CHAPTER 9


NATAMEME AKO at nawala sa sarili. Nasa front seat ako habang ang anak ni Mr. Sandoval ay nagda-drive papunta sa condo kung saan ako naninirahan sa loob ng limang taon. Ayaw ko man na magpahatid pa pero wala akong nagawa nang igiya niya ako sa loob ng kotse. Para akong isang mannequin na hila-hila niya kanina at walang sariling buhay.

Papaano ba naman kasi... up to this point... I couldn't still believe what he said. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang lahat. Siya? Gusto niya ako? Haler. He's the son of a conglomerate. He's the son of my boss. And I am just a secretary to his father. Kaya papa'nong gusto niya ako?

To be honest... that was the first time I heard someone confessing to me— directly to my face. Hindi sabi-sabi lang ng kung sinu-sino. Siguro iyon din ang dahilan bakit big deal iyon sa akin. Kahit pansin ko naman na parang wala lang sa lalaki ang ginawa niya.

Kasi kung seryoso talaga siya roon, dapat may hiya siyang nararamdaman para sa akin, 'di ba? Or else he would be awkward right now that he is with me, right?

Pero hindi.

Mukhang ako lang ang nakakaramdam ng ilang sa aming dalawa.

"Are we here?" he asked.

Napakurap ako at naagaw niya ang atensyon ko. Nakatanaw siya sa labas ng kotse, kaya sinundan ko na rin ng tingin ang labas. Narito na nga kami. Sa gilid namin ay ang malaki at matayog na building ng Del Valle's High Rise.

Sa sobrang lutang ng isip ko, hindi ko na napansin ang haba ng biyahe namin. Lalo na dahil medyo mabigat ang traffic sa may bandang C5 kapag ganito na kalalim ang gabi.

"Are we here, Ysabella?" ulit niya sa tanong nang hindi ko siya nasagot.

I nodded in shock as my eyes drifted back at him. "Opo, opo."

He just smiled at me and maneuvered the car into the parking lot of the building.

Nang maka-park ay pababa na sana ako nang matigilan. Ang anak ni Mr. Sandoval ay nagkukumahog na lumabas ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan. I was shocked, literally. Humagikhik siya. Mukhang napansin niya ang pagbilog ng mga mata at pagbagsak ng panga ko sa ginawa niya.

"It seems I was the first man who did this, huh?" he asked, offering his hand to me.

Pinag-initan ako ng mga pisngi dahil tama nga naman siya. I never had a romantic relationship in my whole life. Oo, may nagtangka nang college pa ako, pero hindi naman umabot sa mga ginawa ng anak ni Mr. Sandoval. Nor was he vulgarly confessing to me like he was earlier.

I accepted his hand. Pero kaagad ko rin nabitiwan iyon dahil sa pagdaloy ng kuryente mula sa kamay niya papunta sa balat ko nang maglapat ang mga palad namin.

"S-Salamat, Sir," nauutal kong sabi, napayapos sa braso para kalmahin ang nagsipagtayuan kong mga balahibo. I could feel the burning sensation on my cheeks, too. Kaya alam ko na namumula ang mukha sa puntong iyon kahit hindi ko pa tingnan ang sariling reflection sa tinted window ng kotse.

He chuckled and inserted his hands inside the pocket of his jeans. "Sir? Just call me Diego, Ysabella."

"Pero napaka-informal naman po yata niyon, Sir—"

He lifted his palm in front of my face. Natigilan ako sa pagsasalita. The playful smile drawn across his lips makes it seem he was enjoying my shame.

"Diego, Ysabella. Diego."

"Hindi po ba iyon bawal, Sir?" naiilang kong tanong, halos bumaluktot ang dila dahil sa hiya.

Hindi ko man kasi aminin, halata sa boses ko na mukhang pabor din ako na ganoon na lang din ang itawag ko sa kanya. Maybe, because he looked younger than me. Ilan taon na nga ba siya?

"I m-mean... nagtatrabaho po ako sa company ng family ninyo tapos napa-casual lang ang itatawag ko sa 'yo? You are like a superior to me."

A playful smile was etched again on his lips, showing his pearly whites and flawless teeth. 

I let out a sigh and then nodded. "A superior? Perhaps you are my superior, Ysabella."

Muling nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Is he playing me?

Napahalakhak ako. "Naku naman si Sir... kung makapagbiro naman—"

He shook his head and ran his fingers through his disheveled hair. "I'm not joking, Ysabella. You are my superior."

Nanatiling nakaukit ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Ngayon na may pa ganoon siya, mas lalong naging awkward ang atmosphere sa pagitan namin.

I want to excuse myself and turn my back on him. Pero hindi ko magawa. For seconds, we just stared at each other's eyes; it seemed we were reading our souls through them.

