Chapter 30
Dedicated to: FaintheartedReiya
I inhaled almost the air around to slow down my heartbeat. I grimace hiding a turmoil inside.
“Bakit ka nangungurot ng pisngi?” inosenteng reklamo ko sa kanya.
His lips curved into a smile as he stood.
“Tara na.”
Nanatili ang pagtitig ko sa kanya. Hindi parin ako tumatayo at ayaw ko nalang matapos ang gabing ‘to.
“Ang random mo ha,” salita ko kasabay no’n ang pagtayo ko.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang exit.
“So, back to you? Same question. I also wanna hear your thoughts,” pangungulit ko.
He stopped.
Napatingin muna siya sa kawalan bago magsalita.
“Like what you said. Relationship isn’t always happy as you think. There are so-called boring days and not literally you will fall out kasi akala mo wala ng excitement. But if you’re committed, then there’s no reason to leave that person because after commitment...there’s love that mostly mababaw lang ang pagkakaintindi ng mga tao.”
I’m amused. Still looking at him. His words...nakaka-in love.
And I think...I might fell harder.
“Are you ready to commit again? If ever meron kang magustuhan?” I curiously asked.
“Of course.”
Suddenly my heart felt rejoiced. I like how his answers went.
“But it looks like you still have feelings for her.” I assured.
“Feelings won’t fade...but the feelings I feel right now is different. Only feelings that she’s was once a part of my life.”
“Kamusta? Nag-kiss ba kayo? Nagkayakapan? Dali, chika mo na!”
Tinapunan ko siya ng bag tiyaka ako umupo sa may deck. Nasa taas siya ng deck ngayon. Wala ang pinsan niya kaya malaya akong humiga rito sa may baba.
“Ano nga! Na-in love ba siya?”
I threw her a disgusted look. “Tanga, ako ang mas na-in love.”
Tumawa lang siya.
“Bakit? Sobrang pogi ba sa personal?” tanong niya ulit.
Inirapan ko lang siya at nagsimula ng magbihis ng komportable.
“Hindi lang pogi. Ang pogi rin ng mindset.” I responded as I start to cleanse my face.
Then suddenly I stopped doing it. Bigla ko naalala na dumapo pala ang kamay niya sa pisngi ko kanina.
Hindi ko tinuloy ang ginagawa at humiga nalang. Kita ko naman ang itsuserang mukha ng kasama ko habang nakatingin dito sa baba.
“Jackpot ka r’yan gurl. Tapos ‘di ba sabi mo criminology? Edi future police ‘yan. Ang laki ng sweldo. Pwede ka ng tumigil sa engineering.”
Natawa lang ako at pailing-iling na nakatingin sa kanya.
“Edi sobrang wala na talaga akong kwenta n’yan. At anong jackpot, hindi naman niya ako nililigawan.”
She made a face. “Ano? Bakit?”
"Aside sa bawal pa ako, hindi no’n ako type. Itulog ko nalang ‘to.”
Kasabay no’n ay ang pagtalikod ko sa kanya.
“Hindi kayo kumain sa Mcdo o Jollibee man lang? 'Nubayan, walang pasalubong.”
Napairap ako sa hangin. “Sino ka ba, at nag-usap lang kami. Iyon lang nangyari. Nothing more, nothing less.”
“Ay ganun, boring naman.”
Hindi ko nalang siya pinansin at akmang pipikit na sana nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinapa at sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang nasa kabilang linya.
“Sino ‘to?” I yawned.
“Nasaan ka ba? Mag-a-alas diyes na. Gagawa pa ba tayo ng project?”
Wala sa oras akong napabangon.
Gagi, nawala sa isip ko.
“Na pa’no ka?”
It’s Jastine, confused of my action. I couldn’t respond immediately. Kinuha ko muna ang manuscript sa bag.
“May project pa pala kami,” sagot ko.
Tumawa naman siya ng nakakaasar.
“Ayan, date pa more!”
Hindi ko na siya pinansin at agad na akong lumabas ng kwarto. May lamesa sa labas ng boarding house at doon na ako pumuwesto.
Me:
lika na, nasa labas ako ng bh nila Jastine. dala ka laptop ah
Malapit lang ang boarding house ni Nina sa boarding house namin kaya pwede lang lakarin. Si Nina lang ang kasama ko ngayon sa capstone project. Tatlo sana kami kaso tinanggal namin ang isang kasama.
Reason? Irresponsible.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakita ko na nga siyang papalit sa banda ko. May dala-dalang laptop at mga junk foods.
“May pitsel kayo?” bungad na tanong niya.
Luh, anong plano nito?
“Mag-nestea tayo,” dagdag niya at napatango agad ako.
Bumalik ako sa kwarto at hiniram muna ang pitsel nina Jastine. Inalok ko siya kung gusto niyang humingi pero umayaw lang siya. Malamig kasi.
We start to revise our Chapter 1-3. Kailangan naming matapos ‘to hangga’t hindi pa nagsisimula ang klase para maka-schedule kami ng defense agad.
