CHAPTER 4: Part of the Family

[ALI'S POV]

          Music really helps to relief from everything that burdens me. Currently, nagpapatugtog ako ng isa sa mga favorite kong patugtugin, ang All is Calm from Dennis Alexander. Habang nagpapatugtog ako, napatingin ako sa mga audience. Then, I suddenly saw Blue. Yun yung nag-spray ng bidet sa akin kanina huhu. Blue yung tawag ko sa kanya because of her cool, blue hair, that's it. Saka, hindi ko pa rin kasi knows yung name niya hihi. So, ayun na lang.

          But, right now, she's currently talking with Jara. For what? Close ba sila? Kelan pa? I know, it's none of my business pero, wala. I'm just curious. Buti na lang, kaya ko mag-multitask. I'm playing a piano while having just a random thoughts in my mind.

          Napansin ko na bigla na lang umalis si Blue. May away ba sila ni Jara? Then, why? I also noticed na nag-stop si Blue sa bandang exit. Then, she finally leave after that. What happened ba? Tatanungin ko na nga lang si Jara later.

          Nang matapos na ako sa pagtugtog, everyone praised and clapped for me. Ngumiti naman ako sa kanilang lahat then I go at the backstage. Doon, sinalubong ako ng mga kasamahan ko sa Soprano team.

          "Congrats, beshy! Ang galing mo talaga magpatugtog ng piano," Elle said. Ngumiti lang ako sa kanya at binati rin ako ng iba pa naming kasamahan.

          Usually, every after performance, makikipag-chikahan pa ako kina Elle or sa iba naming kasamahan. But, this is the only time na hindi ko ginawa yun because, I'm upset of something. Kaya, kunwaring inaral ko na lang yung piece namin. Kahit later pa naman talaga yung panibagong practice namin.

          "Huy, beshy! Mamaya pa yung practice natin, ah? Ang sipag mo namang leader hahaha!" sabi ni Elle.

          "Y-yeah, for advance hehe," sagot ko na lang.

          "Weh? Ano nga? Anong meron? Parang 'di ako sanay na ganyan ka, eh. Sanay akong ka-chismisan ka hahaha!" sabi ni Elle but I still continuing to review our piece. Kahit eme lang, and I didn't really studying it. "Huy! Ano? Ghost ba ako rito? Oy, alam mong 'di ako ghoster si crush lang 'yun. Uy, beshy naman. Ok ka lang ba? O, nagtatampo ka ba sa akin-"

          Bigla na lang akong umiyak kaya, nataranta silang lahat.

          "Hoy, Elle! Anong ginawa mo dyan? Lagot ka!" sabi ni Riry.

          "Bakit mo ginaganyan bestfriend ko, Elle? Tell me why?" si Kelly naman.

          "Ain't nothing but a heartache," sagot ni Elle.

          "Tell me, why?" Kelly again.

          "Ain't nothing but a mistake," Elle again.

          "Hahaha! Tell me, why?!"

          "I never wanna hear you, say."

          "I want it that way," at nagsabay pa silang dalawa kumanta. Hey! Drama moment ko pa, oh? Mas lalo tuloy akong naiiyak.

         "Loko ka talaga, Kelly! Hahaha!" Elle said. "Pero, huy, mabalik sa'yo, beshy. Ano nga? May problema ka ba? Magsabi ka lang sa amin, handa kaming makinig sa'yo," at inakbayan niya ako.

          I told them yung nangyari sa usapan namin ni Daddy before. Sinabi ko sa kanila na hindi ako sinu-support ni Daddy sa music journey ko.

          "Prefer niya na, mag-take daw ako ng Engineering, or to become an Attorney. Anything na professional daw, kaysa sa ginagawa natin dito," I sadly said.

          "Ano?" si Jara. "Magiging professional din naman tayo, ah? Pwede tayong maging professional singer, choirmaster, director, o kung ano pa mang role na related sa ginagawa natin. We can also paid off from our hardwork and passion sa music. Anong akala ng tatay mo, laro-laro lang 'tong ginagawa natin?" at napangisi siya. "'Wag kang makinig sa tatay mo. Sundin mo kung ano talagang gusto mo. Ipaglaban mo kung anong nagpapasaya sa'yo," advice ni Jara sa akin.

