CHAPTER 6

PAGMULAT ay kaagad natutok ang mga mata ko sa puting kisame. And as I smelled the medicine in the air, I knew where I was.

Nasa ospital ako.

Inalala ko kung anong nangyari bakit ako napunta rito. And my head hurt as I remembered what happened.

Muling napapikit ako.

I couldn't believe that I would be in a pit for such a short period of time. Maayos naman ako bago ako mag-out nang Friday. But everything turned bad after that blind date incident!

"Okay na ba ang pakiramdam mo, Ysa?" tanong ng babae, puno ng pag-aalala.

I opened my eyes to see Tiya Flor; she was sitting with her worried face beside the hospital bed where I was lying.

"Wala ka na bang nararamdaman na masakit?" She touched my body to probe if I was okay. 

I am okay, though. Pero hindi ako nagsalita at patuloy lang nakatitig sa kanya.

"Sabi ng doktor, na over fatigue ka raw dahil sa stress," sabi niya, maluha-luha ang mga mata. "Kasalanan ko 'to. Kung hindi sana kita pinilit na makipag-date kay Davin, hindi ka sana mai-stress nang sobra!"

I turned my eyes away from her and swallowed the lump that started to build up on my throat. Nasasaktan ako na makitang umiiyak si Tiya Flor sa harapan ko. It made me remember the day my papa died.

Hindi ko kinaya kaya'y napapikit muli ako.

"Akala ko naging okay 'yong date ninyo. Hindi ka kasi nag-reply sa text ko kagabi," dagdag niya pa. "Hindi ko rin kasi alam na ang gagong 'yon ay may jowa na pala! Kung alam ko lang sana, hindi kita pinilit na makipagkita sa kanya—"

"I want to rest, Tiya Flor," putol ko sa kanya. My voice was cold, like the winter. Hindi ko naman siya sinisisi sa lahat. Pero sobra yata akong napagod sa buhay ko at ngayon ko lang iyon naramdaman. "Pagod ako. Sobrang pagod na pagod."

"Oo, oo," tugon niya. Naramdaman ko ang pagtayo niya. "Kung may kailangan ka, nariyan lang ako sa labas. Tawagin mo lang ako. Saka parating na rin si Aira para kumustahin ka."

I nodded with my eyes still closed.

"Sige. Tawagin mo lang ako, ha?"

I nodded again.

After that, I heard the slow thuds of the heels against the floor. The door clicked and creaked two times. Tanda iyon na lumabas na nga si Tiya Flor.

Nagmulat ako at tumingin sa pintuan. Sarado na nga iyon. Hindi ko maiwasang hindi ma-guilty sa inasta ko kay Tiya Flor. I didn't blame her. Pero nagulo ang buhay ko dahil sa blind date na iyon. Well... mas sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. I already expected that the date would be a failure. Noong napatunayan ko ang hinuha ko, himbes na umuwi na lang ay hinila ko pa sa kabaliwan ang... ang anak ni Mr. Sandoval.

For goodness sake! Papaano ko haharapin ang magiging boss ko sa susunod na mga araw?

Bakit ba kasi sa dami ng tao sa bar na iyon, bakit ang lalaki pang iyon ang nahila ko? 

The worst was I even tried to sleep with him! Tsk. Ano na ngayon ang iniisip ng anak ni Mr. Sandoval sa akin?

For sure, he has a bad impression of me.

Should I write my resignation letter now?

Biglang lumangitngit ang pintuan kaya'y mabilis akong pumikit at nagpanggap na tulog. I heard footsteps come near me. Napakapit ako nang mahigpit sa comforter na nakatabon sa katawan ko.

"Open up your eyes, Ysa," the woman said. "Alam kong 'di ka tulog."

I was relieved when I heard Aira's sweet voice. Nagmulat ako at tiningnan siya. Nakaupo na siya sa silya na kinauupuan ni Tiya Flor kanina.

"Ikaw pala, Aira," sabi ko, may pagkaalangan ang boses.

"Ako pala? Why? Because you can't face auntie?" Tumaas ang kaliwang kilay niya bago ako inirapan. "Why? Are you blaming her for what happened to you?"

Umiling ako. "Hindi. Nagi-guilty lang ako." 

"Why?" she asked, crossing her arms on top of her chest. "Because of that epic failed blind date?"

"Oo." I nodded as I turned my gaze away from her. "You know, everything was my fault."

"Well... ano nga bang nangyari that night?"

Napalunok ako.

