[KATTE'S POV]
Makalipas ang isang araw, hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari sa amin ni Ali. Hanggang sa makauwi kami, tahimik lang kami at magkahawak pa rin yung kamay namin noon. Nang makita kami ng mommy niya, agad din kaming bumitaw sa pagkakahawak, at agad lang akong pinakilala na kaibigan lang ni Ali.
Naghahanda na ako para sa pagpasok. Pero, parang may kulang. Parang, may gusto akong itanong sa kanya. Parang, may isang bagay akong gustong malaman mula sa kanya. Pakiramdam ko, kailangan ko siyang makausap. Para saan? Hindi ko rin alam, eh. Basta, sana, magkaroon kami ng pagkakataon na magkausap ulit.
Nagpaalam nako kay mama na aalis, at umalis na ako kasama si Beta. Nang makapasok na ako, agad kong nakasalubong sa hallway si sir Ramos.
"Katte," seryosong tawag ni sir Ramos sa akin.
Lintik! Dahil nga pala sa ginawa ni Ali kahapon, tumakas ako sa klase niya. Dahil doon, naapektuhan yung ginagawa namin ni Keonna.
"S-sir..." nauutal kong tugon. At, hindi ako makatingin sa kanya, na nakatingin lang ako sa baba.
"Bakit hindi ka na nakabalik kahapon?" tanong niya sa akin.
"K-kasi po, si Ali kasi.." nahihiya kong tugon.
"Anong meron kay Ali?" tanong ni sir sa akin. Magsasalita ulit sana ako nang may pahabol siyang sasabihin. "Anong meron sa kanya, at nadi-distract ka na sa klase ko?!"
Natulala lang ako habang nararamdaman ko yung kaba sa puso ko. Ngayon ko lang nakitang nagalit si sir Ramos nang ganito. Mukhang sa akin pa lang niya pinapakita ito.
"Tulad ng palagi kong sinasabi, madalas akong nakakabasa ng ibang tao, at may idea ako kung anong nangyayari sa inyo," diretsahang sabi ni sir, na lalong nagpakaba sa akin.
Nangyayari sa amin ni Ali? Nalilito na ako ngayon.
Ano nga bang nangyayari sa amin? Magkaibigan lang naman kami. Pero, bigla kong naalala na, parang may kakaiba na. Parang, yun ata yung inaalala ko kanina pa. Kung, hanggang saan nga lang ba kami? O, kung may something na ba? Hindi ko talaga alam yung eksaktong nangyayari. Kaya, gustong gusto ko siyang makausap mamaya.
"Anu pa man 'yon, Katte. Naiintindihan ko naman 'yon. Pero, payo ko sa'yo, 'wag na 'wag mong pababayaan yung pag-aaral mo. Kontrolin mo yung sarili mo. Kung kaya mong pagsabayin siya at yung pag-aaral mo, gawin mo. Hindi yung basta-basta mo na lang aabandunahin yung subject ko!" mariing pagkasabi ni sir.
"P-pasensya na po, sir..." nasabi ko na lang.
"Mamaya, sa time ko. Kayong dalawa lang ni Keonna. Pagbibigyan ko pa rin kayong dalawa, kahit kayong dalawa na lang yung natitirang walang gawa. Pero, 'wag nyong i-expect na pareho yung magiging grade ninyo sa mga nauna na, ha? Fair ako pagdating sa bigayan ng grades. Pero, kahit hindi kataasan yung magiging grade nyo sa mauuna, gawin nyo pa rin yung best shot nyo. Dahil, kayo rin yung magbebenefit nyan. Kayo yung makaka-gain ng knowledge at ma-iimprove yung skills nyo. Maliwanag?" sabi ni sir, at umoo lang ako sa kanya.
Umalis na si sir, pero nanatili lang ako sa pwesto ko ngayon. Parang napapansin ko, na napapabayaan ko nga yung pag-aaral ko. Pero, ayaw ko rin na, siya yung dahilan. Yung taong gusto ko yung dahilan, kung bakit ko napapabayaan 'yon. Gusto ko, inspired ako at the same time, hindi ko nakakalimutan yung pag-aaral ko.