Gusto ko nang tumakbo, actually. Pero hindi ko magalaw ang mga paa ko na para bang napako na ako sa kinatatayuan. Habang hinihigop niya ang buong atensyon ko gamit ang mga mata niya.

My heart started to race fast and loud. Halos iyon lang din ang naririnig ko sa buong paligid. And the weird thing is... parang naririnig ko rin ang malakas na pagtibok ng puso niya kahit medyo may distansya siya sa akin. Is it possible, though?

"Ysa!" isang matiling na boses ng babae ang tumawag.

Sabay kaming napabaling ni Diego sa may entrada ng building. Even in my mind, it was awkward to call the son of my boss only by his name.

I secretly released a soft sigh as I approached my friend. "Anong ginagawa mo rito, Aira?"

Humagikhik siya nang makalapit; kinurot ako sa tagiliran na parang nakita niya ang high school crush niya. "Siya na ba 'yan?"

Kinunutan ko siya ng noo nang bulgaran niyang sinisilip ang anak ni Mr. Sandoval sa may tagiliran ko.

"Aira," I warned her.

Himbes na tumahimik ay mas lalong nilakasan niya pa ang kanyang tawa. "W-what!"

"Anak 'yan ng boss ko—"

"I know!" putol niya sa akin. "Siya rin ba 'yong—"

Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi siya kurutin sa tagiliran niya. "Aira!"

"Ysa!"

"Couz?" a deep voice asked.

Pareho kaming natigilan ni Aira at napabaling sa may likuran niya. Nagkatinginan kami saglit at parehong kumunot ang noo.

Couz?

Lumapit si Miko sa anak ni Mr. Sandoval at nag-fist bump na para bang senyales nila iyon sa tuwing magkikita silang dalawa.

Miko chuckled. "What are you doing here?"

Diego glanced at me and smirked.

Nanlaki naman ang mga mata ni Miko nang bumaling sa akin. Like he got what Diego means. "Nice!"

Ngayon na magkatabi ang dalawa, parehong nakatingin sa banda kung saan kami nakatayo ni Aira, pansin ko nga ang pagkakahawig nilang dalawa. Their heights were the same. Their brown and deep eyes. And also, the light brown color of their hair. Nga lang, mas mahaba ang buhok ni Miko kaysa kay Diego.

They have the same vibes too! Miko looked like the playboy of the town in his khaki shorts and navy blue shirt, while Diego was the jackass in his white long sleeves and black trousers. Parang parehong walang dugong nanalantay sa kanilang dalawa si Mr. Sandoval.

"So... I want to ask the same question," Diego said as his brows furrowed. "What are you doing here?"

Lumapit naman kaagad si Aira sa nobyo at ikinawit ang kamay sa braso nito.

Aira smiled. "I'm his girlfriend."

"This is Aira, 'Couz."

Nakipagkamayan naman ang anak ni Mr. Sandoval nang maglahad ng kamay si Aira. "Diego."

"So, are you the..." puno ng panunukso ang malamyos na boses ni Aira na sinulyapan pa ako.

"Siya ang boss ko, Aira." Hindi ko na mapigilan ang hindi lumapit sa kanila. I felt that any minute, the words that I didn't want to hear would come out of Aira's sinful mouth.

Aira giggled. "Yah, my friend's boss, right?"

Diego nodded.

"So, why are you here... outside?"

Inirapan ko si Aira, kasi halata masiyado ang panunukso niya para sa amin.

"Galing sa business meeting si Sir," ako na ang sumagot. "Ginabi kami kaya hinatid niya na rin lang ako."

"Yeah, yeah." Diego nodded.

Napangiti ako dahil roon. I felt safe. Now that he has agreed with what I said, I am pretty sure that Aira will stop teasing us. Pero mali ako.

"Really? Napakabait mo namang boss para ihatid ang empleyado mo."

"Dadaanan din kasi itong building sa pag-uwi kaya sumabay na rin ako," may diin kong sabi. Sinamahan ko na rin ng matalim na tingin para kay Aira.

"Talaga ba? Or... something else?"

Pinanlakihan ko na ng mga mata si Aira. Bulgar kasi ang panunukso niya. And I know that Diego felt the same, too.

"Enough." Humalakhak si Miko na inakbayan si Aira. "Since you are already here, 'Couz... why not join us? Noong nakaraan, nagsolo ka. Why not jam tonight with us?"

"Yeah, yeah. Sama ka na lang, Sir, para hindi mag-isa si Ysa mamaya," hagikgik ni Aira.

"Sure." Diego nodded and looked at me.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko mapigilan na hindi pamulahan ng mukha.

"A double date?" Aira teased again.

"Sure," Diego answered.

Napailing na lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top