CHAPTER 16

A/N: Hello. This is the last chapter of Book 1. This book will soon to be published under PaperInk Publishing House. Book 2 will be updated soon. :)

****

"YSABELLA," she whispered softly.

I blinked. Seeing her again in flesh, safe and sound and still breathing, made my heart throb in pain. Ngayon ko napatunayan na… life was really unfair.

Si papa. Nagmahal nang sobra. But he ended up broken and messy. And this woman, who cheated, seemed to be in a good place. With her signature black sheath dress, black pumps, and luxury pearls, I knew she enjoyed her life so much.

"Ysa! Hija!" Jolly was summoned by a familiar deep voice.

Dahan-dahan, binalingan ko siya. Walking in the hallway in his corporate dress, Mr. Sandoval gave me a sweet smile. May bitbit siyang paper bags.

I stepped back.

Napailing ako. Unti-unting nangilid ang mga luha ko, nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. This can’t be! Of all people… bakit sila pa?

"Who is it, Ysabella?" Another manly voice talked behind my back.

Kung may ikakasakit pa ang nararamdaman, iyon ang malaman na they were all related.

"Diego? Hijo?" With surprise in Mr. Sandoval’s eyes, he looked at us. "Anong ginagawa mo rito?"

"I’m Ysabella’s boyfriend—"

"Hindi ko siya boyfriend," sabi ko sa mariin na paraan, nanatiling nakatitig sa babaeng matagal ko nang kinamumuhian.

"Ysabella." Her tears fell.

"Ikaw... ang," I trailed off before laughing bitterly. "Bakit pa nga ako magtataka? Mayaman. May pangalan. Kayang-kayang ibigay ang kapritso ninyo…. unlike papa."

Umiling siya. "Hindi. Mali 'yang iniisip mo—"

"Really?" I cut her off.

"Hija. We're here to explain and ask for your forgiveness."

Diego had already reached where I was standing. Inakbayan niya ako at marahang hinimas ang kaliwang braso.

"Para saan?" Tears escaped from my eyes. "After long years? Bakit ngayon? Dahil magpapakasal kayo? You want my forgiveness para ano? Para malinis 'yang konsensya ninyo sa pagkamatay ni papa?"

Umiling ang babae. Up to this day, hirap pa rin akong banggitin ang pangalan niya kahit pa sa isip ko.

"No." Inabot niya ako pero kaagad akong umatras. "We’re here because… I really miss you anak."

"Liar!" I hissed and rolled my eyes. "Ano 'yan? Palubag-loob?"

"Ysabella," Diego hushed me.

Pinilig ko ang ulo at marahan siyang itinulak. "Aware ka ba na nanay ko ang babaeng ito?"

Napalunok si Diego. Napailing ako. No need to answer. Sa mga mata niya pa lang, makikita na ang sagot.

Tinalikuran ko sila habang naiiling.

"Hija, Ysabella, we’re because we wanted to apologize to you. I and Mariella were here because we wanted to explain everything to you—"

"Kaya ba personal mo akong h-in-ire noon kahit bagong graduate pa lang dahil may kaugnayan kayong dalawa?" Natawa ako nang may na-realize ako. "Definitely, yes! Bakit ko pa nga iyon tinatanong?"

"No, Hija. You really deserved your position—"

"Stop that bullshit!" Napatakip ako ng mukha dahil sa kahihiyan. "Kaya iba ang trato ninyo sa akin. Kaya laging sinasabi ng kasamahan ko na may special treatment na nagaganap. 'Yung award? For sure, iyon din ang dahilan bakit ako ang napili. For what?"

"You earned—"

"Shut up, Diego! I’m not talking to you!"

"Ysabella," he called softly. Namungay ang mga mata niya at parang nasasaktan.

"Lahat ng iyon nang dahil dito sa babaeng ito—"

Mr. Sandoval cut me off. "She’s still your mother, Hija. "At the very least, respect her."

"Respect? Hindi ko 'yan nanay. Wala akong nanay."

"Ysabella…"

I turned my back at them and shut my eyes. "Umalis na kayo. Wala akong oras para sa kalokohan ninyong 'to."

"Dad, Tita, ako na ho ang bahala rito. Umuwi na kayo," ani Diego.

Napahalakhak ako at may panunuyang tiningnan siya. "Even you. I-alis mo na ang mga gamit mo at lumayas kayo nang sabay-sabay!"

"No. I will stay here."

"Hindi ka ba nagagalit?" I asked Diego and pointed a finger at the woman. "Itong babaeng 'to ang sumira sa pamilya mo. I heard that your real mother died because of the scandal that your father engaged in. At itong babaeng ito ang dahilan!"

