CHAPTER 2: It's Nice To Meet You

[KATTE'S POV]

          Kinabukasan, maaga akong nagising. Kahit na mamayang hapon pa yung performance sa theater, inagahan ko kasi, excited na talaga akong mapanood sila. Nagbihis na muna ako ng t-shirt at pantalon. Saka na ako magpapalit ng dress mamaya. Nagpaalam na ako kay mama para umalis.

          "Ingat ka sa daan," bilin ni mama sa akin. Tumango lang ako at nginitian ko siya. Sumakay na ako ng motor ko sabay umalis.

          Nang makarating na ako sa theater ngayon, pumunta muna ako sa CR para magbihis. Pagkalabas ko, hindi pa ako tumuloy sa loob kasi, wala pa namang palabas. Kaya, umupo muna ako sa isa sa mga bench dito. Para iwas inip, naglaro muna ako ng ML. Fighter nga pala lagi yung role ko, kasi wala, dun na ako sanay, eh. Sisiw lang palagi yung mga weak kong kalaban hahaha!

          "Oops! Sorry," dinig kong boses ng babae habang nakatutok ako sa paglalaro. May naramdaman akong bumagsak na something na malambot sa paa ko. Agad din namang nawala 'yon sabay sabing, "My bad, pakalat-kalat kasi yung handkerchief ko hihi!"

          Hindi ko siya pinansin kasi, maliban sa wala akong pake sa kanya, nakatutok lang ako sa paglalaro. Wala naman na akong narinig pang sumunod at naramdaman kong umalis na siya. Buti naman. Nasu-suffocate talaga ako 'pag may iba akong katabi o kausap.

          Makalipas ang ilang oras, pwede nang magsipasok yung mga audience sa loob. Syempre, doon ako pumwesto sa harapan kasi, malabo yung mata ko, eh. Gusto kong makita kung paano sila mag-perform, kung paano nila i-handle nang magkakasama yung buong performance nila. At sigurado ako, magiging maganda 'to, mas maganda kesa nung nakaraang practice nila. Kasi ngayon ang live performance na talaga nila, kaya for sure, may improvement sa ilang weeks nilang pag-practice.

          Habang naghihintay pa rin sa palabas mamaya, nag-FB muna ako. Kung ano-anong mga nonsense meme lang yung nakikita ko. Pero, napukaw yung atensyon ko sa isang post na tungkol sa love.

          Sabi nila, ang love ay parang isang kanta. Mapapatigil at ngingiti ka sa twing naririnig mo 'yon sa labas. Dadamdamin mo kung anuman ang laman ng lyrics nito. At higit sa lahat, maaantig ka sa himig ng boses ng kumakanta nito.

          Kasalukuyan na akong nakikinig sa mga kumakantang choir ngayon. Ang sarap pakinggan yung blending ng pagkanta nila. Nakaka-relax at mapapahanga ka talaga sa husay nila sa pagkanta. Lalo na sa taong tinititigan ko ngayon.

          Mahaba at blonde ang buhok niya na may bangs, may katangkaran, at mala-prinsesa ang kanyang mukha. Hindi siya nakakasawang tingnan at sobrang ganda niya. Sino kaya siya?Halos kabisado ko na yung mga taong nagpe-perform dito sa theater. Pero, ngayon ko lang talaga siya nakita.

          Napansin ko na galing sa kanya, bigla siyang kumawala ng isang boses na pinakamataas mula sa lahat. Napadilat tuloy ako at mas lalong namangha sa kanya sa ginawa niyang 'yon. Ayun na pala ang hudyat na patapos na sila sa pagkanta. Nakipalakpak na ako habang nakatingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang isang masaya at matamis na ngiti sa harapan naming lahat.

         Halos matunaw ako rito sa kinauupuan ko nang dumapo ang paningin niya sa akin. Sa pagngiti niya sa akin, ay siyang kinakilig ng buong sistema ko.

         Pagkatapos nilang mag-perform, pumunta na sila sa backstage. Pwede ko kaya siyang lapitan mamaya? Mabait kaya siya? Approachable naman ba siya? Ang daming tanong na sunud-sunod dumarating sa isip ko ngayon. Ngayon pa lang, gusto ko na siyang makilala.