“Ikaw sa significance of the study, ako sa scope and limitation. Tapos tayong dalawa sa conceptual framework,” mahabang saad ko.
Pumayag naman siya. Pinaghahatian namin ngayon ang mga parts. Hanggang matapos namin ito hanggang Chapter 3, the methodology.
Naabutan kami ng madaling araw at kailangan niya na ring umuwi. Buti walang curfew sa boarding house nila.
Bumalik na rin ako sa kwarto at naabutan ko si Jastine na tulog na. Inayos ko na rin ang mga gamit at humiga agad sa deck.
Nagising akong nagluluto na ang kasama ng pancit canton. I checked the time and it’s already 10 o’clock.
Medyo tanghali akong nagising napuyat ba naman kagabi.
“Anong oras ka uuwi sa inyo?” tanong niya nang maramdaman niyang nag-aayos na ako ng higaan.
“Mamayang ala-una siguro.”
Inaya na niya akong kumain at sinaluhan ko na siya. Siya na rin ang nag-volunteer na maghugas. Para lang talaga akong prinsesang bisita niya.
Medyo nilinis ko nalang ang room at nagbihis pagkatapos. Sa bahay na siguro ako maliligo.
Nang maayos ang sarili ay nagka-energy akong mag-selfie at mi-nyday agad ito. Of course, with limited audience. Iyong target ko lang.
Jhon loves your story
My stomach squeezes. Para ng mapunit ang labi ko kaka-ngiti.
Mas lalo pa akong nangiti ng mag-reply pa ito.
Jhon replied to your story:
baby face masyado
Me: i’ll take this as a compliment
Me: nakaka-ante kaya sa college
Jhon:
that’s true pero bakit ikaw hindi
Mas lalo lang nadagdagan ang kilig na nararamdaman ko. Natigil lang 'yon ng muli ng pumasok si Jastine dala-dala ang mga pinaghugasang pinggan.
“Sinasabi ko sa ‘yo Mazie. Sa una lang ‘yan masaya.”
I grimaced. “Panira!”
Napabalik lang ang ngiti ko nang mag-message ulit si Jhon.
Jhon:
haha tagal mo mag-myday ulit
Me:
once in a month lang ako nagma-myday
He didn’t respond immediately. Nakita ko namang typing na siya kaya naghintay nalang ako.
Jhon:
wala kayong class right now?
Me:
wala pa, next week na ata. process palang enrollment form namin.
Jhon:
ilang subs pala ti-nake mo ngayon?
Me:
dalawa lang kasi may limit na, nasa policy.
Jhon:
next sem makukuha mo lahat ‘yang natira?
Me:
depende kung maipasa ko itong dalawa ngayon. dahil kung hindi, debar malala. rest for a year.
Jhon: i know u can do it.
Jhon: wait nasa bahay ka ninyo ngayon?
I smiled when cheesy thoughts came up my mind.
Me:
why? puntahan mo ‘ko?
Jhon:
sana, kaso idk your address.
I dropped my phone intentionally and cover my face a pillow.
Bwesit.
Nang mahimasmasan sa kilig ay hinawakan ko ulit ang phone. Typing my flirty message.
Me: i’ll send it to you if you want
Me: charot bye muna, i need to get ready now uwi na ‘ko sa ‘min
Jhon:
sige ingat
Me:
salamat, pero baka ma-miss mo ‘ko ha dejoke ulit bye
My hand doesn’t want to stop typing.
Jhon:
dami mo ng banat ah nalalamangan na ‘ko.
I laughed hard, enjoying our conversation.
Me:
hina mo kasi
Jhon:
ah gusto mo talaga
I stopped to let myself breathe normally.
Me:
sige nga pakita mo kung sino ka
Jhon:
haha aba ang strict parents
And I pouted.
Me: ayan inuulit-ulit
Me: okay bye for real
Jhon: goodluck for the incoming sem
Jhon: i’m rooting for you:)
i’m rooting for you.
Pwede na bang humimlay?
Ito lang ang salitang hindi ako na-pi-pressure. It motivates me instead to try harder.
Sa saya ay pinakita ko pa ang salitang ‘yon kay Jastine para inggitin siya. Binigyan lang niya ako ng mapang-asar na mukha.
“Edi sanaol, i-ghost ka rin n’yan.”
Pinandilatan ko siya ng mata at nagpaalam nalang na umuwi na. I texted Papa na magpasundo ako.
Simula no’ng nangyari sa tricycle. Takot na ‘kong mag-commute. I didn’t tell anyone about it. Ipinagpapasalamat ko nalang na walang nangyari.
Hindi ako nagalaw.
I thank havens for that.
I called Papa’s number and expecting he’s the one who’ll answer.
“M-mazie...”
It’s Mama’s voice, shaking. And I began to shake too.
I don’t want to think that something’s happened. I don’t want to think that it’s bad news.
“M-ma, si Papa?”
“Nasa hospital ang papa mo, na-aksidente. Nahiwa niya ang kamay niya Mazie...m-muntik ng maputol!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top