          "Tama si Jara, Ali," si Tristan naman, our Tenor leader. "Andito ka na. Aside sa bahay n'yo, eto na yung 2nd home mo. Parte ka na ng pamilya namin dito sa choir kaya, bakit ka pa bibitaw, 'di ba? Kumapit ka lang, at manindigan ka sa desisyon mo. Pero, ipapaalala ko lang na, nagpapayo lang kami sa'yo. Nasa sa'yo pa rin yung huling desisyon kung susundin mo ba yung daddy mo? O susundin mo yung pangarap mo talaga," advice niya sa akin.

          "Thank you," I replied. "I will think of it."

          Hopefully, mapag-isipan ko nga talaga ito. For me, it's hard to choose between my family and career. But, I think, mas madali na lang sana ito. If from the start, naka-support na si Daddy sa akin. But, hindi naman, and he always insists to pursue any course that I don't like. How can I deal with this?

          "Hayaan mo, Ali. Ililibre na lang kita next week para sumaya ka," si Elle. "G?"

          I suddenly nod at Elle. Niyakap lang niya ako after nun.

          I really appreciate na sinusuportahan ako ng mga kasamahan ko sa choir. I always feel na kahit anong mangyari, nandyan lang sila sa tabi ko. Somehow, I feel quite better now.

[KATTE'S POV]

          Lunes na pero hanggang ngayon, banas pa rin ako sa kasamahan ni Ali. Paano ba naman? Ang ayos-ayos kong nakikinig sa pagtugtog ni Ali nung Sabado, eh. Tapos eepal siya?

          Pero, close kaya sila ni Ali? Malamang, tinuturing nga nilang bunso, eh. Hayaan ko na nga lang. Pero, paano ako makaka-first move nito?

          Yayain ko kaya siya ng date? Kaso, maarte ba siya? High maintenance ba siya? O pwede na lang siya sa tabi-tabi?

          "Huy, 'nak! Lalim ng iniisip mo ah, hahaha!" si mama. "'Wag mo na siyang isipin, wala namang pake sa'yo 'yun haha!"

          Sinamaan ko lang siya nang tingin sabay hampas ni mama sa akin. "Syempre, joke lang, 'nak! Hahaha! For sure, iniisip ka rin nun, yieeee! Ano ulit name nun? Alisha? Alyza? Alezia-"

          "Ali na lang, ma," sabay napahawak na lang ako sa batok ko. "Paano ko ba siya ia-approach ulit, ma? Magka-schoolmate nga kami, pero magkaiba naman kami ng schedule. Pang-umaga kami, panghapon sila. Kung sa Sabado ko pa siya makikita ulit, hindi na ako makapaghintay, ma. Gusto ko na siyang makita ulit," sunud-sunod kong sabi kay mama.

          "Katte, naiintindihan ko naman na gusto mo na talagang makita yung taong gusto mo. Pero, may trabaho ka pa twing tanghali, 'di ba? Kaya, tiisin mo muna, 'nak. Ganun talaga 'pag may gusto kang isang babae. Handa kang magtiis at maghintay para sa kanya. Para, sa huli, worth it yung paghihintay mo sa kanya," payo ni mama sa akin.

          "Ma?"

          "O, bakit?"

          "Parang ang lalim ng hugot mo dun ah, hahaha!" nasabi ko na lang, at natawa lang si mama. "Siguro, ganun po kayo kay papa, 'no?" sabay ngisi ko.

          Ngumiti lang si mama sabay sabing, "Sige na, 'nak. Ang dami pang hugasin. Mauna ka na sa school mo, at ako naman, maghuhugas na rito, ha?" sabi niya lang at hindi pa ako tapos magsalita, umalis na kaagad si mama. Minsan, may pagka-weird din si mama, eh. Tulad nyan, kakausapin ko pa sana, biglang umalis kaagad haha.

          Napagpasyahan ko na lang umalis at nag-motor na papasok ng school.

************************************
          Dating gawi, mag-lelesson lang ng kung ano-ano, at bago yung favorite class ko sa computer lab, isa rin sa gusto ko yung recess. Syempre, pahinga ko na rin yun, eh. Kapag pumupunta ako sa canteen, ako lang mag-isa palagi. Wala lang. Ayoko lang talaga yung may kasama ako. Maliban sa naiilang ako, hindi pa ako komportable. Kaya, masaya at may peace of mind na ako kapag mag-isa lang ako at walang lumalapit sa akin.

          Pero, kung si Ali yung lalapit sa akin? Syempre, pwedeng pwede. Crush ko yun, eh. Kaso, ayaw ko nga lang lumapit sa kanya. Wala, ewan ko ba. Gusto ng puso ko na lapitan siya, pero ayaw naman kumilos ng katawan ko kasi, iniisip ko yung kahihiyan. Ang gulo ko.