          Pero, paano? Mahiyain pa man din ako. Hindi naman ako masyadong nakikihalubilo sa ibang tao, kaya paano ko pa siya makakausap? Sana, lumakas yung loob ko kung magkaroon man ako ng opportunity makausap siya.

          Paalis na ako mula sa kinauupuan ko nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran.

          "Katte!" ulit pa sa akin ng babaeng tumawag sa akin. Kaklase ko lang pala. "Tara! Pa-picture tayo ngayon sa choir. Sama ka?" 

          Tama ba yung rinig ko? Magpapa-picture sa mga choir?

          Kahit 'di ko naman close 'tong kaklase ko, tumango lang ako hudyat na sasama ako sa kanya. Kinakabahan ako ngayon. Pero, at the same time, bigla akong na-excite! Kaya, sinuklay ko yung short blue hair ko gamit ng kamay. Chineck ko rin kung maayos tingnan sa akin 'tong navy blue dress na may long sleeves. Nabili ko lang 'to sa ukay-ukay nung nakaraan lang. Bumuntong-hininga muna ako sabay napangiti bago umalis.

          Sana makilala na kita, kung sino ka man. 

          Pagkalabas nila mula sa back stage, paalis na sila sa theater. Doon, nakaabang yung ilan sa mga magpapa-picture, at himalang isa na ako sa kanila. Wala akong pakialam na makipag-picture sa lahat ng choir member, maliban sa nag-iisang taong 'yon.

          Nang mahagilap siya ng mata ko, inayos ko pa talaga yung salamin ko kung siya nga talaga 'yon. Malamang, siya lang yung nag-iisang blonde na buhok sa kanila, eh. The rest, either black hair lang o iba yung kulay. Kaya, gusto ko na sana siyang lapitan pero, bigla akong pinangunahan ng hiya at kaba.

          "Hi!" gulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Tinuro ko pa yung sarili ko at gusto kong i-make sure kung ako nga yung tinutukoy niya. Malay n'yo, nag-aasume lang ako, 'di ba?

           Napansin kong tumango siya sa akin sabay sumenyas na lumapit daw ako sa kanya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba at excitement na makipag-picture sa kanya. Buti, naka-mask ako ngayon at hindi niya nakikita na napapangiti ako rito sa gilid hahaha!

          "Magpapa-picture ka rin ba? Come on! Where's your phone?" sabay ngiti niya nang matamis sa akin. Wala na akong ginawa kundi titigan na lang siya palagi. Sobrang perfect ng shape ng mukha niya, at nakakaadik talaga siyang tingnan. "Hey! Lutang ka ata ngayon? Hahaha!"

          "A-ay!" nasabi ko na lang sabay nanlalamig kong kinuha yung cellphone sa bulsa ko.

          "Akin na, ako na lang yung magpi-picture sa atin," sabi niya sabay sabing, "1, 2, 3!" at masaya siyang ngumiti samantalang napatulala lang ako nang matapos siyang mag-picture. "Got it! Isa pa?" at tumango lang ako. "Dapat yung wala ka namang mask! Mas maganda ka kapag tinanggal mo 'yan hihi!"

          Napa-blush ako sa sinabi niya. Kaya, napatikom ako ng bibig sabay tanggal sa mask ko.

          "O, kita mo? You're beautiful! And, ang cool din ng blue hair mo, I love it!" puri niya sa akin kaya, nahiya tuloy akong napangiti. "Let's do it again!" masaya niyang pagkasabi sabay nag-picture ulit kami. "Love these shots! Ang cute natin dito," sabay ngumiti siya. "But, I look small here. First time kong makipag-picture sa mas matangkad na babae sa akin hihi! By the way-"

          "Ali!" tawag sa kanya nung babaeng kasamahan niya sa choir. "Tara na! Magse-celebrate pa tayo kumain sa labas."

          "Oh, I'm sorry. We need to go, may celebration pa kaming buong choir, eh. It's nice to meet you, and see you again soon!" sabi niya sa akin sabay umalis na siya kasama nung babaeng tumawag sa kanya.