"Come on, Ysa..." Aira held my hand and caressed it slowly. "Tell me. You know, hindi magandang ikipkip mo ulit 'yan sa sarili mo."

I looked at her again and took a deep breath. "That date was a failure."

Simula pa lang ay nalaglag na ang panga ni Aira. Napatakip siya ng kanyang bibig at nanlalaki ang mga mata. "Why? I mean... seeing you with that guy at that table, you two seemed okay."

Kumunot ang noo ko. "Nakita mo kami?"

"Yeah. Bago kami umalis ng Mystique, I and Miko checked on you first."

"Ang akala ko ba naroon kayo dahil kikitain ninyo ang pinsan ng boyfriend mo?" I asked, confused.

"Yeah. But something came up." Humalukipkip si Aira at umirap. "Tumawag ang pinsan ni Miko. So, we met him outside the Mystique instead. He wanted to be alone kaya umuwi na lang kami ni Miko."

Napatango ako at nakahinga nang maluwag.

"So, what happened after we left the bar?"

"Sabi ko it's a failure, 'di ba?" anas ko, natatawa.

"Yeah. But I want the details, Ysa." Aira snorted as she hit my arm lightly.

"While I was coming back to our table after I went to the washroom, I heard Davin talking with his friend," panimula ko. I didn't know, but I didn't feel anything wrong as I spit those words at her. "He has already got a girlfriend, and he told his friend that he was there because of my virginity—"

"W-What?" Shock was penetrating at Aira's high-pitched voice. Tumataas lang ang boses niya kapag galit siya. "Did I hear it right? He was there for your..."

Tumango ako.

"I'm sorry, Ysa," she said, teary-eyed. "Dapat hindi kita iniwan doon. It was your first time."

I chuckled. "I'm fine, Aira. May nag-save sa 'kin. And guess what? He's the son of my boss. To be exact... ang magiging boss ko sa loob ng isang buwan."

Kung may ilalaki pa ang mga mata ni Aira, tiyak ay lumuwa na ang eyeballs niya dahil sa sobrang panlalaki niyon. 

"Your boss' son?" Aira stood up and walked back and forth. "May nangyari ba sa inyo?"

Bigla akong napaubo sa tanong niyang iyon at halos hindi ako makahinga. 

Kaagad lumapit sa akin si Aira at tinaptap ang likod ko. "Are you okay?"

Tumango ako. "T-Tubig. Kailangan ko ng tubig."

Kaagad naman tumungo si Aira sa maliit na water dispenser sa may gilid malapit sa bintana at nagsalin ng tubig sa baso. Nang mapuno ang baso ay dali-dali siyang bumalik sa kinahihigaan ko at inabot iyon.

Dali-dali rin akong sumimsim. And I felt relieved when my breathing returned to normal. Pero sa mapaintrigang mga mata ni Aira, wala akong ligtas.

"B-bakit?" I asked nervously.

Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. With her pink crop top and high-waisted shorts, she looked like a bitch standing in front of me. Mukha siyang inagawan.

"Don't tell me may nangyari sa inyong dalawa ng anak ng boss mo?"

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. "Wala—"

"W-Wala?" Her voice was screaming doubt. She chuckled with no humor. "Come on, Ysa. I know you. And you know me. Alam mong hindi ako titigil hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo sa 'kin!"

Napalundag pa ako sa kinahihigaan nang bigla siyang umupo at inilapit ang mukha niya sa akin. 

"Nag... Nagsasabi ako ng totoo, Aira!"

She chuckled again. "You're lying. Alam kong may nangyari. Dama ko, Ysa!"

I bit my lower lip and let out a sigh. Wala akong ibang nagawa kundi ang ikuwento ang lahat sa kaibigan. From the start until the end. Detailedly. Init na init ang mukha ko habang ibinibigkas ko ang mga salitang makakapag-describe nang kabaliwan ko nang gabing iyon.

"Viagra?" Hindi mapigilan ni Aira ang pagtawa. She restrained herself from laughing. Pero kahit ako ay natatawa rin sa kabaliwan na iyon. "Is that true?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit? Sa tingin mo ba, magagawa ko ang kabaliwan na 'yon kung nasa maayos ang pag-iisip ko?"

"Nah. What I mean is... of all the things, why that thing?"

Nag-aabang na naman ang pagtawa ni Aira kaya sinamaan ko na siya ng tingin. Good thing that I am admitted in a room for one patient. Dahil kung hindi, itatakwil ko itong si Aira.