          Speaking of, pagkakuha ko ng pagkain ko, nakita ko sa bandang gilid, si Ali?!

          Ginalaw ko pa talaga yung salamin ko kung totoo ba yung nakikita ko. At, siya nga! Kaso, may kausap siya. Teka, parang pamilyar sa akin 'yang kasama niya? Bahala na nga, wala naman akong pake dyan. Kay Ali lang ako may pake.

          Para makita ko pa rin si Ali, pumwesto ako ng 3 mesa ang layo mula sa kanila. Napangiti tuloy ako nang makita si Ali.

          'Akala ko ba, panghapon ka? Bakit, ngayon pa lang, andito ka na?' sa isip ko sabay napangiti ako sa pagsubo ko ng isang kutsarang kanin na may pinakbet. 'Ang ganda mo talaga,' sabay nangingisi akong mag-isa dito sa tabi.

          Napatingin naman ako sa kasama niya at agad akong na-badtrip. Pero, parang nakita ko na talaga yan, eh. Ah, taga-choir nga din pala 'yan. Alam ko yung mukha, pero hindi ko lang alam pangalan niya.

          'Sana, ako na lang yung nasa pwesto ng babaeng 'yun. Sana, kaharap ko na lang si Ali ngayon. At sana, mayakap ko rin siya,' sa isip ko.

          Nang masabi ko lahat ng yun sa isip ko, nagulat ako nang biglang magyakapan silang dalawa. At, talagang kailan ko pa makita 'yan? No. Hindi ako affected. Yakap lang 'yan, as a friend. Nothing else.

          Hindi ko na tinapos yung pagkain ko. Agad na akong nainis at umalis sa nakita ko. Pero, hindi pa ako nakakalayo, lumingon ulit ako at nakikita ko pa rin sila. This time, nakaakbay na yung babaeng 'yun kay Ali. Lintik! Bahala nga kayo dyan.

[ALI'S POV]

          I'm currently with Elle at the canteen as she said to treat me. I know kung gaano siya kuripot, kaya naa-appreciate ko yung paglibre niya sa akin ngayon.

          "Anong sa'yo, beshy?" Elle asked.

          "Hmm...spaghetti lang, please," sagot ko sa kanya.

          "Eh? Ayan lang? Kumain ka ng kanin, beshy. Importante yun," sabi niya. But, I insist, that one is enough for me. Inorder na lang niya kung anong gusto ko.

          Dapat mamaya pa yung class namin. Then later on, may practice naman kami sa theater. Sa schedule namin, magkaiba pa yung lunch namin. So, we go early here para magkasabay kami kumain.

          Nang maka-order na rin si Elle, dinala na namin yung food namin sa table. Caldereta naman yung food niya na may soup. We started eating after we placed everything here.

          "Masaya ka na ba talaga dyan, beshy?" tanong ni Elle sa akin.

          "For what?" I innocently asked.

          "Sa inorder mo. Parang nakukulangan talaga ako sa spaghetti lang," sabi niya at natawa tuloy ako.

          "Beshy? Ikaw ba yung kakain?" then I suddenly laugh again.

          Natawa na lang din siya. Then, she said, "Pero, mabalik tayo dun sa issue mo, beshy. Nakapag-decide ka na ba?"

          I swirled the noodles then I replied, "It's already 2 days, and I'm still thinking of it, Elleizia. Para sa akin, it's like a dilemma. Ineexpect ni daddy na sooner or later, aalis na talaga ako sa choir natin," my tears suddenly drops. I just let it and never wiped it. "But, how can I leave my 2nd family? I know, na bago lang ako sa inyo. But, you already treated me like I'm become part of the family for years. And, I do value it, Elle. Lalong mahal ko ang pagkanta. It's too hard to just throw away my dreams in one click," sabi ko sabay bigla na lang akong niyakap ni Elle.

          "Naiintindihan kita, Ali," sabi ni Elle sa akin. "Sige lang, ilabas mo lang 'yan. Nandito lang ako para sa'yo. Paulit-ulit kong ipapaalala sa'yo na mahalaga ka sa amin, at hinding hindi ka namin susukuan, unless ikaw ang unang sumuko sa amin. Anumang magiging desisyon mo, rerespetuhin namin 'yun. Tahan na," sagot ni Elle sa akin. My tears keep flowing until this time.