          Ali pala yung pangalan mo, ha. Akong bahala, hahanapin kita sa FB. Hackerist pa man din kaming mga ICT hahaha joke!

[ALI'S POV]

          Pumunta na kami ni Elle sa car ng choirmaster namin. Since marami kami, yung iba, naki-join na lang sa mga car ng iba naming mga kasama. We're in the middle part of this car. Habang nasa byahe, chikahan mode muna kami ni beshy.

          "Ang tagal mo kanina dun be, ha! " bungad ni Elle sa akin.

          "Really? I don't think so, feeling ko saglit lang naman yun," nasabi ko na lang sa kanya.

          "Saglit? Eh, ikaw na nga lang yung hinihintay namin, kakaloka ka! Pero, infairness sa'yo, bagong salta ka lang sa choir namin, dami mo na agad fans, ha? Hahaha!"

          "Hihi! Hindi naman masyado, slight lang," pa-humble eme pa ako.

          "Saka isa pang nakaka-amaze sayo, 1 week ka pa lang sa amin, nung Monday ka lang nag-start, 'di ba? Pero, after 3 days lang, leader ka na agad namin sa Soprano team. Iba ka talaga, girl, ikaw na!" at nagtawanan lang kami.

          "Of course, aalis na si Melody, 'di ba? Kaya, I'm just her replacement," sagot ko kay Elle.

          "Hoy! Hindi lang dahil dun, ano? Eh 'di sana, after ni Melody, sumunod sa kanya si Pia. Medyo matagal na rin yun sa atin. Pero, ikaw yung pinalit kasi, magaling ka talaga. At, deserve mo kung anumang pwesto mo ngayon. Kaya, proud ako sayo, be!"

          "Huhu, thank you!" at nag-hug tuloy kami.

          "Hoy, tama na yung chismisan, nandito na tayo!" suway ni Christian sa amin, yung Bass leader naman namin at natatawa na lang kaming bumaba ni Elle.

          We're all here sa isang fancy restaurant. Ang ganda ng view dito at ang lawak ng space! Super perfect dito for family, colleagues, and good sa mga mag-jowa rin. Kaso, naalala ko na, wala nga pala ako nun hehe. Sana all na lang.

          Nagsiupo na kaming lahat at nag-order na rin. Habang naghihintay kami sa mga orders namin, nagkwentuhan muna kami.

          "Congrats sa successful performance natin, guys!" announcement ni sir Fred sa amin at nagpalakpakan naman kami. "I'm so glad na nairaos natin 'yon, nang walang palya at masaya yung mga audience natin. Kaya, dahil dyan, magse-celebrate tayo ngayon. Cheers!"

          "Cheers!" sabi nila sabay taas ng mga wine nila. While me, I don't used to drink that. Kaya, tinaas ko lang yung pink lemonade juice ko, sabay nakiinom sa kanila.

          "Ngapala, sa mga bagong dating lang this week, I formally announce your new member. Also, she is the current Soprano leader. Please welcome, Ms. Alisonne Verei Nierves," pakilala ni sir Fred sa akin at nagpalakpakan naman sila.

          "Ikaw pala yung bago? Congrats, ah!" bati sa akin ni Kristoff. "Nagbakasyon kasi ako kaya, ilang weeks akong nawala. Pero, may pumalit na agad kay Melody babe ko hahaha!" at binatukan agad siya ng mga kasamahan naming lalaki.

          "G*go ka! Bata bata pa nyan, senior high pa lang 'yan, pre!" sabat naman ni Joven sa kanya.

          "Ilang taon ka na ba?" tanong ni Kristoff sa akin.

          "I'm 18," sabi ko sabay ngumiti.

          "Oh, 18 naman pala pre, eh, pwede na siya hahaha!" tatawa tawang si Kristoff at kinaltukan na lang tuloy ulit siya ng mga boys.

          I don't mind kung interested siya or yung ibang boys sa akin. Kasi, I'm just not interested to them. Mas interested pa ako sa mga girls hihi! Kaya, I'm sorry boys. I know how beautiful I am. Pero, mga beautiful lang din type ko hehehe.