"I mean... Miko never used that... Viagra thing." She burst into laughter again. Pulang pula na ang kanyang mga pisngi kahit morena naman siya. "And who in hell will use that?"

"Davin," I answered flatly.

"That Davin was so freaking hot, Ysa!" Inikot niya pa ang mga mata na akala mo'y nakarinig siya ng joke mula sa akin. "I couldn't imagine he would use that. Tingin niya pa lang ay pamatay na."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at humalukipkip. Good thing na wala akong swero dahil baka nasakal ko na siya gamit iyon. Kailangan ko lang raw kasi ng pahinga at bukas ay puwede na akong lumabas. I can continue resting at my condo since tomorrow will be Sunday.

"Are you telling me that I drank that stupid medicine for a purpose?" I scoffed. "'Yon ba ang tingin mo, Aira?"

Aira just stares at me with her doubtful eyes. And I couldn't believe that she's thinking that I drank that purposely. 

Umiling ako. "Hindi ako desperada para gawin 'yon!" may inis na sa boses kong sabi.

"Ow, really? Hindi ka ba talaga desperada, Ysa?" Aira raised her brow at me, giving me a teasing look. "'I want you... I want you to wreck me.' What's that, Ysa? Hindi ba 'yon desperada?"

I shut my eyes tightly. I could feel my cheeks burning in shame. I wanted to explain to Aira that it was all because of that Viagra! Yes, it was all the fault of that medicine. But I couldn't open my mouth to protest and stopped Aira from laughing.

"I hope you're not offended, my dear friend. But what if your boss' son is your destiny?" Pinikit-pikit niya pa ang kanyang mga pilik-mata. "That you and him are destined to meet at that bar and have..."

Hindi ko na napigilan na hindi magmulat at samaan ng tingin si Aira. 

She burst into laughter again. "What? Iniisip ko lang ang puwede pang mangyari sa inyo after that—"

Binato ko na siya ng unan. Ang bruha, tinawanan niya lang ako. Hindi niya man lang ininda ang malakas na pag-landing ng unan sa mukha niya. Tsk!

Maghapon nag-stay si Aira sa ospital dahil umalis si Tiya Flor para makapagpaalam sa boss niya para sa pagliban niya mamyang gabi. Naiinis man ako sa pagmumukha ng kaibigan, wala akong nagawa. She insisted on staying with me. Dahil baka raw kung anong kabaliwan ulit ang gawin ko.

Alas sais na siya umalis nang sunduin siya ng boyfriend niya. Good thing na kaagad sumama ang kaibigan sa lalaki. Hindi ko kasi kayang tiisin ang presensya ng Miko na iyon. Something about him reminded me of... about Mr. Sandoval's son. Maybe his physique? Nakikita ko sa kanya ang buong hitsura ng lalaking iyon.

And about that guy.

Paano ako papasok sa SEI sa Lunes matapos ang nangyaring kahihiyan sa pagitan naming dalawa? Tsk.

First, I dragged him like a crazy woman into that club.

Second, I tried to seduce him and have a one-night stand like a desperate bitch.

Lastly, he was my boss' son. Hinimatay pa ako sa harap niya at sa mga tao sa SEI. Tsk! Ysa, kotang-kota ka na sa kahihiyan!

"Should I write my resignation letter now?" I asked myself as I sat down on the soft couch in my sala. It was already Sunday. Nakalabas na ako ng ospital at ngayon ay nasa condo na. But having me here made me stress even more. Papaano ba naman kasi, nasa katabing unit lang ang taong dapat kong iwasan. 

"Ano iyon, Ysa?" tanong ni Tiya Flor matapos lumabas ng kwarto ko. Pagdating na pagdating kasi namin dito ay kaagad niya nang ipinasok ang mga gamit ko. Ewan ko ba sa kanya, isang araw lang naman ako sa ospital pero isang bag ang dinala niyang damit na para bang magbabakasyon ako doon.

I let out a sigh and shook my head. "Wala ho, Tiya."

Good thing that she didn't dig into it more. Nagluto lang si Tiya Flor nang pananghalian ko at umalis na siya ng condo. I was a little relieved now that I am alone. Pero kaagad kumalabog ang puso ko nang marinig ang mga boses ng lalaki sa kabilang unit.

Kaagad akong lumapit sa dingding na pumapagitan sa unit ko at sa unit ng lalaking iyon. Idinikit ko ang tainga sa pader at pilit pinakinggan ang pinag-uusapan nila. Baka topic ng mga lalaking iyon ang nangyari nang Friday night at Saturday. 