          After that, tinabi ni Elle yung mga upuan namin. Inakbayan naman niya ako sabay sabing, "Kung naiiyak ka, beshy, mas naiiyak ako. Alam ko, na bago lang tayong mag-bestfriend, pero parang kapatid na kita. Kaya, nahahawa tuloy ako sa'yo," at nakita ko nga na may luha rin siya kaya natawa tuloy ako.

          Habang nagkukwentuhan pa kami ni Elle, I suddenly saw her.

          "Blue?!"

          Napalingon tuloy si Elle sa harapan. "Blue? Anong blue, beshy?" she asked.

          I saw Blue 20 feet away from our location. Nakatalikod siya habang nagmamadaling umalis. Is she already here a while ago? My eyes are as sharp as an eagle eye. Pero, bakit hindi ko siya agad napansin kanina?

          "Hindi ko ma-gets, Beshy. Baka naman, kakaiba yung nakikita mo, ha? Tanghaling tapat, beshy! Imposibleng may mumu dito sa ganitong oras," sabi ni Elle.

          "She's not mumu, beshy. Remember? Yung babaeng color blue yung hair na nagpa-picture sa akin before? Nung time na tinawag mo na ako nung aalis na tayo papunta sa restaurant," I explained. Parang ngayo n lang nagsi-sync in kay Elle yung mga sinabi ko.

          "Ahh...siya lang pala. Saan mo siya banda nakita?" she asked then I quickly point it out. "Ha?! Doon sa dulong punong yun?" Elle also said then I suddenly nodded. "Grabe! Nakakatakot na talaga yung mata mo, beshy! Akin na nga lang yan, linaw talaga ng mata mo. Para makita ko na agad crush ko sa ABM! Hahaha!"

          Natawa lang ako sa sinabi niya. But, dig deeper in my heart, I still feel sadness.
************************************
          After ng class namin ni Elle, dumiretso na kami sa theater. Naka-form into groups na ang Tenor at Bass para aralin ang piece na para sa kanila. While sa group ko in Soprano, kami na lang pala ni Elle ang hinihintay.

          "Sorry kung na-late kami, guys. Nag-retouch pa kasi nang bongga 'tong leader natin hahaha!" cover up ni Elle sa akin. But, I just can't stop my emotional breakdown a while ago. Kaya, binuhos ko muna kay Elle lahat. Afterwards, we rest for a while then go direct here.

          "Maganda ka na, Ali, 'no! Kaya, no need na mag-retouch haha," si Gwen, Soprano 2.

          "Oo nga. Kaya, tara na! Mag-practice na tayo," si Steffie naman, Soprano 1.

          We now get started. Nag-remind ako sa kanila na ilabas nila yung mga piece nila. I also get mine and quickly scanned it. Kung dati, mabilis ko lang naiintindihan yung pyesa, ngayon, parang nahihirapan akong mag-focus. Naiisip ko pa rin yung mga sinabi ni Daddy sa akin.

          "Ali, paano yung tamang tono dito?" Riry, from Soprano 2, asked. Then she sings, "Paraiso, make the world understand? Or, understand?" I heard the first one flat.

          I didn't responded to her. Nakatulala lang ako habang nag-iisip ng kung ano-ano.

          "Tama yung pangalawa, Riry," Kelly, also from Soprano 2, saved me. "Alisonne, focus. Naiintindihan namin na may pinagdadaanan kang problema. Pero, kapag oras ng practice, umayos ka. Leader ka pa man din namin."

          "Kelly-"

          "No, Elle," pigil ko kay Elle. "She has a point. I'm sorry," then I bitterly smile. "But, no worries, I can handle this. Let's go ahead and study our piece. On this part..."

          Pinagpatuloy na namin yung practice. Nag-guide ako sa kanila at kino-correct ko yung mga notes nila. As a leader, I need to handle my members rather than mine. Kaya, hindi ko dapat dinadala yung problema ko rito.

************************************
          After a hard, long time of practice, nagpahinga na muna kami. Katabi ko lang si Elle habang nakikipagdaldalan muna siya sa ka-group namin. While, here I am, just browsing the social media.

         Habang nag-i-scroll down ako sa newsfeed, I suddenly receive a friend request.

          "Ru By?" I read that name. Then, I look at the profile picture. It seems familiar, para siyang character sa isang online game? I forgot what kind of game is that.

          I do also receive an inbox from her.

[Ru by: Hi.]

          Who's this?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top