Pumunta na ako sa room, at nakita ko na yung 1st subject teacher namin. Mabait naman siya kaya, hinayaan lang niya ako na deretsong pumasok.
Makalipas ang ilang oras, dumating na yung subject ni sir Ramos. Maglelesson lang siya, samantalang umalis na kami ni Keonna para ipagpatuloy yung website namin.
Pagdating namin sa computer lab, kinausap agad ako ni Keonna.
"Kumusta ka, Katte? Hindi ka na nakabalik kahapon, ah," sabi ni Keonna.
"Sorry, inaya kasi akong lumabas ni Ali kahapon, eh," sagot ko lang.
"Hmm...speaking of. Alam mo ba? Na, may napansin ako sa babaeng kasama mo kahapon."
Habang nagse-setup ako ng tools, bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Ano 'yon?" seryoso kong pagkasabi.
"Kapag kausap ka niya, para siyang maamong tupa pagdating sa'yo. Pero, twing napapalingon siya sa akin, para siyang tigreng ready mangagat! Hahaha!" nasabi ni Keonna, na biglang nagpalito sa akin.
"Ha? Anong sinasabi mo? Hindi kita ma-gets," nalilitong sagot ko.
"Hmm...hindi mo ba napapansin? Na nagseselos siya dahil sa akin?"
'Nagseselos siya dahil sa akin' paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko, at biglang bumilis yung tibok ng puso ko, at naramdaman kong uminit yung pisngi ko.
"Katte, hindi halata pero, may boyfriend na ako. Kaya, alam ko yung feeling na magselos. Don't tell me, hindi mo pa naramdaman 'yon?"
Napaisip kaagad ako. Oo, minsan, nararamdaman ko nga yon. Pero, hindi ako marunong bumasa ng nararamdaman ng ibang tao.
"Kaya, kung ako sa'yo, kausapin mo si Ali. Kayo lang din yung makakasagot ng mga tanong nyo sa isa't isa," sabi ni Keonna sa akin at nginitian niya ako.
Nginitian ko rin siya, sabay sinabing, "Salamat, Keonna."
Ngayon lang ako tumawag ng pangalan ng kaklase ko. Naramdaman ko, na isa siya sa mga pwede kong mapagkatiwalaang tao.
"Pwede bang, kung anong nalalaman mo, sa atin na lang muna?" tanong ko sa kanya.
"Sure! Quiet lang naman talaga ako, eh. Kasi, tayong mga inlove lang din yung magkakaintindihan," sabay kindat niya sa akin.
Natawa naman ako. At, bigla kong na-realize, inlove? Nasa punto na ba yung nararamdaman ko, ganun sa kanya? Ano ba yung pinagkaiba ng like at love? Hays, pagdating sa mga codes, yakang yaka ko. Pero, pagdating sa pag-ibig, pakiramdam ko, laging kumplikado at nakakalito.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin namin agad ni Keonna yung website namin. Kaya, nagkaroon kami ng tyansang magkwentuhan sa loob ng lab room. Kinwento niya kung gaano sila in-love ng boyfriend niya ngayon. Na, parang kabilang ka sa mga ulap kapag magkasama kayong dalawa. Na, ayun nga rin yung nararamdaman ko, kapag kasama ko si Ali.
"Infairness, maganda si Ali. For sure, magiging perfect girlfriend siya para sa'yo haha!" sabi ni Keonna, at bigla naman akong namula.
"Eto, ang advance mag-isip. Hindi ko pa nga siya girlfriend, eh." Nasabi ko na lang.
"Sus! Hindi 'pa' hahaha!"
"Lintik! Para kang nanay ko, eh!"
"Hahaha!"
At, simula nun. Ngayon lang ako ulit nagkaroon ng kaibigan na mula sa kaklase. At, masaya ako na tanggap niya kung anuman yung nararamdaman ko kay Ali ngayon. Hindi rin siya mapanghusgang tao. Kaya, maituturing ko siyang totoong kaibigan.
Mayamaya, napalingon ako sa bintana ng lab, at napansin kong nanlilisik yung mata. Bigla naman akong kinabahan sa itsura ni Ali ngayon. Kaya, agad kong binuksan yung pintuan para makausap ko siya.
"Ali-"
Isang malakas na sampal yung bungad niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top