CHAPTER 8

NAIWAN AKO sa kinatatayuan ko, nakatulala sa nakasaradong malaking pinto ng opisina ni Mr. Sandoval. I clutched my chest.

What the hell!

I have no idea why my heart was beating erratically.

Dahil ba ito sa lalaking iyon?

No.

That can't be.

Kinakabahan lang ako tulad nang kapag naririto si Mr. Sandoval.

Yeah.

I was just nervous because he's the son of my boss.

"Ysa," someone called me.

Napalundag ako at nabalik sa sariling wisyo. Napakurap ako at marahan kong pinilig ang ulo bago ko binalingan ang tumawag. It was Mrs. Ambros. Nasa tapat pa rin siya ng pinto ng elevator, naluluha ang mga mata at parang natuod na sa kinatatayuan. 

I could see the guilt in her eyes. Kahit pa may suot siyang makapal at bilog na salamin sa mga mata. 

A small smile curled on my lips. "Bakit ho, Mrs. Ambros?"

Mabagal siyang lumakad palapit sa table ko, mabibigat ang hakbang ng mga paa at pinaglalaro ang mga daliri niya sa kamay sa bawat isa.

When she halted in front of me, I stretched my smile into a sweet smile, like there was nothing that happened between us a while ago. 

"Bakit ho, Mrs. Ambros? Ano hong kailangan niyo? May ipapagawa ba kayo?" I put the bottled juice on my table and pretended to arrange the folders on it. 

Hindi ko pa rin pala talaga kayang kalimutan ang nangyari kanina. I could feel that my blood had started to boil. Ang nakatayo sa harap ko na parang isang maamong pusa ay ang isa sa mga nagplanong isabotahe ako. 

I took a deep breath to relax myself.

"K-Kasi, Ysa..." she trailed off.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nanatili pa rin ang matamis na ngiti sa labi ko. "Bakit po?"

Napayuko siya. She was guilty. Well, dapat lang. They planned to sabotage me. She deserved the guilt that ate her. "Sorry. It wasn't really my intention to hurt you."

Pinakatitigan ko muna siya. Makailang beses siyang sumubok na mag-angat ng tingin para titigan ako sa mga mata. She was that determined to prove to me her sincerity. Yes, I felt it. Pero hindi niya magawang titigan ako kahit ilang minuto kaya nanatili siyang nakayuko sa tiles.

I faked a laugh. "Okay lang 'yon, Mrs. Ambros! Ano ka ba!"

Now, she lifted her eyes at me. Puno ng tuwa ang gulat niyang mga mata. Siguro gulat siya na ganoon ko kadali siyang napatawad at handang kalimutan ang nangyari. 

Ano nga bang magagawa ko?

Sa iisang kompanya kami nagtatrabaho, nasa iisang building. Ayaw ko man na makaharap siya o makasama, wala akong magagawa. Makakaharap at makakaharap ko pa rin siya. 

"Really, Ysa?" she asked.

I nodded. "Oo naman ho. It's really okay."

"How about the burn?" Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. "Masakit pa ba?"

Napahawak ako sa dibdib ko. I almost forgot about that. Now that she mentioned my burn, I started to feel the sting that penetrated my skin again. 

"I am... already okay na po," pagsisinungaling ko. I still have my button-down sleeves. Kaya hindi niya mapapansin kung namumula pa ba ang balat ko o hindi na.

She sighed in relief. "Great God, Ysa. Akala ko malala 'yang paso mo. Sure kang nalagyan mo na 'yan ng ointment?"

I just smiled at her and continued arranging the folders. Lumuhod ako para ilagay sa pinakaibabang drawer ng table ang folders na hawak. 

"Opo. Nalagyan ko na po kanina," sagot ko. Nang makatayo uli ako para kuhanin ang iba pang folders sa ibabaw ng table ay napansin ko ang titig ni Mrs. Ambros sa bottled juice. 

She smiled, and I have a bad feeling about that kind of smile of hers. It wasn't genuine. Para siyang nang-iintriga.

"I told Sir about that juice," she said, not pulling back her stare on the bottle. "Nagtanong siya kung anong nagpapakalma sa 'yo. And I know that strawberry is your favorite. Napansin ko kasi iyon na sa tuwing bad mood ka or stress, 'yan ang iniinom mo."

Nawala ang ngiti sa labi ko. Marami siyang alam tungkol sa akin. Sa loob ng limang taon ko rito sa SEI, ni minsan ay wala pa akong napagsabihan ng tungkol sa buhay ko. We just talked about works. Kaya ngayon na may iilang detalyeng alam si Mrs. Ambros tungkol sa akin, it surprised me.