Diego’s eyes became bloodshot, and his jaws moved for a clench. "Leave. Ako na ho ang bahala rito."

Napailing ako at natatawa.

"Okay. If this is the right way, aalis na kami."

"Hija, anak."

"Anak," I mumbled. "Nakakatawa pala ang tawagin kang anak ng taong nagluwal sa 'yo, pero pinabayaan lang. Mas pinili ang magandang buhay kaysa sa pamilya."

"That’s not true, Ysabella!"

"Tita, I said leave," mariin na sabi ni Diego. "Umalis na kayo, Dad. Ako na ang bahala rito."

Nang magsara ang pintuan, unti-unti kong naramdaman ang pagkawasak ng puso. Napaupo ako sa sahig at nagsimulang humagulgol. Dinaluhan ako ni Diego at niyakap.

"Hello? Yes. Are you free tonight?" tanong ni Diego sa kung sinong kausap. "I think Ysabella needs you right now."

Nang makalma, tulala akong nakaupo sa couch. Diego cleaned up the whole kitchen. Naroon pa kasi ang mga kalat na gawa niya kanina. I wanted to be alone. Pero nanghihina ako at hindi kayang makipagsagutan sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pintuan, at patakbong lumapit sa akin si Tiya Flor para yakapin.

"Ayos ka lang, Ysa?" she asked me. "Anong nangyari, Diego?"

"Tita Mariella and Dad came here a while ago," Diego answered.

Muli akong binalingan ni Tiya Flor at hinaplos ang pisngi bago muling niyakap. "Okay lang iyon, Ysa."

I scoffed. "Ang kapal ng mukha niyang pumunta rito at magpakita sa akin na parang walang nangyari."

Nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng mga luha ko. But Tiya Flor hushed me. She looked at Diego before facing me again. "Matagal na ang nangyaring iyon, Ysa."

Narinig ko ang pag-alis ni Diego. Lumabas siya ng unit. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Pero base sa narinig ko kanina, alam kong hindi siya aalis ng unit. He will stay here for good. Magalit man ako o magwala.

Tears streamed down my cheeks. "Matagal na, pero 'yong sakit… naririto pa rin, Tiya. She was the reason Papa committed suicide. Siya ang dahilan kung bakit naghirap noon sina Lolo Sandro at Lola Conching sa pagpapalaki sa akin. If it weren’t by her… hindi ako naghirap at nagpakasakit noon!"

"Things happened for a reason, Ysa. Oo. Noon. Nagalit ako kay Ate Mariella dahil niloko niya si Kuya Mario at ipinagpalit sa iba. Pero no’ng nalaman ko ang buong kuwento… naintindihan ko kung bakit nagawa iyon ng mama mo sa papa mo."

Napakurap ako at napatingin nang tuluyan kay Tiya Flor. May luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya pero may ngiti pa rin sa labi niya.

"Naipaliwanag ng Lolo Sandro mo ang lahat sa akin. Alam niya kasi na darating ang araw na ito. Mahihirapan si Ate Mariella na ipaliwanag ang lahat sa 'yo. Dahil alam ni Tatay na matagal na panahon kang nagtanim ng galit diyan sa puso mo."

"Totoong kuwento?"

Tiya Flor nodded. "Kahit ako, nagulat din. It was all Kuya Mario’s fault, Ysa."

"Paano naman naging kasalan lahat ni Papa?" may bahid ng pagdududa sa boses ko.

"Wala akong karapatan na ipaliwanag ang lahat sa 'yo. Pero narito ako para sabihing, bigyan mo ng chance na magpaliwanag ang mama mo. Tanggalin mo muna ang galit at poot diyan sa puso mo."

I don’t know if I will trust Tiya Flor after what she said. Pero si Tiya Flor iyan. She wanted only the best for me. Kaya nga pilit niya akong bina-blind date sa mga kaibigan para maging masaya ako.

It’s true that Diego didn’t leave my place. Lumabas siya kanina ng unit para bumili ng pagkain sa malapit na restaurant. He also bought me strawberry juice. Inabot niya iyon agad sa akin pagkapasok pa lamang niya ng unit.

A teasing smile was etched on Tiya Flor’s lips. Hindi rin naman siya nagkomento sa inakto ni Diego hanggang sa magpaalam para sa trabaho.

I will be honest. After the talk with Tiya Flor and sipping the strawberry juice, my mind calmed. Sabay kaming kumain ni Diego ng hapunan. We were both silent. Nagkakapaan ng tamang oras para magsalita.

