CHAPTER 3: All Is Calm

[ALI'S POV]

          When I finally came to our mansion, nakita ko na agad na nakasimangot si daddy sa akin.

           "It's too late, Alisonne!" bungad ni daddy sa akin. "What's happening on you? Bakit naglalakwatsa ka na disoras ng gabi? What else are you doing this night?!"

          "D-daddy..." I stuttered. "I just mentioned it earlier. Kasama ko lang po yung mga colleague ko sa choir."

          "Choir? Huh!" then Daddy smirks. "Anong mapapala mo dyan? Pakanta-kanta ka lang naman. Is there any essence of joining that kind of b*llsh*t?!" at bigla na lang akong napaluha sa sinabi ni daddy. "Alisonne, hindi ka mapapakain nyan balang araw. Dapat, mag-abogada ka! O, Engineer! O kung anumang profession na mas may silbi kaysa dyan sa pinaggagagawa mo," singhal ni daddy sa akin and I just remain silent. "Alisonne, as your father, I'm just thinking of what's the best para sa future mo. Kaya, 'wag mo sanang masamain 'yung mga sinasabi ko sa'yo. Naiintindihan mo?" I just nod at him. "Good. Kaya, ineexpect kong sooner or later, aalis ka na sa choir na 'yan," sabi ni Daddy at bigla na lang siyang umalis.

          I bursted out my tears at napaupo na lang ako sa sofa. Ang sakit na ayaw ni daddy sa pagsali ko sa choir. Nasasaktan ako na para sa kanya, wala lang 'yung mga pinaggagagawa ko sa choir. Ang hirap kayang maging member ng choir, lalo na ang maging Soprano leader. Aside sa mag-memorize kami ng mga pyesa, kailangan ko pang i-share sa ka-team ko kung paano pag-aralan yung pyesang 'yun. And, as a new leader, nahihirapan pa ako minsan sa pag-deliver ng kung anumang naiintindihan ko, kung paano i-execute yung pyesang 'yun. Ang hirap, na paulit-ulit kaming bumabalik sa umpisa sa twing may isang note lang kami na nagkamali. Kaya, nasasaktan ako na, parang wala lang kay daddy yung paghihirap ko as a choir member and leader.

          Dito pa lang, hindi na supportive si daddy sa akin. Paano pa kaya kung ire-reveal ko na lang basta-basta yung gender ko? I know how homophobic si daddy, based sa mga shine-share niyang post and caption sa FB. Kaya, if ever man na malaman niya ang totoo, for sure, he will make me leave this place. Pandidirihan niya ako, hindi niya ako kikilalanin bilang anak. Halos gabi-gabi ko 'yun iniisip, and whatever happened on this night, mas dadagdag pa sa mga iisipin ko mamaya.

          Ang hirap maging ganito, ang hirap maging overthinker. Ang hirap mag-isip ng kung ano-ano. Even if I try to distract myself, even if I try to stop thinking so much, but I can't. Hindi ko mapigilan 'yung luha ko ngayon. It just keep flowing, with the pain that I feel from the deepest of my heart.

          Mayamaya, biglang dumating si mommy. I suddenly wiped my tears. Tinabihan lang niya ako at tinapik niya ako sa likod.

          "Are you ok, Ali?"

          "Mommy, bakit po ganun si daddy? Why he keep insists to do the things that I don't want?" sagot ko kay mommy at inakbayan na niya ako.

          "Hayaan mo na si daddy mo. Nandito pa rin naman ako, Ali. Susuportahan kita kung anumang gusto mo. Lalo na, pangarap mong makilala ka ng lahat bilang singer, 'di ba? Kaya, ituloy mo lang kung anumang nasimulan mo, ok?" sabi ni mommy.

          "Thank you, mommy," at napangiti ako sabay niyakap si mommy.

          "'Wag ka nang umiyak, 'nak, ha?" sabi ni mommy sabay pinunasan niya yung mga natira ko pang luha. "Nandito lang si mommy," sabay nginitian ako ni mommy. "Kita mo o, ang ganda ng suot mo ngayon tapos iiyak ka lang," at natawa tuloy kami ni mommy sabay kumalas na kami sa pagkakayakap. Napatingin tuloy ako sa suot ko ngayon na pink fairy dress.

           "At lalong ang ganda mo rin, manang mana ka sa akin! Siguro, marami ka ng manliligaw, 'no? Hahaha!" biro ni mommy sa akin.

