CHAPTER 10
I WAS SILENT the whole ride until, finally, the car stopped. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na sa kotse ni Miko sumakay si Aira o mas nanaisin kong sumama na lang siya sa amin. The long stretch of silence between us was awkward. Mas nanaisin ko pa na marinig ang ingay at panunukso ni Aira kaysa mabingi sa sobrang katahimikan.
"Is this the bar that Miko mentioned?"
Finally, he found his own voice. Not that I want to talk with him while we are riding on the EDSA. Hindi lang ako sanay na tahimik siya. O ganito talaga siya. Isang araw pa nga lang pala kami nagkakasama. Hindi ko pa siya kilala nang lubusan.
Pasalamat na rin ako na hindi mabigat ang traffic papuntang BGC, kaya mabilis kaming nakarating rito. Hindi tulad nang biyahe namin papunta sa condominium.
I looked at the window on my side. At nang makita ang iba't ibang ilaw na kumikislap at binabalot ang buong building, I confirmed that this is the new bar in the city. Pasado alas diyes na, pero marami pa rin ang pumapasok sa loob.
"Opo, Sir," I said, not looking at him.
Narinig ko ang pagsinghal niya kasabay nang pag-click ng lock ng pinto.
"Drop the 'sir', Ysabella."
Naramdaman ko ang pagbaba niya, kaya nagmadali kong tinanggal ang pagkaka-lock ng seatbelt at agad akong lumabas ng kotse. His eyes were dark when he approached me. Nakakunot din ang noo niya na para bang bigla siyang nagalit sa kung ano.
"A-Ah... nangangalay na po kasi ako kakaupo, Sir."
Hindi naman kailangan na magpaliwanag, ginawa ko pa rin. I felt that I needed to do it after seeing his annoyed face. It didn't help that he's handsome, and with that growling look on his face, he looked like a model portraying a bad guy.
I swallowed.
"What the two of you are waiting for?" it was Aira. I mentally thank her for her timing. Sabay kaming napatingin ni Diego sa kanya. At ngayong medyo dim ang lugar kung nasaan kami, nadepina ang glittering dress ni Aira. Sumasabay ang pagkinang ng damit niya sa mga ilaw ng building na nasa likod nilang dalawa.
"Come on," Mr. Sandoval's son said in a deep tone.
Inunahan niya ako sa pag-aya! Kaya pairap kong sinundan siya.
"Are you both okay?" may tawa sa tanong na iyon ni Miko, nakapatong ang malaking braso niya sa maliit na balikat ni Aira.
Singhal lang ang sagot ni Diego sa pinsan at nilagpasan silang dalawa, nauna nang lumakad papasok ng building.
"LQ?" panunukso ni Aira.
Inirapan ko siya at nilagpasan na rin silang dalawa.
"Wow! Wala pa nga, nag-aaway na kayo?" pahabol ni Aira. "I cannot believe this!"
Nailing na lang ako nang parehong humagalpak ang tawa nilang magkasintahan.
The whole place was packed, despite its wide space. Iyon kaagad ang napansin ko nang salubungin ako ng babae matapos akong i-check ng dalawang bouncer at iginiya papunta sa reserved table namin. Base sa maikling maong skirt, pulang crop top, at high-heeled sandals niya, isa siya sa mga waitress ng bar.
Everyone was enjoying the night. Punung-puno ang dance floor ng mga nagsasayawan at halos wala na ring bakanteng table sa buong paligid. My nose crinkled when the scent of mixed alcohol, cigarettes, and perfumes penetrated my nostrils. Ilang beses na rin akong nakapasok sa mga bar dahil kay Aira at Tiya Flor, pero ang isang ito ay malala. Siguro dahil na rin sa sobrang dami ng tao. Hindi na well-ventilated dahil siksikan.
"This way, Ma'am," sabay turo niya sa malaking pintuan.
Kaagad kumunot ang noo ko nang may bigla akong naalala.
Diyan kami?
The double door opened. May dalawang lalaking may malalaking katawan ang nagbukas niyon. Nakasuot din sila ng itim na T-shirt na halos mapunit na sa sobrang sikip para sa kanila at maong na pantalon. Ganoon din ang suot ng dalawa sa may entrance.
"S-Salamat..."
I was not sure if I needed to do it, but the way the guy, who's sitting on the black couch facing the door, looked at me darkly, it seemed I shouldn't thank them. What is his problem? Kanina pa siya, ah!
He patted the space beside him. Kaya mas lalong nandilim ang mga mata niya at nagsalubong ang makakapal niyang kilay nang naupo ako sa ibang couch, sa mas maliit.
"Sit h—"
Hindi niya na natapos ang sasabihin sa biglaang pagpasok ng magkasintahan sa silid.
"Wow. I said we needed to enjoy the night! Hindi mo naman sinabi na mapapagastos ka nang sobra para rito sa VIP room."
