CHAPTER 5: Message in a Strum
[Ali's POV]
I'm still intrigued of whose this message comes from. Suddenly, I just make myself reply to it.
[Alisonne: Sino ka?]
[Ru By: Hulaan mo haha]
What? Mukha ba akong manghuhula? Hahaha!
[Alisonne: Lah siya, nagpapahula pa hahaha!]
[Ru By: Ako 'to. Si Katte. Yung nagpa-picture sa'yo sa theater dati?]
OMG! Si Blue.
[Alisonne: Blue! Ikaw pala yan! Hihihi.]
[Ru By: Blue? Haha. Ikaw, ah. May CS ka na agad sa akin.]
[Alisonne: CS? What's CS? Carbonara and Spaghetti? Yummy!]
[Ru By: Tanga. Call Sign]
Aba! Na-tanga pa ako neto. Hmp!
[Alisonne: Hey! Ang lakas mo maka-tanga dyan, pero ikaw 'tong may atraso pa sa akin.]
[Ru by: Huh? Anong atraso ko sa'yo?]
[Alisonne: Remember? You sprayed the bidet to me! Akala mo, nakalimutan ko 'yun?]
[Ru by: Ikaw, ah. Hindi mo ako nakakalimutan haha!]
Lah? It's just about the incident, not you. Assuming!
[Ru by: Pero, tungkol dun. Eh 'di, sorry. Alam ko, na ikaw yung nauna at naglaglag ng bag sa ulo ko, pero, sorry pa rin. Kasi, ginantihan pa kita. 'Wag ka na magalit, uwu.]
Hihi! Nung nag-'uwu' siya, ang cute niya do'n, infairness!
[Ru by: Hoy.]
[Ru by: Luh. Ayaw na niya mag-reply, oh.]
[Ru by: Galit ka ba?]
Balakajan. Galit-galitan mode me here.
[Ru by: Kumusta ka?]
That last chat of her made my mood changed. I admit. I'm still not feeling well. Pero, ayaw ko ng kumalat pa 'tong problem ko sa iba. Lalo na kay Blue. Of course kasi, kakakilala lang namin. Tapos, ishe-share ko agad yung mga problems ko? Enough na sa akin ang may kausap ako kahit papaano. In that way, I'll temporarily distract myself from random thoughts again.
I sigh heavily first, make a short smile, then finally replied to her.
[Alisonne: Yeah! No worries, I'm fine. Alam mo? Nung unang beses kong marinig yung voice mo? It's so cool! And, ang lalim pa niya. Sa sobrang lalim, bagay ka pang-Alto. Do you usually sing?]
[Ru By: Hindi ako marunong kumanta hehe.]
[Alisonne: Sus! Nahihiya ka lang hihi!]
[Ru By: Oo nga. Seryoso ako. Hindi man ako marunong kumanta pero, bawi naman ako sa pagtutugtog ng gitara.]
[Alisonne: Oh! Really? You play a guitar? That's nice!]
[Ru By: Haha! Salamat. Gusto mo ng sample?]
[Alisonne: Sure! Go ahead. Gusto mo, mag-video call pa tayo?]
[Ru By: Wag. Nahihiya ako. Ang panget ko.]
Hihihi! She's really cute.
[Alisonne: Ang kulit mo talaga, ano? I just told you before how beautiful you are. Kaya, sige na. Video call na tayo hihi!]
[Ru By: Hindi ko talaga kaya, eh. Sorry. Mag-send na lang ako ng video sa'yo. Wait.]
Ano ba 'yan siya! I'm so excited to see her and watch how she plays guitar. For me, ang hirap kaya nun. Kaya, naa-amaze akong malaman na tumutugtog pala si Blue ng guitar. I tried to play it once but, hindi talaga siya para sa akin. Piano talaga yung forte ko.
After waiting for a few minutes, finally! Katte sent a video to me. Upon clicking it, I heard the strum of a familiar song. Yung Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar.
[KATTE'S POV]
Kinakabahan ako. Paano kung hindi niya magustuhan yung sinend kong video? Ano kayang sign niya? Virgo ba siya? Kung Virgo siya, lintik! Baka perfectionist yun. Baka tawanan lang niya ako kasi, may namali ata akong nota.