"I’m sorry."

"My apologies."

Sabay kaming nagsalita.

He chuckled and put the fork and spoon on his plate. Pinagsalikop niya ang mga kamay at nagpangalumbaba. "You first."

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Sorry sa nangyari kanina. Nabigla lang ako. At dahil na rin sa galit."

"It’s okay. We understand."

"So… anong sasabihin mo?"

He cleared his throat and gulped. "Dad and Tita Mariella invited us to the engagement party later."

Nagbaba ako ng tingin sa plato ko.

"It’s okay if you don’t want to come. Hindi rin ako pupunta."

I took a deep breath before I lifted my face to him and put a small smile on my lips. "Pupunta ako. Maybe this is the best time to talk about the past. Galit pa rin ako sa kanya. But I am willing to hear her story."

Diego smiled brightly. "Thank you, Ysabella."

Nag-ayos kami ni Diego. Elegante ang party kaya kailangan kong mag-ayos ng mukha. I know how to put on makeup, but not like Aira. I'm hoping she here to get me a dress.

Sa huli, isang nude glittering spaghetti strap dress ang sinuot ko. I let my straight hair fall behind my back. Nagsuot na rin ako ng diamond earrings para bumagay sa gown na suot.

The party was really extravagant. Sa mansiyon lang ng mga Sandoval ginanap iyon. It was first time. Kaya dinagsa rin iyon ng mga taga-media. Maraming kilalang businessman din ang dumalo. But I'm not coming here to party. Kaya pagbaba pa lamang ng kotse ni Diego, I already requested him to take me to that woman.

Iyon nga ang ginawa niya. Hindi pa man nagsisimula ang party, hinarap ko na ang babae sa silid niya. Mr. Sandoval was there, but he excused himself and left us alone.

"Thanks God that you came—"

Tumayo siya at akmang yayakapin ako, pero agad ko na siyang pinigilan. "I came because I wanted to hear your side. After this, aalis din agad ako."

Namungay ang mga mata niya. Seeing her dressed up in a black glittering dress made my heart bleed.

"Esmundo is my only love," she started. "Gusto rin ako noong mga oras na iyon ng papa mo. But I didn’t love him."

I took a deep breath. Masakit na marinig ang sinabi niya, I should still give her a chance.

"Lahat… ginawa ni Mario para paghiwalayin kami ni Esmundo. He kidnapped me." Tears fell on her eyes as her lips shivered. "He… raped me, Ysabella."

Tears fell in my eyes, too. To hear that… mas lalong nanikip ang dibdib ko. "So, sinasabi mong ako ang bunga ng… ginawa sa 'yo ni papa?"

"You are the most precious gift I have ever received—"

"Pero hindi mababago niyon na bunga ako ng kawalang hiyaan. Kaya ba… iniwan mo ako? Iniwan mo si papa?"

"Nabaliw noon si Mario. Nang mabalitaang bumalik ng sitio si Esmundo, he threatened us. Papatayin niya ako. Sinasaktan niya ako. Kaya nagawa kong tumakas."

"Then you left me behind him, after those?"

She shook her head. "Hindi ko ginusto, Ysabella. Isasama dapat kita ng mga oras na iyon. But Mario learned about my plan, kaya agad ka niyang inilayo sa akin. Threatening to kill me if I came near you."

"Matagal nang patay si Papa, pero hindi mo ako binalikan."

"Natakot ako, Ysabella. Naduwag."

I watched her cry, devastated that she hadn’t done anything to have me before. She cleared everything up about what really happened ten years ago. But it doesn’t mean that I will forgive her now. Kailangan ko pa rin ng oras… para maghilom.

Ang mag-amang Sandoval ang naabutan ko sa paglabas ng silid na iyon. Parang masinsinan silang nag-uusap. Iiwan ko na sana sila at hindi na istorbohin pa nang magsalita si Mr. Sandoval.

"Give my son a chance, Hija."

Slowly, I turned to him. Diego was wearing his serious face, while his father, smiling too brightly. Ngayon nasa harap ko pareho ang mag-ama, in their black tux, nakikita ko ang malaking pagkakaiba nila.

"If you can’t give your mother a chance right now, please give a try to my son."

I smiled. "Don’t worry, Mr. Sandoval. I already caught the heart of your son. Tanggap ko na. Tatanggapin ko na."

Diego's face lightened up. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, hindi makapaniwala. "What do you mean by that, my Ysabella?"

"Mahal din kita, Diego."

Niyapos ni Diego ang pisngi ko. Dahan-dahan, inilapit niya ang mukha sa akin.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top