A lot.

"Kumusta nga pala kayo ng mama mo?" bigla niyang tanong. She looked at me. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin. "I hope you two are both okay now."

Mas lalo akong nagimbal at halos mabuwal ako sa kinatatayuan. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

Magtatanong na sana ako nang magpaalam si Mrs. Ambros. "I need to go, Ysa. I hope you're really okay now. I am really sorry. I am sincere about that."

I just smiled at her and watched her enter the elevator. Nakita ko pa ang iniwan niyang kakaibang titig sa bottled juice bago magsara ang pintuan. That made my body hair rise up! I have no idea why. But I have something cringe-worthy about her stares at that bottle. 

Kaya mabilis kong kinuha ang bottled water at inilagay iyon sa bin sa malapit.

Hindi ko kayang inumin iyon lalo na'y may masama akong pakiramdam roon. Not that I was expecting that they would poison me with that juice. Paano naman kasi mangyayari iyon? Mr. Sandoval's gave me that juice. Ano? Will they frame him for my death?

Natawa ako't nailing sa naisip. Bumalik na lang ako sa table at inasikaso ang mga folders. Even though Mr. Sandoval wasn't here, I should do my work hard. Para wala naman silang masabi na nagsisipag ako kapag nariyan lang ang totoong boss at makuha ang best employee of the month.

Tanghali na nang lumabas ang anak ni Mr. Sandoval sa opisina. I didn't bother to look for him inside and asked about his doings the whole time that had passed. Wala naman akong narinig sa lalaki kaya sa tingin ko ay ayos lang iyon.

I skipped my lunch.

Nang makaramdam ako ng gutom ay pasado ala-una na. Papasok na sana ako ng elevator nang matigilan. Pagbukas kasi ng pintuan ay hindi ko inakalang sasalubong sa akin ang magandang mukha ng anak ni Mr. Sandoval. 

"Where are you going?" he asked as he stepped outside the elevator. 

Napaatras ako para bigyan siya ng space. He was a big, tall man. Kahit malaki naman ang espasyo ay parang magkakadikit pa rin ang mga balat namin. And I don't want that to happen.

"Bababa sana—"

 "What's my sched today?" His voice was serious when he asked that. Nakasunod ako sa likod niya habang papasok siya sa loob ng opisina. 

I let out a silent sigh. Heto na naman ako. Papasok sa opisinang nagpapagimbal sa puso ko. And as I was expecting, my heart started to beat quickly again as I smelled the sweet scent inside the room.

"Ysabella?" 

Nabalik ako sa sarili kong wisyo. Nakahinto na pala siya at kamuntik na akong bumangga sa dibdib niya kung hindi niya tinawag ang pangalan ko.

I blinked my eyes and looked up at him. "S-Sir?"

"Sched?" He cocked his head.

"Ah. Oo nga po pala," I snapped. "Wait lang ho, Sir. Kukunin ko lang po 'yong black organizer book."

Halos patakbo akong lumabas para kunin ang organizer book ko sa table at bumalik sa loob ng opisina ni Mr. Sandoval. Good thing that I wore the lowest heels of my sandals today. Dahil kung hindi, baka natipalok na ako kanina.

"Ahm. Since I was rushed into the hospital last Saturday, let's resume your tour of the whole SEI building today, Sir."

He nodded. "What else?"

Muli kong ini-scan ang organizer book. Natigilan nga lang ako nang makita ko ang bilog sa petsa. It was the second day of the month of June. This was also the day he, Mr. Sandoval's son, would meet his blind date. Well, Tiya Flor helped me with this. I already told her when we were in the hospital last Sunday. I was very thankful that she has a friend who works in the modeling industry.

I never met that woman. Pero malaki ang tiwala ko kay Tiya Flor na pasok ang nakausap niya sa taste nitong lalaking ito.

"Ysabella?" He called my name as light as a feather.

I looked at him. "Yes, Sir. Ahm, you had a business meeting today."

"Ah. Business meeting. What time is it?"

"Eight o'clock, Sir—"

"Eight o'clock?" he mocked. Halos mapunit ang labi niya sa pagngiti. "Is it still a business, Ysabella?"

My heart started to beat fast and loud. Pasulyap-sulyap lamang siya sa akin, pero ang intensity ng mga mata niya ay nagpabahag ng buntot ko. Anong sasabihin ko? Well, is it still a business?