Sinamaan ng tingin ni Diego ang pinsan na sinuklian naman siya ng tawa nito.
Naupo ang magkasintahan sa couch na katapat ng kinauupuan ni Diego.
"Are we invited here?" Base sa tono ni Aira nang tanungin iyon, alam kong nanunukso muli siya. Kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata nang mapunta ang tingin niya sa akin galing kay Diego.
She chuckled. "So, what are we gonna drink?"
Nang bigkasin iyon ay kaagad nang lumapit ang waitress na siyang naghatid din sa akin sa silid na iyon. Habang ang dalawang lalaki ay lumabas at isinarado na ang pintuan.
"The best drinks you have here," malamig na sabi ni Diego; hindi pa man nakakalapit nang tuluyan ang babae.
"Yes, Sir!"
Habang pinapanood ang paglabas ng waitress, bigla akong nakaramdam ng pagsisisi na sumama pa ako. Puwede naman na tumanggi ako at mas pinili na lang magpahinga sa condo. After what I had been through the whole day with Mr. Sandoval's jackass son, I felt exhausted. Bigla kong naalala rin ang gutom. Hindi pa nga pala ako nakakain ng hapunan.
Isang araw pa lang, papaano ang susunod na mga araw bago dumating si Mr. Sandoval?
I swallowed when I felt the heavy gaze. Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Diego nang balingan ko siya. Mariin at matalim ang tingin niya sa akin. Kaagad din akong nag-iwas at inilibot na lang ang tingin sa buong silid.
Aira chuckled.
May sinabi siya pero hindi ko na nakuha nang ma-busy ako sa pagtingin-tingin sa paligid. The room was netted and clean. Hindi rin dim ang light; hindi tulad sa Mystique na halos hindi mo na mamukhaan ang mga tao. Dim na nga ay pula pa ang kulay ng ilaw. Napaka-sensual. Pero nang mapunta ang tingin ko sa mga cabinets sa gilid, kaagad akong napalunok. Memories started to draw sensually inside my mind.
Ganoon din kaya ang laman ng mga cabinets na iyon?
Diego cleared his throat. Naagaw niya ang pansin ko. He was still looking at me like a hawk when I turned to him.
Narinig ko na naman ang paghalakhak ni Aira. "Hon, I think we shouldn't be here."
"I guess so."
Hindi natinag ang tingin ni Diego sa akin. Napalunok ako at kinabahan. Lalo na nang tumayo sina Aira at Miko.
"S-Saan kayo pupunta?" hindi ko na napigilan na itanong sa dalawa.
A teasing smile was etched on Aira's pink lips. "Sasayaw muna."
"M-Mamaya... na kaya?"
"Just enjoy the night, Ysa!" She chuckled and pulled Miko's hand. "Tara na, Hon."
Wala akong nagawa kundi ang lunukin ang kabang nararamdaman nang tuluyang lumabas ng silid ang dalawa. Aira left me with a teasing wink while Miko looked at his cousin like he was telling him an untold words.
"Are you nervous that you're with me?" he asked.
"H-Ha?" Kaagad akong umiling nang mapagtanto ang gusto niyang ipahiwatig. "H-Hindi ho, Sir. Hindi lang ako sanay na—"
"Not used, being in a bar... or being with me?" Nagtaas siya ng kilay, nanghahamon.
I took a deep breath and shook my head.
"H-Hindi ho, Sir—"
"You're not comfortable that you are with me?"
Hindi ko alam, pero habang nagtatanong siya ay papait nang papait ang tono niya.
What really is his problem?
I wanted to ask him that, but I wasn't in the position to do so. And he's my boss— my future boss if ever he replaces his father's position.
"Hindi naman po sa ganoon, Sir—"
"How many times do I have to tell you to drop the damn 'sir'?" He chuckled, but with no humor.
Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya. Saan ba nanggagaling ang galit niya? He was okay when we left the SEI. Nagawa niya pa ngang mag-confess sa akin. Or was it really a joke? Tinetesting niya lang ako? Not that SEI has a rule against office romance. Pero wala naman. As far as I know, hindi naman ganoon kahigpit ang kompanya tulad ng sa dress code namin. Kung saan kami komportable, doon kami.
"You are my boss' son... it's just right to address you in that way—"
"So, my great father ordered you to do that?" Nagtaas siya ng kilay at umukit ang ngisi sa labi.
I swallowed because I got what that question was about. I wanted to be honest my whole life. Pero kapag ba sinabi ko na "oo" ay lalong magkakalamat ang relasyon nilang mag-ama?
A deep and playful laughter echoed all over the room. "He really ordered. He's your damn boss anyway."
Umiling ako para sana isalba ang reputasyon ni Mr. Sandoval sa kanya. "Hindi ho sa ganoon—"
"Sir?" He completed my sentence. "What if I am your boss starting tonight?"
Napakurap ako. Anong gusto niyang sabihin doon?