          "Hahaha! Wala pa nga po mommy, eh," wala pa ring nanliligaw na babae sa akin hihi!

          "Ha? Anong wala? Imposibleng walang lalaking nanliligaw sayo ngayon sa ganda mong yan, 'nak!"

          Pilit lang akong napangiti sa sinabi ni mommy. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya about sa gender ko. I know how kind and supportive mommy is. Pero, hindi ko nga lang alam kung susuportahan pa rin ba niya ako. If ever, I will finally came out, and malalaman niyang sa kapwa babae lang din ako interested. I really don't know what will be her reaction. Kaya, until now, hindi pa rin ako nagsasabi sa kanya.

          "Uhm, sige mommy, I'll go up to my room po muna," nasabi ko na lang kay mommy sabay beso sa kanya. Nginitian lang ako ni mommy. Pagkatalikod ko, napaluha ako sabay tuluyan nang umakyat papunta sa room ko.

          Pagpasok ko, bumungad sa akin yung pink bedroom ko. I really do love pink. Because for me, it symbolizes love and sweetness. This color saves me from the bitterness of my life.

          Agad na akong humiga sa kama ko at binuhos ko ang lahat-lahat ng sama ng loob ko sa unan ko.

[KATTE'S POV]

          Dalawang araw na yung nakalipas, pero siya pa rin yung iniisip ko. Napangisi tuloy ako habang  chine-check ko si Beta.

          "Ano? Ok na ba 'yan, Katte?" tanong ni mama sa akin mula sa pinto. Nag-sign lang ako ng ok sa kanya at ginawa niya rin haha. "Sige, ingat ka sa byahe, ha!" at tumango lang ako kay mama. Saka ko na sinakyan 'tong si Beta sabay umalis.

          Ngapala, Beta yung pinangalan ko sa motor ko kasi, may kakulay na isda 'to. Yung gradient blue na fighter fish, na tinatawag din na Betta fish. Eh, sakto, may meaning din yung Beta sa computer. Yun kasi yung software na under development pa. Ginagamit 'yon during software release at pinapang-test 'yon para pwede ireport yung mga problema. Example, may mga apps or games na under beta. Pwede pa rin magamit 'yon para ma-check kung anong pwede nilang ma-report na problem sa app or game na 'yon. Way din 'yon para mag-improve yung specific app na under Beta version.

          Kakaisip ko sa kanya, ay sa ano pala sa Beta, nakarating na ako sa school. Nakasuot pa ako ng pambahay at hindi pa uniform kasi, palda 'tong uniform namin. Nahihirapan ako 'pag nakapalda magmotor, kaya naka-blue pants muna ako at white tshirt. Nag-park na muna ako sa parking lot ng school at pumunta na sa CR para magbihis.

          Pagkarating ko sa CR, nilapag ko muna yung blue bag ko malapit sa sink at nagsalamin muna ako. Nagsuklay lang ako at nagtali ng buhok. Saka na ako pumasok sa loob ng cubicle at hinubad ko na yung white tshirt at pants ko. Ang natira na lang yung sando saka blue mini shorts ko.

          Nang kukunin ko na sana yung bag ko, lintik! Akala ko, nasabit ko na 'yon dito sa pintuan. Kaya, dahan-dahan kong binuksan yung pintuan para i-check kung may tao. Laking gulat ko sa taong nakikita ko sa salamin ngayon. Si Ali, yung crush ko!

          "Hi!" Masayang bati niya sa akin habang naglalagay siya ng peach lipgloss. Sa gulat ko ay bigla ko siyang sinaraduhan ng pinto. "Hey! What's wrong?"

          "S-sorry!" nauutal at mahiya-hiya kong sagot sa kanya. "Ah, pwede bang paabot ng bag ko dyan? Dali!"

          "Oh, oki!" Narinig kong sagot ni Ali mula sa labas.

          Bigla na lang akong may naramdamang mabigat sa ulo ko. Lintik! Hinagis niya pala papunta rito.

          "Hihihi!" dinig kong tawa niya. Pasaway ka pala, ha? Napangisi tuloy ako sa bigla kong naisip gawin.

          Pagkatapos kong magmadaling magbihis, binuksan ko na yung pintuan. Bilang ganti sa kanya, kinuha ko yung bidet sabay pinindot 'yon para basain siya.

          "Ahhhh!" Sigaw niya sabay hagalpak tuloy ako ng tawa habang pinagtitripan siya. "Bad ka! Hahaha!" sabay piga niya sa blonde hair niya.