Oo, Ysa. It's your business to find this man a woman. Iyon ang pinapatrabaho sa 'yo ng boss mo!

Tumango ako at ngumiti. "Yes, Sir."

"Really?"

"Yes, Sir!" Confident akong tumango.

"Okay, then." He nodded. "So, what will we do now?"

"For now, I will tour you—"

I stopped. Nanlaki ang mga mata ko at nagbaga ang mga pisngi. Even the guy sitting on his throne halted and looked up at me with his crumpled forehead.

"Have you eaten your lunch?" he asked.

I smiled awkwardly and shook my head. Nakakahiya na narinig niya pa ang pagkalam ng tiyan ko. "It's because—"

Tumayo siya at hinigit ang palapulsuan ko palabas ng opisina.

"S-Saan tayo pupunta, Sir?"

"Before touring me in the whole building..." he trailed off. "Let's date first."

Kumunot ang noo ko dahil mahina niyang sinabi ang huling tatlong mga salita.. "Ano po iyo, Sir?"

We entered on the elevator. Doon niya pa lamang ako sinagot. "Nah. I just said, let's grab a food first."

Napatango na lang ako at napayuko kasi nai-intimidate ako. 

Dinala ako ng anak ni Mr. Sandoval sa isang fine na restaurant malapit sa SEI building. Isa iyon sa mga five-star restaurant ng bansa. 

Tinamaan tuloy ako ng hiya at halos tipid ang mga galaw ko sa loob ng restaurant. Lalo na nang panoorin lang ako niya habang kumakain. Yes, Mr. Sandoval enjoyed watching while I was eating. Halos hindi ko tuloy malunok nang maayos ang pagkain.

Good thing na walang ibang empleyado ang nagkalat sa ground floor nang bumalik kami ng SEI. Alam ko, kapag nakita nila kami na magkasama, may masasabi na naman silang masama sa akin. 

Nang makabalik sa SEI ay saglit lamang kami nagpahinga bago namin ginawa ang naka-sched para sa araw na iyon. We toured the whole building of SEI for three hours. And God! Halos lumaylay na ang dila ko sa pagod at nanginig nang sobra ang mga tuhod ko. 

Hindi lang kasi simpleng pag-tour ang ginawa namin. Iyong magagaling kong mga ka-empleyado, halos magsipag-unahan sa pakitang gilas sa anal ni Mr. Sandoval. Halos ayaw nang paalisin sa bawat floor.

"Ysabella?" tawag niya.

Halos hindi ko maangat ang mukha sa may pintuan kung saan siya nakasilip. "Yes po, Sir?"

"Let's go?"

Tumango ako at halos pilitin ko ang sarili na tumayo sa upuan ko.

Gamit ang kotse ni Mr. Sandoval, tumungo kami sa naka-reserve na restaurant para sa blind date ng anak ni Sir.

He silently drove the car. Ako rin. Sobra ang pagod na nararamdaman ko kahit halos apat na oras na rin akong nakapagpahinga sa table ko kanina.

I sighed as I dropped off the car. Hindi na ako sumama sa anak ni Mr. Sandoval sa loob ng restaurant. I waited for him outside that building. Pero halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang matanaw ko ang lalaki. 

He has a long, hard stride and came out of the restaurant. Kaagad ko siyang sinalubong kahit nangangatog na ang mga tuhod ko dahil na rin sa suot kong sandals. Yes. Mababa lang ang takong nito pero dahil sa kanina pa ako nakatayo, ramdam ko na ang hapdi sa paa ko.

"What happened, Sir?" tanong ko. "Ilang minuto pa lang ang nakakalipas."

But I was halted when he walked past me. Kumunot ang noo ko at binalingan siya.

"S-Sir?"

He halted. Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo bago niya ako hinarap. With his dark eyes darting towards me, he walked to me.

"I-Is there any problem, Sir?" Halos malunok ko ang sariling dila ko sa kaba.

"Is this a blind date?" he asked coldly as he stopped in front of me, towering over me.

Napatango ako.

His jaw clenched and he shut his eyes for a second before he glared at me. "Come on. Didn't you notice?" 

"A-Ang alin po, Sir?"

"I want you, Ysabella."

"S-Sir?" My eyes became bigger in shock.

He took a deep breath and shut his eyes once again before he caught my wrist. "I want to date you, Ysabella. I want to know you better."

Umiling ako, hindi makapaniwala.

"The first time my eyes laid on you..." He bit his lower lip and smiled after. "You already caught me, Ysabella. You already caught my heart."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top