"Will you obey my orders?"
"I am just an employee of your family—"
"Ilang babae pa ang nakalinya para i-date ko... after Miss Tanteo?" he asked, almost as cold as the weather in December pushing the summer vibes of June.
Napayuko ako. Guilt started to eat me up. Pinaglaro ko ang mga daliri ko sa bawat isa na para bang inaalala ko kung ilan nga ba? To tell the truth, wala naman. Wala pa naman. Hirap nga rin ako sa pinapagawa ni Mr. Sandoval dahil bukod sa mahirap mangumbinsi ay wala pa akong ibang kilalang babae na papasa sa taste niya.
Miss Tanteo is one of the hottest models in the city. Long legged. Hourglass body. Beauty queen height. Sweet face. I thought she was a good catch for him. Kung hindi nga dahil kay Tiya Flor ay hindi iyon makukumbinsi na siputin ang blind date na naganap. Not that the Sandoval wasn't gold on the plate. Wala lang talaga silang ideya tungkol kay Mr. Diego Sandoval.
Hindi ko nga alam kung sinabi ba ni Tiya Flor na anak ni Mr. Sandoval ang kikitain kaya pumayag si Miss Tanteo.
He laughed again. Nagsalubong ang kilay ko at tanaw ko sa mirror wall sa likuran niya ang nangangasim ko nang hitusra. I needed to calm myself. He's my boss.
"I hope there's nothing next after her," he said.
Napalunok ako, kinalma ang sarili. "Wala na ho!" I stopped myself from adding the word "sir" in my statement. "To tell you honestly, Mr. Sandoval just wants you to find someone to love of—"
"I already found one." He winked. Parang nawala ang galit na umaaligid sa kanya.
"Good for you, Sir."
Sasagot pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan. I hoped it was Aira and her boyfriend. Pero lumubog muli ako sa kumunoy nang matanaw ko ang pulang crop top at maikling maong na skirt.
"Here's the drink, Sir," she said.
Sa likuran ng waitress ay nakasunod ang isang lalaki na nakaitim din na T-shirt na fit. Napagtanto ko na lahat yatang lalaking nagtatrabaho sa bar ay ganoon ang uniporme.
The guy was pushing a cart full of bottles of alcohol. Iba-ibang klase. Pero lahat ay hard drinks.
Diego cleared his throat when I stared at the guy. Parang nagbalik ang maiitim na ulap sa paligid niya. Well, the guy has a handsome face. Maliban sa apat na lalaking naka itim na nakita ko kanina, siya lang ang may magandang mukha.
"Just drop the cart and get out," Diego said, full of commands.
"But, Sir—"
He already cut off the waitress, lifting his black card in the air.
Napalunok ang babae bago tuluyang lumapit sa kinauupuan ni Diego at kinuha ang itim na card. "Iwan mo na lang sa tabi, Jerome, ang cart," utos niya sa lalaki.
Sinunod naman siya nito. And I couldn't tear my eyes from the guy. He looked familiar. Saan ko ba siya nakita?
Napansin yata ng lalaki ang paninitig ko sa kanya, kaya'y namumula ang pisngi niya na yumuko at nagpaalam.
"Are you done gawking at him?" Diego vulgarly asked me.
Hindi pa nakakalabas nang tuluyan ang dalawa kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niyang iyon. Hindi pa nakatulong na narinig iyon ng dalawa at napabaling sa amin.
"Leave," puno ng diin niyang utos sa dalawa. Habang ako ay namimilog ang mga matang nakatingin sa kanya. I couldn't believe him!
"Ano bang problema mo?" Hindi ko na mapigilan na hindi itanong.
His jaw clenched. Himbes na sagutin ang tanong ko ay tumayo siya at kumuha nang bote ng alak sa cart. Base sa kulay orange at brown ng laman ng bote... I was sure it was brandy.
Ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko dahil sa inis. Pagod ako at gutom. At any moment... hindi ko na kayang magtimpi sa kanya. He was really a jackass. An asshole. Panigurado ay walang nagtatagal na babae sa kanya dahil sa ugali niya, kaya hanggang ngayon ay wala siyang nobya.
"I already told you that I want you." Malumanay niyang binigkas ang bawat mga salita. "I like you. Sa tingin mo, sino ang hindi maiinis kung i-blind date ka sa ibang babae ng babaeng gusto mo? Who's the guy who will not get jealous when you watch the woman you like... gawking at another guy?"
Napalunok ako. Nakatuon ang mga mata niya sa bote ng alak, kaya nagawa kong tumitig sa kanya. But when he slowly turned his bloodshot eyes to me... I couldn't help myself but turn my face toward the door. Wishing that Aira and Miko would come up inside. Because I know... I knew he was sincere while saying those words.
"I like you, Ysabella. No. I think... I am already in love with you," napapaos niyang sabi na ikinakurap ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top