          Habang nagkukwentuhan kami, dumating na nga pala yung mga order naming food. Sa pagkain namin, Kristoff is always asking random stuffs towards me.

          "May jowa ka na ba, Ali?"

          Umiling lang ako sa kanya habang ngumunguya ng pagkain.

          "Ayos! NBSB ka pala ha? Hahaha!"

          Take note, NGSB! No Girlfriend Since Birth huhuhu.

          "Tanga! NGSB 'tong beshy ko 'no," sabat ni Elle sa amin na siyang kinagulat ko. I suddenly gave her a stare look. "Sorry beshy, hihi!"

          "NGSB? As in No Girlfriend Since Birth?" obviously, gulat na gulat ang lahat, lalo na 'tong si Kristoff. "Bakla ka pala? Hahaha! Hindi halata-"

          "Ang rude mo!" sabat ni Jara sa amin, yung Alto leader namin. "Pasensya na sa kanya, Ali. Welcome ka pa rin sa amin, 'no. Marami tayong kasama rito na member din ng LGBTQ+. Kasama na ako doon. Bisexual ako. Ikaw?"

          "Lesbian ako," sabay ngumiti ako sa kanya at napangiti rin yung iba.

          "Hoy, lesbian rin ako, bestfriend! Hahaha!" sabat ni Kelly sa amin at nakisagot naman si Elle.

          "Kelly! Ako lang yung beshy ni Ali, 'no!" sabi ni Elle.

          Habang pinag-aagawan pa ako ng dalawang 'to, napaisip tuloy ako sa sinabi ni Kristoff. For him, hindi raw obvious na hindi ako straight. Well, I'm used to it. Sino nga naman mag-aakala na sa girly outfit ko daily, e baliko pala ako. Pero, hindi naman outfit yung basehan ng gender, right? It's a common stereotype na hindi na ata mawawala.

         How about someone like me? I'm Femme lesbian. I'm a girl, and I do also inlove with girls. Mahirap ba talagang mapansin yun? I'm just thinking, why they automatically think that girls should be inlove with boys only? And then, once na malalaman nilang sa kapwa babae ka pala nai-inlove, they will got shock, and will say na hindi halata. Like, what's that? They can say naman, "Oh, nice!" or "That's fine! Tell me more about it," instead of something like that.

          "Huy, be!" sabay pitik ni Elle sa harapan ko. "Halos paubos na yung pagkain ko rito be, pero hindi ka pa rin tapos dyan hahaha! Ano na naman ba 'yang iniisip mo?"

          "Uhm, n-nothing, Elle. Yung mga cats ko lang iniisip ko hihi!" pagsisinungaling ko sa kanya. I will just keep my thoughts in my mind.

          "Sus! Yun lang pala. Akin na nga 'yan, tutulungan na kitang kumain," sabi na lang ni Elle at kumuha siya ng ilang pagkain galing sa plate ko.

          I know, na bestfriend ko si Elle. Pero, we're just bestfriends for almost a week. Nag-click kasi agad kami and same vibes kaya, we're just started. Kaya, honestly, hindi pa ako masyadong nagsasabi ng mga problems ko sa kanya. But, she already initiated and siya ang madalas mag-rant sa akin ng mga problems niya. It seems like I'm unfair to her. But, hopefully, soon, I can learn how to tell everything to her.

          Suddenly, my phone rings. Nagpaalam muna ako sa mga colleagues ko at sinagot ko na yung call.

          "Yes, dad-"

          "Where are you?!" bungad ni dad sa akin.

          "N-nasa restaurant lang, dad. I'm here with my choirmates. Kasama naman po namin si sir-"

          "Wala akong pake! Umuwi ka na, Alisonne. Now!" sigaw ni dad sa akin and he suddenly dropped the call. 

          Nagmamadali tuloy akong nagpaalam sa mga kasamahan ko. I just said na pinapauwi na agad ako ni dad, and they understand me. Ngumiti na lang ako and I just leave immediately.

          I'm ready for whatever punishment my dad will give to me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top