Kaya, chineck ko agad yung birthday niya. July 23, 2004. Ahh, Leo pala siya. Pisces naman ako. Compatible kaya kami?
Maya ko na nga i-check! Unahin ko muna kung tama yung video na sinend ko.
Pinakinggan ko yung pagtugtog ng gitara ko sa video. Sabay, sinabayan ko na sa isip ko lang yung lyrics ng kanta.
Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
'Di tulad sa'yo, imposible
Prinsesa ka, ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita, wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangarap lang kita
Ok kaya 'to para sa kanya? Pwede na nga 'yan, bahala na!
[ALI'S POV]
Habang pinapakinggan ko yung video niya, with my earphones in my ears, it feels like I'm top of the clouds. Ang sarap din makatulog sa ganitong music. Hihi!
Sinabayan ko na yung 2nd verse ng song.
Ang hirap maging babae
Kung torpe yung babae
Kahit may gusto ka, 'di mo masabi
Hindi ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya 'di maaari
At kahit mahal kita, wala ako magagawa
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita
I intentionally changed the lyrics from "kung torpe yung lalaki" to "kung torpe yung babae." Sa girls lang talaga ako interested, ih.
But, to be honest, I'm interested to know Blue better. I don't exactly know. Probably, because she just plays guitar. And, I'm gladly want to hear another one from her.
I almost didn't notice na nagta-type na pala ako para mag-reply sa kanya.
[Alisonne: That's great! I really like it. Ang galing mo hihi!]
[Ru By: Salamat hehe.]
[Alisonne: Pwede ba akong mag-request ng isa pa?]
[Ru By: Anong kanta?]
[Alisonne: Anything. Basta, galing sa'yo]
[Ru By: Ok, sige sige. Wait, magse-send ulit ako ng video.]
[Alisonne: Sure! Excited na ako sa next song mo hihi!]
After a few minutes, akala ko, magse-send na si Blue ng video. But, her recent reply makes me smile.
[Ru By: Uhm, kung gusto mo, pumunta ka na lang dito sa bahay?]
[Alisonne: Of course! Better nga na sa personal ko marinig yung pagtugtog mo ng guitar. When can I visit?]
[Ru By: Ikaw bahala hehe.]
[Alisonne: Tomorrow evening. Ok lang?]
[Ru By: Sige sige.]
OMG! I can't wait to hear her strum more!
[KATTE'S POV]
Nang matapos ko mapakinggan yung video ko, pinakita ko naman kay mama yun.
"Ok na ba 'yan, ma?"
"Aba, syempre naman, 'nak! Ang galing mong magpatugtog ng gitara, oh. Siguro 'pag ako nag-try nyan, unang pitik, talsik lahat ng kable ng gitara mo hahahaha!"
Kable ampotek. Strings kasi tawag dun, ma. Pasaway ka talaga haha!
Mayamaya, nag-reply na si Ali sa akin.
[Alisonne: That's great! I really like it. Ang galing mo hihi!]
Napatikom ako ng bibig sabay napangiti nang makita ko yung reply niya.
Sumilip si mama sa reply ni Ali, sabay sabing, "May pa-that's great pang nalalaman, oh! Sus! Dyan nagsisimula 'yan hahaha!"
Natawa na lang ako sa sinabi ni mama at nag-reply na ako kay Ali.
[Ru By: Salamat hehe.]
[Alisonne: Pwede ba akong mag-request ng isa pa?]
[Ru By: Anong kanta?]
[Alisonne: Anything. Basta, galing sa'yo]
'Anything. Basta, galing sa'yo,' ulit kong basa ng huling reply ni Ali sa isip ko.
"Ahhhhh!" sabay hinampas ako ni mama.
"Ano ba 'yan, ma?! Haha!" si mama kasi, parang mas kinikilig pa kaysa sa akin.
"Uyyyy! Anything, basta galing sa'yo daw hahahaha!" sabay hampas ulit ni mama sa akin.
[Ru By: Ok, sige sige. Wait, magse-send ulit ako ng video.]
"Ano ba 'yan, 'nak?!"
"Oh? Bakit, ma?"