Wala man sa hitsura ng lalaking iyon ang magkalat ng nangyari sa kanya, but I still needed to be sure. It was failed, though. Bukod sa tunog ng alon ng dagat at mahihinang mga boses ay wala na akong narinig pa sa kabila. Wala akong naintindihan.

Frustratedly, pumasok ako sa kuwarto ko at humiga sa kama. I will took a nap for me to compose myself.

Kinabukasan, maaga akong nagising. I planned to come early to SEI. Kaya alas kuwatro pa lamang ay nasa biyahe na ako. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang marating ko ang matayog na building ng SEI. Isa lamang iyon sa mga high-ends na building ng SEI sa bansa. 

"Good morning, Ma'am," the guard greeted me.

Nginitian ko lamang siya at tuloy-tuloy na sa pagpasok sa loob ng building. But I was stunned when I saw the woman in her mid-60s, who looked young in her signature millennial outfit.

"Oh? Ba't ang aga mo yata ngayon, Ysa?" she asked, and insult was evident in her voice. 

"May tatapusin lang po ako," sabi ko. Tuluyan akong lumapit sa kinatatayuan niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya nang maipagkumpara ang suot namin ngayon. I was in my white long sleeves and black trousers. Pakiramdam ko tuloy, nagmukha akong boss sa aming dalawa ni Mrs. Ambros.

Mrs. Ambros lifted her eyeglasses a bit. "Okay."

Hindi na rin naman siya nagsalita nang bumukas ang elevator. Pero nang makapasok kami sa loob, ramdam ko ang masamang tingin na pinupukol niya sa akin. Patuloy lang akong nakayuko at isinawalang-bahala siya.

I thought we were okay. Inasahan ko na mananahimik siya hanggang sa makapasok kami sa pantry. But I was wrong.

"Sinadya mo 'yon, 'no?" tanong niya matapos magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

Natigilan ako sa pagkuha ng tasa at bumaling sa kanya. "Ng ano po?"

She scoffed and crossed her arms on top of her chest. "Alam mo kung anong tinutukoy ko."

But I was clueless. Noong Sabado ko pa nararamdaman ang inis niya sa akin. 

Nakita ni Mrs. Ambros ang pagkalito sa mukha kaya mapait siyang humalakhak. "Don't act like you're innocent, Ysa. Hindi 'yan tatalab sa 'kin."

"Hindi ko po alam kung anong tinutukoy mo," malumanay kong sabi saka nagpatuloy sa coffee brewer para gawin ang nakasanayan ko nang kape tuwing umaga.

"'Yung files," she said, bitterness dripping from her tone. Natigilan ako sa ginagawa. "Sinadya mo 'yon, 'no? Don't deny it, Ysa. Bakit mo ginawa? Para sa award?"

"Ano ho?" 

"Maang-maangan?" 

Huminga ako nang malalim para alalahanin ang files na sinasabi niya. Hindi kaya...

"Naalala mo na?" she spat. "You told me that Mr. Sandoval was already informed about the urgency of that file."

"Opo."

"Then, why? Bakit hindi nakabalik sa akin ang files bago magtapos ang Friday?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi na pirmahan ni Mr. Sandoval?"

She scoffed. "Don't play innocent here, Ysa. The question is... sinadya mo ba?"

Kaagad akong umiling at sinubukang lumapit sa kanya matapos kong gawin ang kape ko. But I was startled when Mrs. Ambros shove my hand. Dahilan iyon para tumapon ang mainit na kape sa dibdib ko at mabasag sa sahig ang tasa.

"What is happening here?" A deep baritone asked.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Mrs. Ambros nang makilala kung sino ang dumating. Samantalang ako, hinayaan ko sila at mabilis na lumakad sa sink at binuksan ang faucet para basain ang panyo at itapal sa dibdib kong natapunan ng mainit na kape.

I could feel the burning in my skin.

"S-Sir... H-Hindi ko po sinasadya, Sir."

"What the heck!" He cursed as he turned me into him. 

Doon lang ako natigilan nang tumambad sa akin ang mala-artista niyang mukha. 

I wanted to run.

But he grabbed my wrist when he read it in my eyes. Kaagad niya akong hinila palabas ng pantry.

"O-Okay lang ako, Sir," protesta ko.

But he just gave me a deep groan. "You needed to be treated."

"Pero—"

"No more buts, Ysa."











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top