue and Jara. What did they talked about? And, how close they are to talk about something? Gosh! I really hate my overthinking mind.
Afterwards, lumapit na si Blue sa akin.
"Tapos na kayo?" Blue asked then I just lamely nodded. "So, tara na?" she said then she suddenly grabs my hand!
I'm torn between to be mad at her, and to make my heart fluttered. Narinig namin kaagad yung pang-aasar ng mga choirmates ko, and also their teasing looks. Before pa ako makaramdam nang sobrang kahihiyan, hinila na ako ni Blue, and we went away.
While we are walking, I can't stop looking to our hands. Napangiti ako pero, agad kong naalala na may something silang pinag-usapan ni Jara na hindi ko alam. Kaya, bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin.
"Bakit?" she suddenly confused. "May problema ba?"
"Nothing," I just answered.
"Weh? Ano ba yun?" she asked again but, I just shrugged my head.
"Let's just go to our house," I just said. Pero, tiningnan muna ako ni Blue before niya paandarin yung motor niya. Then, she guided me to sit on the motor.
"Kapit ka," sabi niya, but I just hold onto the tail of this motor. "Alisonne, kumapit ka sa akin. Baka mahulog ka dyan," I just shocked that she mentioned my full name.
Honestly, nagtatampo ako sa kanya. She didn't tell anything kasi, kung anumang pinag-usapan nila ni Jara meanwhile. But, my hand seems a traitor, and just go around Blue's waist. Then, we just get started to moved.
Hopefully, you can tell to me everything later on.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top