"Bakit video lang? Dalhin mo na 'yan dito sa bahay nang makilala ko na 'yang babae mo. Dali!" udyok ni mama sa akin.
"Ma, naman, nakakahiya!" tutol ko kay mama.
"Anong nakakahiya? Hindi pwede 'yan. Paano ka makaka-first move nyan kung paiiralin mo yung hiya mo? Bente anyos ka na, dalaga ka na. Dalaga rin 'yang si Ali, eh 'di perfect! Sunggaban mo na hahahaha!"
Kinilabutan ako sa sunggaban na term ni mama haha.
"Pero, ma-"
"Papapuntahin mo 'yan dito? O palalayasin kita?" banta ni mama sa akin. Grabe, papalayasin talaga? OA naman nito ni mama haha.
"Ma, inaalala ko lang din, eh paano kung hindi siya pumayag?"
"Hindi ka pa nga nagtatanong, eh. Paano mo malalaman?" sagot agad ni mama sa akin.
Wala lang. Nakakahiya kasi talaga, eh.
"Ano? Sasabihin mo? O hahablutin ko 'yang cellphone mo, at ako na mag-rereply sa kanya?" tanong ni mama sa akin. "Akin na nga yan-" tangkang agaw ni mama sa cellphone ko, pero binawi ko naman kaagad 'yun.
"E-eto na ma, aayain ko na!" sabi ko at nararamdaman kong pulang pula na yung mukha ko sa kahihiyan.
[Ru By: Uhm, kung gusto mo, pumunta ka na lang dito sa bahay?]
"O, ayan na ma, ah!" sabi ko kay mama sabay pinatitig ko sa mata niya yung cellphone ko. Agad namang napatili si mama sa nakita niya. "Pag talaga hindi pumayag 'tong si Ali, nilalagay mo ako sa kahihiyan, ma."
"Papayag 'yan! Pustahan pa tayo, eh. Deal?" sabi ni mama sabay napailing na lang ako at natawa.
[Alisonne: Of course! Better nga na sa personal ko marinig yung pagtugtog mo ng guitar. When can I visit?]
"Ahhhhh!" sabay hampas ulit ni mama sa akin sa balikat ko.
"Ma! Nakakailan ka na, ha," sabi ko kay mama pero tatawa-tawa lang siya. Tch.
"Ano 'yung naririnig kong ingay dyan?"
Si papa! Dumating na pala siya.
"Pa!" sabay lapit ko kay papa at nagmano sa kanya. "Eto kasing si mama, kanina pa nanghahampas."
"Mahal, naman. Bakit mo naman hinahampas 'yung anak natin?" takang tanong ni papa.
"Ayan kasing anak mo, may babae na! Hahaha!" natatawang sagot ni mama kay papa.
"Totoo ba 'yun, 'nak? May girlfriend ka na?" baling ni papa sa akin sabay ngumiti siya. "Ano pang hinihintay mo? Papuntahin mo na siya rito."
"Mama naman kasi, eh," sabay baling ko kay mama. "Ang assuming mo. Hindi ko pa naman girlfriend," nasabi ko na lang tuloy kay mama.
"Hindi 'pa'," diin ni mama sa word na 'pa'. "Eh 'di nag-aassume ka rin? Hahahaha! Ok lang 'yan, 'nak. Napagdaanan ko na 'yan. Expert na ako dyan! Nag-of course na nga sa'yo si Ali, oh? Hahahaha!" at si papa naman napagtripan niyang hampasin.
"Ikaw talaga, ang kulit talaga ng asawa ko," sabay kuha ni papa sa kamay ni mama at pumunta na sila sa kusina. "Bahala ka na dumiskarte dyan, 'nak. Una na muna kaming kumain ni mama mo," sabi ni papa at napangiti lang ako sa kanya.
Nang makaalis na sila, saka na ako nakapag-reply ulit kay Ali.
[Ru By: Ikaw bahala hehe.]
[Alisonne: Tomorrow evening. Ok lang?]
[Ru By: Sige sige.]
Hindi pa rin ako makapaniwala na bibisita si Ali rito bukas. Napapangiti pa rin ako habang binabalik-balikan yung naging usapan namin. Pagkatapos, napagpasyahan ko nang sumunod kina mama at papa sa kusina para kumain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top