          "O, sino ba sa atin yung nauna?" sabay ngisi ko sa kanya.

          "Che!" sabi na lang niya sabay dinilaan niya ako.

          "Ah, nang-aasar ka pa?" at sinabuyan ko ulit siya ng tubig at napahiyaw na naman siya. Buti walang ibang tao maliban sa amin kundi, madadamay pa sila hahaha! Natatawang umalis si Ali at hindi ko rin tuloy mapigilan yung tawa ko ngayon.

          Matapos lang yung klase namin mamaya, yari ka ulit sa akin!

***********************************
          Makalipas ang ilang oras, tapos na yung klase namin. Gusto ko sanang puntahan si Ali ngayon kaso, may trabaho pa nga pala ako. Pero, bahala na! Saglit lang naman, eh. Gusto ko muna siyang makita bago ako tuluyang umuwi.

          Usually, every Saturday lang talaga ako bumibisita sa theater. Kasi, yun lang talaga ang available day ko. Kaya, first time kong gagawin na bumisita on weekdays, para lang makita ko siya. Ganyan ka kahalaga sa akin, Ali. Tapos hahagisan mo lang ako ng bag? Haha!

          Nang makarating na ako sa theater, sa entrance pa lang, naririnig ko na yung tugtog ng piano. Teka, parang familiar sa akin yung tinutugtog? Wait, pasok nga muna ako bago ko isipin ulit kung ano.

          Pagpasok ko, hindi lang pala yung music ang familiar. Pati rin pala yung tumutugtog dito. Napaupo muna ako sa tabi habang pinagmamasdan si Ali. Napakagaling niya tumugtog ng piano. Nakakagaan at nakakakalma yung pinapatugtog niya ngayon. Saka ko lang naalala na pinapatugtog niya ngayon yung All is Calm ni Dennis Alexander. Kaya, mas hinahangaan ko tuloy siya ngayon.

          "Ang galing niya, 'no?" sabay ngisi sa akin ng kung sino man 'to. "Last week lang 'yan nagsimula sa amin, pero naging Soprano leader na kaagad siya."

          Ano? Soprano leader? Grabe, bilib talaga ako kay Ali! Sabi na, bagong salta lang siya rito, eh. Pero, hindi ko ineexpect na ganun na agad yung achievement niya in a span of a week.

          "Jara nga pala," sabi niya sabay nakipagkamay siya sa akin. Hindi ko inabot yung kamay niya. Simple lang, wala lang akong pake sa kanya. "Ok, eh 'di wag," sabay bawi niya sa kamay niya. "Alam mo? Palagi kitang napapansin dito every week. Pero, himala? Pumunta ka ngayong Lunes. Anong meron?" sabay ngisi niya sa akin sabay napatingin kay Ali.

          Mukhang nakakahalata 'tong mokong na 'to ah.

          "Alam ko na yung mga galawang ganyan. May girlfriend na ako, eh. Kaya, alam ko rin, at malakas ang radar ko, na interesado ka sa bunso namin," sabay kilatis niya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hmm...mukha ka namang disente. Maganda, matangkad, at-"

          "Dami mong sinasabi, umalis ka na nga!" pagpapalayas ko sa kanya. Lintik! Hindi tuloy ako maka-focus sa pakikinig kay Ali dahil sa'yo.

          "Oh!" sabay napangisi ulit siya. "Ganda ng boses mo ah, ang lalim. Pwede ka sa akin," sabay napangiti siya. "Ako ang Alto leader dito, at based sa boses mo, pwede ka as Alto 1. Ano? Sali ka?"

          Ano? Ako? Sasali sa choir nila? Yes, nandito nga si Ali. Pero, ayoko namang sumali sa isang bagay na umpisa pa lang, hindi ko naman kaya. Kilala ko ang sarili ko. Ever since, hindi talaga ako marunong kumanta at sintunado ako. Kaya, "No. I'm not interested."

          "Talaga? Kahit nandito naman yung totoong pakay mo?" sabay lingon niya ulit kay Ali. Lintik! Balak pa ata akong i-blackmail neto.

          Sa banas ko, agad na lang akong nag-walk out. Pero, agad din akong napahinto sa exit. Hindi ko na maaninag mula sa malayo si Ali. Pero, naririnig ko pa rin yung pagtugtog niya kaya, umaliwalas ang mukha ko at napangiti ako sa kanya.

          Babalikan kita, Ali. Araw-araw kitang susuportahan, kahit hindi ko na kailangan pang sumali sa inyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top